Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 15

 

Chapter 15

Ivan’s POV

Umagang-umaga si Ianne agad ang napasok sa isip ko. Naalala ko tuloy noong kami pa. Isang beses, dito sya natulog sa bahay. Magkatabi kami sa kama. Habang tulog sya, pinagmamasdan ko lang sya. Ni-hindi nga ako natulog noon eh, mas gugustuhin kung pagmasdan ang mukha ng mahal ko. At sinong mag-aakala na maghihiwalay pala kami.

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para itext si Alisa.

Sunduin kita maya sa bahay nyo ng 9pm.

-sent-

 

Oras na para manggamit. Ginamit lang naman ako ni Ianne, di ba? Gusto ko naman i-try na ako mismo yung manggamit. Masaya siguro yun.

Agad din akong pumunta sa desktop ko. Pinagmasdan ko ang desktop wallpaper ko, kami ni Ianne. Sobrang sweet namin dito sa picture na to. Yung tipong, parang ayaw na namin maghiwalay. Pero, lahat pala ng bagay….nababaligtad nalang sa isang iglap.

Binuksan ko din ang facebook ko…as usual, ang dami na namang friend requests, messages, at sabog na naman ang notifications ko. Pumunta din ako sa profile ko, ang daming naka-post sa wall ko. Kung ano-ano ang mga tanong tungkol sa amin ni Alisa. Pero, agad din naman akong pumunta sa profile ni Ianne.

In a relationship with Aaron Santiago.

 

Profile picture at cover photo din nya ang picture nila ni Aaron. Sobrang sweet nila. Habang tinititigan ko yung picture nilang dalawa, hindi ko mapigilan ang may tumulong luha sa mga mata ko.

Dapat tayo to Ianne. Bakit kailangang dumating sa punto na maglapit ulit ang landas nyong dalawa?

 

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Alisa.

 

 

Alisa’s POV

Sunduin kita maya sa bahay nyo ng 9pm.

 

9pm? Hindi ba’t masyadong gabi? Nagpalit na din pala kami ng number sa isa’t isa. Grabeh naman kung kami na tas wala pa din kaming number ng isa’t isa.

Masaya naman ako dahil alam kung magwowork-out ang relationship namin. At kila Venice ko na mismo narinig na sinabi daw ni Ivan na…

“Sinong rebound? Sa pagkakaalam ko, mahal ko yung babaeng kinikilala mong rebound.”

 

Ayan kasi ang bulong-bulungan sa room.Ibig sabihin….kahit pinili kung maging rebound, para kay Ivan. Hindi naman talaga ako rebound dahil…mahal na nya ako?

Ayshhh! Ni-minsan nga di pa nya ako sinasabihang mahal nya ko eh.

Hayyyy, Ivan….naguguluhan ako sa tunay na nararamdaman mo.

                                                                   ****

Andito ako ngayon sa kwarto ko, inaayos ang sarili ko. Susunduin kasi ako ni Ivan, baka may pupuntahan kami. Hindi na din ako nakapagpaalam dahil wala naman sina Mommy at Dad sa bahay. Lagi naman eh.

*TOKTOK*

“Mam, andyan na po si Sir Ivan.” Sabi ni Ate Sarah mula sa pintuan.

“Sige po. Susunod na ko.” Sabi ko naman. Naka-pants lang ako, at simpleng t-shirts lang na naka-doll shoes. At syempre, may dala akong small bag.

Pagkababa ko, naka-jeans at polo naman si Ivan. Nginitian nya lang ako at nauna ng maglakad sa sasakyan nya.

Alisa, masasanay ka din.

 

Pagkasakay namin ng sasakyan nya. May binato sya sa aking paper bag.

“Sabi na nga ba ganyang ang isusuot mo. Suot mo yang nasa loob. Sa bar tayo pupunta.” Sabi naman nya. Nagulat ako sa sinabi nya. Pero, mas nagulat ako nung makita ko ang nasa loob ng paper bag.

Hindi kasi ako masyadong nagshoshort. Pati, tingin ko masyadong maikli tong pang-itaas para sa kin.

“I-Ivan, i-susuot ko t-to? Ikaw na m-mismo nagsabing sa b-bar tayo p-pupunta. Hindi ba’t masyadong b-bastusin tong damit na t-to?” Sabi ko sa kanya.

“Mas nakakahiya naman ang suot mo. For sure, lahat ng babae dun naka-ganun. Ikaw lang ang naiiba. Wag ka ng madaming reklamo. Magpalit ka na.” Sabi nito.

“Pero Ivan….”

“Kung ayaw mo, bumaba ka na. Ako nalang ang pupunta.”Malamig nyang sabi.

Ivan…..

 

“Hindi.Sige, wait lang. Papalit lang ako sa bahay.” Sabi ko at agad na akong bumaba ng sasakyan.

Ivan’s POV

“Ma-swerte ka kasi merong taong nagmamahal sayo, yung taong sinisiksik ang sarili nya makapasok lang sa buhay mo.”

 

Salitang tumatak sa isipan ko. Sinabi sa akin ni Vince yan. Tama sya. Ma-swerte ako dahil may Alisa ako. Pero, hindi.Si Ianne talaga ang mahal ko.

10 minutes bago sya bumalik sa sasakyan ko. Maganda naman sya eh. Napaka-simple nya lang talaga. Alam kung medyo naiilang pa sya sa suot nya.

15 minutes bago din kami makadating sa bar. Sumalubong kaagad sa min sina Vince at Josh. Nauuna akong maglakad kesa sa kanya. Nakayakap naman sya sa sarili nya.

Hindi ko naman sya pilit sinama ah. Sya ang may kagustuhan pang sumama dito. Manigas sya dyan.

Umupo naman kami nila Vince at Josh sa lagi naming inuupuan. Si Josh naman, tumabi kay Alisa at binigyan ito ng jacket.May lumapit sa ming mga babae, nginitian nila kami ni Vince at umupo na sa tabi namin.

Game on.

 

She sat on my lap and gave me a passionate kiss that I’ve been responded. She hugged me tighter when my kisses went down on her neck with my one hand rubbing her waist under her shirt.

Alisa’s POV

She’s kissing another girl….

 

In front of me…In front of her… girlfriend.

 

“Alisa….” Sambit ni Josh. Hindi ko namalayang naluluha na pala ako. Kaya kaagad kung pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.

“Ok ka lang?” Tanong sa akin ni Josh sabay himas sa likod ko.

“Hehe. Okay lang ako.” Sabi ko naman, “Sige, c.r lang ako.” At nag-fake smile ako bago tumayo papuntang ladies room.

-

Nakaharap ako ngayon sa salamin…

Kaya ba nya ko pinapunta dito para makita yon?

Pinahid ko na naman ang mga luha sa mga mata ko.

 

Kaya ba nya ko sinama dito para saktan?

 

Alisa….stop crying.

 

Inayos kong muli ang sarili ko.

“Tch. Makikipaghalikan lang dun pa sa mukhang hito.” Natatawang sabi ko habang hinuhugasan ang kamay ko, “Aba! Hindi naman ako papayag na lubusin nung hitong yun ang labi ng mahal ko. Tss. Makikita nya!” Sabi ko sa sarili ko at lumabas na.

Ivan’s POV

We’re still kissing. And my hands are still on her wa-----

“Awchhh!!! Get off your hands on my ha----!! Stop it!!” Sigaw nung babaeng….di ko kilala. Nagulat nalang ako nung biglang may humila sa kanya. Teka…si Alisa?

“HOY HITO!!! GRABE HA! KOTANG-KOTA KA NA! KANINA MO PA NILULUBOS ANG LABI NG BOYFRIEND KO!!” Sigaw ni Alisa dahilanan para magsitinginan ang lahat ng tao dito sa bar.

O.O Kaming tatlo…ganto ang itsura namin.

Patuloy pa din sa pagsasabunot si Alisa sa buhok nung hito…este nung babae, agad din namang kaming tumayo para pigilan si Alisa.

“AHAHHAHAHAHAHAHAHAHHA!” Tawa naman ni Josh nung bumitaw sa buhok si Alisa nung babae. Agad din namang tumakbo paalis yung babae.

“AHHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!” Tawa din naman ni Vince, “Woah! Alisa! Ang galing mo!! Idol na kita! Hahahahahahha! Biruin mo yon, amazona ka pala!” Tawa na naman ni Vince.

“HAHAHAHAHHAHAHAHAHHA!” Dahilanan para matawa na din si Alisa, “Kasi sya eh, grabe kung lasapin ang labi ng boyfriend ko. Tss.” Sabi naman ni Alisa.

“Halika na nga, umupo muna tayo.” Sabi naman ni Josh, “Inumin mo muna to oh.” Sabay abot ng tequila kay Alisa.

“Ayoko. Di ko type ang lasa nyan eh.” Sabi naman nito.

“Hoy ikaw Ivan, kung makikipaghalikan ka lang, siguraduhin mo dung sa maganda talaga. Hindi dun sa mukhang hito! Kainis to.” Sabay upo ng padabog sa upuan.

Hindi ko alam pero….bakit ang cute nya.

Nakakailang inom na ko, at sa kanya lang nakatingin ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit…basta, parang may iba. Kina Josh itong bar kaya walang problema.Kahit menor-edad kami, basta kaming magbabarkada…pwede dito.

Alisa’s POV

“Hehehehehe! Talaga, may crush si Vince kay bestfriend? Hahahahhaa.Yieee. Ikaw Vince ha, may lihim ka palang pagtingin sa bestfriend ko.” Sabi ko naman. Nakakatuwa lang dahil ka-close ko na kaagad ang barkada ni Ivan. Si Ivan naman, ay nako….walang tigil sa kakainom. Well, hindi naman yata nalalasing to eh.

“Hahahhahaha.Sikreto lang yun Alisa.” Sabi naman sa akin ni Josh.

“Hayop ka Pre! Ang tagal kung pinanghawakan yung sikreto kong yun! Tas ibubunyag mo nalang ng basta-basta. How dare you!” Sabi naman ni Vince. HAHAHAHHA

“Gusto mo, help kita kay bestfriend?” Alok kong tanong.

“S-Seryoso ka b-ba sa s-sinasabi mo?”Halatang nagulat si Vince.

“Oo naman. Bakit naman hindi? Hahahhahaha.Saka, sobra kaya akong nag-eenjoy pag nag-aasaran kayo. ^__^ Hindi ko naman akalain na..mahuhulog ka pala dahil dun. Hahahahha.” Sabi ko.

“Ako nga din eh. Hindi ko din akalain eh. Basta, pagpasok ko nalang ng isang araw, pag nakikita ko siya buo na ang araw ko. Mas lalo na pag nagkakaasaran kami, napapansin nya ko. Pero, sa tingin ko….asar at galit ang nararamdaman nya sa kin.” Sabi naman nito.

“Pano mo nalaman?HAHAHAHHAHAHHAA.Tama ka. Ayun nga nararamdaman ni bestfriend sayo! Hehehehehe. Saka, ang crush lang naman ni bestfriend ay isang celebrity. Alam ng buong mundo na walang pag-asa si bestfriend dun. Kaya, malaki pa ang chance mo! Hehehehehe.Di ba Josh?!! ^_^”

“Hahahahahha.Oo nga Vince.Napakalaki. Kaya kung ako sayo, ligawan mo na!”

“Hahahahhahaa. Oo nga! Wag kang mag-alala dun sa… ano nga palang name nun? Teka…basta model ng bench eh, na sa pagkakaalam ko, artist at singer din.”

“Si…Si AUSTIN SALVATORRE?!!” Sabay na sabi ni Vince at Josh.

“Ah! Tama yun nga! Hahahahahh! Teka….kilala nyo?” Tanong ko.

“Oo naman!Kababata namin yun nila Ivan at Vince. Matanda lang sya ng ilang buwan sa aming tatlo. Teka lang….sya yung gusto ni Kyla?” Tanong ni Josh.

“Ah. Kilala nyo pala sya.Oo, patay na patay sa kanya si bestfriend. Balita ko, ngayong October ang uwi nya sa Pinas.”

“Woah! 6 years na din nating hindi nakikita si Austin ah!”

“Teka…kababata nyo?Eh di…magkakabata kayong tatlo?” Tanong ko.

“Malamang.” Woah! Si Ivan mismo ang sumagot.

“Eh bakit nasa ibang bansa sya? Eh kung dito nalang sya sa Pilipinas nag-artista.” Sabi ko naman.

“Pangarap kasi ni Austin yun. Bata pa lang kami. Pangarap na talaga nyang maging isang artist. Hindi lang artist ng isang bansa. International/Worldwide artist.” Sabi ni Vince.

“Pero, biruin mo yun…hindi lang sya artist, kundi singer at model pa. Saka, pagkakarinig ko sa mga babaeng ka-classmate natin, maglalabas daw ng 2nd album si Austin. Grabeh, hindi ko nga lubos na maisip na sisikat ng ganto yung gagong yun eh! Hahahahhaha.” Sabi naman ni Josh.

“Teka lang…. may naging gf ba si Austin?” Tanong ni Vince.

“Siguro.Eh ang dami kayang maganda, sexy at sikat na artista, model at singer sa Europe! Ang sabi, sa America ang punta pero, sa bansang Europe umuwi. Wait! Balik tayo sa topic kanina, so sya pala ang gusto ni Kyla…pano yan Vince? Hahhahahaha.” Sabi naman ni Josh.

At yun…nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano. Pero, mas napatagal ang pagkukwentuhan namin about kay Austin. Biruin mo yun, kababata pala nila yung sikat na Austin na yun.

Napabaling ang isa kung mata sa kinauupuan ni Ivan….

He’s sleeping.

To be continued..

--

Decication to Amizuki. Hi Ate! :) I used it as a side pic. Okay lang po ba? Para naman po hindi sayang ang effort nyo. :) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: