Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 57

MYAEL's POV

"I can't believe this!! I thought I can marry her after this. But..." Tumingin si Charles kay Sam. "She forgot how much I love her."

"Wag mong sabihin na sumusuko kana?"

"No, I'll give her time to remember everything." Bumuntong hininga siya. "If I have to avoid her..." Tumingin ako kay Charles na ngayon ay lumuluha na naman. "I'll do it..." Kagat kagat nito ang labi niya. "If that's the only thing I can do." May pikit na ngiting sabi nito.

"Aalis na sila bukas... Babalik na sila sa Japan..." Muli akong tumingin kina Sam. "Mawawalan kayo nang koneksyon sa isa't isa, kakayanin mo ba?"

"I don't know."

"You have to." Nakangiting sabi ko at tinapik ang balikat ni Charles. "Everything has a reason." Nakangiting sabi ko at lumapit kay Sam. "Sophie do you remember me?" I asked. She smiled.

"Yeah, kanang kamay ka ni Klien." Ngumisi ito. "Yun naman." Itinuro niya si Mark na ngayon ay kasama ni Charles. "Ang dahilan nang pagkamatay nang Grandparents ko."

"Shayne?" Tawag naman ni Charles.

"I want to rest." Saad nito at nahiga. "You may now back to Philippines." Ipinikit nito ang kaniyang mga mata.

-----

"Parang hindi si Sam ang pinuntahan natin sa ospital na 'to." Komento ni Li. Habang nakatingin sa buong ospital.

"Si Sam yun, matagal nang gano'n ang ugali niya. Bago mo pa siya makilala." Pilit na ngiting sabi ni Mark. "Nagbago lang ang ugali niya nung nakilala niya si Charles at nalaman niya na si Charles at si Gianne ay iisa."

"Mark? Sasama ka rin ba sa kanila?" Tanong ko rito.

"Yeah, si Clouxe na ang nagsabi."

"Si Love sasama ba sa inyo?" Tanong ni Li

"Oo, kaibigan siya ni Sam."

"Ian, kanina ka pa dyan tahimik." Nagtatakang sabi ni Ar, tiningnan naman namin si Charles. "Ian?"

"W-what?" Tanong nito.

"Kanina ka pa tahimik, may problema ba?" Hindi sumagot si Ian, nagkatinginan kaming tatlo dahil sa inasta nito. "Sabihin mo lang kung may gumugulo ba sa isip mo."

"Babae nanaman ang nasa isip nito, Miss mo na yung secretary mo 'no" Pabirong tanong ni Li, hindi ito nagsalita.

Inakbayan ko si Charles. "Mahal ka pa rin no'n, nakalimutan niya lang yung magagandang nangyari pero ang puso niya hindi yun nakakalimot. Galit siya sayo, dahil hindi niya naaalala yung totoo kaya wag kang magpapakamatay nandito lang kam-- What the fvck!!" Bulyaw ko rito nang sikmuraan niya ako. "Hindi na 'to mabiro."

"Bakit ako magpapakamatay? Ikakasal pa kami ni Sam sa harap ng altar."

"Sa harap ko ayaw mo?" Pabirong sabi ni Ar

"Kung pari ka, bakit hindi?"

CATH's POV

"Ayoko na dito Klien! Alam na ni Charles na boyfriend kita, baka patayin niya ako rito." Saad ko habang aligagang naglalagay ng mga damit ko sa aking bagahe.

(Hindi niya kakayaning pumatay)

"Anong hindi kayang pumatay?!" Bulyaw ko rito, naupo ako sa tabi ng kama. "Halos mapatay niya ako kahapon nung nalaman niya na boyfriend kita! Halos hindi ako makahinga sa pagkakasakal niya!" Inis na sabi ko.

(Ano ba ang ginawa mo at nalaman niya?)

"Wala akong ginagawa!" Inis na sabi ko habang nakatingin sa isang table.

(Hindi mo pa nakukuha ang titulo ng mga kompanya nila! Hanapin mo muna bago ka umalis dyan!!)

"Yung titulo pa talaga ang iniisip mo?! Yung buhay ko! Hindi ba mahalaga para say--"

(Mahal kita Cath pero mas maganda kung nasa atin ang titulo hindi ba? May pera tayo, pwede na tayo magpakalayo layo.)

Bumuntong hininga ako. "Fine." Napipilitang sabi ko. Pinatay nito ang tawag. Tumayo ako at hinalungkat ang buong kwarto.

ZIEL's POV

"Unahin natin ang malalaking grupo bago ang maliliit." Seryosong sabi ni Sam. "Kung gusto mo Ziel..." Tumingin ako kay Sam. "Unahin nating buwagin ang organisasyon na yun?" Nakangising sabi nito.

Sa tuwing ganito ang usapan nagiging seryoso si Sam, wala kang makikitang takot at pag-aalinlangan sa mukha nito. Desidido siyang gawin ang bagay na sinimulan at hindi siya nakadepende sa sinimulang plano kundi nakadepende siya sa kasalukuyang plano.

"Yeah, unahin natin ang organisasyon na yun." Pag-sang-ayon naman ni Kuya Clouxe.

"Kailangan natin nang matinding plano kung ang organisasyon ang uunahin natin." Saad ni Chlea na kakapasok lang. "We don't have a enough identification in that organization, let's start at the smallest group." Naglakad ito papalapit sa mesa.

"Si Mia? Nasaan?" Tanong ni Sam kay Chlea.

"I agree with Chlea." Saad ni Mia at lumapit sa amin. "Ayos ka na ba talaga Sa--"

"Tsk. Tsk. Tsk. Kaya ko na. Kaya ko nang pumatay ng tao, kahit pa ang boyfriend mo ang pakitaan ko." Nakangising sabi nito. "Biro lang." Walang ganang bawi nito sa kaniyang sinabi.

CHARLES POV

"Hey Mom." Malumyang bati ko.

"How's Samantha?"

"She's fine now." Tumingin ako sa mesa. Si Mom at Dad lang ang naroon. "Where's Cath?" Nagtatakang tanong ko.

"Si Cath? Umalis na siya kani-kanina lang, sayang nga man lang siya nakapagpaalam sayo." Nakangiting  sabi ni Mom at bumalik na sa kinauupuan niya kanina

"Good to hear" bumuntong hininga ako bago sumunod kay Mom. "May sinabi ba siya sa inyo?" Tanong ko habang nasa kalagitnaan na kami nang pagkakain. Nagkatinginan pa si Mom at Dad bago sila umiling.

"May dapat ba siyang sabihin sa amin bago umalis?" Dad Asked.

"Wala nam--"

"Nakapagtataka nga ang batang iyon, gusto pa daw niya tumagal dito sa pilipinas tapos biglang gusto na niyang umuwi sa Australia. Nag-away ba kayo?"

"No, Dad."

"Rick, sinabi sa akin ni Cath na marami na raw siyang natutunan sa loob nang dalawang taon kaya gusto na niyang bumalik sa Australia, Gusto na raw niyang subukan ang mga natutunan niya kay Charles, sa kaniyang kompanya. Kaya pinayagan ko na, alam mo naman ang batang yun hindi nagpapapigil." Napapailing na sabi ni Mom.

"Kay Klien Mom, may balita na ba kayo sa kaniya?" Muli kong tanong, natigilan silang dalawa at sabay na tumingin sa akin. "Girlfriend niya si Cath." Saad ko, sumubo ako ng kanin. Kita ko ang pagkalito sa mata nilang dalawa.

"What?"

"Yeah Mom, hindi naman natin kadugo si Cath kaya malakas ang loob niya na makipag-relasyon kay Klien."

"Magpinsan sila." Komento ni Mom

"Magpinsan sa papel hindi sa dugo Mom, nagpatira tayo sa bahay na ito nang isang ahas na tutuklaw mismo sa atin." Uminom ako nang tubig.

Hindi parin makapaniwala ang dalawa sa narinig nila, pareho silang tahimik kaya tumayo na ako nagpaalam na magpapahinga.

-----

"Ian!! Nabalitaan mo na ba?" Tanong ni Ar

"Ang ano?" Nalilitong tanong ko rito.

"Ikakasal na siya sa isang lalaking may dugong buhaw rin." Pilit akong ngumiti, ipinakita ko ang screen nang phone ko.

"Nakita ko na, Viral pa nga oh." Kinagat ko ang labi ko at muling tiningnan si Sam sa isang litrato. "N-nagkasundo ang d-dalawang E-empera-dor na i-ikasal sina Princess Samantha Crausus at Prince Xian Quiel sa susunod na t-taon." Pilit na ngiting pag-basa ko sa Caption.

-----

Five years pasted since the day I saw her.

"Mahal ka pa rin ni Sam wag kang mag-alala." Pabirong sabi ni Myael. "Ibigay mo sa akin ang phone mo." Utos nito, tiningnan ko siya nang may pagtatanong.

"Bakit ko naman ibibigay say--"

"Ilalagay ko ang bagong number ni Sam, para naman wag ka nang sumimangot. Saka masyado ka na ring nagmumukmok sa kung saan saan, subsob ka na rin sa pag-aaral, hindi naman masama iyon pero Ian kailangan din ng pahinga ng mga utak at katawan natin. Isa pa ang mga kompanya na pinapatakbo mo nang mag-isa, hindi ka man lang sumasama sa amin para mag-saya kahit saglit lang sa bar." Nakangiting sabi nito. Inabot ko ang phone ko kay Myael.

"Paano mo nalaman ang bagong number niya?"

"Pumupunta ako sa Japan tuwing kailangan nila ako." Nakangiting sabi niya. "Ayan, tawagan mo." Ibinalik niya ang phone ko at umalis na sa tabi ko.

Tumingin ako sa madilim na paligid. "Na-aalala mo na kaya ako Sam?" Wala sa sariling tanong ko, pinaghawak ko ang mga kamay ko at yumuko. "Ako pa rin ba?" Unti unting namasa ang mga mata ko. "kase kung hindi na..." Inangat ko ang ulo ko at muling tiningnan ang madilim na paligid. "Ayos lang naman." Bumuntong hininga ako. "N-natuloy ba ang k-kasal? Bakit hindi mo man lang hinintay na bumalik lahat ng ala-ala mo?"

-----

"Hindi yan sasagot sa kakatitig mo dyan, i-dial mo na." Sabi ni Myael. Pilit na ngiti ang isinagot ko rito. "Sige na, tawagan mo."

"Sa tingin mo, naaalala niya pa kaya ak--"

"Tawagan mo." Nakangiting sabi nito. Bumuntong hininga ako bago ko itap ang call botton.

"She's not answering her phone." Saad ko at muling tatawagan ko na sana ito nang biglang mag-vibrate ang phone ko, muntik na rin iyong mahulog. Tiningnan mo ang screen 'unknown number?'. Lumayo ako kay Myael. "Who's this--"

(P-pinatay niya s-si Klien.) Rinig ko ang pag-hikbi nito sa kabilang linya.

"Cath? Anong sinasabi m--"

(P-pinatay n-iya si K-lien) paputol putol nitong sabi.

"Sino?"

(Si--) sumigaw ito sa kabilang linya dahil sa sunod sunod na putok ng baril.

"Cath? Anong nangyayari dy--" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil sa biglaang pag-putol nang linya.

"Anong sabi?" Biglang sulpot ni Myael sa gilid ko, may ngiti ito sa kaniyang labi.

"Si Cath ang kausap k--"

"What?! Cath? Your cousin? Seriously Ian?! Don't tell me..." Inis ko itong tiningnan

"Siya ang tumawag, hindi ak--"

"So, you didn't call her?" He asked, I bitterly smiled.

-----

Nahiga ako sa kama at tiningnan ang screen nang phone ko. Bumuntong hininga ako bago tawagan si Sam.

(Hello?) Napapikit ako nang marinig ko ang boses nito. (Uhm... Hello?) Naupo ako sa tabi nang kama. (What the heck?! Who the hell are you?!) Bulyaw nito.

I chuckled, She sighed. Nawalan agad ng pasensya, unti unting nawala ang ngiti ko nang maalala ko na kasal na siy--

(Fvck!!) Sigaw nito sa kabilang linya.

"S--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang may umiyak na bata sa kabilang linya.

(Kuya!!! Si Chloe pabantayan nam--) sigaw ni Sam sa kabilang linya. (Ano bang ginagawa mo?) Boses ni Clouxe. (May kausap ako na pipi! Hindi makasalita! Nakakapuny*ta!!) Sigaw nito

Chloe? Bumagsak ang balikat ko at unti unting nagsibagsakan na rin ang mga luha ko.

(Mommy!!!!) Sigaw naman nang batang babae sa kabilang linya. (Kuya si Chloe!! May kinakausap nga ako!!!) Inis na sabi nito. Huminga siya nang malalim. (Sana hindi nakakaintindi nang tagalog ang damuhong kausap ko.) Pabulong na sabi nito na rinig na rinig ko naman. (Hello? Uhm... What do you need? I mean who the hell are you?—kuya? Si Chloe!!! Kainis nam--) pinatay ko ang tawag nang may kumatok sa pinto.

"Son?" Pinunasan ko ang luha ko.

"Yes dad?" Tanong ko at naglakad papuntang pinto.

"He's gone." Nanlulumong sabi nito. Nalilito ko itong tiningnan. "Klien. Your cousin he's gone." Pag-uulit na sabi nito, may lungkot ang mga mata ni Dad habang sinasabi niya iyon.

"Kailan p--"

"Last night, namatay siya. C-ar accident." Nanlulumong sabi ni Dad. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon na ipapakita ko. May parte sa akin na parang natutuwa? At may parte sa akin na nanghihinayang.

-----

(May problema ba Ian?)

"Wala." Pilit na ngiting sabi ko.

(Ngayon ka lang ulit nag-aya na iinom ka, I mean eight years since that happened. The last time we go at the bar--)

"Sasamahan mo ba ako Li? O magdadada ka nalang dyan?" Inis na sabi ko.

(Kalm--) I ended the call.

LIAM's POV

"Parang kailan lang ayaw na ayaw mong iminom? Tapos ngayon ikaw mismo ang nag-aya. Anong problema na gusto mong takasan?" Pabiro kong tanong. Hindi ito nagsalita, patuloy lang ang inom nito sa isang bote. "Nagsisimula palang tayo Ian! Gusto mo na agad malasing."

"Ganito pala yung sakit na ibinigay ko sa kaniya noon! Pero nakayanan niya." Natatawang sabi ni Ian pero kitang kita sa mga mata nito ang panghihinayang. "Paano niya kaya yun nagawa? Nagawa niya ang dare ko noon. Na wag iiyak sa harapan ko. Nagawa niya." Muli itong tumawa pero ngayon ay may kasamang paghahagulhol na.

"Ian? Ano ba talaga ang nangyari?"

"Nothing happened. She's just..." Pumatak na ang mga luha nito. "Happy! She's happy without me." Natatawang sabi nito pero puno nang luha ang mga mata niya. "I did a great job! I make a way on how I hurt my self! Did you get it Li? I hurt my self!!" Kumuha muli ito nang isang bote at ininom iyon na parang tubig.

Pinagmasdan ko lang ito, ano ba ang nangyari? Hindi ko alam! Wala akong masabi...

"Akala ko ba" saad nito habang nakatingin sa mesa. "Hindi natuloy ang kasal nila?" Natatawang sabi nito. "Baka sinabi lang ninyo sa akin yun para hindi ako masaktan. T-tapos n-natuloy ang k-kasal nang pasekreto lang, tama ba ako?" Sabi nito sa akin na tila inaakusahan.

"Ian, five years na yun. Maniwala ka man o hindi talagang hindi natuloy ang kasal nila."

"Hindi ko alam." Natatawang sabi nito at muling uminom

"Akala ko ba ang pag-inom ay para sa mga sumusuko? Sumusuko kana ba?" Tanong nito

"Malapit na, malapit na malapit na ako sa punto na yun Li. Sobrang lapit na. Siguro isang metro nalang sa dalawang kilometro na layo." Saad nito habang inilahad ang dalawang braso na animo'y sinusukat ang isang metro.

"Susuko ka kung kailan malapit kana?"

"Hindi ko alam. Ang akala ko simula nang love story namin ay nung umalis siya kasama si Clouxe, grabe naman ang simula nang love story namin parang pinagsama sama na formulas na hindi ko kayang sagutin. Bakit hindi ko magawang lutasin ang sarili kong formula!" Natatawang sabi nito.

"Isa isahin mo, intindihin mo, at pag-aralan mo ang bawat formula hanggang sa malaman mo kung papaano mo yun maresolba." Tinapik ko ang balikat nito. "Tandaan mo Ian, hindi lahat ng formula kailangan mong sagutin minsan kailangan mo lang intindihin ang gustong ipahiwatig ng isang yun. Parang ako lang, tinatanong ko palagi sa sarili ko kung bakit ang gwapo ko, pero iisa lang ang sagot doon. Dahil ginawa ako nang dalawang taong may angking taglay na kagandahan at kagwapuhan at ako ang naging resulta."

"I know the periodic table of elements... But I can't find there my element. I need her, no, I love her." Nakangiting sabi nito. "She's the element that I want. She's the formula that I can't solve 'cause she's far from me."

"You know what Ian, let's go home--"

"Hindi pa tayo tumatagal nang isang oras Li." Saad nito sabay hila sa may braso ko.

"Hindi pa tayo tumatagal pero may tama kana agad." Napapailing kong sabi.

"Kaya ko pa." Saad nito at pinunasan ang luha nito. "Isang case naman dyan!!" Sigaw nito.

"Ian--"

"Ngayon lang Li, samahan mo akong malimot kahit saglit lang. Kalahating oras lang." Nangungumbinsing sabi nito.

Pinanood ko lang ito sa pag-inom, pumapatak ang luha nito sa bawat lag-ok niya nang alak. Tuwing hihinto siya sa pag-inom ay pupunasan niya ang luha niya na parang isang bata. Tahimik siyang nakatingin sa pader na akala mo'y may inaalala.

Tuwing tatawa siya ay siyang pag-uunahan naman nang pagkawala ng mga luha niya, titingnan ako nito saglit sabay ngiti nang pilit at muling ipapatuloy ang pag-inom.

Ang layo nang Ian na nakilala ko sa kaharap ko ngayon, parang siya si Ian na matagal na dapat na nakawala. Panay lang ang tahimik na pag-iyak nito.

Ano ba ang nangyari? Hindi ko maintindihan? Nagkausap na ba sila ni Sam? Pero kung nagka-usap na sila bakit ganito ang reaksyon ni Ian? "Ian, let's go."

"D-dalawang Case pa."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro