I'm Married ♡: Chapter 12
Chapter 12
Alisa’s POV
Pagkadating ko sa room. Napansin agad ni bestfriend ang namamaga kong dalawang mata. Kaya kaagad akong nilapitan nito at dinala sa upuan namin.
“Bestfriend, bakit ganyan mata mo? Para kang namatayan ah.” Sabi nito sa akin.
Pero, kaagad ko syang niyakap. I need somebody to lean on.
Hinimas nya ang ulo at likod ko at sinabing, “Sige bestfriend, iiyak lang.” Sabi nito.
Wala akong pakielam kung nakatingin na sa amin ang iba naming ka-classmate. Nasaktan ako ng sobra. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mas lalo pa akong naiyak.
Ilang minuto lang, dumating na si Mrs. Pasahol kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko sa mata.
“Kwento mo sa akin kung ano nangyari.” Bulong sa akin ni bestfriend. Tumango lang ako. At nag-lesson si Ma’am. Wala din naman akong maintindihan dahil wala dito ang utak ko. Nasa ere. Bakit sila nag-kiss?!! May nararamdaman pa ba sa kanya si Ianne? Eh paano si Aaron? Niloloko ba nila si Aaron? Ayysssh!
****
After 4 subjects, recess na. Nasa may canteen kami ni bestfriend. At kinuwento ko ang lahat ng nangyari. Pati na rin ang nasaksihan kong pagdidikit ng labi nila. Kaya, eto na naman ako, may tumulo na namang luha sa mga mata ko.
“Mahal ko sya bestfriend. Alam mo yan. Ilang taon kung syang minahal ng palihim. Hindi ako susuko dahil lang sa nakita ko.” Sambit ko.
“Huwag mong hintaying masaktan ka ng sobra, bago mo sabihin sa sarili mong TAMA NA.” Sabi ni bestfriend.
“Bestfriend, napag-isipan ko na din to. Aaminin ko na sa kanya na matagal ko na syang gusto. Isinautak ko lang ang sinabi sa kin ni Ate Sarah….
The feeling that no matter what you do, you can’t erase him on your heart. And there’s nothing you can do, cause in the first place you never told him that you love him. –Ate Sarah
Pinakita ko pa sa kanya ang nasa sticky note na binigay sa akin ni Ate Sarah. Tama naman si Ate Sarah eh. Hindi ko man lang nasasabi pa kay Ivan ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Hanggang titig na lang ba ko? Hanggang silay nalang ba ko? Palihim nalang ba akong masasaktan?
Hahanap lang ako ng tyempo para maamin sa kanya ang nararamdaman ko. Handa na ako. Handa na rin ako sa maaaring sagot nya. Wala akong pakielam. Ang mahalaga, inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Ivan’s POV
Lumipas ang mga araw, linggo, at September na pala.
Pinasa ko ulit yung article na ginawa ko 2 weeks ago.
Ilang beses ko ng tinetext si Ianne pero ni-minsan hindi na sya nag-text back sa akin. Sinusubukan ko naman syang lapitan sa school, pero, lagi nyang kasama ang mga kaibigan nya. Sa recess, lunch, pagpasok, at uwian…si Aaron ang lagi nyang kasama.
Hindi ko alam pero….mas lalo ang pagiging sweet nila ni Aaron. Naririnig ko pa nga na si Ianne na mismo ang nagawa ng lunch ni Aaron. Sa basketball naman, chinicheer pa ni Ianne si Aaron. Hindi na rin ako masyadong nagpa-practice ng basketball. Busy ako sa school papers, at ang dami pang pinapaproject ngayon. At dahil ako ang president ng buong class, sa akin lahat inaasa.
Papa-uwi na ko. Kakagaling ko lang bar kanina eh. Pupuntahan ko si Ianne. Kailangan ko ng linawin ang lahat. Sa nakikita ng dalawa kung mata, mas naging sweet sila. Kung si Aaron ang mas mahal nya sa aming dalawa. Gusto ko, magmula sa bibig ni Ianne.
Naglakad lang ako papunta sa bahay ni Ianne. Nakakatamad mag-drive eh.
Pero pagpunta ko dun mas nasaktan ako sa nakita ko. Naghahalikan sila ni Aaron at Ianne. Eto na yung sobrang sakit na naramdaman ko sa lahat. Pakiramdam ko, pinagtaksilan ako. Pero, wala na naman kaming relasyon ni Ianne. Basta ang alam ko. Nasasaktan ako.
Kaya kaagad kung sinuntok si Aaron sa mukha.
“Ivan…” Sambit ni Ianne.
“Ianne!!! Ako pa din ang mah-----“
“IVAN!! Please!! WAG MO NG UNGKATIN YON!! Nadala lang ako nun! I SWEAR TO GOD!! Wag mo sana pang bigyan ng ibang meaning yun.” Mga salitang dahilanan para may tumulong luha sa mga mata ko.
“Sorry Ivan. Pero, ang mahal ko si Aaron.” Sabi nito.
Agad na din tumayo si Aaron, “Pre, narinig mo na. Tama na. Wag mo na kaming guluhin ni Ianne.” Sabi nito. Pero, kaagad ko syang sinuntok.
*BOGSH*
Ang kinalabasan ngayon, parehas kaming nagsusuntukan.
*BOGSH*
“Aaron!! Ivan!!!” Sigaw ni Ianne. Ako ang nakadagan kay Aaron ngayon. Nilabas ko lahat ang galit ko. Halos pasabugin ko na ang mukha ni Aaron.
*BOGSH*
“Ivan!!” Napakalakas na boses na narinig ko kaya naitigil ko ang panggugulpi ko kay Aaron. Agad akong napalingon, si… Alisa.
Agad syang lumapit sa min at pilit akong inihiwalay kay Aaron, “Takte oh! Nakakapagod ha. Teka lang, ba’t ba kayo nag-aaway ha!!?” Tanong nito.
“At ikaw!! Ba’t ka naman nandito?!!” Sigaw ko sa kanya.
“Ivan.. Please.. Umalis ka na.. Kayo nalang ni Alisa.. Please.. Hayaan mo nalang kami ni Aaron. Kay Alisa ka nalang.” Naiiyak ng sabi ni Ianne.
Tiningnan ko si Alisa, pero mukhang nagulat din sya sa sinabi ni Ianne.
“Ianne. Please. Pag-usapan natin. Maayos pa natin t-----“
“Hindi!! Hindi na Ivan!!! Please! Tigilan mo na kami! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na si Aaron ang mahal ko?!!” Sigaw nito sa akin.
“Sabihin mo nga! Minahal mo ba talaga ako?!!” Sabi ko sa kanya.
“Hindi kita minahal Ivan. Ni-minsan, hindi rin kita naisipang mahalin. Panakip butas lang kita.” Mga salitang dahilan para mapaluhod ako sa sobrang sakit.
“Hindi kita minahal Ivan. Ni-minsan, hindi rin kita naisipang mahalin. Panakip butas lang kita.”
“Hindi kita minahal Ivan. Ni-minsan, hindi rin kita naisipang mahalin. Panakip butas lang kita.”
“Hindi kita minahal Ivan. Ni-minsan, hindi rin kita naisipang mahalin. Panakip butas lang kita.”
Pumasok na din sila ng bahay ni Ianne. Eto pa din ako naka-luhod.
Sabi nya minahal nya ko? Pero, bakit binawi nya? Eto na yata ang pinakamatinding sakit ang naramdaman ko. Ang magmula ang lahat ng masasakit na salita sa bibig ni Ianne.
Napa-angat ang ulo ko. Naulan na pala. Napatingin din ako sa likod ko. Si Alisa…. naiyak. Pero, tumayo ako at lumakad na palayo ng bahay ni Ianne. Gusto kong ilabas lahat ng galit ko. Patuloy pa din ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata kasabay ng pagpatak ng ulan. Sinusuntok ko na din ang sarili ko at sinasabing “Ang tanga-tanga mo Ivan, pumayag kang maging panakip-butas.” Paulit-ulit kong sinasabi yan sa sarili ko at patuloy na sinasaktan ang sarili ko.
“Ivan..sandali lang.” Sabi ni Alisa pero hindi ko sya pinansin. Tumakbo sya papalapit sa akin at… niyakap ako ng patalikod.
“Ako na lang ang saktan mo, wag lang yang sarili mo… please?” Sabi nya. Alam kong naiyak pa din sya gawa ng boses nya.
“Di mo ba alam, kada nakikita kitang tinitignan siya sa malayo nasasaktan ako? Lalo na pag nakikita kong nasasaktan ka ng dahil sa kanya.” Sabi nya. Nag-flashback naman sa utak ko ang sinabi ni Ianne kanina.
“Ivan.. Please.. Umalis ka na.. Kayo nalang ni Alisa.. Please.. Hayaan mo nalang kami ni Aaron. Kay Alisa ka nalang.”
“Ivan.. Please.. Umalis ka na.. Kayo nalang ni Alisa.. Please.. Hayaan mo nalang kami ni Aaron. Kay Alisa ka nalang.”
Agad akong humarap sa kanya, “Ano ba ko sayo?” Diretsong tanong ko sa kanya.
“Lalaking minamahal ko.” Simpleng sagot nya pero parang ang lakas ng impact sa kin.
“Lalaking minamahal ko.”
“Lalaking minamahal ko.”
“K-Kailan p-pa?” Tanong ko.
“Matagal na. Simula Grd.5.” O___O GRD. 5?!!!!
“You mean, nung nag-tansfer ako sa school nyo? Gusto mo na ko?!!” Tanong ko sa kanya.
Tumango na naman sya. Ang tagal na pala. Ang tagal na din pala nyang tinatago ang nararamdaman nya sa akin.
“Oo. Sorry. Ngayon lang ako nag-lakas ng loob. Hindi ko na kasi kaya masaktan ka ng dahil sa kanya. Wala akong pakielam kung i-reject mo ko. Basta ako, nasabi ko na yung nararamdaman ko.” Sabi nya. Tinitigan ko lang sya. Alam kong sincere sya sa mga sinasabi nya. Napansin ko na ding kanina pa kami basang-basa dito gawa ng ulan.
Parehas kaming naka-tayo ngayong dalawa. Magkaharap sa isa’t isa. Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing, “Tayo nalang.” Hindi ko alam pero basta nalang lumabas sa bibig ko ang salitang yun. Lasing na nga siguro ako.
Alisa’s POV
“Tayo nalang.” Salitang dahilan para tumigil ang mundo ko. Tama ba ang naririnig ko?
“Ivan…” Sambit ko. Hindi ko kasi inaakalang sasabihin ni Ivan ang mga salitang yun.
“Tayo nalang, please?” Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya nung sinabi nya yun. Pero, kaagad ko syang niyakap. Parehas na pala kaming basang-basa sa ulan.
Ilang minuto din bago nya ako niyakap pabalik…
Alam kung si Ianne pa din ang mahal nya…
Kung ang pagiging REBOUND ang solusyon para sumaya sya…
Gagawin ko… At gagawin ko din ang lahat para mahalin nya ko….
Gaya ng pagmamahal nya kay Ianne….
To be continued..
**
AN: Nagsisimula na po ang plot ng story. ^_^ Magiging mabilis na din po ang pag-uupdate dahil patapos ko na po sya. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro