Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

~Chapter 33: First Day~

JAMAICCA'S POV
Nakakabiginga ang katahimikan. Yung kaninang mga tao na naghihiyawan, nawala nang makita kami. Muli.

"Long time no see, Chase." Nginitian ko siya. Para sabihing hindi ako apektado sa presensya niya. Tumango lang siya sakin. Napaka-cold ng mukha niya, parang hindi siya marunong gumawa ng expression sa mukha niya. Parang nanigas ba.

Naging ganyan ba siya nung nawala ako?

Medyo nagulat pa ako nang makita kong hawak-hawak niya yung cake na para sakin siguro. Siya yung bumili?

"Babe, wait up!" Napatingin ako sa likod ni Chase. Nandun si Daisy na hingal na hingal kakahabol sa kanya. Kusang nag-init ang dugo ko.

Bakit nandito pa siya sa party ko? Magkaaway kami, imposibleng gusto niyang sumama sa welcome party ko.

Paniguradong si Chase lang habol niya dito.

"Oh... Hi Jamaicca." Sabi ni Daisy at tsaka kumapit sa braso ni Chase. Parang nang-aasar. Parang pinag-yayabang niya na sila na ni Chase.

Edi sila na! Ingudngod ko pa silang dalawa sa isa't-isa eh!

"Long time no see, buhay ka pa pala?" Sarkastiko kong sabi.

"Of course. Kailangan ko pang mabuhay dahil kailangan pa kaming ikasal ni Chase." Sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ni Chase. Si Chase naman, parang wala lang sa kanya.

Lumapit naman sakin si Alex at tsaka inakbayan ako.

"Bumili kami ng paputok. Punta tayo sa rooftop?" Agad namang nawala ang galit at inis ko nang malaman kong magpapaputok kami.

Tumango agad ako at dumiretso na kami sa rooftop ni Alex.

Pag-akyat namin, ang daming paputok na nandun. Na-excite tuloy ako.

"Sorry kay Daisy kanina, hindi naman dapat siya kasama eh. Bigla kasi siyang sumulpot kaya wala na kaming choice kundi isama siya." Hindi nalang ako sumagot. Baka may masabi pa akong masama kapag sumagot pa ako.

"Oo nga pala, ngayon ko lang naisip. Anong nangyari kay Willow?" Nakunot naman ang noo niya.

"Willow?"

"Oo. Yung dating girlfriend ni Chase?" Pagkasabi ko nun, mas lalong kumunot ang noo niya. Unti-unti niyang inisip yung mga pinagsasasabi ko hanggang sa nalaman niya rin.

"Ah.. Si Willow? Hindi niya girlfriend yun. Pinsan niya yun." Nanlaki mata ko. Pinsan?

"Pinsan? Eh sabi niya sakin dati kaibigan niya yun."

"Kaibigan na pinsan. Bawal ba?" Inirapan ko siya sa sinabi niya. "Bakit? Selos ka?" Then he chukled.

"Hindi noh! Wala na akong nararamdaman pa na kahit ano sa kanya." Tumango-tango lang siya.

Nag-simula na kaming mag-set up ng mga paputok. Yung mga mild na paputok, sinisindihan na namin. Kumbaga, habang nag-uusap kami, nagpapaputok rin kami.

"Anong university pala kayo?" Tanong ko.

"Hm... Johnson University kami, bakit?"

"Tinatanong kasi ako ni nanay kung saang University ako mag-aaral. Sa eskwelahan niyo nalang. Sino-sino kayo dun sa University na yun?"

"Si Calix, Zane, Ako, Cassandra, Jaxx, kuya mo, isa pang kuya mo, si Sabrina, Daisy at Chase." Sina Daisy at Chase? Oo expected ko na na nandun si Chase pero si Daisy rin.

"Ops ops ops, bawal nang magbawi. Sabi mo sa Johnson University ka na." Sabi niya na ikinasimangot ko.

"Oo na, magpapa-register pa ako."

Nagsimula na kaming magsindi ng mga wild na paputok. Maingay pero nakaka-enganyong panuorin. Delikado, pero masaya. Inaantok na ako pero nakakagising? Ay ewan ko ba.. XD

"Jamaicca.." Napalingon ako kay Alex nung tawagin niya ako. "May... Nararamdaman ka pa ba kay Chase?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kanina ko pa sinasabi na wala na akong nararamdaman pa sa kan-"

"Eh bukas na ba yang puso mo para magmahal ulit?" Natigilan ako. Handa na ba ulit ako magmahal? Handa na ba ulit akong masaktan?

"Bakit mo tinatanong sakin yan?"

"Sabihin mo kung handa ka na ah.. Najsjwjxjxmdow." Kumunot ang noo ko. Ano yung sabi niya sa last part?

"Pakiulit nga. Yung last part lang." Pero instead, nginitian niya lang ako at ginulo pa ang buhok ko.

________________
"BUNSOOOO!" Napatakip ako ng tenga ko sa sigaw ni kuya Cross.

"Kuya naman eh, antok pa ako.." Medyo husky pa ang boses ko pagkasabi ko nun.

"Hindi pwede, papasok ka na ngayon." Naidilat ko ang mga mata ko ng hindi oras.

"Ano? Papasok?"

"Oo. Papasok. School. Ngayon."

"Pano ako papasok eh hindi pa nga ako nakakapag-register?"

"Tangek. Ni-register ka na namin ni kuya Cris mo sa Johnson University. Tutal dun din naman kami mag-aaral." Ni-register na nila ako?

"Pano niyo naman nalaman na mag-aaral ako sa Johnson University eh hindi ko pa nga sinasabi sa inyo?"

"Alam naman namin na dun ka mag-aaral dahil dun din mag-aaral si Chase eh." Sabi niya habang nakangisi. Halatang nang-aasar.

"Ha-ha-ha.. Tabi nga diyan." Sabi ko at tumabi naman siya sa daanan. Dumiretso ako sa banyo.

______________
"Kuya Cris?" Napalingon siya sakin at ngumiti.

"Tamang-tama. Kumain ka na bunso, nagluto ako ng almusal."

Lumapit ako sa kanya at kinapa ang noo niya. "May sakin ka ba kuya? Ano to?" Itinanggal niya naman kung pagkakahawak ko sa noo niya.

Nakakapanibago dahil minsan lang naman siya gumawa ng ganito. Yung parang nagluluto ng almusal.

"Asan si nanay?" Tanong ko.

"Miss na agad ako nang bunso ko?" Napalingon ako kung saan nanggagaling yung boses.

"Nanay!" Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko rin to.

Naramdaman ko nalang na tumutulo na yung mga luha ko. Tears of joy?

"Asus. Wag na ngang ma-drama, bunso. Kain na at papasok ka pa." Kumalas ako sa pagkakayakapl at dumiretso na sa dining table para umupo.

"Oh, nasan na yung kambal mo, Cris?" Tanong ni mama.

"Ayun, as usual kilos pagong nanaman." Napa-irap ako sa sinabi ni kuya Cris. Sus. Ginising-gising ako ng maaga tapos siya naman pala yung mala-late.

Narinig ko naman ang footsteps ni kuya Cross na pababa na dito.

"Oh, anak. Kumain ka na at papasok ka pa."

"No thanks, diet ako ngayon." Nanlaki ang mata ni kuya Cris at lumapit kay kuya Cross. Kinapa niya yung noo nito.

"Ikaw ba talaga yan Cross?" Tinanggal niya ang pagkakakapa niya sa noo ni kuya Cross at kinapa niya yung sarili niyang noo na parang gulat na gulat. "Si Cross tumanggi sa pagkain? Nananaginip ba ako?"

Sinuntok naman ni kuya Cross at braso ni kuya Cris na ikinatawa niya. "G*go. May pinaghahandaan ako sa katawan ko
Sabi kasi sakin ni Euna gusto niya daw sa mga lalaking may abs eh." Ah... Kaya naman pala.

Bintukan naman ni kuya Cris si Cross "G*go. Akala mo ba madaling magka-abs? Tingnan lang natin kung makakatiis ka." Sabi niya

Binatukan naman pabalik ni kuya Cross si Cris. "Bat ka namamatok?"

Napa-irap nalang ako nang ma-realize ko na nagsisimula nanaman silang mag-away. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at dumiretso ako ng labas.

"Bunso wait lang!" Sigaw ni kuya Cris. Bahala kayo diyan.

Dumiretso ako sa sasakyan at pinagsaraduhan sila ng pinto. Ni-lock ko para sigurado. Mag-commute kayo.

"Manong, sa Johnson University."

"Ma'am hindi niyo po ba papapasukin sila ser?" Umiling lang ako at tumango naman siya. Sinimulan niya na yung andar ng sasakyan.

Nakikita ko pa sa rear view mirror na sinubukan pa ng kambal na habulin ang sasakyan pero huminto rin sila. Hahahaha. Bahala kayong ma-late sa first day of school.

______________
"Ma'am nandito na po tayo." Minulat ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako.

Leche kasi si kuya Cross eh! Ginising-gising ako ang aga-aga!

Bumaba na agad ako sa sasakyan at pinagmasdan ang eskwelahan.

Malaki, maganda at malinis. This is my kind of school.

"Aicca!" Napalingon ako sa tumawag. Kusa naman akong napangiti nang malaman na si Cassandra yun.

Niyakap niya agad ako na parang nawala ako ng sampung taon. Hmmp! Parang kagabi lang magkasama kami eh.

"Kinalas niya ang yakap niya sakin at pinagmasdan din yung eskwelahan. "Ang ganda noh?" Tumango ako.

Tumingin-tingin naman siya sa paligid ko na para bang may hinahanap. "Asan yung mga kuya mo?"

"Ayun ini-"

"BUNSOOO!" Napalingon kami sa tumawag sakin. Sina kuya Cris at kuya Cross na hingal na hingal. At ang sama ng tignin nila sakin habang ako nakangisi lang.

"Bat ang sama ng tingin niyo kay Aicca?" Natatawang tanong ni Cassandra.

"Iniwan kasi kami eh! Ayan tuloy napilitan kami mag-commute. Ang hirap sa LRT!" Reklamo ni kuya Cross. Tumawa lang kami pareho ni Cassandra. "Anong nakakatawa? Nakakapagod kaya. Mukha na agad akong ni-rape ng apat na babae. Pano na ako magiging heartthrob nito?" Binatukan lang siya ni kuya Cris.

At pagkatapos nun, alam ko na agad na mag-aaway lang ulit sila. Kaya iniwan nalang namin ni Cassandra silang dalawa at dumiretso na sa eskwelahan.

Pagpasok palang namin, pinag-titinginan na agad kami. Sanay na ako. Sa ganda kong to sino ba ang hindi mapapatingin?

Yung boys naglalaway sa kagandahan ko habang yung girls pinagbubulungan ako. Mainggit kayo, b*tches.

"Grabe ka, girl! Ang haba ng hair mo! Naglakad ka lang, na sayo na spotlight. Kung ako yan, kailangan ko pang sumigaw para mapansin nila ako." Natatawa-tawa nalang ako na umiiling sa sinabi ni Cassandra.

Dumiretso kami sa bulletin board. Dun ko malalaman kung anong section ako.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, nandun din sina Chase at Daisy.

Napalingon silang dalawa nung dumating ako. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Parang naninibago sa itsura ko.

Huh? Ano namang nagbago sa itsura ko? Pare-pareho naman kami ng uniform? Ang nagbago lang naman ay natuto na akong mag make-up et natuto narin akong ayusin yung buhok ko. Kung makatingin sila akala mo ibang tao na itong tinitingnan nila.

Dahil naiirita ako sa tingin nila, tinaas ko ang isang kilay ko. Yung pang mataray.

"Ano tinitingin-tingin niyo?" Mataray kong tanong sa kanila.

"Wala lang. Naninibago lang kami sa itsura mo. Marunong ka na palang mag make-up?" Mala-anghel na tanong ni Daisy. Psh. Anghel-anghelan.

"Obvious ba? Kung hindi ako marunong eh di sana hindi ako nag make-up. Tumabi nga kayo diyan." Parang siga kong sabi sa kanila. Agad naman silang nag-give way para makita ko yung bulletin board.

Hindi pa ako nakakahanap sa bulletin, nagsalita si Chase.

"Section C, magkaklase tayo." Napalingon ako sa gawi niya. Tinaas ko na naman yung isa kong kilay at tumingin nang napaka-taray sa kanya.

"Tinatanong ko?" Tumingin rin siya sakin na poker face ang mukha.

"Eh hinahanap mo eh."

"Oh, anong pake mo? Nag-give way kayo sakin para mahanap ko sa bulletin tapos sasabihin mo rin naman pala? Dapat sinabi mo nalang kung anong section ako para hindi na ako magpagod hanapin." Napakababaw ko ngayon. Inaaway ko siya dahil lang sa pagsabi ng section ko? Very childish, Jamaicca! Wag mo nang palalain ang lahat.

Inirapan ko nalang silang dalawa ni Daisy bago umalis. Sumusunod parin sakin si Cassandra. Pupunta nalang ako sa section ko

"Nagbago ka na talaga, Aicca."

"Ano ngayon?"

"Woah, Chill. No BM allowed. Sa kanila kalang galit, hindi sakin."

"Hindi naman ako galit sa kanila eh." Narinig ko na,ang tumawa si Cassandra.

"Don't me." Inirapan ko lang siya at pumasok na sa classroom ng section C.

Kakapasok ko palang, pinagtinginan na kami. Lalo na ang boys. Katulad kanina, may naririnig din akong nagbubulungan na girls. Mamatay na mga inggitera.

Dumiretso akong umupo sa likod. Mas gusto ko sa likod dahil solo ko. Tapos tumabi sakin si Cassandra.

"Dito ka ba sa class na to?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang. Hindi naman siguro ako uupo sa tabi mo kung ibang section pala ako eh noh?" Hindi ko nalang siya pinansin. Nahahawa na agad to sa kamalditahan ko?

Maya-maya may lumapit sakin an isang lalaki. Gwapo? Oo. Matipuno? Oo. Matangkad? Oo. Tipo ko? Hindi.

"Hi. Bago ka dito?"

"Obvious ba?"

"Kalma lang, magpapakilala lang ako."

"No need. Hindi ako interesado na makilala ka."

"I'm Chase Clemente. 20 years old, single and ready ro mingle." Chase? Pareho pa sila ng name. "Eh ikaw miss sungit?" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?"

"Eh ikaw miss sungit? Anong pangalan mo?"

"Aba inulit mo pa talaga ah.." Ngumiti namna siya sakin at naglahad ng kamay para makipag-shake hands.

"Nice to meet you, Aba inulit mo pa talaga ah." Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad at pinalo ko yun ng napakalakas. "Aray ko! Masakit yun ah, aba inuli-"

"Isa pang salita mo, baka may magawa ako sayo na maaaring hindi mo magustuhan." Banta ko. Hes annoying as f*ck!

"Gawin mo nga, baka magustuhan ko." Nakangisi siya sakin na kinaiinis ko.

"Good morning, class." Napalingon kami sa teacher namin.

Babae siya. Hindi pa naman mukhang matanda. Parang adult lang.

Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Chase. Yung chase na nakakairita.

"Sinabi ko ba sayong umupo ka sa tabi ko?"

"Bakit kailangan ko pang sabihin sayo? Upuan mo upuan mo?" Pang-iinis niya. Grr! Konti nalang talaga sasabog na ako sa inis!

"I'm miss Valdez, but you can call me nanay. Tutal anak naman ang ituturing ko sa inyo." Ang angelic ng face niya kapag ngumiti. Parang palagi siyang masayahin. Hindi naman siya mukhang strikto.

Narinig ko namang bumukas ang pintuan na nakakuha ng atensyon sa lahat.

"Sorry were late." Napalingon ako dahil sa boses na yun. At hindi ako nagkamali.

Sila Chase at Daisy.

"That's okay. First day naman eh. You can seat over there." Sabi ni ma'am Valdez at itinuro yung nasa harapan naming upuan. Seriously?

Napatingin naman sakin si Chase saglit at dumiretso naman agad sa upuan na itinuro ni ma'am.

Naramdaman ko namang kinalabit ako ni Chase na nakakairita.

"Hoy aba inulit mo pa talaga ah, kilala mo ba yan? Bat parang magkakilala kayo? Tingin palang eh.."

"Shut up."

Kung alam mo lang...

______________________
UD!

Hindi gumagana wifi namin, kaya mapu-publish ko siguro to matapos ang ilang araw, sorry sa paghihintay.

Okay lang naman po siguro yung gantong kahaba na UD diba?

Guys, try niyo pong basahin yung second story ko titled "I'm their Personal Assitant (BTS FANFICTION)" pbvious naman po sa title, fanfiction po siya ng BTS. Sisimulan ko po ang paggawa ng chapter one kapag nakuha ko na yung cover nun kay ate moon-strings kaya can't wait na talaga!

Propogue palang pero do you mind checking it out?

Dont forget to vote and comment kung nagustuhan niyo. Really apprieciate it!

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro