Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 49

SAMANTHA's POV

"Why you did that?!" Bulyaw ni kuya matapos isara ang pinto.

"Is there a problem?"

"Bakit mo yun ginawa? Hinintay mo sana na makalabas ang bata!!!" Lumapit ito sa akin.

"Nakakapagod maghintay." Tumayo ako at kumuha ng isang apple, kinagat ko iyon.

Bumuntong hininga si Kuya. "Tinatanong kita!!! Bakit mo yun ginawa?!!" Inis ko siyang tiningnan.

"Dahil ayaw kong magmukhang tanga si Charles! Dapat na siyang maliwanagan! Paano kung mahulog sila sa isa't isa? Edi pareho tayong talo! Ayoko! Kung ikaw kuya nakakayanan mo na tingnan sila na magkasama! Ako hindi! Kung nagagawa mong ipaubaya si Irish! Si Charles! Hindi ko maipauubaya! Kung malakas ka! Mahina ako!"

"Kaunting pasensya nalang Sa--"

"Hindi mo kayang ipaglaban si Irish? Kase ako kaya kong ipaglaban ang taong alam kong sa akin."

"Paano ko naman nasasabi na sa iyo siya?" Natigilan ako. "Paano mo siya ipaglalaban kung hindi ka naman sigurado na sa iyo si Charles?"

"Hangga't may dahilan ako para ipaglaban siya, gagawin ko. Kahit ikaw pa mismo ang kalabanin ko."

"Alam mong hindi ka sa akin mananalo."

"Atleast i tried. Ikaw nga, may kakayahan kang ipaglaban si Irish pero ano? Ako ang kinakalaban mo! At si Charles ang sagot sa problema ninyong dalaw--."

Muli itong bumuntong hininga. "Kapag nalaman ng mga kalaban natin na mahal natin ang dalawa na iyon, madadamay sila. Hindi ka ba nag-iisip? Kapag naging boyfriend mo ang Charles na iyon! Pwedeng siya ang gamitin nila para makuha ka nila! Kapag nakuha ka nila! Mawawalan ng saysay ang lahat! Ang lahat lahat. Ang nasasakupan mo! Mapapahamak! Gusto mo ba ng gano'n? Unahin muna natin ang iba bago ang sarili natin!"

"Palagi nalang. Iniisip natin sila! Bago tayo! Ikaw nalang ang magmana! Ayoko ng buhay na ibinibigay nila sa akin!"

"Ikaw ang huling anak. Ikaw ang magmamahala ng lahat"

"Ikaw ang lalaki sa ating dalawa, ikaw dap--"

"Iba ang pamumunuan ko PRINCESS SAMANTHA SOPHIA" may diin ang huling tatlong salitang binanggit nito. Ngumisi ako.

"At ano naman ang pamumunuan mo PRINCE KHEIJIENE XIEVENE?" Inis niya akong tiningnan "Your highness." Yumuko ako na parang isang alipin sa harap ng isang may dugong bughaw, habang nakatapat ang kanang braso sa tiyan na hindi lumalapat sa damit ko at ang kanang braso ko ay inilapat ko sa likuran ko.

"Stop it!" Bulyaw nito, bahagya akong natawa.

"Do you hate the word Prince? Pasensya na Prinsipe Kheijiene Xievene." Saad ko habang nasa ganoong pwesto parin

"I said stop it!" Muling bulyaw nito.

"Prince Kheijiene Xie--" nakayuko parin ako. Hindi ko ipinahalata ang pag-tawa ko.

"What the fvck! Stop it!!!"

"You started it." Natatawa kong sabi at umayos ng pagkakatayo. "Yumuko ka, ako ang nakatataas sayo." Utos ko kay kuya "Hindi mo ako nirerespeto, mas mataas ako sayo." Pilit kong pinigilan ang malakas na pag-tawa. "Yumuko ka! Kawalang galang iyon sa isang katulad ko." Itinuro ko ang sahig.

"Nakakalimutan mo Princess Samantha, Ang prince na kaharap mo ngayon ay malapit nang maging emperor." Nakangising sabi nito.

"Ikaw na ang mamamahala?" May galak na sabi ko.

"No. Ikaw na ang bahala sa grupo mo! At ikaw na rin ang bahala sa grupo ko pag nagkataon." Nakangiting sabi nito. Nawala ang ngiti ko. "Alam mo bang kawalang respeto ang ginawa mo?"

"Alin naman doon?" Nakataas ang isang kilay ko habang naglalakad pabalik sa sofa.

"Mali ang ginawa mong pag-yuko." Napanguso ako sa sinabi nito.

"Tsk. Dapat ba nakalapat ang noo sa sahig?" Sarkastiko kong tanong.

"Yup." Ibinato ko kay Kuya ang apple na kinagatan ko nasalo naman niya iyon. "Hindi ka kase lumaki sa Japan kaya hindi ka marunong gumalang."

"Ayoko sa Japan. Tapos ang usapan. Mas gusto ko dito! Kung saan namatay si M-mama. G-gusto kong mahanap ang mga pumatay sa kanil--"

"Suicid--"

"Alam kong may pumatay sa kaniya! Wag niyo akong gawing tanga! Sabihin mo sa akin kuya! Sino ang pumatay kay mom?!"

Tiningnan niya lang ako. "Walang pumatay sa kaniy--"

"Meron! Meron kayong alam!! Sino? Kuya! Sabihin mo sino?!"

"Dahil sa ginawa mo kanina." Sumeryoso ang mukha nito.

"Kuya naman, wag mong ibahin ang usapan."

"Kailangan mong sumama sa akin sa America."

"Hindi ako sasama, kung kailan malapit nang malaman ni Charles ang katotohanan. Hinding hindi ako sasama sayo sa America. Dito ako mananatili sa ayaw man o sa gust--"

"Ako mismo ang papatay kay Charles kung hindi ka sa akin sasama" Seryosong sabi nito. "Sasama ka sa akin mamaya. Ipapaayos ko na ang private airplane natin." Kinuha nito sa cellphone sa bulsa niya.

"Kuya, ayo--"

"Kapag sinabi ko talagang gagawin ko. Sha-ynah Samantha Sophia Zavierre Crausus, susunod ka sa akin? O gusto mong gumawa pa ako ng hakbang para lang mapasunod kita."

"Hindi pa ako tapos ngayong second sem--"

"Tatawagan ko si Ms. Shiella na dalahin dito ang questionnaire at answer sheet mo."

"Hindi ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko."

"Tawagan mo sila ngayon din."

"Si Charles"

"Hayaan mo muna siya. Babalik ka rin naman."

"Kailan? Tatagal ba ako sa America?"

"Ten years." Gulat ko siyang tiningnan.

"What the hell!!! Ayoko na hindi ako sasama!"

"just kidding, one to two years."

"Magpapaalam ako sa kany--"

"itext mo nalang kapag nandoon na tayo."

"Per--"

"Pipigilan ka niya. Kailangan mo pang mag-training sa America, mas maaga mas mabuti." Seryoso parin niyang sabi. "Kailangan mong matuto gumamit ng iba't ibang uri ng samurai. Tamang paggamit ng baril, kutsilyo, arnis, sibat at marami pang iba. Makakaupo ka lang sa trono kung magagawa mo ng tama ang lahat ng iyon. Mamatay ka kung hindi."

-----

"Ayos na ba ang lahat ng gamit mo?" Tumingin ako sa paligid.

"Hindi pa."

"Ang sabi ko after one hour nandoon na tayo! Kaya bilisan mo na!"

"Tayo naman ang may-ari niyon kaya tayo ang masusunod."

"Five minutes! Bibigyan kita ng five minutes para magpalit ng damit Samantha! Hindi bagay sayo ang suot mo!"

"Ano naman ang susuotin ko? Stripes? Polka dots? Ito nalang, plai--"

"Formal. Dress."

"Ayaw mo ng Jacket?"

"Samantha! Tumatakbo ang oras!"

"Pasensya na Prince Kheijiene." Nakangisi kong sabi. "Let's go."

"Magpalit ka!"

"Male-late tayo hindi ba?" Natatawa kong sabi. "Mabuti na rin yung maaga tayo aalis para maaga rin tayong makakabalik dito."

"Ang hilig mo sa white and black. Wag kang magsusuot ng ganyan sa Japan, nagmumukha kang lalaki."

"At ikaw naman ang hilig mo sa pula! Hindi naman bagay sayo!"

"Samantha! Magpalit ka!"

"Oo na! Magpapalit na! Thirty minutes lang."

"Five minutes."

"thirty-five minutes!" Tumayo ito, naikinagulat ko. Tumakbo na ako papasok sa Cr. At agad na nagbihis. "Pwede namang bukas nalang."

"Kung sa bagay pwede ko munang patayin ang isang 'yon bago kami umalis."

"Kuya! Tapos na ako!" Sigaw ko at lumabas ng Cr.

CHARLES POV

"C-charles n-nasasaktan ako." Daing nito dahil sa higpit ng kapit ko sa kamay niya

"Talagang masasaktan ka! Magsabi ka nga sa akin ng totoo! Siya ang lalaki na yun! Siya ang lalaking nakita ko na kasama mo! Hindi ko man nakita ang mismong mukha niya! Sigurado ako na siya yun! Ang boses niya! Siya mismo yun! Ang lalaking nakita ko noon na kasama mo kaya nakipaghiwalay ako sayo noon! Tama ba ako?" Binitiwan ko ang kamay niya, nakita ko ang panginginig ng kamay na kinapitan ko.

"O-oo s-siya a-ang n-nakita mo." Nanginginig ang boses nito. Sinasabi ko na nga ba!!!!

"Baka naman siya ang ama ng batang dinadala mo!" Gulat ako nitong tiningnan. " At hindi ako!" Hindi ito sumagot. "Siya ba?!" Pilit kong pinigilan ang Galit dahil kung hindi baka makalimutan ko na buntis ang babaeng kaharap ko.

"C-charles" nagsimula na itong humikbi. Her voice trembling.

"Sagutin mo ang tanong ko!!!" Niyakap ako nito. Pumikit ako sa sobrang inis

"O-oo s-sorry, C-charles p-please w-wag m-mong iurong ang k-kasal." Umiiyak na sabi nito, nagmamakawa. Damnit! Sinaktan ko ang taong dapat kong ipinaglalaban! Para sa taong nasa harapan ko ngayon! "C-charles i-itutuloy naman n-natin a-ang k-kasal d-diba?" Desididong sabi nito. Nakahinga ako ng maluwag.

"Mabuti naman." Tinanggal ko ang braso niyang nakayakap sa akin, pero pilit niya parin akong niyayakap. "Mabuti nalang, wala pa tayo sa harap ng altar! Mabuti nalang nangyari ang lahat ng ito! Ipinagtabuyan ko si Sam dahil inaakala ko na nagsasabi ka sa akin ng totoo! Dahil kasama mo ang tatay mo! Ganito ka pala magkagusto sa isang lalaki Iris--" Tinanggal ko ang kamay nito. Tumayo siya ng maayos sa harap ko

"Hindi kita gusto! Mahal kita! Bakit? Nung mga araw ba na wala si Sam sa tabi mo, Charles ako ang kasama mo! Nung araw na kailangan mo ng karamay nandoon ako, Siya ba nandoon? Siya ba ang nagbigay ng mga kailangan mo? Nung araw na lumipat siya ng strand! Nagpaalam ba siya sayo?! Hindi naman 'di ba?! Nung ginawa natin ang mga iyon! Ako naman ang nasa isip ko no'n di ba? Ginawa mo yun! Ginusto mo! Dahil kailangan ako ng katawan mo! Ginusto nating dalawa yun Chaes! Nating dalawa!" Bulyaw nito. Nakaturo ang isang kamay niya sa akin.

"Ginawa ko iyon dahil kailangan ko! Ayaw kong may mangyari sa kaniya! Mapapahamak siya! Nagmukha akong aso nang sundin ko ang mga gusto nila kahit kayang kaya ko silang labanan! Natakot ako sa kaya nilang gawin dahil hawak nila ang Australia kung nasaan ang mga magulang ko!"

"Sa ginawa mong iyan! Talagang mapapahamak siya! Papatayin ko ang babaeng iyon! Sisiguraduhin ko!" May galit ang mga mata nito habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

"Ako muna bago siya!" Bumagsak ang mga balikat nito

"Nung s-sinabi mo sa akin ang salitang I love you, totoo naman yun hindi ba?!"

"Oo totoo iyon!" Nagliwanag ang mukha nito. "ang pagkakabigkas ko sa salitang iyon ay may tono ng pagkakaibigan Irish. Kaibigan lang Irish. Hanggang doon nalang ang tingin ko sayo, simula nung nakita ko kayo ng kuya ni Sam. Hindi na, hinding hindi na ulit kita mamahalin! Minahal kita noon! Pero ano ang ginawa mo ngayon? Ano ang sinukli mo? Pasakit hindi ba? Nawala ang lahat ng iyon! Nung dumating si Sam! Si Sam na...! Na dati kong gusto! Na ngayon ay mahal ko! Ibang iba siya sayo Irish!"

"Alam ko! Pero mas minahal kita! Kesa sa ibinigay ni--" niyakap nito ang tuhod ko.

"Hindi ganyang pagmamahal ang kailangan ko Irish! Pagmamahal nang isang Samantha Crausus ang kailan—ang gusto ko!" Kinapitan ko ang dalawang balikat niya at itinayo siya.

"Ano bang pagmamahal ang kailangan mo? Ano ba ang gusto mo? Ito naman hindi ba?" Tanong nito at agad akong sinunggaban nang halik. Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya at mahinang kong itinulak ito.

"Matutuloy ang kasal." Nahinto ito. Kusang siyang lumayo.

"C-charles. T-totoo ba i-iyan?" Nabubuhayang sabi nito

"Oo." Ngumiti siya

"S-salamat." Niyakap ako nito.

"At ang kuya ni Sam ang groom." Unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi. Inalis ko ang mga kamay nito. "Ihahatid na kita sa inyo." Naglakad ako papalapit sa kotse ko.

"A-ayoko, a-alam mo naman Charles na i-ipinagtabuyan na nila a-ako." Nagsusumamong sabi nito habang sumusunod sa akin.

"Sabihin mo sa kanila na hindi ako ang ama ng dinadala mo. Sabihin mo sa kanila ang totoo. At yung Lalaki na yun ang lapitan mo! Hindi ako! Ngayon alam ko na, kung bakit laging nag-aalala si Sam dahil alam niya na anak yun ng kuya niya! Ihahatid na kita sa inyo." Binuksan ko ang pinto ng passenger sit.

Humihikbi ito nang pumasok sa kotse. "C-charles."

"Irish. Maganda ka. May itsura siya. Bagay kayong dalawa. Ihahatid kita sa inyo."

"C-c--"

"May pupuntahan pa ako Irish."

"Saan? Sa hospital? Kay Sam--"

"Oo!"

-----

"C-charles wag ka namang ganito." Kinapitan nito ang kamay ko.

"Matagal na akong ganito. Irish. Hindi ka lang nasanay."

"Hindi ka niya mahal! Ako! Ako ang nagmamahal sayo Charles!"

"Paano ka nakakasigurad--"

"Sinabi niya sa akin na lilipat siya ng strand! Sinabi niya na wag kong sasahihin sayo! Bago mo pa nalaman." Natigilan ako. "Yung Klien. Boyfriend niya yun! Nakita ko sila bago ka pa mag propose sa akin. Sa mall hinalikan siya ni Klien! Sobrang saya nilang dalawa!"

"Imposible yang sinasabi mo Irish, hinding hindi na ako maniniwala sayo--" kinuha niya ang Cellphone niya, at hinalungkat iyon.

"Ito!" Ipinakita niya ang screen ng phone niya, tiningnan ko iyon ng mabuti. Magkahawak ng kamay si Sam at Klien. Bahagyang nakatalikod sila. "Nagbibitawan sila ng matatamis na salita, kitang kita mo naman 'di ba! Magkahawak pa sila ng kamay! Tanungin mo ang sarili mo! Kung totoo ba ang ipinaglalaban mo Charles!" Bulyaw nito.

Nakagat ko ang labi ko. What the fvck Sam! "Kahit anong gawin mo. Hindi na ako maniniwala sayo."

"Puntahan mo siya!! Tanungin mo kung ano itong picture na ito!" Sigaw nito. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya ang cellphone sa palad ko. "Ayaw mo sa aking maniwala! Siya mismo ang tanungin mo!"

"Hindi ganyan si Sam."

"Hindi na ako magtataka kung buntis si Sam at si Klien ang ama. Charles they already fvck up that time. I'm pretty sure. Nung doon tayo natulog hindi pwedeng walang nangyari sa kanila, luhaan si Sam nang araw na yun at si Klien ang nandoon sa tabi niya. Si Klien na rin ang nagsabi na hinalikan niya si Sam."

"Utak mo lang ang may ganyang scenario! Hindi kayang gawin ni Sam yan! Kilala mo siya."

"Bakit? Malay mo marami na ring nakatikim kay Sam! Baka nga natikman na siya ng mga kaibigan niya! Nalaman ko rin na nagta-trabaho yun sa Bar. Dati, hindi na imposible na bayarang babae yun si Sam! Talaga ngang magkaiba kami ni Sam, siya nagpapabayad ako nagkukusa!" Itinaas ko ang palad ko para sampalin ito. "Alam kong matagal na niyang alam na ang ama ng batang ito ay ang kuya niya! Pero hindi niya sinabi sayo! Hinayaan ka niyang maging sakin! Yung dare. Parang wala lang sa kaniya ang lahat ng sinabi niya, pumayag siya nang walang pag-aalinlangan. Ginusto niya pang makasama niya yung Klien na yun sa kwarto kesa sa kaibigan niya!" Ibinaba ko ang kamay ko at agad na tinalikuran ito. I start the engine of my car.

-----

"Sam..." Nahinto ako sa paglalakad. "Sam!!" Sigaw ko nang makita ko si Sam na sumasakay sa isang kotse. Kasama niya ang kuya niya. Where are they going? "Sam!!!!" Tumakbo ako pero hindi ko ito naabutan dahil lumayo na ang kotse na sinasakyan nila.

Agad akong sumakay sa kotse at sinundan ito.

"Airport?" Wala sa sariling tanong ko. Nahinto ako at agad na hinabol si Sam. "Sam!!!" Hindi ito humarap. "Sam!!!!!" Huminto ito sa paglalakad, gano'n din ang kuya niya at ang mga guards nito. Para saan ang Guard? "Sam." Napakapit ako sa tuhod ko dahil sa pagod.

SAMANTHA's POV

"Sam." Dahan dahan akong tumingin sa likuran ko. "Sam, I'm sorry."

Tiningnan ko lang ito. "For what?" Nakataas ang kilay kong tanong kay Charles.

"I'm so sorry Sam."

"We have to go Samantha." May awtoridad na sabi ni kuya.

"Yeah." Bumuntong hininga ako at tumingin kay Charles. "I think this is the last." Nakangiting sabi ko.

"Say goodbye to him, Sam. After all, he's already here" Ngumiti ako ng natural. Sana totoo pa sa paningin niya ang ngiti ko na 'to.

"Uhm... Goodbye?" Hindi ito nagsalita nanatiling nakatingin ito sa akin. "Babalik na ang dati mong buhay Charles. Kailangan kong umalis para maibalik ang natural mong buhay, walang sagabal walang problema, walang Samantha sa tabi mo, walang Sam na titira sa bahay mo, walang Sam na maghahabol sayo, walang Sam na magbibigay sayo ng sakit at higit sa lahat. Wala nang Samantha na magpapahamak sa buhay mo."

Humakbang ito papalapit sa akin. Humarang ang mga tauhan ni kuya sa aming dalawa.

"Maybe ... it's time for me to rest myself? I went through a lot of hardships with you. You gave a million heartaches. Heartaches that cannot be treated by a doctor. There are many men in the world. I want a hundred men. But you are the only one I love. This is not the last but this is the beginning of our lovestory." Kinapitan ako ni kuya sa braso.

"15 minutes nalang Sam." Saad ni kuya.

"Gusto kong lagi kitang nakikita, pero tuwing kaharap kita. Biglang bumabalik ang lahat Charles. Ang lahat lahat kahit may mga rason ka hindi mo dapat yun ginawa. Charles. Isang Shayne. Isang Shayne ang kaharap mo ngayon. Isang Shayne na sinaktan mo nang paulit ulit! Isang Shayne na ipinagtabuyan mo! Ipinakilala ko sayo ang isang Shayne na hindi kilala ng lahat! Pero anong ginawa mo? Nandito ako at nandyan ka! Hindi mo muna inalam ang lahat bago mo siya ayain!" Tinalikuran ko ito. "End of your imagination, not of your life. There is no end to the pain, but there is always fun in return."

"S-sam."

"Mathematics will never be English. But they are both subjects.Like us, we are both subject but we have many differences. I caused you pain, and so did you to me. I love you even destiny wants to separate us. I have to rest and also you."

"W-why?"

"We don't have status--"

"But you love me right?" Nag-aasam na sabi nito.

"We're leaving. Thank you Charles for giving me pain."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro