Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29

SAMANTHA's POV

"Mr. Jimenez!! and Miss Crausus!! Where do you think the two of you going? Go to your room! Now!" Sigaw naman ng dragon, nag-una na akong naglakad papuntang room kasunod si Charles na panay ang tapak sa likuran ng sapatos ko at si Miss dragon naman ang nasa hulihan "ikaw Miss Crausus ka-shi-shift mo lang ng strand tapos ilang araw kana agad wala, hindi ka niyan makakapasa sa akin. Mahirap na Strand ang pinili mo. At ikaw naman Mr. Jimenez! Hindi porket matalino at soon to be yours itong university na 'to ay mag fe-feeling President kana. Wala pa sa isang porsyento ang nararanasan mo at natutunan kaya wag na wag mo akong maganyan ganyan!" Bulyaw naman nito

"are you a professional?" Tanong naman ni Charles na ikinatigil ko sa paglalakad

"Of course, I am" proud na saad ni Miss Dragon

"No your not" saad ni Charles na may diin

"At papaano mo naman nasabi na hindi?" Inis na sabi ni Miss Dragon

"You didn’t say how handsome I was. You just said I'm smart, you know Miss the word description? Description is a 'Paglalarawan' in tagalog. Which means a representation of a person. Not just what you have in mind but also what you see, do you understand?" Mabilis na paliwanag ni Charles na halos hindi mo maintindihan

"You know Miste--"

" Who's the girl behind you?" Napatingin naman ako sa likod at tiningnan and likod ni Miss Dragon

"Mr. Jimenez wala akong oras sa mga biro mo!"

"But i'm telling the truth, there's a girl behind you, Sam. There's a girl, isn't there?" Napatingin naman ako kay Charles na tila nangungumbinsi ang tingin kaya naman tumingin ako kay Miss Dragon at tumango, Tumingin ito sa likod kasabay ng pagkapit ni Charles sa pulsuhan ko at halos magkandarapa na ako sa bilis nitong tumakbo

"Kayong dalawa!!! Ibabagsak ko kayo sa Subject ko. Makikita nyo!!" Sigaw nito habang papalayo kami ni Charles

Nasa tapat na kami ng room ng huminto kami, sabay kaming naghabol ng hangin. Inayos niya ang kwelyo ng uniporme niya "Baliw ka Charles no? Pati ako ipapahamak mo!"

"makabasag eardrum yun kung magdaldal. Hayaan mo yun, hindi niya tayo ibabagsak." Paninigurado naman nitong saad

"At bakit hindi? May pa Description, Description ka pa ha! Lakas din ng Carbon dioxide sa katawan mo!"

"Sam, Can you be my oxygen? At the deepest part of a sea?" Tanong nito habang nakatingin sa akin

"At bakit ka naman pupunta sa malaling na parte ng dagat? Pwera nalang kung...What?" Agad ko namang tanong dahil sa talim ng titig niya "kung..." Humakbang ito papalapit sa akin "k-kung... Nagugutom ka..." Ipinakita ko ang kapit ko sa kanang kamay na Coffee na halatang ang daming pinagdaan dahil hindi na maayos ang pagkakalagay sa lagayan nito na karton

Kinuha at ininom ni Charles ang Isa sa Coffee na dala ko nang hindi tinatangal ang paningin sa akin.

"Gwapo mo dyan." Wala sa sarili kong saad

"I know I'm handsome but when it comes from your lips it became special as if it's the firs--"

"Talaga lang ha? Sa lips tala--"

"Parang hindi ka na ngayon nagsisinungaling ah, ayaw mo na ba ng halik ko?" Tanong nito

"Mauna na ako." Saad ko at pumasok sa room, doon ko lang napansin na lahat pala ay nakatingin sa amin, ngumiti naman ako at pumunta sa Vacant Chair

"Moved!" Sigaw ni Charles sa katabi ko "Let me comb your hair"  saad nito habang nakalahad ang kamay sa harap ko

"Ako na kaya ko nama--"

"You can't, so let me do that" Wala na akong nagawa kundi ang iabot nalang sa kaniya ang suklay na kapit kapit ko "You didn't eat breakfast, would like me to buy you a foo--"

"No need Charles." Saad ko at tumingin sa paligid, bigla nalang umiral ang hiya ko ng makitang nasa amin ang tingin ng lahat kasama na si Irish na halos pumula na sa galit "I can fix my own hair Charle--"

"This is a part of Courting you, Sa--"

"I don't want you to do this" huminto ito sa pagsuklay "I mean you just need to prove your self that you like me, easy like that. You don't have to do anything to love you back, I'm not a 5 years old who can't tie her own Hair I'm senior high school now Charles. Baka masanay ako at makalimutan ko kung papaano itali ang sariling buhok" pinilit kong gawing biro ang mga sinabi ko, pero ako'y bigo 'baka hanapin kita pag nawala ka, dahil hindi ko kayang pagsama-samahin ang piraso ng puso ko pagnagkahiwa-hiwalay na 'to' sabi ko sa isip ko na puno ng panghihinayang.

"Let me do this thing" walang ganang saad nito. 'I'm sorry, Natatakot ako. Kase alam ko na mapupunta at mapupunta ka sa kaniya dahil may bata nang magbubukod sa inyong dalawa'

"Are you mad?"

"No, I'm surprised"

"sino ba ang nagsorpresa say--"

"You know what i mean"

"May saltik ka talag--"

"Good morning Cla--- You..." Itinuro ako nito "and You" itinuro naman niya si Charles "go to your own seats!"

"We mov--"

"Maghiwalay kayo ng upuan! Baka mag-ingay lang kayo dyan sa dulo! Mr. Mirandez! Moved to Charles Seats and you Mr. Jimenez moved here" saad nito sabay turo sa dati niyang upuan

"Magkatabi na naman tayo, Pano ba yan? Nahuli kayo ni Miss Dragon, 'no?" Panghuhula naman ni Liam

"Ang alin?" Hindi ako nito sinagot kundi, kinagat lang niya ang ibabang labi niya habang nakatuon sa unahan ang atensyon niya, ipinatong ko ang baba ko sa kaliwang kamay. Ang dami pa nitong sinasabi na kung ano ano na hindi ko maintindihan

LIAM's POV

Tumingin ako sa gawi ni Irish na dikit na dikit kay Charles. Sa dinami daming lalaking pwede mong piliin bakit yung taong wala pang pag-asang gustuhin ka Irish?

**FLASHBACK**

"Tawagan mo si Charles!!" Sigaw ni Irish

"b-bumaba ka na dyan at ibaba m-mo yang kutsilyo p-please" pakikiusap ko

"Ano bang gusto mo? Umalis ka nga dito! Tawagin mo ang kaibigan mo!"

"Iris--"

"ano ba? Itutuloy ko talaga ito" saad nito at inilapat ang kutsilyo sa pulsuhan

"Wag! Irish! Wag mong gagawin iyan! T-tatawagan k-ko na siy--"

"Bilisan mo! Gusto ko na siyang makita..." kinuha ko ang cellphone ko "Liam, Sabihin mo nga sa akin..." Natigilan ako sa pagdial, at hinarap siya. "Masyado ba akong nagmalaki? Kaya ganoon na lang ang turing ng lahat sa akin? Nakakatawa lang kase, itinataboy na ako ng sarili kong magulang dahil sa pagbubuntis kong ito... At ayaw pang maniwala ni Charles na siya ang ama ng dinadala ko." Umiiyak nitong sabi

Imbis na magsalita ay tinawagan ko si Charles, binabaan ko ng tawag si Charles matapos pakiusapan

"P-paparating na siya, Irish." nagliwanag ang mukha nito. "Halika na" inilahad ko ang kamay ko na kusang inabot niya, kinuha ko ang kutsilyo.

Dinala ko siya sa Clinic

"A-ang tagal naman ni Charle--"

"Paparating na rin y--"

"Tatawagan ko na siya" saad nito at ipinaabot ang cellphone

**END OF FLASBACK**

Napatitig ako kay Sam na tulog habang nakapatong ang mukha niya sa kamay niya. Pagod na pagod?

"Sir I'm sorry, I'm late." Saad naman ni El, nagtransfer siya dito. Hindi ko malaman kung ano ang dahilan niya. Maganda na ang university na pinag-aaralan niya noon ang katunayan siya ang anak ng Namamahala sa University na iyon, kung hindi ako nagkakamali may company din siyang pinatatakbo.

"He's so Handsome and hot, marry me please..."

"Wahhh napakaswerte ko talaga, palagi kong nakakasama ang mga super duper gwapo"

"Napapansin niyo ba? Ang napapansin ko? Nakatingin siya sa akin, ako na talaga. Walang wala na agad kayo" saad nito nang nakatingin kay El

"Sa tingin niyo? Lilipat din kaya dito si Mark. I mean nandito silang tatlo ni Liam, Charles, tapos ngayon Myael. It has a Chance na lumipat din siya ng university, kyahh"

Usapan naman ng dalawang babae na nasa unahan namin ni Sam

"Mitch papalapit siya sa akin" tili muli ng babaeng nasa harap ni Sam

"It's okay Mr. Villa, you may take your seat beside, hmm... Miss Crausu--" hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil agad na itong naglakad sa gawi namin. Kasabay ng pagkapatihulog ng ulo ni Sam ay siyang pag salo ng kamay ni Myael, dahan dahan nitong inalapit ang mukha niya kay Sam. Na animo'y ngayon niya lang ito nakita.

"Damn!!!" Sigaw ni Charles kasabay ng pagtilapon ng upuan niya. "Don't touch her!" Naglakad ito papalapit kay Sam. Sinubukan ni Irish na pigilan itong lumapit pero hindi niya ito nagawa.

"Anong nangyayari?"

"Tama ba ang nakikita ko?"

"Really? This can't be!"

"Don't shout, she might wake up" suway naman ni Myael

"Mr. Villa and Mr. Jimenez go to your seats!! Miss Crausus!!!!" Sigaw nito dahilan para magising si Sam "Ang oras ng klase ko ay hindi oras ng pagtulog!" Sigaw nito

" I-I'm sorry mis---" nahinto ito sa pagsasalita ng mapansin si Charles at Myael na nakatayo sa tapat niya "What are you doing here Myael?" Nagtatakang tanong ni Sam

Ngumiti lang ito kay Sam at naupo sa tabing silya

"Mr. Jimenez?" May diin na saad ni Miss Dragon. Inayos nito ang upuan niya at padabog na naupo

Sinulyapan pa nito si Sam bago ibaling ang paningin sa harap.

"By the way Mr. Jimenez. Before lunch, go to my office." Saad nito at nagsimula nang magturo

SAMANTHA's POV

"At ano naman ang ginagawa mo dito?" Inis kong tanong kay Myael na habang nagsusulat

"To take your heart?" Halos tumaas ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa gilid ng tenga ko.

"Lumayo ka nga." Suway ko dito.

"What if I don't want to?" Saad nito, Inis ko siyang hinarap. Isang maling galaw ko lang ay magdidikit ang mga labi namin

"Lalayo ka? O kamao ko ang magpapalayo sayo?" May pagbabanta kong saad

"Eto na, ohh... lalayo na" saad nito habang nakataas ang kamay na akala mo ay tinutukan ng baril

"Bakit ka pa lumipat ng university? Mas maganda naman doon sa university na pinapasukan m--" saad ko at itinuon muli ang atensyon sa harapan

"Because you're here." Deretsong sagot nito

"Maganda ang university na yun kesa dit--"

"Why are you here? If it's good there?"

"Dahil mas malaya ako dito. Kesa sa dati kong pinapasukan na nalaman mo rin. Ano bang gusto mo? At sunod ka ng sunod?"

"You."

"Tigilan mo ako. Hindi. Ako. Papayag. Na. Magpakasal. Sayo." Kinuha ko agad ang bag ko nang biglang magring na ang ibig sabihin ay tapos na ang klase

Naglakad na ako papuntang Cafeteria "Sam. Sasabay ak--"

"Ayoko, maghanap ka ng kasabay mo. Susunod sunod ka! Tapos ako ang gusto mong kasabay! Ano ka? Sine-swerte?"

"Kahit ngayo--"

"Ayun oh! Pwede mo silang ayain na sabayan ka" saad ko at itinuro ang kumpulan ng babaeng nakatingin sa amin.

"Ang gus--"

"Hoy!!! Kayo!!" Sigaw ko sa kumpulan ng mga babae "Gusto ng kasabay nito" itinuro ko si Myael ng hindi siya tinitingnan "Sabayan niyo!" Sigaw ko. Agad namang nagsi-lapitan ang mga babae dahilan para hindi makasunod sa akin si Myael

"Sam! Pleas--" Hindi na nito natuloy ang pagsigaw dahil nagsitakbuhan na ang iba pang babae ng makita si Myael

"One slice of Chocolate Cake and Orange juice please." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa dahil sa pagvibrate nito

From: Future Husband
'Nasaan ka?'

"Iba din si Charles ah, siya pa ang nag set ng name niya sa contact number ko" pinalitan ko naman ang name nito sa contact ko from 'future husband into Giantot"

To: Giantot
'nandito sa Cafeteria, sumunod ka nalang dito. Dadaan ka pa naman sa Office di ba? Nauna na ako gutom na rin ako sorry hindi kita na hintay'

"One slice of Chocolate Cake and Orange Juice" saad nung babae at inabot ito sa akin

Matapos bayaran ay dumerestso na ako sa table na nasa parteng gitna. Mabuti nalang at iilang estudyante lang ang naririto dahil siguro kay Myael na pinagkaguluhan ng kababaihan

Ibinaba ko ang pagkain ko at Naup-- muling nag vibrate ang cellphon--

"Hello? Sino t--"

(Sam...)

"What the hell?" Nabibigla kong saad

"Ehem..." Malakas na pagklaro ng boses sa Speaker ng buong campus-- "Mic test, ayos pa ba to?" Natigilan naman ang lahat, tumahimik ang buong Cafeteria walang kang maririnig na ingay

"Ayos pa yan sir, ano ba ang gagawin niy--" tugon ng nasa speaker

"Shh..."

(Pwede ba kitang makausap an--)

"Baki--"

🎶Sir, I'm a bit nervous
'bout being here today
Still not really sure what I'm going to say
So bare with me please
If i take up too much of your time🎶

(Who--)

"Tatawagan nalang kita... D-dad?" Pumatak bigla ang luha ng banggitin ko ang huling salita, I hang-up the phone call

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro