Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 58

[She's Back]

SAMANTHA's POV

"May tumawag sa akin na unknown number last night, bakit hindi mo sinagot kuya?" Tanong ko kay Kuya.

"Tch. May password ang phone mo, paano ko yun masasagot?" Sabi nito habang nakatingin kay Chloe na natutulog.

"Nasaan si Irish?" Tanong ko habang nag-aayos ng mga laruan na nakakalat.

"Kailangan niyang pirmahan ang mga papers sa company namin, owner na rin siya doon kaya kailangan din niyang pumirma." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ikaw muna ang magbantay kay Chloe."

"Kapatid mo ako kuya, hindi alila. Ipinapaalala ko lang sayo." Inis na sabi ko, tumawa naman si Kuya.

"Just an Hour Princess Samantha." Natatawang sabi ni Kuya, habang naglalakad papuntang office niya.

-----

"Tatawag tawag, tapos hindi magsasalita." Pabulong kong sabi habang naglalakad papalapit kay kuya at Chloe.

"Anong sabi?" Bungad na tanong sa akin ni Kuya.

"Ikaw na ang bahala kay Chloe, tutal anak mo naman yan." Nakangisi kong sabi at naglakad papunta sa tabi nang hagdan. "Magpapahangin lang ako."

"Sam!"

"What?"

"Saan ka ba talaga pupu--"

"Kung saan ako dalahin ng mga paa ko."

-----
Tiningnan ko ang puno na nasa tapat ko. (Kahapon pa nag-iinom si Ian, Sam.) Saad ni Myael.

"Hmm?" Nilaro ko ang mga kuko ko.

(Hindi din siya kumakain, palagi siyang nasa bar.) Nag-aalala ang boses nito.

"Samahan mo, niyo." May nahulog na dahon sa palad ko. "Pero... Wag na wag kayong magsasama ng mga babae, dahil kapag nalaman ko na may kasama kayo! Pupugutan ko nang ulo at isusulong ko sa apoy ang mga babae na yun kinaumagahan!"

-----

Umakyat ako sa puno at doon naupo, ipinikit ko ang mga mata ko. Dalawa ang kailangan kong gawin.

"Samantha! Anong ginagawa ko diyan?" Tumingin ako sa ibaba ko at nakita ko si Quiel.

"Nagpapahangin." Saad ko, pinutol ko ang isang maliit na sanga at itinapon kay Quiel.

"Bumaba ka nga dyan!" Sigaw nito. "Baka mahulog ka!"

"Tss. Eto na bababa na!" Inis na sabi ko at tumayo.

"Samantha! Magpapakamatay ka ba?!" Bulyaw ni Quiel. Hindi ko ito sinagot, nagpatihulog ak--

"Gago! Bakit mo ako sinalo!" Inis na sabi ko, umalis ako sa mga bisig nito. "Tss. Panira."

"Kakain na, ako ang nagluto." Nakangiting sabi nito. "Friend chicke--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at naglakad papasok nang bahay. "Samantha!" Tawag nito.

Nahinto ako sa pagpasok nang makita ko ang malaking table sa swimming pool. Naglakad ako papunta roon. "Bakit dito tayo kakain?" Tanong ko at naupo sa isang silya. Nakangiti si Kuya habang nakatingin sa akin. "Ngumiti ka pa, dahil bukas iiyak ka kapag itinago ko si Chloe." Saad ko.

Kumuha ako nang dalawang Fried chicken, Bahagya akong napangiti nang maalala ko ang araw na yun.

"Mahal ba talaga ang Fried Chicken?" Wala sa sariling tanong ko.

"Kung sa restaurant siguro, Oo?" Saad naman ni Quiel.

"Magkano?" Tanong ko.

"5-10 thousand maraming Fried Chicken na y--"

"Tang*na!!" Inis na sabi ko.

"Hoy! Ano yan Sam? Nasa harap natin ang pagkain!" Suway naman ni Kuya.

"Ano naman? Hindi naman tayo maririnig nang mga iyan! 100 thousand tapos hindi sa amin ipinaubos yung Fried Chicken." Wala sa sariling sabi ko.

"Sam!" Muling saway ni Kuya.

"W-what?" Tanong ko at tiningnan si kuya, Dad, Irish, Chloe at Quiel.

"Dad? Anong nangyayari kay Auntie?" Inosenteng tanong ni Chloe.

"Pagpasensyahan mo na ang Auntie mo anak, hindi pa kase yan kumakain nang umagahan." Natatawang sabi ni Kuya.

"Chloe, wag kang maniwala kay Daddy mo okay? Sa akin ka maniwala, ang Mommy mo naging karelasyon ang mahal ko." Nakangising sabi ko.

"H-hey Sam, wag mo nama--" Irish

"Siya po ba?" Tanong ni Chloe habang nakaturo kay Quiel.

"Hindi, mahal ko lang si Quiel bilang kaibigan, si Charles--"

"Let's eat." Saad ni Irish, pilit lang akong ngumiti at ipinagpatuloy ang pagkain.

CHARLES POV

"Ilang araw ka nang umiinom Ian, hindi ka ba titigil sa pag-inom?" Tanong ni El

"Ian, ihinto mo na ang pag-inom. Ang bilis mong namayat, hindi ka ba kumakain?" Tanong ni Ar

"Hindi daw yan kumakain sabi ni auntie." Komento naman ni Li.

"Pwede niyo akong iiwan dito kung hindi naman kayo iinom." Saad ko at muling tumungga, tiningnan lang nila ako. "Sige na. Pwede na kayong umalis. Iwan niyo na lang ako dito."

"Hindi ka namin dito iiwan, lalo na't ganyan ka." Saad ni Ar.

"Kaya ko ang sarili ko, sige na. Umalis na kayo." Nagtinginan lang ang mga ito. Kumuha ako nang isang bote na walang laman. "Sige na umalis na kayo!" Binasag ko iyon sa sahig. "Pwede na kayong umalis! Iiwan niyo na ako!"

"Ian? Ano ba ang problema mo? Bakit hindi mo sa amin sabihin? Baka makatulong kami." Saad ni Li.

"Pwede na kayong umalis, sige na!!! Kaya kong mag-isa." Pagtataboy ko sa mga ito. "Maniwala kayo. Kaya ko, kaya kong mag-isa."

"Ia--"

"Kapag sinabi ko na kaya ko! Kaya ko!!" Inis na sabi ko.

"Call anyone of us if you'll going home okay?" Saad ni El at tumayo.

"Sige na! Umalis na kayo! Kaya kong mag-isa!" Nag-aalangan silang maglakad papalayo. "Ingat!!" Sigaw ko sa kanila at kumaway.

MYAEL's POV

(What?)

"Umiinom nanaman si--"

(Alam ko.)

"What the heck? Nandito ka--"

(Oo, kitang kita nga kita.) Tumingin ako sa paligid (Ohh? Wag mo na akong hanapin.) Sabi nito bago ibaba ang tawag.

CHARLES POV

Tiningnan ko ang mga boteng nasa harapan ko. Halos mapuno na ang mesa ko ng mga bote, may mga bote din sa gilid ko.

"Dalawa pa ngang case!!!" Sigaw ko. Yumuko ako sa mesa.

"Akala ko ba huminto kana sa pag-inom?" Biglang sabi nang isang pamilyar na boses. "Suko ka na ba? Kaunting hintay nalang, pabalik na ako." Unti unting pumatak ang luha ko. Nanaginip nanaman ba ako?

"If this is a dream, wake me up." Wala sa sariling sabi ko. "Baka lalo pa akong umasa na babalik pa si Sam dito."

"Ang bilis mo naman sumuko, noong sinaktan mo nga ako nang paulit ulit nagpahinga lang ako. Tapos ikaw..." Rinig ko ang nakakainsultong tawa nito. "Na walang proweba! Sumusuko agad. May pasabi sabi ka pa noon." Bumuntong hininga ito.

"S-sam?" Hindi ko alam, kung totoo ba ito! O isang panaginip lang, naririnig ko ang boses ni Sam. May lungkot ang boses niya.

"N-na pakakainin mo nang bal--"

"Alam kong hindi kana babalik Sam." Naluluha kong sabi, rinig ko ang paghikbi nito.

"Next month you'll see. I love you... Even destiny wants to separate us." Saad nito inangat ko ang ulo ko. Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko, malabo. Hindi ko makilala ang babaeng nasa harap ko, siguro dahil na rin sa alcohol na nasa katawan ko. "Dalawang hakbang nalang nasa harap mo na ako." Huling sabi nito.

-----

It's been a week since that day, the day where I came home... I really don't know, how can I go home? I can't remember anything but I remember what happened that night.

"Sir, you have meeting with Mr. Crausus tomorrow and Mr. Villa--" My secretary said

"Time?"

"Ngayon sir Kay Mr. Villa afterlunch, at bukas kay Mr. Crausus 4pm"

"You may leave now." I said.

I read and analyzed all the papers in my table. I rejected some of it. My phone vibrate. "Yes mom?" I said while reading the last paper.

(Someone wants to talk to you.)

"Who?"

(She'll go there.) She said then ended the phone call.

Someone knocked the door. "Sir, Someone wants to talk to you."

"Let her come in." I said.

"Charles?"

"Why are you here Irish?" I asked without looking at her.

"Nothing, Are you okay?" She asked i look at her.

"Are you asking me?" I grinned at her. "Mind your own business Irish." I said. She forced a smile and walk towards me.

"She's coming." She whispered. "Wait her, she'll be back. Don't give up at her Charles. Everything has a reason." She said while smirking.

My eyes widened when I saw Samantha at the doorway, she's smiling while Waving her hand that wearing the two bracelet that I gaved, I blinked. "Sam? Where's she?"

"Tsk. Tsk. Tsk. You still love her." Irish said then leave.

"What the fvck is that Charles?" I asked my self then look again at the doorway. "Impossible, I saw her. Sam? I know you're here!" I said then walk at the cr.

I heavily breathe before holding the doorknob, I twist it slowly, as I open the door my heart beat start to fast. A cold air enwrap my whole body.

"Sir?" I sigh.

"What?" I asked then walked back to my table, I sit at my swivel Chair.

"Miss Swevarez wants to talk to you now." She said and gaved her phone to me. I stare at her phone.

"Who's Swevarez? I don't know her." I asked at her.

"If you don't want to talk to her, Sir I'll tell he--"

"I don't talk to strangers. Know everything about her, before asking me to talk to he--"

"Sir. She said she's Ziel, friend of Samanth--"

"Give me the phone." She gave the phone.

(Charles, Pakisabi kay Liam k-kailangan ko siya--) nahinto ito sa pagsasalita nang may pumutok na baril sa linya niya.

"Ziel? Anong nangyayari dyan?"

(B-basta pakisabi kay Liam na kailangan namin siya dito! ,Sabihin mo rin na tawagan niya si Sa--) nahinto muli ito sa pagsasalita, sunod-sunod ang putok nanag baril sa kabilang linya.

"Hey!"

(Si Sam, tawagan niya si S-sam) hinihingal na sabi nito.

"Ziel ano bang--"

(Sh*t!!! Basta sabihin mo kay Liam na kailangan namin siya dito!) May malakas na pagsabog sa kabilang linya.

"Bomba ba yun?"

(Oo! Bomba yun, kaya tawagan mo Liam at papuntahin siya dito!)

"Saan?"

(Hindi ka pwedeng sumama, kung yan ang binabalak mong gawin! Pasasabugin ko ang bahay niyo kung sasama ka!) Bulyaw nito, hindi ako nagsalita. (N-nagpapractice kami nina Chlea pakisabi kay Liam n-na p-pumunta siya dito.)

"Bakit may bomb--"

(Psh. Nagpa-practice kami! Kaya papuntahin mo dito si Liam. Kapag hindi siya dumating makikita mo ang bahay mo na nasusunog!) Pagbabanta nito bago patayin ang tawag.

Inabot ko ang phone sa secretary ko. "Thanks." Tinawagan ko si Liam.

-----

"Ian!!" Tawag ni Li.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang papalapit sa kaniya, pilit lang itong ngumiti. "Napuntahan mo ba kahapon si Ziel?"

"Yup, Naiwan pa nga si Sam." Pilit na ngiting sabi nito.

"W-what do you mean?"

"Hindi talaga sila nagpractice. Sinugod nila yung pumatay sa pamilya ni Ziel. Nagpaiwan si Sam" saad nito.

"I-iniwan mo?" Kinakabahang sabi ko.

"Pinauna na niya kami--"

"P-pumayag ka?" Inis ko itong tiningnan. "Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi? Tinanong ko sayo kanina kung ano ang nangyayari--"

"Hindi namin pwedeng labagin ang utos ni Sam, siya ang namamahala nang mga Sha-ynah, Jen-Ziel at mga sundalo sa Japan." Bumuntong hininga ito.

"P-pupuntahan ko siya." Saad ko, tumalikod--

"Hindi pwede, galit siya sayo. Baka ikaw ang pagbuntunan niya nang galit. Makakaalis siya doon." Paninigurado ni Li.

"Parang siguradong sigurado ka--"

"Mas marami pa ang buhay nun kesa sa pusa. Nagawa niyang kalabanin ang higit sa sampung grupo--"

"Iisang g-grupo lang ang kakalab--"

"Organisasyon. Isang organisasyon ang kalaban niya ngayon." Nagtataka ko itong tiningnan.

"Tutulungan ko siy--"

"Ayaw niya nang may katulong, dahil sa tingin niya pwedeng sila ang gamitin laban sa kaniya. Tulad noon.Yung araw na lahat tayo napahamak ayaw niyang mangyari ulit yun. Isa siyang prinsesa Ian, isang prinsesa na maraming nalalaman, maraming kakayahan, at mahirap kalabanin." Pilit na ngiting sabi nito bago lumabas nang pinto. "Matulog kana!" Saad nito.

"Paano ako makakatulog kung alam ko na hawak nila si Sam?" Wala sa sariling sabi ko at naglakad na papasok ng kwarto.

10 mins...30mins...1hour... 3hours... Naupo ako sa tabi nang kama. Biglang nag vibrate ang phone ko, agad ko iyong sinagot. "Hello?"

"Sir, sorry sa abala gusto po ni Mr. Villa na I reschedule. 8:00am."

"Yeah, thanks." Saad ko at pinatay ang tawag. Tumingin ako sa orasan, 12:36am na nang umaga pero hindi parin ako makatulog! Muli akong nahiga at pilit na ipinikit ang mga mata.

-----

"Hey! Ian!" Nakangiting bungad ni Li sa akin nang buksan ko ang pinto nang bahay ko.

"Oh? Bakit nandito ka?" Tanong ko, at tumingin sa paligid.

"Congrats" Nakangiting sabi nito at tinapik ang balikat ko. "Sige na pumunta kana sa company mo. You have meeting now right?" Nakangiting sabi nito na animo'y walang nangyari.

Sininghalan ko lang ito at sumakay sa kotse, ilang minuto lang ay nasa tapat na ako nang isa sa company ko. "Sir!" Tawag nang secretary ko.

"What now?" Walang ganang sabi ko

"Uhm sir, hindi ho makakarating si Mr. Crausus, may ipinadala nalang ho siya na kakausap sa inyo."

"Sino--" nahinto ako sa pagsasalita nang buksan ko ang pinto nakita ko ang isang babae na nakayuko sa tapat nang desk ko.

Plain Blue oversize t-shirt and a black Short. Nakalugay ang buhok nito kaya natatakpan nang buhok niya ang kaniyang mukha.

"Sir mauna na ho ako." Tumango ako, isinara ko ang pinto.

Nilapitan ko ang babae na nakayuko sa desk ko. Bahagya akong napangiti, hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya. It's Sam, yinuko ko ito at hinalikan sa pisngi. 'I miss you'

"Pagod na pagod." Umiiling kong sabi at naupo sa aking swivel chair. "Pinagod ka ba nang asawa mo?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro