~Chapter 22: Invitation~
JAMAICCA'S POV
Its been a week..
Hindi na ako kinakausap ni Chase. Tuwing lalapit pa lang ako sa kanya, umiiwas na siya. Ang last na pag-uusap namin ay noon sa sine.
Pag sa bahay naman, palagi siya nagkukulong sa kuwarto. Sabi ni daddy hayaan nalang daw muna siya. Nagtatampo lang daw.
PERO ONE WEEK NA EH!
"Jamaicca, anong susuotin mo sa birthday ni Jaxx?"
"Ha?" Birthday ni Jaxx? Kailan? Hindi ako inform?
"Sabi ko anong susuotin mo sa birthday ni Jaxx."
"Narinig ko."
"Bat mo pinapaulet?" Ang hirap talaga kausap netong bruhang to.
"Ewan ko. Hindi naman ata ako inbitado eh, ni hindi ko nga alam na birthday na pala ni Jaxx. Ikaw meron kang invitation?"
"Meron pero hindi ako sasama." Huh? Bat naman siya hindi sasama?
"Ang gara mo! Sumama ka na para may kasama ako doon." Natawa naman siya. What's so funny?
"Diba hindi ka naman sigurado kung kasama ka? Wala ka pa ngang invitation eh. Bat nag-fefeeling ka?" Ay. Oo nga noh?
"Eh.. Malay mo lang meron pala akong inbitasyon. Pero kung meron man, sumama ka." Hindi na siya sumagot pagkatapos nun.
CASSANDRA'S POV
"Ate." Tawag sakin sa bandang likod kaya napalingon ako kung sino yun.
"Bakit?"
"Pwede po bang akin nalang po yung invitation niyo sa birthday party ni Jaxx?" Ay, ang kapal ng fez manghingi ah. Kapatid niyo po ba si dictionary?
"Bakit?"
"Pili lang po kase yung may ganyang invitation. Kaya kung pwede po sana, akin nalang po tutal ayaw niyo na naman po niyan diba?" Ay, ang kapal na nga ng mukha tsismosa pa.
Pero bakit ganun? May part akong gusto kong ibigay pero may part din akong ayaw ko?
"Sorry, may tao nang nauna sayo." Sabi ko. Bigla namang lumungkot mukha niya. Nakakaawa siya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko binigay sa kanya eh, bigla nalang pumasok sa isip ko yung mga salitang yun.
"Ikaw ah." Sabi ni Jamaicca sabay siko.
"Bakit?"
"Kunwari may pagmamay-ari na nung invitation pero totoo gusto mo lang makapunta." Bulong niya.
"Eh di hindi!" Sabi ko at akmang ibibigay na dun sa babaeng nanghingi pero hinablot agad ito ni Jamaicca at tumakbo palabas ng classroom. "Hoy ibalik mo sakin yan!" Hinabol ko siya. Gatok talaga yung si Jamaicca.
Hinabol ko siya at buti nalang mabilis ako tumakbo kaya palapit na ako ng palapit sa kanya habang tumatakbo. Bigla ko siyang dinambahan kaya pareho kaming napahiga sa sahig.
Aray ko.
Pumunta naman ako sa ibabaw niya para wala siyang takas. "Asan na? Akin na nga!" Sigaw ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami dito pero tawa lang siya ng tawa.
"Wala sakin." Huh? Anong wala sa kanya? Gatok anak ng shame..
"Looking for this?" Isang baritonong boses ang narinig ko. Paglingon ko sa likod ko..
Nasa kanya yung invitation ko!
Tumayo naman ako at akmang hahablutin yung invitation pero mas lalo pa niyang itinaas yung invitation para hindi ko maabot.
"Akin na!"
"Pupunta ka?" Abot langit ngiti niya. Kung pumunta ako anong paki niya?
Well, may karapatan naman siyang mangielam dahil birthday party niya naman yung pupuntahan ko pero kahit na!
"Ano ngayon?" Sabi ko at kinuha yung invitation ko sa kanya.
"Punta ka ah."
"Pano kung ayaw ko?"
"Eh di akin na yang invitation sa BIRTHDAY PARTY KO." Diniinan niya talaga yung pagkasabi nung last part. Napairap naman ako.
"Wag kang mag-alala, Jaxx. Pupunta yan. Sa tingin mo bat niya kinukuha ngayon sayo yung invitation kung hindi naman siya pupunta? Oo nga pala, bat wala akong invitation? Nakaka-tampo ka naman." Rinig kong sabi ni Jamaicca sa likod ko.
Tumawa naman si Jaxx. "Nasa locker mo."
"Ano ba theme nung party?" Sabi ni Jamaicca habang tinitingnan yung invitation ko. Napatingin rin ako sa invitation ko at..
O.O
"Costume party?" Sabay naming tanong ni Jamaicca. Tumawa lang ulit si Jaxx.
"Anong kalokohan to?" Tanong ni Jamaicca.
"Maiba lang. Hindi pa kasi ako nakakaranas ng costume party kahit nung bata ako eh. Palaging pormal. Nakakasawa." Tss... Palaging pormal kasi mayaman.
Mas lalo tuloy akong nagdadalawang isip na pumunta. Ipamigay ko nalang kaya yung invitation?
_________________________
'Girl, may invitation ka sa birthday party ni Jaxx?'
'Meron!'
'Ayy! Nakaka-inggit ka, nabigyan ka? Ako wala eh.'
'Kanina lang nakita ko sa locker ko.'
'Pili lang kasi yung may ganyan eh. Kaya nga ang swerte mo eh.'
'Yung kaibigan ko kasi, kaibigan din ni Jaxx. Nag-request ako sa kaibigan ko ng invitation kaya nagkaroon ako.'
'Dayaa! Request mo din ako!'
Halos lahat ng tao pinag-uusapan yung birthday party ni Jaxx. Paulit-ulit sila. Parang mga sirang plaka.
Totoo bang pili talaga yung nabibigyan nun? Kung pili, bakit meron ako?
Baka nagkamali lang sila ng lagay ng invitation kaya napunta sa locker ko? O baka dahil kaibigan ako ni Jamaicca kaya niya ako binigyan?
Ayoko naman kasi mag-isip ng kung ano-ano.
"Hey you." Napalingon ako sa nagsalita. Isang babae na may kasamang tatlong alipores. Nakatingin siya sakin.
"Ako?"
"Yes, stupid. Hindi ba obvious?" Stupid? Is she referring to herself? Tss..
"Anong kailangan niyo?"
"Bat meron kang invitation ni Jaxx? Tell me, san mo nanakaw yan?" Pano nila nalaman na may invitation ako sa party ni Jaxx?
"Hindi ko to ninakaw, nakita ko lang to sa locker ko." Nagulat nalang ako nang bigla niyang hablutin yung invitation ko.
"Well, samin na ito ngayon." Ngumisi siya, yung nakaka-inis na ngisi. Nag-init naman bigla yung dugo ko.
"Akin yan diba? Bat mo inaangkin ang hindi sayo?" Sabi ko. Mukhang nainis naman sila sa sinabi ko.
"Diba kakasabi ko lang na sa ayaw o sa gusto mo amin na to?"
"Alam mo, Next time wag kang pupunta sa isang party kung hindi ka naman invited. Pinagpipilitan niyo ang sarili niyo sa parting yun. Bakit welcome ba kayo?"
Parang sasabog na yung ulo nila nang lumapit sila sakin. Sabay sabay nila akong binugbog. Kahit wala akong laban, sinusubukan kong lumaban. Pero dahil nga marami sila, hindi ko nakaya.
"Ano? Ang tapang-tapang mo, ang hina mo naman. Lets go girls, cant wait for the party!" Narinig ko namang nagsihiyawan yung mga kasama niya.
Kinuha nila invitation card ko..
________________________
UD.
Happy birthday Jaxx! Dahil diyan, may regalo ako sayo sa next chapter. XD
Abang-abang nalang po sa next chapter.
Please vote and comment para maganahan po akong mag-UD.
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro