Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~Chapter 7: Sabrina~

CHASE'S POV
"Bro! Himala ang aga mo ngayon?" Salubong sakin ni Jaxx sabay akbay.

Nandito kami ngayon sa isang lumang bodega kung saan mangyayari lahat ng dapat mangyari.

"Oo nga, kadalasan dumadating ka sa kalagitnaan na ng laban eh." Takang tanong ni Zane.

"Whatever, nasan na sila?" Sabi ko habang hinahanap ang KAG.

Ang KAG ay isang grupo ng mga gangsters na katulad namin, sa lahat ng gangster groups dito sa pilipinas, sila ang arch enemy ng group namin.

Katulad namin, isa sila sa mga sikat na gangster group sa pilipinas.

"Wala pa eh."maikling sagot ni Calix.

"Pa-VIP.." Bulong ko sa sarili ko.

"Hey boys!" Napalingon kami sa nagsalita. "Long time no see." Ang lapad ng ngiti niya. Sobrang mapang-asar ito.

"KAG." Bulong ko.

"Kamusta na si babe Jamaicca ko? Alagaan mong mabuti yun ah. Ikakasal pa kami." Pang-aasar ni Kyle sakin.

Si Kyle ang leader ng group na KAG. Patay na patay siya kay Jamaicca, yun ang dahilan kung bakit kami naging arch enemy. Pinag-aagawan namin si Jamaicca.

Tapos malalaman ko pang may dumagdag lalaking aagawan ako kay Jamaicca at yun ay si Alex. Mas lalo pang nag-init ang ulo ko dahil bestfriend ko pa.

The hell i care kung selfish ako. Eh gusto ko saakin lang si Jamaicca eh!

"Shut the f*ck up. She's not yours." Kalmado kong sabi. Sobrang talim ng tingin ko kay Kyle. Siguro sa kanya ko ibubuhos yung galit ko kay Alex.

"Well, she's not yours either. STEP-BROTHER ka lang." Diniinan niya talaga yung salitang step-brother. Napayukom naman ang kamao ko.

*Jamaicca Calling*

"Why?"

("Nasan ka?")

"Wala kang pakielam." Cold kong sabi habang sinasamaan ng tingin si Kyle. Nginingisian niya lang ako na parang nang-aasar pa.

("Im serious.")

"Nasa club nga ako." Iritang sagot ko.

Ayoko ng binabalewala ko siya ng ganito pero nakakabakla, pero nasaktan ako sa ginawa niya.

Naghintay ako ng isang oras sa park tapos hindi naman siya pupunta!

Yung deal, remember?

Tapos malalaman kong hindi siya pumunta dahil nakipaglalandian siya kay Alex.

Ang ikinagalit ko talaga ay nung hinalikan ni Alex si Jamaicca!

G*go siya, kapag nakita ko lang siya, papatayin ko siyang g*go siya.

("Liar.") Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman na nagsisinungaling ako?

Hindi ako sumagot at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

("Nakita kita kanina kasama ang JCACZ, nakamotor kayo. Sinundan ko kayo gamit ang bike ko at... Bat kayo nandito sa isang lumang bodega?")

"SH*T!"

JAMAICCA'S POV
"Nakita kita kanina kasama ang JCACZ, nakamotor kayo. Sinundan ko kayo gamit ang bike ko at... Bat kayo nandito sa isang lumang bodega?" Nakapagtataka lang kasi eh. Etong bodega kasi na ito, nasa kalagitnaan ng gubat. Nakakatakot nga eh. Gabi pa naman ngayon.

"SH*T!" Rinig ko sa kabilang linya bago niya tapusin yung tawag. Eh?

Nandito ako ngayon sa harapan ng lumang bodega kung saan ko sinundan yung motor nina Chase. Ang weird talaga at pumupunta sila dito sa klaseng lugar na to.

"Nasan ba ak-hmmp!" Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang may biglang nagtakip ng bibig ko at hinila ako sa isang tagong lugar malapit sa bodega.

Sh*t katapusan ko na ba? Ayoko pang mawala V-card ko! Wag po, bata pa ako, marami pa akong pangarap sa buhay. XD

"What are you doing here?!" Galit na tanong niya. Bakit siya nagagalit? May... Ginawa ba akong mali?

"Si-sinusundan k-ka.." Bat ako nauutal? Siguro dahil natatakot ako sa kanya ngayon. Nakakatakot kaya siya.

"Bakit moko sinundan?"

Oo nga noh, bakit ko ba siya sinundan? 12:30 na ng madaling araw, ano bang pakielam ko sa kanya at sinundan ko pa siya?

Siguro dahil...dahil... Dahil hindi pa ako inaantok, tama ayun. Dahil hindi ako inaantok, wala akong magawa, nabobored ako sa bahay kaya sinundan ko siya.

Bigla naman akong may narinig na parang bugbugan sa loob ng bodega kaya agad naman ako napatakbo papasok dito.

"Aicca, wag!" Pigil sakin ni Chase habang hinahabol niya ako papasok. Bakit naman hindi? Pipigilan ko lang naman sila eh anung masama dun?

Napahinto ako sa paglalakad nung nakapasok ako.

"Kyle?" Napalingon naman siya sakin.

"Jamaicca!" Napangiti naman ako habang lumalapit sa kanya.

Pagkalapit ko sa kanya niyakap niya agad ako ng mahigpit. "I miss you, Jam.." Sobrang higpit ng yakap niya para bang mawawalan ako ng hininga. "I miss you too, Kai." Saad ko.

Ang pangalan niya ay si Kyle Chua, bestfriend ko simula pa nung bata pa ako. Mag-bestfriends ang magulang namin at madalas silang magkasama, kaya madalas din kaming magkasama. Nung wala pa si Chase, siya ang naging knight and shining armor ko, naging bestfriend at naging kuya.

Pero nagkahiwalay kami pagka-graduate ko nung elementary. Pumunta kasi siyang New York nun. Dati madalas kaming mag-skype, hanggang sa wala na akong nabalitaan sa kanya.

Hinampas ko siya ng malakas sa dibdib." Anggara mo! Hindi ka na nagparamdam simula nung pumunta ka sa New York. Porket may bagong bestfriend ka na dun hindi mo na ako pinansin. Hindi kita bati!" Maluha-luha kong sabi. Isip bata na kung isip bata. Nakakatampo lang naman kasi eh.

"Sorry na Jam, si dad kasi eh. Hayaan mo, babawi ako sayo." Sabi niya habang hinihila-hila damit ko.

"New York?" ngumisi naman si Chase at tumingin ng nakakaasar kay Kyle."New York ha?"

"Shut up." Cold na sabi ni Kyle. Wait, magkakilala sila?

Obviously magkakilala sila!

Pero wait...

"Bat kayo nandito sa lumang bodega? Ano bang meron dito? At bakit kayo nagbubugbugan? Chase kilala mo si Kyle? Kyle bat hindi mo sinabi sakin na nakauwi ka na pala?" Eto na naman ako sa mga tanong tanong. Pano kasi ang weird talaga. I mean, magkaaway ba sila? Kung magkaaway sila, anong dahilan?

"Ah, hindi naman kami magkagalit bat naman kami magbubugbugan? Diba Chase?" Tanong ni Kyle habang nakangisi. Si Chase naman ang sama ng tingin.

"Lets go home." Sabi ni Chase habang hinihila ako. Ayoko pa sana dahil gusto ko pang makasama si Kyle pero mukhang masama ang mood ngayon ni Chase kaya wag nalang.

"Tawagan mo nalang ako Jam!" Sigaw sakin ni Kyle habang ang lapad ng ngiti at kumakaway-kaway pa.

"Subukan mo lang siyang tawagan..." Bulong sakin ni Chase.

**********
'Hoy pukengkeng kumising ka na!'
'Hoy pukengkeng kumising ka na!'
'Hoy pukengkeng kumising ka na!'
'Hoy pukengkeng kumising ka na!'

Aish lecheng alarm na to oh, antok pa ako eh. Hay naku, bahala ka dyan. Limang oras lang ako nakatulog kaya manahimik ka.

"Aicca get up, ihahatid pa natin sina mama at susunduin pa natin yung babaeng yun." Hulaan niyo kung sino yan.

"You mean your fiance?" Sobrang antok pa ako. Dapat talaga hindi ko na sinundan si Chase eh.

"Shut up, shes not my fiance. Bilisan mo kung ayaw mong diyan na maligo." Banta niya. As if naman matatakot ako sayo noh? Isusumbong tlaga kita kapag ginawa mo yun. Epal naman kasi eh, inaantok pa ako tapo-

"AHHHHHH!" Nabuhay ang diwa ko dahil sa ginawa ni Chase.

"HAHAHA!" Halos mapaluhod si Chase sa kakatawa sakin. Leche siya! Ang lamig sheeeeeet!

"KUYAAAA!" Sigaw ko sa kanya, akala ko tatawa parin siya ng tatawa pero parang nagkaroon ng dark aura sa paligid niya. Ano nanaman ginawa ko? Nagalit nanaman siya, dapat nga ako magalit eh. Buhusan ba naman ako ng malamig na tubig. Ok lang sana kung maligamgam eh.

Unti-unti naman siyang naglakad papalapit sa kama kung saan nandun ako. Ang talim ng tingin niya sakin parang kakainin ako.

Unti-unti naman akong umatras. Pero dahil nga nasa kama ako, nawalan agad ako ng aatrasan. Rape! Koya, bata pa aku... Huhuhu

Nang makalapit siya sakin, isinandal niya yung kamay niya sa gilid ko.

"DON'T.CALL.ME.KUYA.WHEN.NO ONE'S.AROUND." Mahinahin niyang sabi pero alam kong nainis siya nung tinawag ko siyang kuya. Ano bang masama sa tawag na kuya? Ang OA naman niya.

"O-okkey..." Pagkasabi ko nun, akala ko magbabago na yung mood niya, pero nag-walk out lang siya. Aish!

*********
Nandito kami ngayon sa Airport para mahatid sila daddy. Mamimiss ko si daddy, hindi kasi ako sanay na hindi ko kasama araw--araw si daddy eh kaya bago to para sakin.

"Sige na Chase, alis na kami. Bantayan mo yang si Jamaicca. Daig pa niya ninja kung tumakas kaya wag mong papakawalan. At Jamaicca, behave." Sabi ni dad habang tatawa-tawa pa. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Sige na honey, we have to go. Bye! Love yah!" Pa-sweet nina mama samin at unti-unti na silang naglakad palayo habang dala-dala ang mga gamit niya.

"Chase!" Napalingon kami ni Chase sa tumawag sa kanya.

May babaeng papalapit samin dala-dala ang napakaraming bagahe at may kasama pang dalawang body guard.

Pagkalapit niya samin, ang lapad ng ngiti niya kay Chase. Ang ganda niya. Halatang mayaman at tuwing nakangiti siya, parang angel siya. Tapos ang sexy pa. Fit na fit kasi yung suot niya kaya kitang-kita curves niya. Malaki rin yung ANO niya. XD

"Hi Chase!"

"Who are you?" May regla ba to? Ang sungit naman... Ang bait nga sa kanya ni miss sexy eh.

"Oh, i forgot. Hi Im Sabrina Vergara, your fiance." Bigla naman siyang napatingin sakin. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong tinarayan. Anong ginawa ko?

"Sino ka? Yaya ni Chase? Kung ganon, kunin mo ang gamit ko sa mga bodyguard ko. Ikaw ang magdala." Ako? Yaya? Masyado akong maganda para maging yaya. Mas maganda pa nga ako sa kanya eh, lamang lang siya sa laki ng ANO.

"Wag kang bastos, fiance lang kita pero wala kang karapatan malditahan si Jamaicca. By the way, shes not a maid, shes my STEP-SISTER." Nanlaki naman mata netong Sabrinang to. Hmp! Akala ko pa naman mabait. Seryoso ba talaga sina dad na makakasama kong tumira tong babaeng to for one week?

"Oh, Im sorry, joke lang yun. Hi Im Sabrina. Nice meeting you sis!" Sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko. Hmp! Plastik.

Inabutan ko nalang rin siya ng kamay."Hi." Wala pang 3 seconds ibinawi niya na rin yung kamay niya. "Lets go?" Sabi ni Sabrina.

Do i really have to stay with her for 1 week? One hell of a week.

____________________
Short update.

Medyo busy po ako kaya hindi po ako nakakapag-UD. Pinilit ko lang pong tapusin ngayon. Hehe, sorry po.

Ill try my best po na mag-ud ng mas mahaba at mas mabilis para matapos ko po agad tong story so stay tuned!

Dont forget to vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro