Epilogue
[A/N: I wouldn’t detailed ang naging bakasyon ni Alisa at Austin sa Macau. Masyado na kasing madaming parts. Haha! Pero, sasabihin ko din naman na kung ano ang mga nangyari sa kanila doon. =)
This is the epilogue. Huhu! Again, thank you po sa mga nagbasa! Sorry for the wrong typos. Ang balak ko nga po ay hanggang 50 chapters lang ang story na’to. Pero dahil na-inspired ako, nahabaan ko pa. Sorry po! ^^
E P I L O G U E
Nakakatitig lang ako sa sarili ko sa may salamin habang inaayusan ang buhok ko. Ilang oras na lang at ikakasal na ko -- kaming dalawa ni Austin. Dalawang buwan na ang nakalipas. Dumaan ang pasko, new year, at mga normal na araw. February 5 na ngayon. Ang bilis nga naman ng mga araw ano? 2015 na pala. Dapat nga February 14 ang kasal, pero si Austin masyadong excited! T_T Kaya naging 5 na.
Hawak-hawak ko ang cellphone ko. Tawagan ko kaya si Ivan? Baka kasi hindi sya pumunta. Hindi pwede, nag-promise sya sa akin. Kailangan andun sya dahil isa sya sa mga taong importante sa akin.
Naalala ko tuloy ng pumunta kaming Macau ni Austin. 3 days kami doon pero pakiramdam ko isang araw lang kami. Sobrang akong nag-enjoy. Sa isang hotel kami nagi-stay. At sa iisang kama lang kami natulog.
Mas nagiging strong naman ang relationship ni Kyla at Vince. Si Luke naman ay ngayon lang namin nalaman na may pagtingin pala sya kay Kyla. I mean, mahal pala nya si Kyla. Pero, wala eh. Huli na sya.
Si Ianne naman, ayun.. Hanggang chat, skype nalang muna sila ni Aaron ngayon. Nakaka-skype din naman namin si Aaron paminsan-minsan. Kung pwede nga lang na puntahan ko sya sa New York para pauwiin dito at makapunta sa kasal ko. Pero hindi talaga pwede eh.
Noong Christmas at New Year naman ay kina Tita Angel kami nag-celebrate at dun rin kami natulog. Ang saya nga dahil para talaga na kaming isang pamilya. Alam kong masyado pa kaming bata ni Austin para ikasal -- Eh sa ayaw na naming pakawalan ang isa’t isa eh! Basta ang alam ko lang, sya na talaga. Sya na talaga ang lalaking papakasalan ko.
About him being a celebrity, kinausap na namin ang Manager at ang agency nya. Sakto nga dahil ang tapos ng kontrata ni Austin dito ay pag sumapit na sya ng 18.
“Ms. Alisa, it’s time to wear the wedding dress! ^^” Bumalik na ako sa ulirat ko.
Tinitigan ko ang wedding dress ko at hindi maiwasang mapa-ngiti.
Before, I was dreaming about me and Ivan in a wedding.
Dreaming about Ivan waiting for me in the altar.
Nakakatawang isipin. Bata pa nga siguro ako noon. Hindi ko pa talaga alam ang meaning ng talagang pagmamahal at ang salitang ‘Tama na’ kahit patuloy ka ng nasasaktan.
Ivan, only memories remind of us.
//
Play the song on the right side -- Wedding dress (English Version)
Ivan’s POV
“Ma-swerte ka kasi merong taong nagmamahal sayo, yung taong sinisiksik ang sarili nya makapasok lang sa buhay mo.” Biglang nag-flashback sa utak ko ang sinabi sa akin noon ni Josh.
“Go HUBBY!!! Go! Go!” Sa oras na mga yan hindi ko sya sinubukang tingnan man lang. Pero ang boses nya ay nangingibabaw sa kanilang mga ingay.
“Ivan… Mahal kita.” Hindi ako sumagot kundi sinabi nalang sayo na ‘Tayo nalang’. Bakit pumayag ka? Ganun mo ba talaga ako ka-mahal? Kahit alam mong magiging rebound lang kita?
“Alisa, ibigay mo na. Kasalanan mo din kung bakit namantsahan mo ang damit nya.” Ang sama-sama ko! Ni-hindi ko man lang inisip kung ano ang mararamdaman ng sarili kong girlfriend. Nakita ko kung sino ang may mali pero pinagtanggol ko pa din ang babaeng ex ko na mahal na mahal ko.
“Naibigay na sa kin ni Ms. Lopez yung Research Paper mo. Nahulog mo daw kanina.” Oo, na-guilty ako sa ginawa mo. Pero -- Bakit hindi ko pinahalagahan ang mga bagay na ginagawa mo sa akin?
October 13, 2010
Kinuha ko yung black ballpen niya. Aba, ang hirap makuha nyan. Pinanakaw ko pa yan kay Isabel (ka-classmate niya).
Jan. 25, 2011
Kinuha ko tong panyo nya. Waaaaaaah! Ang bango bango. :”>
July 22, 2011
Birthday niya. Nagkainan sila ng mga kaibigan niya sa mcdo. Yung ginamit niyang tissues at straw, eto na sa akin. ^___^
August 19, 2011
Varsity jacket naman nya yung kinuha ko.
August 24, 2012
Mahilig matulog si Ivan. Eh kasabwat ko si Mrs. Ching. ;))) Pinakuha ko yung punda nun na hanggang ngayon ay never ko pang pinalabhan. <3333333
February 23, 2012
Eto yung bente pesos na binayad niya sa tindera sa may canteen na hiniling ko pa kay Ate na ayung benteng yun ang isusukli sa akin.
Hindi naman ako burarang tao. Pagdating sa gamit, maingat ako. Pero, hindi ko alam kung bakit kahit anong ingat ko ay may nawawala at nawawala pa din. Ayun pala, lihim mong kinukuha.
“Hangga’t hindi nagbebreak si Mickey at Minnie mouse, hindi rin tayo magbebreak? Ok? Hahahahhahah.” Pero bakit isang aksidente ang naganap napag-layo tayo?
“Wifey….”
“Wifey? Ang galing mo Ivan.” Mas tumulong luha sa mga mata nya, “Lahat ba ng sinabi mo kanina? Totoo ang lahat ng yon?” Tanong nito. Nagpuputol-putol na din ang boses nya.
Ayoko ng muling mag-sinungaling pa sayo si Alisa.
“Oo. Totoo ang lahat ng yun.” Sabi ko. Dahil lahat ng narinig nya, totoo ang lahat ng yun. Kahit gustong-gusto ko magpaliwanag. Hindi ko na nagawa dahil pumasok na naman sa isipan ko na kailangan kong mabawi si Ianne kay Aaron.
“Ni-minsan ba minahal mo ko?” Tanong nito.
Pag sinabi kong minahal kita, magsisinungaling na naman ako sayo.
“Si Ianne lang ang kaya kung mahalin.” Sabi ko dahilanan para mapapikit sya. Tama na siguro to Alisa, ang saktan ka dahil hanggang ngayon… si Ianne pa din ang mahal ko.
“Pati ba ang pag-sabi mo sa kin na mahal mo ko? Kasinungalingan lang ba?” Tanong nito.
Pag sinabi kong “hindi”, magsisinungaling na naman ako sayo.
“Lahat Alisa kasinungalingan. Pati ang pagsabi ko na mahal kita.” ----
“You may know kiss the bride.”
Napa-ngiti nalang ako kay Alisa at Austin na mag-asawa na. Nakipalakpak na din ako. Nakakatuwang isipin, akala ko kami sa huli. Pero, hindi pala.
“Congrats.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya. Kahit masakit para sa akin. Wala na akong magagawa ngayon kundi ang maging masaya nalang para sa kanilang dalawa.
//
Nanghihina akong humiga sa kama ko. Wala na. Tapos na ang laban. Talo na ako. Talong-talo na ako. Humarap ako sa gawing kaliwa ko para makita ang larawan ni Alisa at ako sa may table ko. Napapikit ako. Kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mata ko.
Mahal na mahal ko si Alisa. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya ang sakit ng nararamdaman ko. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako.
Nanghihina akong bumangon pa-upo sa side ng kama ko. Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang maliit na bote doon. Eto ang balak inumin ni Mama ng iwan kami ni Papa nitong mga nakaraang buwan lang.
Patuloy pa din ang pag-tulo ng mga luha ko, “Isang bagay lang ang pinagsisisihan ko. Ang hindi pagbigay ko ng halaga sayo noon. Isang bagay na hanggang sa kahulihulihan pagsisisihan ko. Hindi ko namalayang ako na pala mismo ang gumawa ng paraan para mawala sa akin ang taong nagmamahal sa akin ng sobra. Hanggang sa kahuli-hulihan, tanging mga alaala na lang ang meron tayo. Ang mga panahon na alam kong akin ka. Ang mga panahon na kung gaano mo pinaparamdam sa akin na mahal mo ko. Ang mga panahon na andyan ka at hinding-hindi mo ko kayang ipagpalit sa iba. At yung mga panahong yun ay hindi ko binigyang halaga. Patawad Alisa. Mahal na mahal kita. Hanggang sa huling hininga ko, ikaw lang Alisa. Mahal na mahal kita, Alisa.” Pinikit ko ang dalawa kong mata. I guess, this is the end -- my end.
“IVAN!!!”
Unti-unti kong minulat ang dalawa kong mata, “Hannah…”
“I-Ivan!!! Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?!! You’re trying to kill yourself?!! YOU JERK!!! Halika at dadalhin kita sa ospi----“
Hinawakan ng kanang kamay ko ang pisngi nya at ngumiti, “P-Pakisabi kay A-Alisa… Mahal na mahal ko sya.”
“Ivan naman!! Bakit si Alisa pa din ang iniisip mo sa lagay mo ngayon?! Halika na! Kailangan kitang madala sa -----“ Inaalalayan nya akong makatayo pero pinigilan ko sya.
“Pagod na pagod na ako Hannah. Hayaan mo na akong magpahinga.” Then, I closed my eyes.
**
[A/N: May special chapter po ang I’m Married! ^^ Anong nangyari kay Ivan? Wait for the next update. The special chapter would be the last update. =) ]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro