CHAPTER 33
SAMANTHA's POV
"Sam!!" Huminto ako sa paglalakad "Sam." Hiningal nitong sabi "Sam, Let's talk." Hinarap ko siya, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay "Makinig ka muna sa akin, okay?" Hiningal parin nitong sabi "Yung nakita mo, akala ko ikaw yu--"
"Pakibilisan, may pupuntahan pa ako." Naiinip kong saad, Bumintong hininga muna siya bago mag kwento, ikinuwento niya ang buong pangyayari at ang nararamdaman niya. Ang tapang pala ng lalaking 'to kayang sabihin ang kaniyang nararamdaman ng harap-harapan.
"Sam, maniwala ka. Totoo ang sinasabi ko." Sinserong sabi niya
"Sinabi ko bang hindi ako naniniwala?" Tipid ko siyang nginitian. Nagliwanag ang mukha niya. "Pero sana... Hindi mo pinatulan." Tumingin ito sa ibaba, kita ko ang bahagyang pag-ngiti nito. "Masaya ka na nag-away tayo 'no? May oras kana para ayain si Irish na dalahin sa simbahan." Nakangisi kong sabi.
"Syempre, aayain ko siya" nakakaloko itong ngumiti
"Talaga lang ha?" Sarkastiko kong saad
"Aayain ko siya sa Simbahan, samantalang ikaw sa altar" nakangiti nitong sabi
"Kung sasama ako sayo!" Mataray kong sabi, ngumiti lang ito. "Masaya talaga ang loko." Pabulong kong sabi.
"I smile not because I’m glad we fought, but because I see that you love me too. I'm sorry, you can't forgive me now but... I hope there's still a chance. Yes, I broke the trust you gave me. J-Just gave me permission to rebuild it. Wounded? Let me be a doctor this time, I will heal that wound and remove the scar that will clot. Please, Sam, even a simple yes."
"Yes, I say yes ... but you have no guarantee that I will forgive you, I say yes because I don't want to regret my decision when the time comes. Goodbye Mr. Jimenez." Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla, siguro dahil sa pagtawag ko sa kaniyang ng Mr. Jimenez. Tinalikuran ko siya. "Mauna na ak--"
"Saan ka pupun--"
"Sa lugar kung saan wala ka." Binigkas ng bibig ko ang dapat sa isip ko lang sasabihin
"Sam? Wag mo naman akong kalimutan--"
"Mahirap kang kalimutan, lalo na ang ginawa niyong katarantaduhan."
"Sam, hindi ko nga kase yu--"
"Pero nag-enjoy ka."
"Hindi ko yun alam, dahil kinain na ng alak ang buo kong katawan." Hinarap ko ito.
"Alak pa ang sinisi mo! Kakaiba ka magdahilan! Mr. Jimenez." Napapikit pa ito sa inis, nagpipigil
"Sam, wag ka namang ganito." Nagmamakaawa ang tono ng boses niya.
"Anong gusto mo? Yung yayakapin kita, babatiin, i-co-congrats dahil sa pinaggagawa mo! Wow!" Sarkastiko kong sabi "Inaamin ko! Minahal kita puny*tang buhay oh! Sa mga salita mong binitiwan, nahulog ako! Samantalang yung taong naghihintay nag-aabang, nag eefort! Nagbibigay oras! Nagsasabi na special ako! Binibigyan ako ng kalayaan na makapili! Nandoon!" Itinuro ko pa ang likuran ko " Nandoon kasalukuyang nag-aabang! Hindi ko siya napansin dahil sa mga pangako mong tinangay ng hangin!"
"Sam, wag mo naman isisi lahat sa akin."
"At kanino? Kay Irish? Na nageenjoy ka? Dun! Sa alak! Na sinisisi mo! Ano ngang sabi mo? Napansin mo lang na hindi ako yun nung maramdaman mo na maluwag na! Ano ka ba talaga?! Masyado kang nagpapakasasa sa buhay mo! Magtira ka naman sa iba! Hindi ako katulad ni Irish! Na kahit niloloko na ay pinipilit ka paring patawarin! Hindi ako katulad ng mga babaeng nakita mo dun sa music room na hanggang hangga sayo! Kase simula nung araw na nalaman ko na..." Tumingala ako, wag kang iiyak Sam inhale... Exhale... "Nalaman ko na... Nabuntis mo si Irish, nawala na ang paghanga ko! Nung hinalikan ka niya sa harap ko, ayos lang yun e! Pero yung... Y-yung sumama ka sa kaniya sa bar at hindi mo na pigilan ang gusto niyang katawan mo!" Itinuro ko siya "Hindi ko kinaya! Para akong nagpatihulog sa eroplano na walang dalang parasyut! Walang kasiguraduhan kung saan babagsak! Iniisip ko yang nararamdaman mo Charles maniwala ka. Pero sana isipin mo rin naman kung ano ang nararamdaman ko!"
"Sam, wag mo naman itapon lahat ng pinagsamahan natin"
"Hindi ko naman tinapon, inipon ko nga e. Para sa susunod na maulit muli ang senaryo na yun ay... Alam ko na ang gagawin."
"At ito ang gagawin mo?"
"Oo! Ang maagang palayuin ka sa katulad ko."
"Sam, you know I-i C-can't"
"kaya mo, iniisip mo lang talaga na hindi mo kaya."
"Sam, PLEASE" may diin at inis na ang pagkakabigkas niya
"Tingnan ko nga kung pano magalit ang isang Jimenez." Pinagcross ko ang braso ko at tinitigan siya, tumalikod ako at humakbang. I need to let you go Charles.
"Sam!" Sigaw nito, hinarap ko ito
"Do I know you?" Ipinakita ko ang natural kong ngiti sa kaniya na ikinabigla niya, kita ko ang pagpatak ng luha niya
"Sam, please kung gusto mo na lumuhod ako sa harap ng maraming tao gagawin ko. Kung gusto mong mawala ako dito sa mundo para hindi mo ako makita gagawin ko, mapatawad mo lang ak--"
"Huh?" Kunwaring nalilito kong sabi
"Sam i love you, i can't li--"
"Mag-istay pa naman ako sa tabi mo e, hindi nga lang katulad nung dati. Dun parin ako titira sa inyo, hangga't hindi naisisilang ang anak mo. Alam ko na hindi kakayanin ni Irish ang pagbubuntis dahil ngayon palang na magdadalawang buwan ay malaki na ang tiyan niya pano pa kaya kapag kabuwan na na niya?. Mas mahihirapan siya. Gusto kong makita ang anak mo at ikwento ang pagtatagpo ng mga magulang niya, kung papaano ang daloy ng buhay at kung sino ang mga naging hadlang." Nakangiti kong sabi, kaya mo yan Sam. Walang kayo kaya hindi ka dapat masaktan ng sobra.
"Hindi ko siya anak."
"Pagnakita mo ang isang sanggol hindi mo na iyan maitatanggi pa Mr. Jimenez, I really have to go. See you around" nakagat ko ang ibaba kong labi, pinipigilan kong humikbi.
"P-patawarin m-mo ako Sam" Umiiyak na sabi nito.
" I am also a human, I need a break. It stuck in my mind, penetrated my heart and even my body as if It wanted to give up. Give me time to rest, and there we will talk. Everything was still so fresh I had to soothe the pain before diving into battle again.I love you even destiny wants to separate us. Keep that in your mind my love." ang pagtalikod ko ay siyang pagpatak ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan
"Sam!" Sigaw nito.
"Love is what I gave! But why did I get tears ?!" I shouted, pahina ng pahina ang bawat hikbi niya, dahil unti unti na akong lumalayo sa kinaroroonan niya.
Nabubuo palang ako, tapos... Nawawala nanaman ang isang parte ng buhay ko. Ginawa ko ang mga bagay na hindi ko ginagawa noon, bakit ganito ang balik? Ano bang nagawa ko?
"Sam?" Tawag ni Liam ng makita ako, hindi ko ito pinansin nagderetso ako sa rooftop. At pumikit Inhale... Exhale... Inhale... Exhale... Paulit ulit ko iyong ginawa bago buksan ang aking mat--
"Anong problema?"
"B-bakit ka nandito?" Nabibigla kong tanong. Nagtatanong ang mga tingin niya.
"Nakita kita, kaya sinundan kita."
"Bakit ka nga nandito?" Paguulit ko sa tanong.
"Kase dito kana nag-aaral" nakangiti nitong sabi.
"At ano naman kung dito ako nag aara--"
"Hindi lang naman ikaw ang dahilan kaya lumipat ako" napapakamot siya sa batok
"Ano pa ang dahilan?"
"Lumipat di kase dito si Mia, Ziel at Chlea, kaya lumipat na rin ako ayokong mahiwalay kay Mia baka may mauna pa sa aki--"
"Wala akong panahon sa pagbibiro mo Mark pwede ka nang lumabas ng gate" itinuro ko ang main gate na kitang kita dito sa rooftop.
"Dito na ako nag-aaral, tingnan mo ang ID ko. Bagong gawa lang ito kanina" nakangiti nitong sabi habang nakaturo siya sa gilid ng dibdib niya. Nakasabit doon ang ID niya na akala mo ay isang employee.
Tiningnan ko ito mulang ulo hanggang sapatos. "Dito ka talaga nag-aaral? Anong trip niyo? At naisipan niy--"
"Matagal na namin 'yong pinagiisipan, ngayon lang kami nakapagdecide i mean last night" Pagsingit naman ng boses ni Chlea? Agad akong tumigin sa likod ko at nakita ko ang tatlo
"Nandito talaga kayo?" Hindi ko malaman ang ipapakitang reakyon sa kanila, dahil sa totoo lang ay inuubos na ng lungkot ang bawat daloy ng dugo sa katawan ko.
"Wala kami dito, nasa mall kami" sarkastikong sabi ni Ziel
"Ang galing mong kumanta! Ikaw ah, may talento ka palang itinatago." Sabi ni Mia
"Hindi ko yun itinatago ngayon niyo lang talaga nakit--"
"Oh my gosh!!" Nabibiglang sabi ni Chlea habang nakatingin sa phone niya.
"Anong mero--"
"Gurl trending ang duet niyo ni Charles, damang dama parang totoong totoo. Grabe siguro ang pagpractice nit--" Saad ni Mia habang nakatingin din sa Phone niya
"Ang ganda ng boses ni Sam." Papuri naman ni Mark
"Boses lang? Kung ilayo kaya kita kay Mia!" Bulyaw ko dito
"Maganda ka rin naman" bahagyang natawa pa ito
"Bakit kayong dalawa ay nandito sa rooftop?" Tanong naman ni Chlea
"Sinundan ko siya" itinuro ako ni Mark, natuon naman ang tingin nilang lahat sa akin.
"May iniisip lang." Nakangiti kong sabi
Nagkatinginan ang apat at nagsitanguan sa isa't isa "Tulad ng dati, maglalaro tayo...ng spin the bottle" inilabas ni Chlea ang plastic bottle ng mineral. Lagi naman, lalo na kapag may gusto silang malaman. Kinuha namin ang mat na nasa gilid at inilatag ito, naupo na kaming apat. Nasa kanan ko si Chlea, kaliwa ko naman ay si Mia katabi ni Mia si Ziel at napapagitnaan naman ni Ziel at Chlea si Mark "Mark, truth or dare?" Tanong ni Chlea ng tumapat ang dulo ng bottle kay Mark.
"Truth?"
"Ako ang magtatanong" saad ko habang kinukuskos ang magkabila kong palad "Bakit nagulat ka nung makita mo si Charles?" Kabado naman niya akong tiningnan, tumingin din siya kina Ziel na akala mo ay humingi ng tulong. "Bakit nagulat ka nung makita mo si Charles?" Inulit ko ang tanong.
"K-kaibigan ko siya" kinakabahan nitong sagot. I spin the bottle. At napat naman ito sa akin
"Truth."
"Ako ang magtatanong." Excited na sabi ni Mia habang nakatingin sa akin. "Bakit dun ka nakatira sa bahay ni Charles?" Nanunuri ang tingin nito. Nakatingin na rin sa akin si Ziel at Chlea samantalang si Mark ay nakayuko.
"Wala akong matirahan." Seryoso ko iyong binigkas, kita sa mga mata nila na hindi sila naniniwala "Fine. I miss him." Pilit na ngiti lang ang itinugon nila bago paikutin ulit ang botelya
Sampung minuto na kaming nag lalaro, palaging tumatapat ang bote kay Mark na halos lahat ay pabalang niyang sinasagot at ang iba naman ay seryoso lalo na kapag tungkol kay Mia ang tanong.
"May daya na yata ang bottle na 'to" reklamo ni Mark, nagtawanan naman kaming apat. "Dare, para maiba naman" Nagkatinginan kami ni Ziel.
"I dare you... To kiss Mia on her cheek." Nakangising utos ni Ziel. Kinagat naman ni Mark ang ibaba nitong labi. Ang gwapo niya pero mas gwapo si Ch--, umiling iling ako dahil sa iniisip ko.
"The hell! Laro pa ba ya--" bulyaw ni Mia
"Easy, sa pisngi lang Mark. Sa pisngi!" Natatawang sabi ni Chlea
Hinalikan ni Mark sa Pisngi si Mia, na sinuklian naman ni Mia ng Sapak. "HAHAHHAHAH!!!" malakas na tawanan namin. Napakapit si Mark sa kaliwang pisngi niya.
"Kahit mapanakit ka, mahal kita." Sabi ni Mark habang kapit kapit ang pisngi niya, kami namang tatlo ay patuloy lang sa pagtawa. "Masyado na akong kawawa." Nakabusangot na sabi nito. Tumawa silang tatlo.
"Hoy! Hindi ka namin kinakawawa!" Bulyaw ni Mia "Swerte ka nga! Nakakasama mo kami! Sa ganda naming 'to? Sa ugali namin, mahirap makahanap ng makakasama na katulad namin." Puno ng pagyayabang na sabi ni Mia
"Alam niyo rin naman kung gaano kayong apat ka swerte na nakakasama ako 'no!! Ako ang pinakagwapo sa buong mun--"
"Mas gwapo pa si Myael sayo!" Bulyaw ni Chlea
'Mas gwapo si Charle--' bahagya kong tinapik ang aking pisngi. "Sam, wala na okay? Wala na" wala sa sariling sabi k-- " What?!" Tanong ko nang mapansin na nakatingin sila sa akin
"Bigla ka nalang nagsasalita" Sabi ni Mia
"Dalahin na ba natin sa mental si Sam?" Pabirong sabi ni Chlea
"May iniisip lang ako 'no! Hindi ako baliw! Kayo 'yong tawa nang tawa" natatawa kong sabi
"Si Mia lang" sabi ni Mark
"Anong ako? Sa ating lahat ikaw ang may pinakamalakas na tawa!" Bulyaw ni Mia kay Mark
"Ang malakas tumawa, laging pinagpapala sa itsura" sinuklay pa ni Mark ang buhok niya
"Ang lalaking laging tumatawa nagmumukang bakla!" Sigaw ni Chlea
"Ang mga lalaking katulad mo dapat ipinapalapa sa aso!" Mapang-asar na sabi ni Ziel nagtinginan naman sila sa akin
"Ano?"
"Napaghahalataan kang may problema Sam."
"Ang kasama nating lalaki na Mark ang pangalan ay wala sa katinuan" pagdudugtong ko. Natawa naman kami.
"Bakit ako nanaman? Malabo ba ang mga mata niyo?" Naasar na tanong nito habang pinapasadahan kami ng tingin.
"Hindi malabo ang paningin namin! Ganoon ang tingin namin sayo" Muling bulyaw ni Mia kay Mark. Muling hinalikan ni Mark sa pisngi si Mia
"ARAY!!" Malakas na sigaw ni Mark, matapos sapakin siyang muli ni Mia nagtawanan kami "Sobrang sakit talaga" sabi nito habang kapit kapit ang pisngi.
"S-sorry?" Tinanggal ni Mia ang kamay ni Mark na nakakapit sa sariling pisngi "Yan tuloy! Namumula!" Inis na sabi ni Mia "Puro ka kase ka lokohan!"
"Isang halik lang dito oh" itinuro ni Mark ang pisngi niya "mawawala ang sakit ni-- WHAT THE--" muli siyang sinapak ni Mia
"Pantay na" nakangiting sabi ni Mia. "Umisa ka pa, Hindi na palad kundi kamao na ang lalapat dyan sa mukha mo!" Pagbabanta na sabi ni Mia
"Kung ang bawat lapat niyan ay kapalit ng matamis mong Oo, bakit h--Joke lang hehe" pagbabawi nito sa sinabi niya, nang makita niya ang nakahayang kamao ni Mia
Nawala ang ngiti ko, Ganito kami dati ni Charles e. Puno ng kulitan at asaran. Mukhang hindi na yun mauulit. "Balik na tayo sa laro" Ziel spin the bottle
"Truth or dare?" Tanong sa akin ni Liel nang tumapat ang dulo ng botelya sa akin.
"H-ha?"
"Ikaw na." Itinuro niya ang bottle na nakatapat sa akin " truth or dare?"
"Dare?" Kung truth ang pipiliin ko baka magtanong sila kung ano ang nangyari, mas mabuti na ang Da--
"Layuan mo si Charles" walang alinlangan na sabi ni Ziel. Nalilito ko naman itong tiningnan. Seryoso siya, nakatingin rin sa akin si Mia, Mark at Chlea. Seryoso din sila, ano ba ang problema? "Kung hindi mo lalayuan, kami ang lalayo."
"Para namang pinapipili niyo ako sa parehong puti" pilit na ngiting sabi ko
"Dare is always a Dare." Seryoso paring sabi ni Ziel
"May problema ba?"
"Wala naman" may pilit na ngiting sabi ni Chlea "We just... Uhm... W-want... Y-you... To be safe."
"I'm safe. Titira lang naman ako sa b--"
"kahit one week lang Sam, one week mo siyang lalayuan." Suhestyon ni Chlea
"Sabihin niyo nga sa akin. May problema ba?" Naiinis kong sabi, tiningnan ko sila isa isa, nagsipag-iwas naman sila maliban kay Ziel na may pilit na ngiti sa mga labi.
"Lumipat ka nalang kaya ng strand." Sabi ni Mia ng hindi nakatingin sa akin "atleast kasama ka namin."
"Namiss ka namin, Sam, Ang tagal kaya nating hindi nagkita" sabi ni Chlea
Ang mga taong kasama ko ngayon ang nagpapabawas ng sakit pero hindi pa rin sapat ang lahat ng 'to. Nakakapagod, kailangan ko ng isang buwan na tulog bago makabawi. Gusto ko munang makapag relax kahit ang katawan ko muna, saka na ang isip at puso.
Dumagdag ka pa Charles sa sakit na nararamdaman ko noon triple ang iniwan mo kumpara sa sakit na naramdaman ko nang mawala ang pinakamahalagang babae sa buhay ko. "I accept your dare" nakangiti kong sabi, Hindi ko pwedeng pairalin ang emosyon. Gagamitin ko na ang utak ngayon kesa sa pusong ginamit ko noon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro