Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I'm Married ♡: Chapter 1

Chapter 1

“Lahat Alisa kasinungalingan. Pati ang pagsabi ko na mahal kita.” Wala na. Durug na durog na ko. Hindi ko na kaya. Nabitawan ko na yung blind fold na hawak ko.

 

Akala ko pwede pa. Akala ko kaya ko pa. Hindi na pala.

 

Hindi ko din na nakayanan. Kaya tumakbo na ako. Ayoko na.

 

“BESTFRIEND!!!!!!”

 

Yung mapapa-isip ka na lang kung ano ba ang mali mong nagawa para i-deserve ang lahat ng sakit na nararamdaman mo.

 

Wala akong maisip na dahilan para maideserve ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

 

Diretso pa din ako sa pagtakbo ko. Gusto kong makapag-isa.

 

*BOOM*

And everything went black.

 

~~~~~~~Bago mangyari ang aksidenteng naganap. Balikan natin ang mga nangyari sa kin 4 months ago.

                                                                   ****

4th Y E A R   H I G H  S C H O O L  (J U L Y)

“Good morning Mommy! ^o^” Sabay halik ko sa pisngi ni Mama.

“Breakfast is ready baby. Eat na.” Sabi nito sa akin. Umupo naman ako sa hapag-kainan at binuksan ang cellphone ko. Ang ganda na tuloy ng umaga ko. Wallpaper ko kasi si crush. :”””) Sinong crush ko? Wait.. Isisigaw ko lang ang kilig ko….

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!

Yan, okay na! :D Yieeeee. Si Ivan Anthony Nathan Sy lang naman ang crush ko. :”> Mali. Love na pala. Grade 5 naging crush ko na siya nung nag-transfer siya sa school namin. Well, hanggang ngayon namang 4th year high school kami eh. ;) Waaaah. Ang pogi niya kasi. Sobra. Matangkad, matalino, mayaman, basketball player, at……. Ang BANGO-BANGO niya. <3333

Kaya “Sy” ang apelyido nya… Hmmm. Aba’y ewan ko! :PP

Ako nga pala si Alisa! Alisa Jveonica Lopez. Hindi ko alam sa magulang ko kung san nila nakuha ang Jveonica. Pero, cute naman di ba? Unique sya para sa akin. Tatlo kaming magkakapatid. Panganay, si Kuya Allen. Nasa ibang bansa sya at ginagawa ang mga bagay na gusto nyang gawin. At ang bunso ko namang kapatid ay si Lei, ang napaka-ingay, parent’s girl, at napaka-childish. Nagkakaboyfriend ba yan? Sa tingin ko hindi. Hahahahaha! Ok. Ang height ko ay 5’4 lang. =_= Ang buhok ko naman ay simple lang. Hindi ganoon mahaba at may pagka-brownish.

At iisang lalaki lang ang aking inaasam-asam. Kilala nyo na hindi ba? Sya lang naman si IVAN ANTHONY NATHAN SY!!! Waaa. Excited na talaga akong pumasok! I want to see him na!! :””)

Sa kagandahang palad, alam naman niya na nag-eexist ako. Pero, hindi niya alam ang TRUE FEELINGS ko for him. Naging mag-kai-------

“Ma! Sa school nalang po ako kakain.” Sabi ko sa kanya.

“School? Napapadalas na yata ang pagkain mo dun. Baka naman ginugutom mo sarili mo ha. O kaya naman, baka hindi mo na gusto ang mga niluluto ni Mommy.” *pouts*

Ang cute naman ng Mommy ko!!! Hihihi. :’3333

“Di po ah. Nagkakataon lang po talaga na lagi dapat maaga ang pasok ko. Tulad po ngayon, kailangan po kasi na maaga ang pasok ko.” Palusot ko.

“Sige Ma! Bye po. Teka Ma, si Lei po? Hindi papasok?” Tanong ko. Dapat kasabay ko yun pumasok ah. Si Lei ang nakababata kong kapatid. Lei Marie Lopez. Nako, yun talaga. Baka late na naman yun papasok. Same school kami. Magkaiba nga lang ng year. 3rd yun eh.

Si Kuya Allen naman ay nasa ibang bansa. Tinutupad ang kanyang mga pangarap. ^^

“Late daw siya papasok. Test nyo lang naman daw ngayon eh. Pwede naman daw ma-late. Ikaw lang talaga tong sobra kung aga kung pumasok.” Sabi naman ni Mama.

Syempre naman, para makita ko na si…………. IVANBABES!!!! Joke. Cleaner kasi ako. -__-

“Ma, cleaner ako. Mamaya ilaglag ulit ako ng mga ka-classmate ko, nako! Buong Campus na naman ang malilinis ko!” Sabi ko. Last time kasi, sa sobrang pagiging stalker ko kay Ivanbabes, nakalimutan kong cleaner pala ako. Ayun, sinumbong ba naman ako kay Ma’am Pasahol. -__- Yare. Ang parusa ko? 1 week akong maglilinis ng buong campus. And take note, ako lang. As in ako lang. Nakakahiya. Walis dito, walis doon. Tas yung mga hinayupak na estudyante, grabe kung magkalat! Tapon dito, tapon doon. Haler, ang laki-laki na ng bunganga ng basurahan eh. >>.<<

ANG MAS NAKAKAHIYA. NAKIKITA PA AKO NI IVANBABES KO. -___-

Humalik ulit ako sa pisngi ni Mama, “Babye Mama! Love you!!! Wag po kayong magpapakapagod ha!!!!” Sabi ko at tuluyan ng umalis.

Papalabas na ako ng subdivision namin dito sa Villa Corazon. Dati kaming Pagsawitan, pero nagpabili ako ng lote dito sa Villa Corazon. Bakit? Syempre, dahil kay IVANBABES!!! Para maaaring iisang subdivision lang ang uwian namin. Pero, minsan ko lang siya makita. Minsan nga lang nalabas ng bahay eh. =_=

Sumakay na din ako ng jeep. Syempre para pumuntang school. Ang Saint Clare’s school.

After 3853728568357 years, andito na din ako. Ang dami kong dala. As always naman eh. Ang sipag ko kasi. =_______=

Naglakad na ko sa hallway, asan kaya si IVANBABES ko? -__-

Mga 6:50 na sa room na ko. Pag regular classes, 6:15 ang time. Tss. Nakakainis. Since may test naman kami ngayon sa Calculus, eh di pwedeng ma-late dahil ang talagang time ay 7am to 8am. May 1 hour kami para mag-test. Tsss. Makapag-review nga muna. >>.<<

Konting basa lang at napansin ko ng dumaan ng room namin si IVANBABES!!! Waaaaah!!!! Asan na ba ang bestfriend kong si Kyla Monteriano para naman may mahampas ako dahil sa sobrang kilig ko? -__-

“BESTFRIEND!!!!” Yes! Speaking! Ayan na ang bestfriend ko!!!

“Bestfriend!!! Kasabay mo si Ivan?” Bulong ko sa kanya pagkaupo niya sa may tabi ko. Hindi pa kasi alam masyado ng buong klase ang PAGMAMAHAL ko kay Ivan. <3

“Oo. Hep hep hep. Wag kang magseselos. HAHAHAHHA! Kilala kita!” Sabi naman niya with matching laughed pa.

“HAHAHHAA. Ba’t ako magseselos? Tsss. Balang araw, makakasabay ko din yan. Someday……” Sabi ko.

Bigla namang dating ni Ma’am Pasahol. Ma’am naman eh, nagdedaydream pa ko eh. L

“Get 1 and pass. Center aisle, collect 1php.” Sabi nito at binigay na ang test paper.

July 15 palang pero parang departmental test na ah. Grabeh naman. Pagkatingin ko sa test. WTH! Kering-keri ko. After 10 minutes, nasugutan ko na ang 15 questions. Ang dali kaya. O sadyang matalino lang talaga ako. ;))))

“Tss. Tapos ka na? Pakopya!” Sabi naman ni bestfriend.

“Sige. Di naman naka-tingin si Ma’am.” At binigay ko na ang paper ko.

Sandali lang at nakaramdam ako ng…….naiihi. Agad akong nagpaalam kay Ma’am para umihi. Umoo lang ito.

Napangiti ako habang naglalakad ako sa may hallway…pano ba naman nakasilay ako kay IVANBABES ko!!!!! :DDD  Nasa bandang dulo siya kasi ‘S’ nagsisimula ang surname niya. Hayysss. Kaya gustong-gusto kung umihi eh.

After kung umihi, nakasalubong ko naman si Mrs. Ching. Ang adviser ni IVANBABES ko. :””””>

“Hi Ma’am!” Bati ko.

“Hi Alisa! “ Bati rin naman sa akin ni Ma’am. Sya lang ang teacher na may alam na may gusto ako kay Ivan. Tropa ko kaya yang si Mrs. Ching. Saka, love na love ko yan. Superrrrrr!!

Naglalakad na ako pabalik ng room…….and…….oh myyyyy!! Magkakasalubong kami ni Ivan. Oh goddddd. Waaaaaaah!!!! Alisa, pigilan mo yang kilig mo……

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!

Sa loob-looban ko, gusto ko talagang sumigaw dahil sa sobrang kilig.

Wshhh.

 

Hangin lang ang maririnig mo ng dumaan sya sa akin.

Dahil as always, nilagpasan niya ulit ako.

**

AN: Mga ilang chapters pa po bago makadating sa talagang plot ng story na to. Puro kabaliwan at pagmamahal ang meron sa chapter at mga susunod na chapter. Pero kung hindi mo babasahin simula chapter 1 na high school days hanggang sa secret. Hindi po maiintindihan ang mga kasunod na pangyayari. Dahil mga flashbacks po ang mga mangyayari. Kaya basahin at isa-puso ang mga binabasa. CHOS! XD

Hindi ko din po alam kung kailan ang next update. Minsan po kasi, naguupdate ako kung kailan ko gustuhin. :D Lalo na’t pag may nagvovote and nagcocomment. Ehem. Hahaha! Ginagawa ko rin po kasi ang isa kong story na His Game. Sana rin po basahin nyo rin po yung His Game (Book 3 of FFY). Soon to be publish po sya. 

Dedicaetion to AndreaHimenez. Sobra po kasing supportive nya! :) Lagi rin po syang nagcocomment and nagvovote. :D Patuloy rin sa pagbabasa ng mga stories ko. Waa. Thank you Ate! :** Love lots! :'))) 

Yun lang po! Hehe. Thanks! ^_^

-EA_love 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: