Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 16

Chapter 16

 

Alisa’s POV

“Shet. Tinulugan lang tayo ni Ivan.” Sabi naman ni Vince.

“Eh nakailang bote na pala eh. Pati yung akin inumin na din. Hindi ko man lang napansin. Ang sarap kasi ng kwentuhan natin.” Sabi naman ni Josh.

Agad naman akong napatingin sa relo ko.. Hala, 1:43am na pala. Napa-sarap nga ang kwentuhan namin.

“Hmm, uuwi ko na si Ivan ha? Umaga na pala. Hindi pa ako nakapagpaalam.” Sabi ko dito. At inilagay ang isang kamay ni Ivan sa balikat ko.

“Sige, ingat kayo. Ingat sa pagdadrive.” Sabi naman ni Vince dahilanan para mapatigil ako sa paglalakad ko. At naalala ko na hindi nga pala ako marunong mag-drive. Kaya bumalik ako kaagad sa pwesto nina Vince.

“Oh, bakit? May nakalimutan ka?” Tanong nito sa akin.

“Hindi ako marunong mag-drive eh.” Sabi ko naman.

“Hahahahhahahah! Dapat kanina mo pa sinabi. Sige, Vince, hatid ko lang to. Dito ka lang. Babalik ako. Wag mung subukang umalis dahil may usapan tayo na hanggang 2am tayo dito.” Sabi nito.

“Sure. Wait kita. At ako’y…mambibiktima lang.” Sabay kindat pa nito sa amin at tumayo na papuntang dance floor at nakipagsayaw na sa mga seksing babae nandun. Si bestfriend daw ang gusto nya ha. =_=

Tinulungan naman ako ni Josh na buhatin palabas ng bar si Ivan.

“Paano ka makakauwi mamaya?” Tanong ko sa kanya pagkasakay namin ng sasakyan ni Ivan. Nakahiga sya sa may lap ko. Nasa may likod kami ng driver seat.

“Uso din naman sa akin ang mag-pamasahe pabalik dito. Hehe.” Sabi naman nito. 

“Ah. Hehe. Sigesige. Sorry sa abala ha.” Sabi ko naman sa kanya.

“No worries. What are friends for.” Napangiti ako sa sinabi nya. Kung sa unang tingin, aakalin mo na sila yung barkadang tipong sobrang yabang, basugelero, masungit…pero, nagkakamali ka. Ganun din ang tingin ko sa kanilang apat noon… kasama si Aaron noon na ngayon ay wala na. Hindi ko akalain na may good sides pala silang ituturing.

“Why do I love you this much, Ivan…”  Sabi ko sa utak ko habang hinihimas-himas ang buhok nya at tinititigan ang kanyang mukha.

Napatingin nalang ako sa bintana….bakit biglaan nalang ako nakaramdam ng lungkot?

                                                                   ****

“Woah! Ang bigat ni Ivan ha.” Sabay pahid ng pawis ni Josh pagkalapag kay Ivan sa kama nito. Tulog na din daw si Tita Rowena sabi nung katulong.

“Aliyah, hatid na kita sa inyo.” Sabi nito, “Ibabalik ko nalang ulit yung sasakyan ni Ivan pagkahatid ko sayo.” Sabi nito.

“Sige, una ka ng bumaba. Sunod nalang ako.” Sabi ko sa kanya.

“Sige.” Ngumiti ito at lumabas na ng kwarto ni Ivan. Umupo naman ako sa side ng kama ni Ivan. Isang anghel yata ang tinititigan ko ngayon. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti. Pero, nawala lahat ang ngiti ko ng makita ang larawan ni Ianne sa gilid ng kama ni Ivan. Katabi ng lampshade. Dalawang frame ang nandun, isang picture ni Ianne at picture nilang dalawa.

Napabalik naman ang tingin ko sa natutulog na Ivan…

 “Ianne…mahal kita. Wag mo kung iwan, please..”  Sambit nya dahilanan para may tumulo na namang luha sa mga mata ko.

“What should I do to make you love me like the way I love you?”

 

 

Ivan’s POV

“Aysh…” Sabay hawak ko sa ulo ko. Nahihirapan din akong tumayo mula sa kinahihigaan ko. Oo nga pala, nalasing nga pala ako kagabi. Ang huli ko lang naalala, nagiinom ako habang napapasarap ang kwentuhan nung tatlo about kay Austin. Hanggang dun lang ang naalala ko. Hindi ko na din alam kung paano ako nakauwi.

Siguro hinatid ako nina Vince at sila na mismo ang naghatid kay Alisa. Buti nalang at Saturday ngayon.

*TOKTOK*

“Sir, pinapatawag po kayo ni Mam.” Sabi ni Manang mula sa pintuan.

“Sige po Manang. Sunod na ko.” Sabi ko naman.

Pilit kung tumayo na mula sa kinahihigaan ko. Ang sakit ng ulo ko. o.o

“So, sabihin mo naman sa akin kung bakit naisipan mo na namang mag-lasing kagabi?” Bungad kaagad sa akin ni Mama pagkababa ko.

“Dahil ba na naman kay Ia------“

“Ma! It has nothing to do with Ianne, okay? Gusto ko lang uminom!” Sabi ko dito. Hindi rin ako sanay makipagtalo kay Mama dahil minsan nya lang ako pagsabihan at lagi akong nasunod sa kanya. Pagdating lang kay Ianne kami nagtatalo.

“Son, she’s in relationship with Aaron, your friend. Will you stop ----“

“I KNOW THAT MOM! I FUCKING KNOW THAT.”

“And will you tell me, why you’re with Alisa yesterday night, daughter of Allie. Why you’re with her?”

“Coz’ she’s my girlfriend, ok?”

“G-Girlfriend?” Akmang papanik na ko pero pinigilan ako ni Mama, “Girlfriend? Wait.. why you’re having a girlfriend? And you still don’t forget your ex? No Ivan. Hindi kita pinalaki para manggamit ng iba.” Sabi nito sa kin.

“Mom, in the first place, alam ni Alisa yun. And, pumayag sya na maging kami.”

“IVAN!!!!! I can’t beli---“

“Mom! Buhay ko to! Magdedesisyon ako kung ano ang gusto ko at ang gugustuhin ko. Wag na kayong makikielam kung anong meron kami ni Alisa ngayon.” Sabi ko dito at muli ng pumanik sa itaas at bumalik sa kwarto ko.

Ang alam ko lang Ma, galit ako... Galit ako dahil iniwan ako ni Ianne. Galit ako dahil masaya sya sa piling nya…sa piling ng kaibigan ko. Galit ako dahil wala na kung maisip na paraan para bawiin sya kay Aaron. Galit ako dahil ni-minsan hindi nya ko naisipang mahalin. Galit ako dahil ginawa nya lang ako panakip-butas. Panahon naman siguro para maranasan ko na ako mismo ang magkakaroon ng panakip-butas?

 

 

Kyla’s POV

Dumaan ang sabado at linggo. Buong araw akong nakaharap sa laptop ko. Syempre, kailangan ko ng latest news about sa Austin ko. :”))

Waaaaah. Ilang weeks nalang uuwi na sya ng Pinas. Naiisip ko pa lang ang pagdating nya….baka, magwala na ko. Waaaaah. Ang kwarto ko nga punong-puno na ng poster nya. At eto, pinapakinggan ko pa yung cover nya ng beautiful soul and other songs. Sh*t. Ang HOT ng boses. Sa twitter, kahit kapatid nya, inii-stalk ko. May pagka-casanova nga daw. Mas matanda lang kay Austin ng isang taon.

Nung nag-search ako about his ex…walang nalabas. Tss. Baka private? O wala talaga? Bwahhahahah! At ako ang magiging first nyaaaa! Uwaaaa. Tas ang dami ring ibang celebrity na nalilink sa kanya. Tsk. Mas maganda naman ako sa kanila! Naka-make up lang sila. Hmmf.

Habang nagdedaydream ko…biglang nagvibrate ang cp ko.

Pssst.

Ha? Sino to? Unknown number kasi ang nakalagay.

Ok. Who the hell are you?!

Mataray na reply ko naman.

Vince.

Matipid nitong reply. WHAT!?! VINCE? HOW??? DID HE GET MY NUMBER?!!!

Syempre, hindi ko na nireplayan. Duh. Hindi ako magsasayang ng load para lang sa lalaking yan. Kahit unli ako. :P

Alisa’s POV

“Wifey…” Sabay yakap ni Ivan sa kin patalikod Hindi ko alam pero, nagiging sweet na sya sa akin these past few days. :”> 1 week passed after nung nalasing at nakatulog sya sa bar at ako ang naghatid sa kanya pauwi, at eto,,,pagpasok ko ng Lunes…hindi ko alam kung bakit…paano. Basta sinalubong nya agad ako, at niyakap. At dun na nagsimula ang pagiging sweet nya sa akin. Syempre ako nagulat pati na din si bestfriend.

“Hmm? Why hubby?” Sabi ko naman. Oo, tawag ko na sa kanya ngayon ay “hubby”. At alam na din ng buong campus ang about sa aming dalawa. Yes, buong campus. Sikat kasi si Ivan. Heartthrob nga sya eh. Kaya ako…eto, napakadaming haters. =_= Lalong-lalo na sina Venice.

“I miss you.” Sambit nya. GOSHHHHH!!! Kinikilig ako. Hihihihi. :’3

“I miss you too.” Sabi ko naman sa kanya. :”>

*Tsup*

O.O He…kissed…me..on the lips. Smack lang. Pero….sa saglit na kiss na yun..parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. That’s my first kiss.

Is he really over with Ianne?

 

Katagang pumasok bigla sa isipan ko. Sana nga….

Sana nga kaya ganto na ang pakikitungo nya sa kin ngayon ay dahil limot na nya si Ianne.

Sana nga…ako na ang mahal nya. Kahit ilang linggo pa lang kami…

Dahil lalo na ngayon…mas lalo ko na syang mahal.

Yung tipong lahat, handa ko ng ibigay sa kanya.

Yung tipong kahit maliit lang na bagay ang gawin nya..sobra akong nasasaktan.

Lalo na’t nakapalibot pa din sa kanya ang mga babae dito sa campus.

Wala din naman akong magawa dahil alam kong sya mismo….

Gusto nya yun.

 

“Bukas na laban mo ah. Galingan mo ha.” Sabi ko sa kanya pagkaupo namin sa bench sa may campus ground.

“Oo naman.” Sabay kindat pa sa kin. Ohmaaaaaaayyygaaad.

“Hehe.” Tipid kong sabi. Bakit? Kasi…kinikilig ako. :”>

“Hmm, wifey, basta ha. Kailangan nandun ka.” Sabi nya naman sa akin.

“Oo naman. Hinding-hindi ako mawawala sa laban ng hubby ko noh.” Sabi ko naman habang pinupunasan ang pawis nya. *o* Ba’t ganun? Kahit pawis na pawis na sya, ang bango bango pa din nya? At mas lalo syang nagiging HOT. ;)))

*Tsup*

At yun..hinalikan na naman nya ako. Sa cheeks naman. :”>

“You know..you’re so cute while blushing.” He said. At ayun, mas lalo akong nag-blush. =_=

Hindi ko alam pero, hindi ko talaga ine-expect na magiging kami ni Ivan dahil dati isang hamak lang na ako na obsessed na bosessed sa kanya at palihim syang binibigyan ng lunch and gifts. Pero ngayon, kami na. ;)

 

Nagkwentuhan lang kami ni Ivan ng kung ano-ano. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang kwentuhan namin basta inabot kami ng 5pm sa may bench sa campus ground. Basta ang alam ko lang, nagiging comfortable na kami sa isa’t isa. Hindi na tulad ng dati na parang hindi kami.

Hinatid naman nya ako pauwi. At syempre, may kiss and hug na bago sya umalis. Konti nalang siguro, mamahalin nya na din ako tulad ng pagmamahal nya kay Ianne. Mali….mas higit pa dun.

“Hi Ate Sarah!!” Sabay bati ko kayAte Sarah pagkapasok ko ng bahay. ^__^ Sanay na din naman ito sa kulit at ingay kong to. Pag papauwi na ko galing school, ganun din ako kasaya noon kapag nakakasilay ako kay Ivan. Ay, mali…Ngayon, tripleng saya pala ang nararamdaman ko.

“Mam, nakahanda na po ang pagkain. Mukhang ang saya nyo po ah.” Sabi naman ni Ate Sarah.

“Hahahhaha. Parang hindi naman kayo nasanay sa kin Ate Sarah.” Sabi ko naman.

“Ate Sarah, may kwen----- Ma, Dad! Andito pala kayo.” Ikukwento ko sana kay Ate Sarah ang nangyari sa kin ngayon. Sa bahay, si Ate Sarah ang nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa kin. Pati na din ang about sa relasyon namin ni Ivan. Kahit nung simula din, alam din ni Ate Sarah ang magiging role ko. Pero, sa tingin ko naman ngayon….hindi, parang nagkamali ako. Binigyan lang siguro ako ni Ivan ng chance para sa pagmamahahal na noon ko pa hinahangad. Ako lang ang nag-isip sa sarili ko ang pagiging rebound. Pero…ganun naman di ba yun di ba? Hindi naman kami makakapasok sa gantong sitwasyon kung hindi sya sinaktan ni Ianne.

Ayshhhh! Nasakit ang ulo ko kakaisip! Basta ang alam ko lang! Mahal ko si Ivan at mahal NA nya ako. PERIOD.

“Baby, I’m talking to you. What’s on your mind?” Ay, kinakausap pala ako ni Dad.

“Ah. Hehehe. Hi Dad! Hi Ma!” Sabay halik ko sa cheeks nila.

“Kamusta school?” Tanong naman ni Mama.

“Ok naman po. Hehe. Saka nga po pala Ma, manonood po ako ng laban ng basketball bukas ha. Wala din po kasi kaming pasok nun eh. Saka po, sa umaga po may aasikasuhin lang po ako sa Lagunian.” Pagpapaalam ko naman.

“Sig---- Teka, anong oras ba yung papanoodin mong laban ng basketball?” Tanong sa akin ni Mama.

Kumuha naman ako ng ‘Fruit Salad’. Waaaah. So SARAP! Hmmm. Delicious. Hihihi. :’3

“Po? Ay, mga 3pm po siguro ang start nun. Tas, mga 10am, to 2pm, may Lagunian po ako. Ang dami po kasi naming aasikasuhin mga trainors, mga articles na ilalabas sa dyaryo ng school. Bakit po?” Tanong ko naman.

“Anak, nakalimutan mo na yata. May family reunion tayo bukas. All Lopez’s relatives, dapat nandun. And, why it has to be the same time?” Sabi nito.

Oh my…

*FLASHBACK

“Gabi na anak ah. San ka galing?” Bungad kaagad sa akin ni Mama pagkadating ko ng bahay. Nakalimutan ko nga pala magpaalam. =_=

Sh*t. A-Anong sasabihin ko? :O

“Ah….ano po eh…”

“Ok, pagbibigyan kita ngayon. Basta sa family reunion natin sa 19, andun ka. Last time, di ka na nakasama dahil may sakit ka. Kaya, kailangan andun ka na. Okay?” Pagkatapos sabihin ni Mama ang salitang mga yun na hindi ko naman naintindihan dahil sa sobrang antok ko. At ako naman, eto..tango lang ng tango. Hinalikan ako nito sa pisngi at umakyat na.

*END OF FLASHBACK

 

Oh nooooo. What’am gonna do?

“Anak, wag mung sabihing hindi ka na naman sasama sa reunion ha.  At mas pipiliin mo pang manood ng laro na basketball na yan.” Sabi nito. Every 5 years kasi nagkakaroon kami ng family reunion. Hindi ko alam pero, talagang nakasanayan na to ng mga Lopez.

Napapikit nalang ako. Pinagiisipan ko kasi. Paano na…..

“Baby, that game? I’m pretty sure it’s not that important. Just cancel everything what are you gonna do after your meeting in Lagunian. Okay?” Dad said. Hindi ko alam pero pag si Dad na ang nagsalita. Napapa-oo ako bigla. Hindi sa takot ako. Hindi lang ako sanay na nadidissapoint ko sya.

“Opo.” Nakatungo kong sabi. Gosh. Pano na?! Kailangan andun din ako sa laban ni Ivan. Hindi ako pwedeng mawala dun. Eto ang kauna-unahang mapapanood ko ang laban ni Ivan na kami na mismo. Dati kasi, isa lang naman akong baliw sa kanya. Pero, ngayon..iba na. Kami na eh. Syempre, dapat andun ang girlfriend. Moral support man lang para sa boyfriend.

Lord, why it has to be the same date and same time? :’(((

To be continued..

 

*

[A/N: Dedication to her for the new cover! yieee! ang ganda ganda po! Thank you po talaga! :)] 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: