Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 51

SAMANTHA's POV

"Babalik ka pa naman 'di ba?" Nag-aasam na sabi nito

"I don't know. Promises can be broken, but the word I love you sticks." Hindi ako makahakbang dahil sa sobrang bigat ng mga paa ko, kinagat ko ang labi ko at pilit na inihabang ang kanang paa ko. Sa wakas naihakbang ko. "I love you Charles." Saad ko

🎶You gotta go and get angry at all of my honesty
You know I try but I don't do too well with apologies🎶

Nagsimula itong kumanta, bahagya akong yumuko. Gusto kitang yakapin! Gusto kitang lapitan! Gusto kitang sabayan sa pagkanta! Gusto kong manatili sa tabi mo! Gusto kong ako ang magpapahinto sa luha mo! Gusto kong pakinggan ang boses mo! Gusto ko ngunit natatakot ako na baka pagsisihan ko ang pananatili sa tabi mo! Na baka isang araw bigla nalang may sumugod sa ating dalawa at hindi ko alam ang dapat gawin! Aalis ako hindi dahil napapagod ako, kundi dahil kailangan kong lumayo sayo.

🎶I h-hope I don't run out of time, could someone call a referee?
Cause I just need o-one more s-shot at forgiveness🎶

Nangangantog na ang tuhod ko sa paghakbang, gusto kong bumalik sa kinatatayuan ko kanina! Gustong gusto kong harapin ka at sabihin na babalik ako!

🎶I k-know you know that I m-made those m-mistakes maybe once or twice
By once or twice I m-mean maybe a couple a h-undred times🎶

His voice trembling in pain and tiredness. "S-sam! P-please one more!!!" Nagmamakaawang sabi nito

"We should take a rest." I felt the wetness of my eyes.

🎶So l-let me, oh let me r-redeem, oh redeem, oh m-myself tonight
Cause I just need one more s-shot at s-second chances🎶

I fade my tears and bite my lower lip, I silently crying. Why would destiny want to alienate us? "S-sam gagawin ko ang lahat! P-Please!!! Sam! W-wag k-ka m-munang u-umalis." Muling sigaw nito. I wish I could cry, loud as you cry! I wish I'm still the girl in your heart until i Back! I wish this is not the last! I wish I'm not a princess in Japan or in any country! I wish, My heart won't forget your love.

🎶Yeah, is it too l-late now to say s-sorry?
Cause I'm m-missing more than j-just your body🎶

Pahina nang pahina ang pagiyak nito dahil palayo na ako nang palayo sa kinaroroonan niya. Huminto ako sa paglalakad at tiningnan ito sa malayuan. Tinawagan ko si Liam pero hindi ko ito macontact kaya tinawagan ko nalang si Ziel para sunduin si Liam sa kanila. Upang masundo dito si Charles.

"What the Fvck! Bakit hindi niyo agad sinabi?!" Sigaw ni Kuya habang may kausap sa phone niya, nakakunot ang noo nito.

ZIEL's POV

"Where's the proofs?" Bungad kong tanong sa dalawa, nandito kami sa bahay ni Chlea may secret office siya rito, kaming lima nina Kuya Clouxe lang ang nakakapasok.

"Sa loob." Seryosong sabi ni Chlea

Lima ang pintong papasukan bago makapasok rito. Ini-scan ang dalawa naming kamay, at ang card namin. Ang card namin ay parang isang card na wala nang kwenta dahil sa panlabas na anyo nito. Pero kapag natapatan iyon ng blue light may bar code doon sa gilid, may number code naman sa itaas na bahagi at sa likuran nito ang buo naming pangalan. Kailangan ay walang ibang kakapit ng card na iyon dahil pwedeng mabahiran ng ibang finger print ang card, hindi iyon tatanggapin ng scanner.

Sa ikalawang pinto ay ang buo naming katawan ang kailangang i-scan. Bago makapunta ng ikatlong pinto ay may mga kailangan kaming sabihin para makapasok. Sa ika-apat na pinto naman ay ang pag-tanggal namin ng suot namin na contact lens para i-scan ang mga mata namin at ang panghuli ay ang pag-type ng codename namin.

"Ngayon ba natin sasabihin kay Sam?" Tanong ni Chlea habang inilalagay ko ang codename ko.

"Oo, kailangan niya agad malam--" natigilan ako sa pag-sasalita ng bumukas ang huling pinto at sumalubong sa amin si... "Sam? Anong—akala ko--"

Ngumisi lang ito. "Sam, k-kanina ka pa dyan sa loo--" pinutol ni Sam ang itatanong ni Chlea.

"Yeah, I heard everything, from first to last. Important details down to the smallest details I have heard and read everything." Itinaas nito ang tatlong brown envelop. Nagkatinginan kaming tatlo. "We could not continue because a typhoon would hit America before we even got there."

"Si kuya Clouxe?" Tanong ni Chlea.

"He's behind you." Tumingin kami sa likuran ni Chlea at nandoon nga si Kuya Clouxe.

"Sam. What are you going to do now that you find out that Charles killed auntie?" I asked

"Actually. I really don't know what to do." Naglakad ito papasok at naupo sa isang swivel chair.

"Ang salita ng isang Samantha Crausus ay palaging nagkakatotoo." Saad ni kuya.

"Are we gonna kill the--"

"No." Walang alinlangang sabi nito at tiningnan niya ako, napangisi ako. Swerte mo Charles minahal ka ng kaibigan ko bago pa niya malaman na ikaw ang pumatay kay auntie. "No one will kill them, Liam had already told me his reason. I know the reason why he belongs to that group"

"At naniwala ka naman?" Saad ni Kuya.

"Of course, he's my friend."

"Wag mong sabihin na hinihintay mo ang paliwanag ng dalaw--" muling pinutol ni Sam ang itatanong ni Chlea.

"Bakit ko pa hihintayin na magpaliwanag ang dalawa kung nandito na lahat ng kailangan ko." Kinuha niya ang laptop at binuksan niya iyon nang nakangisi. Kakaibang presensya ang ipinaparamdam niya ngayon, mabigat at nakakapataas balahibo dahil sa nakakalokong pagngisi nito. Unti unting nawala ang ngisi nito at napalitan ng Inis ang nakakalokong ekspresyon.

"S-sam." Kinakabahang sambit ni Mia

"Tang*nang Charles yun, siya ang pumatay kay Mom tapos nagawa niya panglumapit sa akin. Kaya naman pala humihingi ng kapatawaran ang loko!!! Alam kong may sasabihin kayo sabihin niyo na." May awtoridad nitong sabi.

"Y-yea. Uhm k-kase S-Sam, n-nag-s-sinungaling k-kam--" nauutal na sabi ni Mia.

"Spill it!" Galit na sigaw nito.

"Psh. Nagsinungaling kami. Hindi talaga pinaglaruan ni Charles ang mga puso ng mga kasamahan natin, pinaglaruan ang katawan nila. Kaya pilit namin kayong pinaghihiwalay dahil ano mang oras pwede mo siyang mapatay kung malapit siya sayo. At isa pa hindi namatay si Kushia dahil sa pagod sa trabaho kundi pagod na dinanas niya kay Charles."

"Magkamatayan na." Saad ni Sam at tinabig ang laptop dahilan para mahulog iyon sa sahig. "Yung limang grupo, ano ano ang pangalan ng grupo na yun? Uunahin ko ang mga yun!" Bulyaw nito at tumayo sinipa niya ang swivel chair at tumalsik iyon sa bahaging likuran niya. "Iisa isahin ko ang mga gag* na yun! Lalo na ang Klien na yun! Isasama ko na si Irish."

"Anong isasama mo si Irish!" Sigaw ni kuya. Malaking gyera 'to. "Subukan mong isama si Irish Sam! Makikita mo!"

"May mata ako kaya nakikita ko! Ang tatay niya ang may kagagawan kung bakit na gipit ang pamilya ni Charles at si Mom ang napagbuntunan! Na wala namang ginagawa! Mabahiran na ng dugo kung mabahiran! Matanggal na ang titulo sa pangalan ko mapatay ko lang ang mga taong yu--"

"Siguraduhin mong papatayin mo ang Charles na yun!" Natigilan si Sam. "Dahil kung hindi mo magagawa ako mismo ang papatay sa kaniya!"

"Papatayin ko rin ang Irish na yun! Kahit madamay pa ang batang nasa tiyan niy--"

"Psh. Magkapatid nga kayo. Pinaglalaban ang mga mahal nila sa buhay kahit nagkamali na-"

"Bakit kaya mo bang patayin si Liam?" Tanong ni Chlea.

"Bakit ko naman papatayin ang isang yu--"

"Mahal mo na nga si Liam, confirm Mia!!" Tumili si Mia at Chlea. Tumingin ako kay Kuya at Sam, nagkakatitigan ang dalawa.

"Walang papatayin sa kanila, alamin niyo ang totoong kalaban. Hindi ang taong ginamit." Saad ni kuya at tinalikuran kami. "Walang kamuwang muwang si Charles, kaya sigurado ako na may nag-utos sa kaniya para gawin iyon. Ang ama niya. Matagal ko nang alam na si Charles ang pumatay kay Mom, nakita ko kung papaano niya patayin si Mo--"

"Hindi mo man lang pinigilan?!" Sigaw ni Sam

"Inutusan ako ni Dad na patayin si Mom sa araw na iyon Sa--" sinuntok ni Sam si Kuya Clouxe. "Pero na unahan ako!"

"Kaya ba parang wala lang sa inyo ang pagkamatay ni Mom! Dahil talagang papatayin niyo siya! Dapat na ba kitang katakutan kuya?" Maluha-luhang sabi nito. "Kayong dalawa ni Dad, baka naman kasabwat niyo pa sina tita!" Hindi nakapag-salita si Kuya Clouxe. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko, nanlaki ang mga mata nina Chlea at Mia, naglakad ang sina Mia sa gawi ko. "Tama nga ako! Kayo ang may kasalanan! Ginusto niyo rin! Kaya naman pala ayaw niyong malaman ko! Bakit niyo ginawa yu--"

"Dahil apat na tayo. Kailangang patayin ang isa at ikaw dapat yun, pero hindi ako pumayag. Nung isinilang ka napuno na nang kamalasan ang buhay na meron ang pamilya natin! Namin! Ang apat ay nagdadala nang kamalasan sa pamilya namin Sam! Bumagsak ang mga kompanya na nakatayo sa iba't ibang bansa--"

"Kaya arranged marriage? Pagpatay kay Mom ang sagot sa lahat?"

"Ang arranged marriage na yun ay para mailayo ka namin sa pamilya namin, pero hindi ka pumayag! Doon nagsimula ang pagplano kung papaano ka papatayin! At pinigilan ko sila na wag yun gawin! Si Mom! Siya na rin ang nagboluntaryo na siya nalang daw ang patayin sa pamilya. Gusto niya na makaabot sa kaarawan mo! Gusto n-niya na makita kang masaya!" Tumingala si kuya para hindi tumulo ang luha nito. "Alam mo bang masakit sa isang anak na kailangan mong patayin ang sarili mong ina para lang mailigtas ang kapatid niya?"

Napakapit sa bibig si Sam, unti unti itong napaupo sa sahig. Nagsimula naring maghikbi sina Chlea. Naramdaman ko na rin ang pagtulo ng luha ko. "K-kasalanan ko? Kasalan k-ko kung b-bakit n-namatay s-si M-mom."

"Ang pinagmulan kong dugo ang kailangan kong patayin para lang maisagip ka! Hindi pwede ang apat sa pamilya natin Sam! Hindi na rin k-kaya ni M-mom na bigyan pa tayo nang isa pang kapatid. Kung dito sa pilipinas 13 ang pinakamalas na numero sa atin apat! M-mahirap mamili sa inyong dalawa ni Mom dahil kayo ang babae ng buhay ko! Ikaw ang prinsesa ko at si M-mom ang Reyna ko. Mahirap Sam, Gusto ko na patayin ko nalang ang sarili ko! Masagip lang kayong dalawa pero hindi pwede dahil ako ang susunod sa yapak ni Dad!" Emosyonal na itong nag kukwento

"K-kuya, s-sorry." Niyakap ni Sam si Kuya. "S-sorry h-hindi ko alam. Kuya I-I'm r-really sorry." Umiiyak na sabi ni Sam. Sumabay na rin si Chlea at Mia sa pagiyak habang tahimik naman akong lumuluha. 

Kung sa kanila may natira, sa akin wala! May naglagay ng mga bomba sa loob ng bahay namin na eksakto naman na nasa labas naman ako nang sumabog ang bomba. Walang natira sa pamilya ko, lahat sila kinuha! "K-kaya s-simula nang mawala si Mom sinabi ko sa sarili ko na p-proprotektahan kita sa kahit kanino, hindi dahil sa inihabilin iyon ni Mom kundi gusto ko na protektahan ang prinsesa ko. A-ang nagiisang prinsesa nang buhay ko. S-sam always remember Kuya love you so much." Hinalikan ni Kuya Clouxe si Sam sa noo.

"I love you more kuya."

"Your my princess and I'm your soldier, even you already find your prince. I can kill a million of people for my one and only Princess."

"Kuya magtatampo na kami." Humihikbing sabi ni Chlea. "Hindi mo ba kami prinsesa?" Pagmamaktol na sabi ni Chlea. Natawa naman si Kuya at si Sam.

"Mga princess warriors ko kayo." Natatawang sabi ni Kuya.

CHARLES POV

Limang araw. Limang araw na ang nakalipas nang umalis si Sam ng bansa. "Sir, someone wants to talk to you." Saad nang bago kong sekretarya

"Who?" Tanong ko habang pumipirma nang mga dokyumentaryo.

"Samantha Shayne." Gulat akong napatingin sa Pinto. Ikinumpas ko ang kamay ko, tumango naman ang secretary ko at lumabas ng pinto. "Long time no see." Nakangising sabi nito. "bibigyan kita ng isang minuto para magsabi sa akin ng totoo." Nakakalokong sabi nito habang pinaglalaruan ang kuko niya.

"Sam. Nandito ka!" Buong galak kong sabi, tatayo na sana ako nang...

"59...58..." Tumingin ito sa akin habang may nakakalokong ngiti

"Sam, Can i hug you--" tumingala ito at muling tumingin sa akin

"Yung totoo Charles. Ikaw ba ang pumatay kay mom?" May galit ang mga mata nito.

"Sam..."

"37...36... Tik. Tak. Tik. Tak. Tik. Tak. Tik. Tak." Isinabay pa nito ang paggalaw ng ulo niya pakaliwa at pakanan habang nagsasalita. "Time is running Charles. 29...28..." Nakangising sabi nito. Unti unti nawala ang ngisi na yun at may kinuha na kung ano bulsa niya. Ipinakita niya iyon sa akin at isang maliit na larawan... Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko.

"Sam, I'm sorry." Yumuko ako

"24...23...22...21..." Nakatingin lang ito sa akin. "20 seconds to tell the reason. 17..."

"Dad asked me to do that. You can kill me now." Biglang nag iba ang ekspresyon nito. "Gagamitin mo ang bala mo sa pumatay sa Mom mo hindi ba? Magagamit mo na ngayon, pwede mo na akong patayi--"

"7...6...5...4..."

"P-pero t-totoo ang lahat ng sinabi ko, Mahal kit--" Naputol ang sasabihin ko nang ipadyak niya ang isa niyang paa.

"1..." Nagsimula itong humakbang papalapit sa akin. "Ginamit mo ako Mr. Jimenez, pati ang mga kasamahan ko ginamit mo! Ang isa ay pinatay mo pa! Parang mas dem*nyo ka pa sa akin! Mahal mo ako? Pero sinaktan mo gag*! Mahal mo ako pero pinatay mo ang nanay ko? Tar*ntado! Mahal mo ako pero ganyan ang ipinapakita mo! Hindi mo man lang magawang umamin! Hindi mo sa akin sinabi at talagang hinintay mo pa na ako—kami ang makadiskubre!" Bulyaw nito. Galit ang boses niya pero bakit wala akong makitang galit sa mga mata niya?

Huminto siya sa tapat ng table ko, pabagsak niyang ipinatong ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa akin. Pinagkatitigan ko ang mga mata nito wala talagang lungkot o galit akong mabasa sa mga mata niya.

"Ang akala ko ikaw ang tutulong sa akin?" Tumingin ito paligid. "Yun pala! Ikaw ang hinahanap ko!" Bulyaw nito. Humakbang ito patalikod, salit salitan ang tingin nito sa akin at sa pinto. "Saan ka magaling? Sa baril, samurai o sa kutsilyo?" Seryoso na ang mukha nito.

"S-sa bari--" naputol ang sasabihin ko ng itapon niya sa akin ang dalawang baril na agad ko namang nasalo. Taka kong tiningnan ang baril at tiningnan ko si Sam, bakit pakiramdam ko hindi ka man lang nagalit sa akin Sam? Itinikom niya ang labi niya at bahagyang tumango sa akin.

"Patayin mo ako gamit ang baril kung hindi mo yun magawa papatayin kita gamit ang bala ng baril na kapit mo." Seryosong sabi nito. Hinugot niya ang samurai sa likuran niya. "Lima ang bala ng bawat baril, anim ang gagamitin mo para mapatay mo ako. Bibilang ako ng tatlo dapat barilin mo na ako." Muli itong tumango na nagsasabihing gawin ko ang inuutos niya. "Isa... Dalawa... Tatlo!" Binaril ko ito ng sunod sunod ginamit niya ang samurai na kapit niya para ibanda ang bawat bala na tatama sa kaniya.

"Sam, I don't want to do--" muli nitong pinutol ang sasabihin ko.

"Buksan mo ang mga tinamaan ng bala." Utos niya, tiningnan ko lang ito. Tumaas ang kilay nito.

"Akala ko ba papatayin mo ako?" Naglakad ako papuntang Cr binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang isang lalaki na nakamask. Lumapit sa akin si Sam at kinapitan ang pulsuhan ng lalaki.

"Dun naman sa cabinet mo." Saad nito. Lumapit ako sa cabinet at binuksan iyon, dalawang lalaki ang bumagsak matapos ko iyong buksan. "Buhay pa ba?" Kinapitan ko ang pulsuhan at umiling.

"Sam--" naputol ang sasabihin ko nang sintukin ako nito. Napakapit ako sa labi ko dahil naramdaman ko ang pagpatak nang kung ano roon.

"Sinabi ko sayo na mapapasabak yang mukha mo sa akin." Saad nito at muli akong sinuntok. "Gamitin mo kaya yang kapit mo." Itinulak ako nito papalayo sa kaniya. "Nakakaloko ang tadhana, pinagtagpo niya pa tayo! Hindi pa ngayon Charles! Hindi pa ngayon!" Sigaw nito at lumapit sa akin.

Kinuha niya ang kapit ko na baril. "Sam, I'm so sorr--"

"Gusto mo na patayin kita?" Seryoso itong nakatingin sa akin. "Swerte mo, hindi pa ngayon. Mahal pa kita, saka nalang kapag naglaho na ang nararamdaman ko." Tumalikod ito.

"Sam! Please! Let's me exp--" lumabas ito at pabagsak na isinara ang pinto

-----

Nang makarating ako sa Campus ay agad kong pinuntahan ang silid ni Sam, may kalayuan iyon kaya mahigit tatlong minuto akong naglakad bago makarating doon. Tumapat ako sa entrance ng kanilang Silid. Naagaw ko ang pansin ng lahat ang ilang babae ay nag-sisitilian. Iilan lamang ang estudyante na naririto dahil maaga pa.

"Si Sam nasaa--" Nahinto ako sa pagsasalita nang lumapit sa akin si Ziel at Liam.

"Umalis na, hindi na raw siya babalik dito sa pilipinas." Nanlulumong sabi ni Liam "Bakit mo yun ginawa?"

"I'm s--" sinuntok ako ni Ziel sa sobrang lakas niyon ay napaupo ako sa sahig. Kitang kita ko ang galit sa mga mata parang isang nagbabagang apoy, na kahit maraming tao na nakatingin ay magagawa  niyang pumatay ng tao sa harap nila mismo.

"Mas mahalaga pa ang buhay ni Auntie kaysa dyan sa buhay mo!!" Sigaw ni Ziel, tumayo ako at agad kong nilapitan ito.

"Ian, hayaan mo munang lumamig ang ulo ni Love." Saad nito at pinaglayo kaming dalawa.

"Tang*na mo Liam!" Sigaw ni Ziel. "Pumunta kayo sa building niyo! At wag na wag na kayong babalik dito!"

"I love you too" tinapik ni Liam ang balikat ko. "Mapapatawad ka rin ng mga kaibigan ni Sam. Galit pa yang mga yan sayo dahil sa ginawa mo! Ikaw kaya ang mamatayan nang nanay kung hindi ka magwala."

"Siya?" Wala sa sariling sabi ko

"Napatawad kana nun, kilala ko si Sam. Chiffon cake yata ang puso nun" Pabirong sabi niya at inakbayan ako.

"Pagkain nanaman ang nasa utak mo!" Bulyaw ko rito. "Bakit ikaw?" Nagtatakang tanong ko.

"Gusto mong umalis ako sa tabi mo?" Bumuntong hininga ito. "Kapag umalis ako sa tabi mo baka mabaliw ka, at ako pa ang magdala sayo sa mental hospital. Ayoko nang gano'n baka pagdating ko sa mental hospital pagkaguluhan ako nang mga baliw at hindi na ako paalisin."

"Mukhang ikaw ang dapat kong dalahin sa mental Li, ang lawak nang imahinasyon mo." Pilit na ngiting sabi ko.

"Dun tayo sa Cafeteria, kakain tayo nang Cake." Saad nito. "Wag kang mag-alala Ian nandito naman ako" nalilito ko itong tiningnan. "Kapag kailangan mo nang gwapong kausap libre naman ako--ARAY!" sigaw nito nang batukan ko.

"Kakausapin ko nalang ang Salamin kapag kailangan ko nang gwapong kausap." Pilit na natatawang sabi ko.

"Ayos lang yan Ian, hanap ka nalang nang bagong Samantha. Ia-announce ko na ba sa buong campus na naghahanap ka nang Samantha? Yung katulad ni Sam? Sasabihin ko rin sa kanila na magparetoke na nang mukha—magpalit na nang mukha." Pabirong sabi ni Liam

"Iba si Sam, wala siyang katulad." Napangiti ako sa kawalang nang biglang makita ko ang ngiti nito. Unti unting nawala ang ngiti ko.

"Pero sinaktan mo?! Iuntog kaya kita sa pader para malaman mo na marami kang ginawang mali kay Sam nung nandito pa siya. Hindi mo pinaglaban si Sam! Gag*" sigaw nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro