Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


Ylesha POV

"Ang galing mo kanina,Nikki! Natalo mo yung student ng sky university." Saad habang tumutungo kami sa isa pang garden ng school.

Mag pipicnic daw kasi kami pag-yayaya ni Emily,dahil nanalo yung Archer niya kahit alam naman namin na may nangyari.Nag yaya kasi,kaya alam namin yun.Hindi naman mag yayaya si Emily kapag walang iniinda na problema.

Umupo kami sa isang table dito at hinintay namin ni Nikki sila Emily.

"That was nothing special." Sagot niya.Umiling naman ako.

Tumawa naman siya.Tumingin ako sa likoran ko ng may marinig kaming nag tatawanan.Nandito na pala sila Denny at saka Emily.May dalang basket na puno ng mga pagkain.

Umupo sila sa harapan namin at nilagay ni Denny yung basket sa mesa.

"Anong dinala ninyong pagkain?" Tanong ko.

Binuksan naman yun ni Emily at nilapag sa mesa yung lahat ng mga pagkain.

"Sushi,burger, at marami pang iba." Naka ngiting sagot ni Emily.Hinawakan ko naman yung kamay niya kaya tumingin siya sa 'kin.

"Alam kung may problema ka.Ilabas mo lang."Saad ko kaya umiyak siya.tinahan naman ni Denny.

"Huwag kang umiyak.parang na iiyak na din ako!"mangiyak-ngiyak na saad ni Denny.Umiling-iling naman ako at kumagat na lang ng burger.Si Nikki tumatawa naman.Buhay nga naman,oh!

Ilang oras lang umiyak si Emily at kumain na rin siya na parang walang nangyari.

nakalimutan naman pansamantala ni Emily yung problema niya ng kumain siya.
Pinapatawa na nga lang ni Denny para matuwa naman siya.

Natapos yung picnic namin sa school at lahat ng students ay kailangan ng mag handa para sa exam bukas.Nag pa alam na din si Emily at Denny na uuwi na sila.Hahatid na raw ni Denny si Emily sa kanila.Ba'ka kung ano naman ang gagawin niya.Kami naman ni Nikki ay umalis na din sa school.Uuwi na ako at ihahatid niya ako.Ang sweet nga!

Habang nag lalakad kami ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya.Siya naman nasa daan lang siya naka tingin.Ni hindi niya ako na pansin na tinitignan siya.

(Play the background music Salamat by yeng constantino.)

"Ylesha."Tawag niya sakin.
Tinignan ko naman siya.

"Oh?"

"May sasabihin ako."

"Ano yun?" Tanong ko naman at tumingin sa daan.Hindi kasi siya sumagot kaya hinintay ko yung sa sabihin niya.

"I-I like you!"

Nagulat ako sa sinabi niya.Kaya huminto ako at tinignan siya.
Mukha namang nag sasabi ng totoo,pero ba'ka hindi.Akala ko may gusto siyang iba?

Hindi ako makapag salita dahil nga gulat pa din ako.

Tumawa ako ng malakas para ma iiba ko yung usapan namin.Tinitignan lang naman ako ni Nikki na parang iniisip niya na hindi ako na niniwala.

"Sus,ikaw-" Bago ko pa ma tapos yung sa sabihin ko ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko at saka yung baywang ko palapit sa kanya.Doon ko lang din napag tanto na nay dumaan palang truck.

Ngayon ay malapit na ako kay Nikki.Inangat ko yung ulo ko at tumingin din siya sa 'kin.

"I said i like you"He suddenly put he's lips on mine.

I guess he really likes me.

Ahhhhh!!! Shit! Nakaka kilig! Ano 'ba susuotin ko bukas?! Kami na, at sabi niya mag da-date kami bukas,pagkatapos ng exam.

Pumasok ako sa kwarto ng mga lalagyan ng gamit ko.Napa tingin ako sa white long sleeve ko na ilang years ko na din hindi na susuot.Kinuha ko yun at saka nag hanap ng blazer.Tumungin ako sa kabilang kabinet at napa ngiti ako ng makita yung brown na blazer ko.Binila sa 'kin ni Dad 'to pero hindi ko siya na suot.Sunod naman ako sa mga sling-bags ko.Kinuha ko yung blue dahil maganda.Sunod ay yung sandal na puti lang.

Lahat ng yun ay nilagay ko sa kabilang kabinet para bukas ay kukunin ko na lang 'to.Lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa dining room.Nakita ko si Dad na nakatulala lang sa isang ispasiyo, kaya nilapitan ko siya.Nang makita niya akong pa palapit ay ngumiti na siya na parang walang iniisip.

Tumabi ako sa kanya at hinandaan niya naman ako ng makakain.Ano naman kaya iniisip ni Dad? Tungkol 'ba sa business niya?

"Eat up,princess... " Ani niya at nag lagay din ng pagkain sa kanyang plato.tumango na lang ako at kumain.Mamaya ko na tatanongin si Dad.

Nang matapos kaming kumain ay na una si Dad na umupo sa sofa.Sinundan ko na din siya dun at umupo sa tabi niya.

"Dad... May itatanong sana ako." Saad ko kaya ibinaba niya yung libro na nasa kamay niya.

"May problema ka po 'ba?"
Diretso kung tanong sa kanya.

Hinawakan niya yung kamay ko at tumingin sa 'king mga mata.

"Napapansin ko kanina parang may iniisip ka.Ano 'bang problema, Dad?"

"Nothing... Just don't mind me,princessI can solve it in my own." Sagot niya at parang ayaw niyang sabihin sa 'kin yung problema niya.Dati naman sinasabi niya sa 'kin,pero ngayon... Iba na.

Hindi ko na lang inabala si Dad at tumungo na sa kwarto ko.Maaga akong na tulog kaya maaga rin akong na gising.Himdi na rin ako na kapag breakfast kasi nga mag mamadali.Exam lang naman ngayon kaya pwede kami mag suot ng kahit ano.
Sinuot ko yung mga hinanda ko ka gabi,sana parehas kami ni Nikki ng color ng damit.

Pagpasok ko sa building ay wala pang mga tao.Pumunta ako sa locker ko.Nilagay ko muna doon yung mga gamit ko expect sa bag ko.Napa lingon ako sa likuran ko ng may nag salita.

"Good morning,Ylesha!" Masiglang bati sa 'kin ni Emily.
Parang walang problema sa buhay!

"Ang aga mo 'ata?" Tanong niya pa."

"Gusto ko lang na maaga para makapag study pa." sagot ko.

Napa tingin kaming dalawa ng dumating.Yung A3, na hindi kumukupas yung kagwapohan.
Mag sasalita pa sana ako ng biglang tumakbo si Emily sakanila kaya napa tampal ako ng noo.Hinayaan ko na muna siya at tumungo sa room.Bubuksan ko na sana yung ng may na una kaya nilingon ko ka agad kung sino yun.Napa sandal ako sa pinto ng makita si Nikki at magkapalit yung mukha namin.

"Good morning,Ylesha" Naka ngiti niyang bati.







"Here's your exam papers.You shoule finish that within 2 hours!"Pagpapaliwanag ni sir kaya pinasa na ng mga nasa unahan yung papel pa punta sa likod.Kumuha ako ng isa at pinasa naman sa likuran ko.Sasagot na sana ako ng makita 'kong umiilaw yung relo ko.Napa tingin ako sa gawi ni Nikki at na kita kung nasa mukha niya yung ilaw sa relo ko.Yung ilaw...
nanggagaling din sa labas ng bintana.Na gulat ako ng Napa tingin siya sa 'kin kaya inalis ko sa mukha niya yung ilaw at umiwas ng tingin.

Ahhhhh!!! Bakit 'ba Napa tingin siya sa 'kin?! Nahihiya na ako simula kanina.Feeling ko maglalapat yung mukha namin kanina.Mabuti na lang dumating sila Emily saka si Denny.Tinuon ko na lang yung attention ko sa papel at nag simula ng sagotin yun.1 hour and 20 minutes ng nakakalipas at walang gumagana sa utak ko.Ano 'ba kasi! Yung nangyari kahapon lang yung na iisip ko hanggang ngayon.

" Ylesha, tapos ka na?"bulong ma tanong ni Denny sa 'kin.Umiling ako at nag isip.

Mabilis lang yung oras at kahit pa paano ay may pumapasok sa isip ko.Yung iba hindi ko masagotan ng maayos.Nagulat naman ako ng biglang tumunog yung bell ng school.Hudyat na 'nun na tapos na yung pagsasagot.Napa hinga ako ng malalim bago pinasa sa harapan yung papel ko.

Habang nag sasagot kasi ako hindi ako makahinga.
Kinakabahan lang naman ako.Lumabas kami dahil sabi ni sir pumunta raw kami sa art room.Na iinis nga ako kay sir.

Dumating kami sa loob ng room at nag siupoan.Katabi ko sana si Nikki pero na una si Emily na tumabi sa 'kin kaya kay Denny lang siya tumabi.

"Na tapos na yung exam at next week,sa Tuesday ay dun ma magsisimula yung pag hahanda sa graduation.Ngayon ay may ipapagawa ako sa inyo.Lahat kayo bagsak kaya may gagawin kayo para tumaas naman yung grado niyo."

Lahat ng students ay nanghihinayang.Pati na kami ni Emily.Sabi na nga 'ba! Bobo na 'ba talaga ako?

"Simple lang naman ang ipapagawa sa inyo.Kailangan niyo lang gumawa ng Pottery Art sabi ng Art teacher niyo.Yun lang naman,Babae at lalaki lang yung mag partner... Kaya humanap na kayo." Pagka sabi nun ni sir ay agad 'kong nilingon si Nikki at ngumiti naman siya ng makita akong naka tingin sa kanya.

Lumabas kaming lahat sa Art room dahil pwede ng umuwi.Nag pa alam na rin si Emily sa 'kin na pupuntahan niya si Archer.Ewan ko 'ba kung anong nilason sa utak niya at patay na patay kay Archer.Uuwi na nga sana si Denny pero sinabihan ko na samahan si Emily.Ba'ka ano na naman ang mangyari at bigla mang-lilibre.

Nan dito pa rin kami ni Nikki sa loob ng school.Gusto niya kasi dito kami mag da-date.Okay lang naman sa 'kin dahil malapad naman yung area dito at walang makaka-kita samin.Wala na din lahat ng studyante dahil nagsi-uwian na sila.

Napa hinto kami sa paglalakad ng nasa tapat kami ng puno.Napa mangha ako sa nakikita ko.Sabi-sabi nila,ito raw yung pinakamatanda na puno dito sa school.Mabuti pa siya walang sakit at namumuhay pa dito.

"This is five hundred years old" He said while watching the tree.

Umupo ako sa upoan na kahoy na naka palibot sa puno.Umupo din si Nikki sa tabi ko at nag salita siya.

"Ylesha" Tawag niya sa 'kin.

"Hmm?"

"Would you stay forever with me like this tree?" He said.I smiled and slowly nod.

"Yes,I will never leave you."

"Will you stop your marriage in Harvey?" Tanong niya ulit.Hindi ako agad nakapag react.Hindi ko alam ang sa sabihin ko.I should ask Dad to stop the marriage if its time.

"Yes,I will stop the marriage." Saad ko kaya napa ngiti siya ng malawak.Tumayo siya,nagulat ako ng bigla na lang siyang sumigaw kaya na tataranta akong napapalingon kung meron 'bang tao.Ba'ka may makarinig kasi samin dito!

"Shh... Huwag 'kang maingay! Saway ko sa kanya.

Ilang oras na kaming nandito at napagpasyahan namin na kumuha ng litrato.Sabi niya kukunan niya raw ako,kaya binigay ko sa kanya yung cellphone ko.Pumwesto na ka agad ako at nilagay yung dalawang kamay ko sa ilalim ng baba at saka ngumiti.


Naka kuha kami ng ilang shots sa phone ko kaya napagpasyahan ko naman na kaming dalawa naman ang mag picture.Dumikit ako kay Nikki kasi siya yung kukuha.Sa likod niya lang ako at na kita naman yung mga mukha sa phone kaya agad akong gumawa ng peace sign sa kamay at nilagay sa bandang mata ko saka ngumiti.Ngumiti rin si Nikki at kumuha na ng litrato.


Ang saya ko ngayong araw kasi naging kami na ni Nikki.Akala ko
may mahal siyang iba,pero wala naman.Ngayon na naging kami na ang problema ko na lang si Dad at yung marriage namin ni Harvey.Hindi naman siguro siya magagalit kapag sinabi ko sa kanya diba? Hayst! Sana nga!

Lumipas yung gabi at umaga na.Nandito na ako sa school ng maaga at pumunta sa Art Room.Wala na kasi kaming klase dahil tapos na yung exam.Sabi nga ni sir,para raw sa grades namin 'to.Pagdating ko sa Art room isa lang yung nakikita kung tao na nandito... Si Nikki.

Inangat niya yung ulo niya at napa tingin sa 'kin.Ngumiti siya ng makita ako kaya nginitian ko siya.nag tungo ako palapit sa kanya at uupo na sana ako ng pinigilan niya ako.

"bakit?"Nagtataka kung tanong.

"Stand in front of me." He said kaya sinunod ko na lang yung sinabi niya.Pumwesto ako sa harap niya at napa taas ako ng kilay ng mag sketch siya sa papel.
30 minutes ang nakakalipas at tumayo siya saka humiga sa mga papel na nakita ko nung mga nakaraang buwan.Nagulat ako ng makita yun.

"I-ikaw ang nag dra-drawing ng mga mukha ko!? Kagaya nung nasa library!?"pa sigaw kung tanong kaya tumawa siya ng marahan at tumango.

Humiga ako sa tabi niya at magpapantay yung ulo lang namin.Nag titigan kami sa isa't-isa at saka ngumiti.


I love seeing he's smiles.I feel... I was loved.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro