CHAPTER 43
SAMANTHA's POV
"Kailangan kong magpahinga, lumabas kana." Hindi ito kumibo nakatingin lang ito sa akin. "Baka lumilipad na ang damit ko dyan sa paningin mo ha?" Pabiro kong sabi.
"Tss. Iba ang nasa isip ko--"
"Sabi ko nga, si Irish ang nasa isip mo." Ngumiti ako nang malawak yung natural.
"Alam mo Sam." Naglakad ito papalapit sa akin, pinagcross ko ang braso ko. "Nakakatakot ang ngiti mo, sumimangot ka nalang kaya." Kinagat nito ang labi niya.
"Natakot ka sa ngiti ko, pero sa nakita ko hindi? May saltik ka ba?" Ngumiti ulit ako
"Shit!" Inihilamos niya ang kaniyang palad sa mukha. "Damnit!"
"Talaga bang natatakot ka sa ngiti ko? Wag kang mag-alala, mahal pa naman kita." Natatawa kong sabi.
"Fvck!" Huminto ito sa tapat ko. "Sam!" Suway nito.
"What?" Natatawa kong sabi. "Is my lips attracted you?" Kinagat ko ang labi ko, tumayo ako at kinapitan ang kwelyo niya. "Don't worry, I am too." Binigyan ko ito nang smack kiss. "Nakapagtataka lang nahindi mo ako mabigyan nang rason." Umiling ako.
Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. "Basta, mahal kita sapat na yun."
"Mahal pero hindi binigyan nang rason, ikaw pala dapat ang ipadala sa mental e." Natatawa kong sabi. "H-hindi ako m-makahinga." Putol putol na sabi ko, humihigpit ang yakap niya. "B-bitaw n-na" naghahabol ako nang hangin matapos niya akong pakawalan sa mga bisig niya.
"Because I love you, that's the only reason i can give." Hinalikan ako nito sa noo.
"Mahal ka rin ni Irish." Umiiling kong sabi. "Lumabas kana dito, kailangan kong magpahinga at ganoon ka rin." Tiningnan ko ang parte nang tiyan niya. "Ayos na ba yan?" Sinundot ko ang gilid nang tiyan niya.
"Shit! Sam!" Bulyaw nito na ikinatawa ko
"Isang superman ko noon, nasaksak ngayon. Magkakapeklat yan." Natatawa kong sabi. Nahinto ito sa paglalakad papuntang pinto. "Nagpatama pa sa mukha." Dagdag ko pa na ang tinutukoy ay ang putok nitong labi.
"Natyempuhan lang."
"At pumayag ka naman?" Tumayo ako at nilapitan siya. "Bilisan mo maglakad, kailangan ko nang magpahinga." Itinulak ko siya papalabas. "Bangungunitin ka sana." Nginisihan ko siya at isinara ang pinto.
-----
"Saan ka pupunta?" Bungad na tanong ni Charles nang makita akong nakaayos.
"Mag-gro-grocery puro shellfish ang nasa ref, hindi ako kumakain nun."
"Bakit hindi mo subukang kumain Sam? Itong shrimp masarap ito." Alok ni Irish.
"Kulang pa yan sa inyong dalawa." Tiningnan ko ang tiyan niya.
"Sam, pwede ba kitang imbitahi--"
"Irish." Suway ni Charles
"Of course, ano bang meron?"
"It's a surprise, kahit ako nasorpresa." Nakangiting sabi nito, sa tingin ko ay good news nga ang nalaman niya. "Sa linggo, sa hotel namin gaganapin 'Versarge Hotel' Doon namin ia-announce ang lahat. Sana makapunta ka" kita ang saya sa mga mata nito. "Unexpected talaga ang bagay na iyon, 'di ba Charles?" Tiningnan niya si Charles. Tumango lang si Charles "Hindi ako makapaniwala." Nakangiti itong pumikit na parang may inaalala.
"Sasamahan na kita Sam." Suhestyon ni Charles
"Wag na may pasok kay--",
"May kailangan din akong bilihin" tiningnan ko si Irish, tumango lang ito.
-----
"Ano ba ang bibilihin mo?" Tanong ko bago kumuha nang food cart. Kinuha nito ang food cart na kinuha ko.
"Ikaw ang maglagay ako ang tutulak." Nakangiting sabi nito. Kumuha ako nang limang balot na Lollipop at inilagay iyon sa cart. "Seriously?"
"Yeah, nakakapagod. Kailangan ko nang marami niyan." Kumuha ako nang gummies at marshmallow. Inilagay ko muli iyon sa cart.
"Ito ba talaga ang ipinunta mo dito?"
"Oo, kaya wag kang magreklamo. Ikaw ang nagsabi na sasama ka kaya wag mo akong tatanungin kung bakit yang mga yan ang gusto kong bilihin." Kumuha ako ng isang kilo na flour, baking powder at kung ano ano pa na ingredients sa pagbe-bake. Tumingin ako sa gilid at kumuha nang food color at flavoring "Anong flavor ang gusto mo?"
"You." Bigla akong niyakap nito patalikod. "A grapes like you." May kung ano akong naramdaman sa likuran ko.
"Wag mong ilabas dito ang kasaltikan mo!" Bulyaw ko. Unti unting lumakas ang bulungan.
"I Miss grapes." Parang batang sabi nito, hinalikan nito ang batok ko. Naglakad ako sa mga prutas, hindi nito inalis ang pagkakayakap sa akin. Mukha tuloy kaming magkadugtong ang bituka. Kinuha ko ang isang plastic ng grapes at isinampal ko sa mukha niya.
"Yan Grapes." Natatawa kong sabi at umalis sa pagkakayap niya. "Baka nakakalimutan mo! Marami kang atraso sa akin." Walang emosyon kong sabi at kumuha nang dalawang kilo ng manok at baboy.
"Sam naman."
"Wag kang umasta na parang tayo, Walang tayo. Pero merong kayo." Natahimik ito. "Kumuha ka na nang mga gusto mong bilihin diyan." Saad ko, mapasinghap ako ng hangin nang buhatin ako nito at isinakay sa Cart.
"Anak ng—may Saltik ka talaga!" Sigaw ko. Itinulak nito ang Cart, pinagcross ko ang Braso ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Gustong gusto mo na napapansin ka 'no?" Mabuti na lang hindi ako nagshort ngayon kung hindi mapapatay ko talaga ang lalaking 'to!
"Ikaw naman talaga ang gusto ko na makuha."
"Pero hindi ako binibili!"
"Sabi mo ang gusto ko, wala kang magagawa nandyan kana e." Natatawang sabi nito
"Sana may ganyan din akong boyfriend." Sabi nang babaeng nasa gilid ko
"Aww! So sweet like a honey." Komento naman nang isa
"Babe, can you put me at the cart?"
"No way, mabigat ka."
"Please Babe, push the cart to. Like them."
"Ayoko."
"Ang saya nang trip mo." Sarkastiko kong sabi.
"Ayaw mo nun? Ako yung napapagod hindi ikaw?" Saad nito at kumuha pa nang isang cart ikinabit niya iyon sa unahan
"Sinabi ko bang ilagay mo ako dito? Dalahin mo ako dun!" Itinuro ko ang kaliwang parte kung saan nakakabili nang mga tingy things. "Paki-abot nung nasa itaas." Itinuro ko iyon, kinuha naman niya. Tiningnan ko iyon. "Yung isa, yung with wings!" Inis na sabi ko. "Hindi yan! Yung nasa pinaka-itaas!"
Ibinaba ako nito sa Cart. "Ikaw ang kumuha." Saad nito at pumunta sa likuran ko
"Paano ko yun makukuha! Mas mataas ka sa akin tapos ako ang pakukuhain--" muli akong napasinghap nang hangin nang isuot niya ang ulo niya sa gitna nang hita ko. Napakapit ako sa buhok niya nang tumayo siya. Nakasung-ay ako sa kaniya. "Puro kasaltikan ang pinagagagawa mo!"
"Kuhain mo na ang sinasabi mo." Saad nito
"Paano kung hindi ko kuhain?" Panghahamon na tanong ko.
"Hindi kita ibababa." Dinig ko ang mahinang pagtawa nito. Tuwang tuwa ang loko! Kumuha ako nang limang plastic niyon at itinapon sa cart na nasa unahan
"Pwede mo na akong ibaba!" Ibinaba niya ako. Akala ko ay pwede na ako maglakad pero nagkakamali ako dahil muli niya akong binuhat at inilagay sa Cart. "Pwede bang alisin mo ako dito? May mga kailangan akong bilihin baka makalimutan ko!" Inis na sabi ko. Ibinaba naman niya ako.
Kumuha ako nang iba pang kailangan. Biglang nagsigawan ang mga tao, hindi ko iyon pinansin
"Charles!" Tawag ko kay Charles "kumuha ka nang mga ShellFish para kay Irish!" Sigaw ko, lumapit naman ito sa akin. Kumuha ako nang crabs at inilagay iyon sa cart niya, kumuha pa siya nang shimps at iba pa. Para yan sa pamangkin ko, napangiti ako sa kawalan
"Ano yang ngiti na yan?" Tanong ni Charles
"tara na nga." Inis na sabi ko, ang tahimik. Dumeretso ako sa Cashier nakapagtataka dahil nakayuko ang mga ito. "Hey! What are you doing?! Your a cashier right?" Tumango naman ito. "Ito ang pinamili namin." Inilagay ko sa kanan ang cart
"P-pero m-miss--" may halong kaba ang boses nito
"May pangbayad ako sa lahat ng yan! Kaya bilisan mo!" Bulyaw ko dito, nanginginig naman ang mga kamay jito habang inaayos ang mga pinamili namin hinanap nang mga mata ko si Charles. "Hoy! Charles!" Tawag ko dito. May kinukuha pa ito "Bilisan mo dyan!!" Sigaw ko.
"Holdap 'to!" Sigaw naman nang kung sino. Hindi ko ito pinansin
"Ang tagal mo naman Charles! Bilisan mo!" Inis na sabi ko, lumapit naman ito sa akin.
"Miss mo na agad ako?" Tanong ni Charles at niyakap ako patalikod.
"Yung pinamili ko ang kailangan ko sayo! Kahit doon ka sa dulo tumira ayos lang sa akin." Natatawa kong sabi.
"I love you Sam."
"Mahal ka rin nang patalim ko." Nakangisi kong sabi." Miss naman bakit ang tagal mo?! Nasaan ba ang ibang Cashier dyan!" Sigaw ko hinanap nang mata ko ang mga cashier. "Hoy! Kayong dalawa tulungan niyo nga ito!" Sigaw ko sa dalawang cashier.
"P-pe--"
"Magbibigay ako nang tip sa inyong tatlo kaya wag kayong mag-alala." Nakangiti kong sabi.
"Sabi nang Holdap 'to!!" Muling may sumigaw. Hindi ko namin iyon pinansin ni Charles.
"Sam?"
"Hmm?"
"Alam mo bang nakakamiss ang Grapes?"
"Oh? Tapos?" Tumingin ako sa mga cashier nanginginig ang mga kamay nito. "Pakiuna nga nang Grapes." Saad ko, inuna naman nila iyon. Kinuha ko ang Grapes at inabot sa kaniya "Ayan! Grapes!"
"Ayoko nito, gusto ko nung galing sayo." Bulong nito at ibinalik ang grapes.
"Matulog nang isang linggo gusto mo?"
"Sabi ko! Holdap ito!!!" Sigaw muli sa likuran namin, hindi namin iyon nilingon ni Charles at tumapat sa amin.
Tinaasan ko ito nang kilay. "Edi mangholdap ka." Saad ko at tumingin sa mga pinamili namin. "Miss pakibilis naman.
"Kayong dalawa ibigay niyo sa amin ang mga pera niyo!" Sigaw nang lalaki.
"Bakit may utang ba ako sa inyo?" Tanong ko, tiningnan ko si Charles. "Nag-utang ka dito?!" Inis na tanong ko kay Charles
"Ako mag-uutang? Are you crazy?! I have my own company so why would do that thing?!" Inis na sabi naman ni Charles.
"Hindi ba kayo natatakot sa amin?" Tanong naman nang isang lalaki, may tatlong lalaki na lumapit sa amin.
"Ako pa ang tinanong mo? Baka ito Oo." Itinuro ko si Charles.
"What the hell Sam! Why should I be afraid of them?" Inis na sabi nito "Pasalamat ka mahal kita." Bulong nito.
"Cashier ba talaga kayong tatlo? Ang tagal niyo naman!" Inis na sabi ko.
"Hindi ba kayo natatakot sa kapit namin?" Tiningnan ko ang mga kapit nila. Bahagya akong natawa. Bakit ako matatakot sa baril? E, kumakapit din naman ako niyan.
"Hindi/no" sabay naming sabi ni Charles
"Talagang!!!" Sigaw nito
"Miss pakibilis naman, sobrang hirap ba nang trabaho niyo?" Tanong ko rito.
Binilisan nito ang pagayos nang mga pinamili namin. Inabot nito ang apat na malalaking plastic. "Here." Inabot ko sa kanila ang ten thousand. "Keep the change."
"P-per--"
"Natatakot kayo sa apat na 'to?" Tanong ko sa mga cashier habang nakaturo sa apat. "Kayang kaya niyo yang patumbahin." Natatawa kong sabi. Natawa rin si Charles.
"M-may b-baril s-sila--" kabadong sabi nang isa. Humagalpak kami nang tawa ni Charles. Nakatingin sa amin ang tatlong cashier.
"Mga laruan lang ang kapit nila." Tumatawa na sabi ko. "Ito ang totoong baril." Ipinakita ko ang baril na nasa tagiliran ko. Wala pang ilang segundo ay nagsilabasan ang mga tao, dinumog ang apat na lalaki.
"I love you." Hinalikan ako sa pisngi ni Charles
"mahal ka rin ng bala ko." Nakangisi kong sabi. "Nakakailan kana!"
-----
"Anong gagawin m--"
"Kakainin ko na ang mga ito." Itinaas ko marshmallow, flour at iba pa. "Nagtatanong pa, alam naman na iaayos ko ang mga ito sa dapat kalagyan." Pabulong kong sabi.
"Charles!!!" Tawag naman ni Irish. "Charles! Patulong naman oh.!" Sigaw ni Irish.
"Tulungan mo na yun." Tinapunan ko siya nang tingin.
"Pe--"
"Ano? Hindi mo yun tutulungan?! Tulungan mo! Bilis!" Bulyaw ko. Pag-may nangyari talaga sa pamangkin ko, gagawin kong abo ang buto nito!
"I love you."
"Tulungan mo na!"
"I love you."
"Sabing tulungan mo na!"
"I love you."
"Umisa ka pa! Tatamaan ka na talaga sa akin!"
"I love you." Saad nito at mabilis na hinalikan ang pisngi ko. Bago tumakbo papuntang itaas kung nasaan ang mga kwarto.
"May bangas yang mukha mo, mamaya!!!" Inis na sabi ko. Hindi pa nga kami ayos kung makaasta parang walang nangyari! 'Pero namiss ko rin ang pagiging addict niya' bigla kong sinampal ang sarili ko. "Ayusin mo ang sarili mo! Samantha Shayne Crausus, nagmumukha kang mahina pag-ganyan ka palagi." Suway ko sa sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro