Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 11

Chapter 11

Ivan’s POV

Hindi ko alam kung bakit ako napa-oo kay Ianne. Niyaya nya kasi kami na sumama kami sa kanila. Kahit ayokong sumama dahil masasaktan lang ako, isang request nya lang na-oo na ako. Kasi, hanggang ngayon…sobra ko pa din syang mahal.

Sabihin nya lang na mahal nya pa ako, babawiin ko sya kay Aaron.

 

Kung alam nyo lang kung gaano ako nasasaktan ng sobra kanina. Habang nag-gagala kami, magkahawak ang dalawa nilang kamay. Eto namang sina Vince at Josh, babae ang hanap.At yung mga babaeng mahahanap nila? Sa akin nakatingin. Hahahaha. Bakit ba kasi sobrang gwapo ko? ;) Pero, kada may lalapit sa akin na babae, na kay Ianne lang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nagseselos ba sya o hindi. Basta, kilala ko si Ianne. Alam ko ang mukha nya kapag nagseselos. Kaya, ako na mismo ang naiwas sa mga nalapit sa aking babae.

Ianne, ako pa rin ba mahal mo? Sabihin mo lang na-oo. Babawiin kita kay Aaron.

 

Pero, bakit ganun? Parang ang saya naman nya pag kasama nya si Aaron.

Naguguluhan ako.

 

Hindi ako nag-enjoy sa lakad namin. Dahil patuloy pa din akong nasasaktan sa kanilang dalawa.

Aaron, bakit ba kasi dumating sa punto na iisang babaeng lang ang nagustuhan natin?

Pagdating naman namin sa bus, sobrang ingay. Eto ang ayoko sa lahat, ang maingay. Kaya, sinaksak ko na agad sa taenga ko ang earphones ko. Umupo na din naman kaagad ako sa upuan ko. Bukas, walang pasok, rest day daw. Malamang pagod kami sa lintik na A. P field-trip na to.

Pinikit ko na ang dalawang mata ko para maka-tulog ako.

Now playing: Buko

Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti

At ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo

Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko..

 

Naalala ko tuloy nung hinarana ko si Ianne sa bahay nya. Eto ang kinanta ko sa kanya. Sya lang ang kauna-unahang babaeng kinantahan ko. Sya din ang dahilan kung bakit ako natuto mag-gitara. Buti nalang at maganda ang boses ko.

 
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko

Verse: 
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin
[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/jireh-lim-buko-lyrics.html ]
Chorus:
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko.

 

Naalala ko yung mga sumpaan natin. Isang buwan lang tayo pero pakiramdam ko tumagal na tayo ng taon. Sobra kitang mahal Ianne. Alam kong minahal mo din ako. Gagawin ko ang lahat para bumalik ang lahat ng nararamdaman mo sa akin. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko pa din ang sumpaan natin. Mahal na mahal kita.

 
Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi

Chorus:
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Pumuti man ang mga buhok ko
ohhhh... 

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig 
Ikaw parin(ikaw pa rin)
Ang buhay ko.

 

Habang kinakanta ko yan sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ngiti nya noon. Ang mga ngiti kung saan ako nahulog. Balikan mo ako Ianne. Mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko.

Alisa’s POV

Sunday ngayon. Wala akong magawa. Naman eh! Si Mama at Dad, for sure nasa company. Si Lei naman nasa bahay daw ng ka-classmate nya. Tss. Si bestfriend naman, pupunta daw silang mall ng Mama nya. Mother and daughter bonding raw.

Nag-laptop muna ako para mag-wattpad. Ng biglang nag-vibrate ang cp ko. May text, binuksan ko kaagad ito.

Alisa, nawawala yung article na ginawa ni Ivan. Kababasa ko lang eh hindi ko na alam kung saan ko inilagay. Hinalungkat ko na ang buong office ko pero hindi ko nakita. Pwede mo ba syang itext at sabihing mag-pasa ulit? Siguro naman meron syang soft copy.

 

Owkeeey…. Teka. ----- Wala akong # ni Ivan. Yare! -___-

No choice. Pupunta ako sa kanila.

Ivan’s POV

Ianne, we need to talk.

 

Text na sinend ko kay Ianne. Gusto ko lang linawin ang lahat.

Sure. Asan ka?Reply naman nya.

 

Pauwi na ako. Punta ka nalang sa bahay. Sabi ko.

Sige. Sabi naman nya.

Dali-dali na akong umuwi galing bar. Oo, nanggaling akong bar. Gusto ko lang mag-libang. Iniwan ko na din sina Vince at Josh. At nambababae pa yung dalawa. Wala din naman si Mama at Dad para pangaralan ako. Dahil si Mama, busy sa company. At si Dad naman, nasa Canada, inaasikaso ang ilang businesses namin doon.

Pagkadating ko sa bahay, agad na akong dumiretso sa kwarto ko. Sabi ko sa katulong, pag dumating si Ianne, papanikin nalang ito sa kwarto ko.

Nagshower muna ako. Pagkalabas ko ng banyo, andun na si Ianne. Buti nalang at sa banyo na ako nagbibihis.

Naka-ngiti sya agad sa akin, ang mga ngiti na lagi kong hinahanap. Naka-upo sya sa side ng kama ko, “Anong pag-uusapan natin?” Tanong nya.

Lumuhod ako sa harapan nya at hinawakan ang dalawa nyang kamay at sinabing, “Ianne, minahal mo ba talaga ako?” Seryosong tanong ko.

“Oo, Ivan.” Seryoso din nyang sagot.

“Pero, bakit….bakit mo pa din binalikan si Aaron? Sinaktan ka nya Ianne.” Sabi ko sa kanya.

“Ivan, mahirap kalimutan si Aaron. Sya naman talaga ang una kong minahal, alam mo yan.” Sabi nito.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko, unti-unti na itong tumulo, Hindi ko maintindihan kung bakit ganun pa din yung sakit pag naiisip ko yung araw na iniwan mo ko.”

Pinunasan naman nya yung mga luha ko, “Minahal kita Ivan. Kung alam mo lang.” Sabi nito.

“Ianne, mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon. Tayo nalang ulit, please?” Tila magmamakaawa ko sa kanya. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya….dahilanan para magkadikit ang dalawa naming labi.

Alisa’s POV

“Manang, asan po si Ivan? ^__^” Bungad ko pagkabukas ng gate sa akin ni Manang.

“Nasa taas po. Kasama po si Mam Ianne.” Sabi nito. Agad naman napalitan ang mga ngiti ko.

“Ah. Sige po. May sasabihin lang po sana ako. Hehe.” Sabi ko naman.

“Oh sige po.” Sabi nito. Pinapasok din naman ako nito. Kilala na din naman ako siguro nito dahil napa-rito na din naman ako. Teka, andito si Ianne? Bakit? Dumaretso pa din ako sa pag-akyat sa hagdan. Alam ko naman ang kwarto ni Ivan. Kakatok sana ako. Pero, napansin kong bukas ang pintuan. Lumapit ako dito at mas binuksan ng kaunti ang pintuan at nakita ko si… Ivan. Naka-luhod sa harapan ni…Ianne.

Halos nadurog ang puso ko. Ang sakit. Sobra. Unti-unti ng may tumulong luha sa mga mata ko. Bakit kasi si Ianne pa? Kung ako nalang…

 

Mas lalong may tumulong luha sa mga mata ko dahil may tumulong luha sa mata ni Ivan. Ganun ba talaga niya ka-mahal si Ianne?

“Hindi ko maintindihan kung bakit ganun pa din yung sakit pag naiisip ko yung araw na iniwan mo ko.”  Sambit nya.

Pinunasan naman ni Ianne ang luha nito, “Minahal kita Ivan. Kung alam mo lang.” Sabi nito. Tuloy-tuloy pa din ang agos ng luha sa mga mata ko.

“Ianne, mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon. Tayo nalang ulit, please?” Tila magmamakaawa si Ivan kay Ianne. Unti-unting nagkalapit ang mukha nilang dalawa….dahilanan para magkadikit ang kanilang labi.

Napatakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko. Hindi ko inaasahan ang makita ko. Unti-unti na din akong humakbang palayo sa pintuan. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Ivan’s POV

Umaga na naman. May pasok na. Parang ayoko pa ding bumangon sa higaan ko. Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kagabi. Hindi naman magrerespond sa halik ko si Ianne kung hindi nya ako mahal.

                                                                   ****

Pagkapasok ko sa school, parang ang sigla ko. Parang may bago sa kin. Hindi ko alam. Siguro, alam kong may posibleng magkabalikan kami ni Ianne.

Pero, napahinto ako sa paglalakad ko. Dahil, nakita ko na si Ianne at Aaron na naglalakad din. Magkahawak ang kamay.

Babawiin ko sya sayo Aaron. Tandaan mo yan.

 

Nilagpasan ko lang sila. Mababawi kita Ianne.

Ianne’s POV

Sobra akong naguguluhan. Hindi ko alam.

Hindi ko lang talaga alam….basta ang alam ko, mahal ko si Aaron. Pero, bakit ganto? Nagseselos ako pag may nalapit na mga babae kay Ivan?

Aaminin ko, sobra akong nasaktan dahil sa pag-iwan sa akin ni Aaron noon sa kin. Pero, andyan si Ivan. Ginawa ko lang naman syang panakip-butas eh. Sinagot ko lang sya dahil sobra na akong naawa sa kanya. Ang dami na nyang nagawa para sa kin. Lahat ng sweet moments, promises, kisses, hugs, wala lang yun sa kin. Pati na din yung halik na nangyari kagabi? Ivan’s a good kisser. Walang sino man ang babaeng makakatanggi dito. Kaya kahit ako, nakapag-respond na ako.

Kaya siguro ako nagseselos dahil nasanayan ko na ako lang ang babaeng laging nakikita ni Ivan.

Mas lalo akong nalilinawan na kahit minsan….

Hindi ko minahal si Ivan dahil si Aaron lang talaga.

To be continued.. 

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: