CHAPTER 54
CHARLES POV
Isang oras na kaming nasa labas nang OR hindi ako makaramdam nang gutom. "K-kumusta na si Sam?" Tanong ni Chlea, tiningnan ko ang mga ito. Namumula ang mga mata nila, magulo ang buhok at halatang hindi nakapag-ayos sa sarili.
"Babe. Pang ilang beses mo na iyang tanong, walang may alam kung ano na ba ang nangyayari sa loob dahil nandito tayo sa labas nang OR. Everything will be fine" pagpapagaan na sabi ni Myael kay Chlea
"Si Sam? Nasa mabuti---" pinutol ni Clouxe ang sasabihin ni Li na kadarating lang
"She's... In a critical conditio--" nahinto sa pagsasalita ang kuya ni Sam nang biglang nagsidatingin ang mga nurse at mga doctor na nagmamadaling pumasok sa OR kung saan si Sam inooperahan. Napatayo ako nang ayos at gano'n rin sina El, hinila ni Clouxe ang isang doctor sa kuwelyo. "What's happening?!" Nagulat ang doctor sa biglaang paghila sa kaniya ni Clouxe.
"I have to g--"
"I'm asking you! What's happenin--"
"Her heart stopped beating in the middle of the operation" lahat ay napasinghap dahil sa gulat. Ramdam ko ang pag-tulo nang luha ko sa aking pisngi. "Dr.Joy found that the bullet was not only in the head but it also had two bullets in its back, one bullet was located on the side of the waist while the other was located on the back of the right chest." Mabilis na sabi nito. "Mr. Can you let me go?"
"Doc Jayson, kailangan ka na ho sa OR--" nahinto ito sa pagsasalita ang isang nurse nang makita si Clouxe.
"Clouxe! Bitiwan mo na siya!!!" Sigaw ni Ziel, binitawan ni Clouxe ni Sam. Inayos ng doctor ang suot nitong damit bago pumasok na sa OR.
"Where's Uncle?" Tanong ni Chlea.
"Wala pa siyang malay, pero stable na siya sabi ng doctor." Nakayukong sabi ni Clouxe. "Si Mark?" Tumingin ito kay Chlea
"Nagpapatingin sila sa doctor." Sagot ni Chlea. Bumuntong hininga ito.
"Kayo." Tumingin ito sa lahat nang naroroon. "Magpagamot na rin kayo, lalo kana Charles mag-aalala ang mga magulang mo kung hindi mo ipatatanggal ang bala na nasa hita mo." Saad nito habang nakatingin sa akin. "Ako muna ang maghihintay dito, tatawagan ko nalang kayo." Tumingin ito kina Chlea.
"Babe?" Tawag ni Myael kay Chlea, nag-aalinlangang tumayo si Chlea. Lumapit si Myael kay Clouxe at tinapik ang balikat nito. "Hindi marunong sumuko si Samantha, She'll be fine." Saad nito bago ayain si Chlea hirap na naglakad si Myael, inalalayan siya ni Chlea.
"Lov--" pinutol agad ni Ziel ang sasabihin ni Li.
"Wag mo akong simulan Liam Vhile Mirandez." Inis na sabi ni Ziel. "Mapapatay talaga kitang mahangin ka."
"Charles. Sumama kana sa kanila"
"Pero--"
"Ikaw ang una kong sasabihan kapag lumabas na ang doctor. Just go."
"Clouxe, dapat ka rin--" Ziel
"Mauna na kayo." Muli itong yumuko. "Sige na!" Sigaw nito.
"Ian." Tawag sa akin ni Li. Tumango ako bago maglakad papalapit sa kanila, sinulyapan ko ang pinto ng OR.
CLOUXE POV
Nakaalis na silang lahat. Kayang kaya kong labanan ang mga iyon, bakit hindi ko sinubukan! "I'm sorry my princess, I was unable to protect you." Pinagkatitigan ko ang sahig. "I should have done what you did."
Sumagi sa isip ko ang itsura ni Sam habang nilalabanan ang mga lalaki na triple ang laki sa katawan niya.
Malakas ka Sam, Dahil napatumba mo ang taong mas malaki pa sayo.
Matapang ka, nagawa mong sumugod mag-isa.
Matalino ka, pagkat napapaniwala mo kaming ayos ka lang, na walang kang balang sinalo gamit ang katawan mo para wag kaming mag-alala.
Matiyaga ka, dahil nakayanan mong magpabalik balik para lang mabuksan ang pinto na kinakukulungan namin.
Mapagmahal ka, dahil kahit nalaman mo ang mga bagay na hindi mo inaasahan nagagawin nang mga taong nasa paligid mo ay nagawa mo parin kaming patawarin, hindi man gamit ang salita pero pinakita mo iyon kanina.
Sobra sobra na ang pagpapatunay na isa kang Prinsesa nang Japan Samantha, tama na ang lahat ng 'yon Sam... Masyadong maaga pa para mag-iwan ka nang pangalan.
May pumatak na luha sa mga mata ko. "Excuse me." Pinunasan ko ang luha ko, at hinarap ang nagsalita.
"Dr. Is my sister okay?" I asked. She sighed heavily. "Doc?"
"The operation was successful, but we still had to observe her from time to time. The tip of the bullet hit her right brain. Her heartbeat also stopped earlier in the middle of the operation, because her body was too weak for the operation to be performed. It was a good thing that another doctor came to simultaneously remove the two bullets from her back while my assistant and I were removing the bullet from her head."
"Pwede ko ba siyang puntahan?" Tumango ito. Naglakad ako papasok sa OR.
"Mr. Crausus?" Huminto ako sa paglalakad. "Nawalan siya nang malay habang inooperahan namin siya, kaya maaring hindi pa siya magising ngayon"
"At hinayaan niyo na mawalan ng malay--"
"Hindi namin pwedeng ihinto ang operasyon." Ramdam ko ang pagbagsak ng mga balikat ko
"Anong oras siya magigisi--" bumuntong hininga ako.
"Hindi oras... Buwan o taon bago siya magising Mr. Crausus."
-----
"My Princess?" Lumapit ako kay Sam, pinagmasdan ko ang buo nitong katawan. "Princess? Gising na, kantahan mo naman si kuya oh." May paglalambing kong sabi. "May practice pa tayo, labanan mo ulit ako malay mo manalo ka na." Pilit kong biro. "Papatayin ko talaga ang prince mo kapag hindi ka bumangon, g-gagawin ko talaga yun. Wala sa kaniyang magliligtas sa mga kamay ko."
Unti unti nang tumulo ang mga luha ko nang wala akong matanggap na tugon rito. Kinagat ko ang labi ko.
"N-napaiyak mo n-na si kuya oh nang hindi mo ako n-nasusugatan gamit ang s-samurai mo, sayang naman ang l-uha ko kung hindi mo m-akikita." Pinunasan ko ang mga luha ko.
**FLASHBACK**
"Ang daya mo naman kuya! Isa pa!" Sigaw nito.
"Ang bagal mo kase!" Pang-aasar ko rito. "Ahh, talo!" Natatawang sabi ko.
"Mom!!!! Si kuya oh!!" Pagsusumbong nito kay Mom.
"Clouxe! Ano nanaman yan?" Suway ni Mom.
"Walang sumbungan, kapag talo. talo." Natatawang sabi ko. Muli nitong kinuha ang samurai niya at itinapat sa akin.
"Natatalo mo lang ako kase mas malaki ka sa akin!" Sigaw ni Sam.
"Ang liit liit mo na nga, tapos talunan ka pa" inihampas niya ang samurai na agad ko namang inilagan. Sunod sunod ang paghampas ng samurai nito sa akin na agad ko namang sinasangga gamit ang sarili kong samurai.
"Leon ang Samurai ko! Yung sayo Tigre lang!" Sigaw nito. Bahagya akong natawa nang patakbo itong sumugod, umilag ako dahilan para masubsob na siya sa lupa. Bigla itong umiyak. "Kuya!!!! Ang sakit!" Umiiyak na sabi nito.
Inalalayan ko siya papasok ng bahay, ginamot ni Mom ang sugat ni Sam.
"A-ah! M-mom ang sakit." Umiiyak na sabi nito. Pinahiran ko ang luha niya.
"Mom, dahan dahan lang." Sabi ko. Umiiyak parin ito. "Isipin mo na hindi ka nasasaktan, Sam. Paano mo ako matatalo niyan kung sugat palang umiiyak kana?" Huminto ito sa pag-iyak
"P-pero masakit parin kuya." Humihikbing sabi nito.
"Gusto mo ba na hihipan ni kuya ang sugat mo para mawala ang sakit?" Tanong ko kay Sam, tumango siya. Hinipan ko ang sugat niya sa likod ng braso. "Ayan? Masakit pa ba?"
"Hindi na kuya" nakangiting sabi nito. "Thank you kuya." Saad nito at niyakap ako
"Ahhhhh ang sweet naman ng prinsipe at prinsesa ko." Nakangiting sabi ni Mom. "Halika na Sam, dadalahin na kita sa kwarto mo--"
"Mom? Pwedeng ako nalang ang maghatid sa kaniya sa kwarto?" Ngumiti si Mom.
"Oo naman." Inalalayan ko si Sam papunta sa kwarto niya.
"Kuya?" Tawag nito sa akin habang inaayos ko ang kama niya
"Hmm?"
"Umiiyak ka rin ba kapag nasusugatan ka?" Tanong nito.
"Oo—mahiga kana." Saad ko, nahiga naman ito sa kama.
"Paiiyakin kita kuya." Nakangiting sabi ni Sam. "Susugatan kita gamit yung Samurai ko."
"Ang pag-kapit nga ng samurai ay hindi ka marunong, paano mo ako susugatan niyan?" Pagmamayabang na sabi ko.
"Makikita mo kuya iiyak ka gamit ang samurai ko." Nakangiting sabi nito.
"Iiyak si Kuya kapag natalo mo ako, kaya dapat mas galingan mo pa sa pag-gamit ng samurai okay?"
"Yes kuya."
**END OF FLASHBACK**
Pinunasan ko ang luha ko. "H-hihilahan ko ang paa mo, kapag hindi ka pa dyan gumising." Pagbabanta ko. "Ayaw mo nang iniiyakan ka 'di ba? Sige na g-gising na, may n-natitira pang kalaban Sam. H-hindi mo ba t-tutulungan s-si kuya? Sam naman." Yumuko ako at doon umiyak. "Alam mo Sam, ikaw ang madaya. I-ikaw talaga ang m-madaya, sobrang daya mo"
"K-kuya?" Iniangat ko ang ulo ko.
"My p-princess?" Pinunasan ko ang luha ko. "G-gising ka."
"Napaiyak kita." Nakangiting sabi. "N-napaiyak ko s-si kuya!!" Pilit na sigaw nito.
"Dito ka lang, tatawagin ko ang doktor--"
"W-wag na kuya, a-ayos naman a-ako." Pumikit ito. "Kuya?" Ngumiti siya. "I-isara mo ang mga mata mo."
"Why?"
"J-just do what I've said" ginawa ko ang sinabi nito. "Ang dilim nang paligid, tuwing dilim ang nakikita mo parang kahit anong oras pwedeng may sumugod sayo nang hindi mo nakikita at nararamdaman. Paano kung--" Huminto ito sa pagsasalita. "M-mapunta ako sa dilim at h-hindi mo ako m-makita?"
"Hindi hihinto si kuya sa paghahana--"
"P-pwede mo nang buksan ang mga mata mo, I love you" Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.
Ang pagbukas nang mga mata ko ay siyang pagkagising ko sa tabi ni Sam, Isang panaginip? Muling namasa ang mga mata ko. Biglang nag vibrate ang phone ko, kinuha ko iyon sa bulsa ko at sinagot.
"Hell-o?" Pinunasan ko ang luha ko.
(Kumusta na si Sam?) Tumawa ito sa kabilang linya. (Pinaglalamayan na ba?)
"Asahan mo ako dyan sa inyo!" Inis na sabi ko.
(Pupunta ka rito?) Natatawang sabi nito.
"Oo, ang pagpunta ko dyan ay ang araw nang kamatayan mo Klien!"
(Paano kung alam ko kung saan mo itinatago ang mag-ina mo?) Natatawang sabi nito.
"Bakit hindi mo puntahan? Para maniwala ako." Ngumisi ako.
(Masyadong matalino ka, Clouxe! Kakaiba ka kung manigurado!) Nanggagalaiting sabi nito.
"Puntahan mo sila." Paghahamon ko.
(Talagang pupuntahan ko sila, isasama ko ang mga tauhan ko. Sana'y may magarbong pagbati naman sa amin kapag kami'y dumating.)
"Meron, pati ang mga nakatira roon ay babatiin ka."
(Talaga?) Namamanghang sabi nito
"Baka nga nasa eroplano ka palang binabati kana nila." Ang pagpatay ko nang tawag ay siyang pagtawag naman ni Irish. "Why?"
(Nabalitaan ko ang nangyari, k-kumusta na si Sam? Ikaw? Kayo?) Sunod sunod na tanong nito. Bahagya akong napangiti. (Clouxe ano ba! May nangyayari say--)
"Nabaril lang naman ako sa hita." Bumuntong hininga ako, tumingin ako kay Sam
(Are you okay now?)
"Oo, nakakausap mo na nga ako."
(Si Sam?)
"She's... Fine..." muling tumulo ang luha ko.
(Mabuti naman, kailan ang balik niyo dito?)
"M-maiiwan si Sam muna dito sa pilipinas ako muna ang uuwi dyan." Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Si Chloe?"
(Mahimbing ang tulog niya, hindi kita macontact kahapon.)
"May pinuntahan lang kami nina Dad"
(Baka naman may BABAE kana dyan sa pilipinas, kheijiene Xievene Zavierre Crausus)
Bahagya akong napangiti. "Selosa, hindi kita papupuntahin dyan kung hindi ikaw ang mahal ko."
(Talaga lang ha! Pag nalaman ko talaga na may babae ka dyan, susugurin ko kayo dyan!) May pagbabantang sabi nito.
"Susugurin ko rin naman ang lugar mo gamit ang ahas ko." Pabiro kong sabi.
(Ewan ko sayo!) Sigaw nito, nailayo ko ang phone ko sa tainga ko dahil sa lakas nang pagkakasigaw nito. (Si Sam, pwede ko bang makausap? Kahit saglit lang?)
"Tulog siya." Unti unting nawala ang ngiti ko.
(Gisingin mo! Ano ba namang utak yan Kheijiene!) Simula nang malaman niya ang buo kong pangalan, hindi na niya ako tinatawag na Clouxe kundi Kheijiene na.
"Nagpapahinga siya."
(Kakausapin ko lang, may itatanong ako.)
"Ano ba ang itatanong mo? Ako na ang magtatanong sa kaniya"
(Itatanong ko kung may babae ka!)
"Bakit pa ako maghahanap ng ibang babae? Kung kausap ko na ang babae na pakakasalan ko?" Natahimik ito sa kabilang linya. "Wala ka paring tiwala sa akin"
(May tiwala ako sayo, pero habang hindi pa tayo KASAL! Hindi mabubuo ang tiwala na yun!) Inis na sabi nito.
"Pakakasalan naman kita."
(Kakausapin ko nga si Sam, iniiba mo ang usapan! Ahhh baka naman hindi mo siya kasama kaya ayaw mong ipakausap!) Nanggagalaiting sabi nito.
"Nagpapahinga si--" Biglang may umiyak sa kabilang linya at si Chloe yun.
(May araw ka rin sa akin Mr. Crausus!) Inis na sabi nito at pinatay ang tawag. Thank you baby Chloe.
CHARLES POV
"B-bakit hindi mo naman sinabi n-na h-hinarap mo pa ang tatlong grupo na pinamumunuan ni K-Klien? Kung sinabi mo, sinamahan at tinulungan sana kita na labanan ang mga yun." Pinunasan ko ang luha ko.
Ang dami mo nang ginawa sa akin, samantalang ako na nangakong ililigtas ka sa kapahamakan wala akong nagawa kahit isa.
-----
"Sam, ang t-tagal mo naman m-magpahinga dyan. Nakalipas na ang pasko at bagong taon hindi ka parin gumigising, malapit na rin ang araw ng mga puso pero n-nandyan ka parin. M-malapit na rin ang k-kaarawan n-ni Li tapos nandyan ka parin sa kama na yan. H-hindi ka ba nab-babagot d-dyan?" Tumulo na ang luha ko. "B-bakit k-kase tatanga t-tanga k-ka, h-hindi ka man lang u-umilag s-sa bala akala ko ba m-mas magaling ka sa akin?" Kinapitan ko ang kamay niya. "M-mag reretire ka pa b-bilang slave ko S-Sam. S-sabi mo papatayin mo pa ako? N-andito na ako sa harap mo oh."
-----
"Happy Valentines my Future Wife, bouquet of lollipops?" Inilagay ko sa isang table ang mga lollipop. "Mag retire kana b-bilang Slave ko Sam. Ganyan ka ba talaga magpahinga? Sobrang tagal naman." Tumingala ako para mapigilan ang nagbabadyang kong luha.
-----
"Ang daming pagdiriwang ang pinalipas mo Sam, kaarawan ni Li, El, Mia, at ni Chlea p-palagi pa naman may Lollipop doon. H-hindi namin maubos, ang tagal mo naman dyan. Magpapakasal pa tayo." Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang wedding ring sa bulsa ko. "I-isa para sayo, at isa para sa akin. Ipinaukit ko pa ang pangalan ko sa singsing na para sayo, pangalan mo naman sa singsing ko. Mahal mo ako? Bumangon ka dyan at pakakasalan na kita."
-----
"Ano bang ginagawa mo dyan? Bakit ang tagal tagal mo? Apat na buwan ka nang nakahilata dyan, malapit na ang graduation ko Sam, pumunta ka naman. Valedictorian ang future husband mo, tapos hindi ka pupunta? Sayang naman yung medal ko kung hindi ang future wife ko ang magsasabit nun sa sa leeg ko." Tiningnan ko ang kamay nito. "G-gusto kang makita ni Grandma at grandpa, b-bisitahin m-mo naman d-daw s-sila." Pinunasan ko ang luha ko.
-----
"Hindi ka nakapunta sa graduation ko kaya..." Tinanggal ko ang mga medal sa leeg ko at inilagay iyon sa palad niya. "Sayo na ang mga medal na yan para sayo naman talaga yan--"
"Gising na Sam, mababaliw na ang kaibigan ko sayo. Nalilipasan na yan nang gutom, kulang pa ang tulog niyan binabantayan ka niyan palagi, kung hindi pa nga namin yan pinilit na pumasok hindi pa yan papasok. Naiwan sana yan sa room ngayon." Pabirong sabi ni Li. "Ibibigay ko na rin ang Medal ko sayo" Inabot nito ang medal niya kay Sam.
"Sayo na rin ang Medal ko." Sabi ni Myael na kakapasok lang sa pinto kasunod niya ang iba pa naming kaibigan. Binigay niya ang medal niya kay Sam.
"Sam, sayo na rin ito." Nakangiting sabi ni Mia,
"Regalo ko sayo Sam." Sabi ni Chlea. Inilagay niya ang medal niya sa kamay ni Sam.
"Tatlong medal ito, ingatan mo yan." Nakangiting sabi ni Ziel.
"Puny*ta Sam gising na dyan." Inis na sabi ni Mark. Nakatingin na sa kaniya ang lahat. "Sam pwede diploma nalang? Ang ibigay ko para maiba nama--"
"Ang sabihin mo, wala kang medal na maibibigay. Ang dami mo pa sa palusot." Natatawang sabi ni Mia.
"Baby? Bakit mo naman ipinapamukha sa akin na wala akong med--"
"Hindi ko ipinapamukha sayo! Sinasabi ko lang na magpakatotoo k--"
"Sam, palagi nalang akong inaaway ni Mia." Sumbong ni Mark kay Sam.
MYAEL's POV
"Bakit kailangang ilipat pa siya sa ibang ba--" kontra ni Charles
"I agree with Clouxe, I think it would be better I--" pagsang-ayon ni Ziel
"Charles mas mabuti kung sa ibang bansa na siya gagamutin, may mga makabagong makina doon na pwedeng mas makapagpabilis sa pagpapagaling kay Sam." Sabi ni Chlea.
"Kailan? Kailan siya ililipat?" Tanong nito habang nakatanaw sa pinto ng kwarto ni Sam
"Ngayong gabi." Biglang tumingin sa akin si Charles. "Hindi namin nasabi sayo kahapon ang desisyon ni Clouxe, dahil ayaw naming abalahin ang pagpapahinga mo. Ilang linggo—buwan ka nang puyat, bihira ka nalang magpahinga."
Pilit lang itong ngumiti sa akin. Tinalikuran niya kami at pumasok sa kwarto ni Sam, tumango si Chlea.
"Ililipat kana sa ibang bansa, pero ganyan ka pa rin." Bumuntong hininga si Charles. "Malalayo kana sa akin pero h-hindi k-ka pa rin n-nagigi-sing. M-may ibibigay ako s-sayo." Rinig ko ang bawat hikbi ni Charles, may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Isang bracelet. "I-ingatan mo ito ha." Umiiyak na sabi nito habang isinusuot ang bracelet kay Sam. "P-patunay y-yan na..." Pinunasan nito ang luha niya. "A-ako ang future husband mo." Panay ang punas niya sa mukha. "M-meron d-din ako n-niyan" ipinakita nito ang braso niya.
Namamasa na rin ang mga mata ko, pinunasan ko ang pisngi ko.
"B-bumalik ka ha." Kinapitan nito ang kamay ni Sam at hinalikan ang likuran ng palad. "Itong bracelet na ito iba-balik mo pa sa akin yan." Napayuko ito sa kamay ni Sam at doon umiyak. "T-tatawag ako a-araw araw o kaya n-naman b-bibisi-tahin k-kita d-doon." Sabi nito sa gitna nang pagiyak.
"Anong ginagaw--" nahinto sa pagsasalita si Ziel. "He really love Sam." Komento nito habang nakatingin kay Charles.
"Charles?" Tawag ko rito. "Charles, ililipat na siya." Tumango ito bago tumayo. "Sasama ka ba sa Airport?"
"H-hindi na s-iguro." Humarap siya sa akin. Pilit itong ngumiti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro