Chapter Twenty-two
This story is now complete on Patreon and Facebook VIP group!
Join my growing Patreon creator page Rej Martinez for $3 and/or my Facebook VIP group (message my Facebook Rej Martinez to join) for 150 PHP monthly membership! And have access to my exclusive and completed stories there, and read up to the latest chapters in my ongoing stories now! Thank you for your support!
Chapter Twenty-two
Trip
"I love you, Declan."
Nagkatinginan kami. "I really do." I added. "I did not force myself to love you."
His lips parted. "Ciri..."
"Kasalanan ko rin naman. I can't blame you if you feel that way. Siguro ay dahil hindi ko pa napaparamdam sa 'yo na mahal kita. And I'm sorry, Declan. I am sorry for my past actions... Naguguluhan lang talaga ako... Ang dami kong iniisip... Si Chelca..." Bahagyang nanginig ang boses ko sa huling salita.
Lumapit sa akin si Declan at dinala ako sa dibdib niya. "I'm sorry, Ciri..." I felt him kissing the top of my head.
Yumakap din ako sa kaniya. "Mahal kita, Declan. I'm sorry about what I've said or what I made you feel. I didn't really mean it. I also want us to work. I want to be with you. Iyon din naman ang gusto mo, 'di ba?"
"Yes. I want us to be together...always."
"We'll do that." I reassured him.
I think for the first time I finally gave Declan an assurance. Gusto kong malaman niya na gusto ko rin ang kung ano'ng gusto niyang mangyari sa amin. Gusto ko rin na magkasama kami hindi lang ngayon kung 'di pati na rin sa hinaharap. Siya ang gusto kong makasama.
Diniin ko pa ang pisngi ko sa kaniyang dibdib. I listened to his heartbeat. At parang lalo pang naalo ang pakiramdam ko. At ang puso ko. I hugged Declan more. At ganoon din siya na mukhang komportable rin sa yakap namin sa isa't isa.
It might not be the most romantic place. We were just standing there hugging each other in the dimmed and quiet hallway of the hospital. Pero pakiramdam ko ay wala nang makahihigit pa sa kapayaan na naramdaman ko nang mga sandaling iyon.
"I'm in love you, Ciri. I love you. I've been in love with you for a very long time now..." halos paulit-ulit na sinabi sa akin ni Declan ang nararamdaman at nilalaman ng puso niya.
A smile appeared on my lips that probably lit my face, too. What I was feeling at that very moment was like finding an oasis in the desert.
"I'm in love with you, too, Declan."
Pagkatapos ay naging maayos na kami ni Declan. Kahit may problema pa rin kami sa pamilya niya at may kinakaharap pa rin ako sa sitwasyon namin ni Chelca at Ezion.
"It's weekday, Ezion. Wala ka bang trabaho?" I asked him on the phone.
"It's all right, Ciri. It's already Friday afternoon. Gusto kong dalhin natin si Chelca sa beach." he said.
"Ano? Beach? Ezion, bakit biglaan?" Sobrang kumunot ang noo ko.
"Hindi ito biglaan, Ciri. Nag-usap na kami ni Chelca last time. Our daughter wants an outing to the beach."
"Ezion—"
"You can ask Chelca."
"What? But—"
"Mommy, is that Daddy?"
I tuned to Chelca. I just got home from work. Nag-early out nga rin ako dahil tumawag sa akin si Mommy kanina na medyo hindi raw mabuti ang pakiramdam ni Chelca galing school. When I received a phone call from Ezion.
"Chelca, how are you feeling?" Nilapitan ko siya at kinapa ang noo at leeg niya. May koolfever din na nilagay sina mommy sa noo niya. Hindi naman na siya mainit at mukhang mababa na rin ang lagnat.
"What's wrong, Ciri? Is Chelca all right?"
Halos sandali kong nakalimutan na kausap ko pa nga pala si Ezion sa phone. "She's okay now, I think. I'll still check on her after this call. Sabi kasi ni Mommy mukhang may lagnat daw si Chelca kanina."
"Okay. Papunta na ako d'yan sa condo n'yo."
Kakausapin ko pa sana uli si Ezion tungkol sa sinasabi niyang pagpunta raw namin sa beach pero inabala ko na rin ang sarili ko kay Chelca. I need to check her. Binaba ko nalang ang tawag kay Ezion and then I attend to my daughter.
"Are you all right, Chelca? Lola said you're sick." Nilapitan ko pa siya nang tinabi ko na muna ang phone ko.
"I'm fine now, Mommy! Pinainom na po ako ni lola ng medicine. We can go now to the beach with Daddy!" she said.
Umawang ang labi ko. Mukhang nag-usap na nga sila ni Ezion tungkol dito. Sa huli ay nagbuntong-hininga nalang ako. Muli ko pang kinapa ang balat ni Chelca pero mukhang okay naman na ang temperature niya. And just to be sure muli ko pa siyang pinainom ng gamot pagkatapos ko siyang pakainin. I also packed her medicine with her things for the trip Ezion was talking about.
Nang dumating si Ezion ay wala na rin akong nagawa at nag-pack na ng konting gamit namin ni Chelca. "Overnight lang, Ezion. We can go back tomorrow." pigil ko sa tangka pa sana niyang dalawang gabing trip.
Ezion looked at Chelca. She pouted but also nodded her head at me. Napangiti nalang ako sa anak ko at nilapitan siya. "Are you excited to go to the beach?" I don't really remember bringing Chelca to the beach before. Kaya hindi ko masisi ang bata kung gustong gusto niya talaga ito. At pagbibigyan ko na dahil minsan lang naman ito... Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang pagiging biglaan ng lakad na 'to.
"Yes, Mommy! Thank you!" Chelca kissed both of my cheeks. Ezion and I both chuckled to her cuteness.
Pagkatapos ay nagkatinginan kami ni mommy na nandoon lang din. Nagpaalam muna ako kay Chelca at Ezion at iniwan ko muna sila sa living room ng condo. I went to my room to phone call Declan. Kailangan ko rin magpaalam sa kaniya. Para alam niya lang din. Sinundan naman ako ni mommy sa kwarto. "Ciri,"
Bumaling ako kay mommy. "Mom,"
"Hija, aalis kayo ngayon ni Chelca kasama si Ezion?"
Tumango ako. "Opo, Mom. Medyo malayo raw dito ang pupuntahan namin kaya pumayag na po akong mag-overnight."
Unti-unting tumango si mommy. "Osige...mag-iingat kayo."
I nodded. "Opo, Mommy. Thank you."
"Sige, hija."
Pagkatapos ay iniwan din ako ni mommy. Bumaling naman ako ngayon sa cell phone ko para tawagan na si Declan. His dad was still in the hospital pero bumuti naman na ang health nito. Bibisita nga dapat uli ako doon. "Ciri," Declan picked up my call.
"Declan, nasa hospital ka na ba ngayon? How's your Dad?"
"He's doing well. Thank you. Yes, I'm here at the hospital right now. How's Chelca?" he asked. Alam niya kasi at sinabi ko sa kaniya kanina na uuwiin ko na si Chelca sa bahay dahil medyo hindi mabuti ang pakiramdam ng bata. At kung wala lang sa hospital ang daddy niya ay pupuntahan na rin niya ngayon si Chelca. But I told him na ayos lang at unahin niya muna ang daddy niya.
"She's all right, Declan. Nakainom kasi siguro agad siya ng gamot kanina. Pinainom siya ni Mommy. Do you want to talk to her? You can talk to her later."
"Sure. I already miss her. I'm sorry I can't visit her right now."
"It's okay, Declan. Nasa hospital pa si tito. Siya na muna ang asikasuhin mo."
"Yes, please tell Chelca na babawi ako sa kaniya."
Napangiti ako. "Of course you will. Thank you, Declan. Chelca would be happy."
"Uh, Declan... I also called to tell you na aalis nga pala kami ngayon ni Chelca kasama ang Daddy niya... Nagplano na pala kasi sila ni Ezion na magbebeach. Sasamahan ko lang si Chelca. Babalik din kami bukas. At pupuntahan din kita sa hospital pagbalik ko bukas."
Ilang sandali pa bago ko narinig ang sagot ni Declan. "Oh...okay. Mag-ingat kayo ni Chelca. Just call me."
Napangiti na ako. "Yes, thank you, Declan. I'll see you tomorrow. I love you."
"I love you."
Pagkatapos ng tawag ay binalikan ko na rin si Chelca at Ezion. Dumating din sina kuya at ate kaya nakapagpaalam na rin kami sa kanila. Hindi pa agad inalis ni Kuya Caleb ang tingin niya kay Ezion pero tumango na rin siya sa amin lalo nang makita niya ang excitement ni Chelca. Hinagkan niya rin ang pamangkin niya. Ngumiti nalang ako kanila kuya pagkatapos ay lumabas na kami sa condo para bumaba sa naghihintay na sasakyan ni Ezion.
"I thought you changed clothes?" Ezion noticed when we were already heading to his car.
Napatingin din ako sa damit ko na suot ko pa kanina sa trabaho. Hindi na ako nakapagpalit. "No. Tinawagan ko si Declan kanina nang magpaalam akong papasok sa kwarto."
Natahimik naman si Ezion at wala nang sinabi hanggang nakapasok na kami sa sasakyan niya. May dala naman akong sapat na damit kaya mamaya nalang ako magpapalit.
Inayos muna namin ni Ezion si Chelca sa backseat before we also settled in front. He started the car's engine and I also managed putting the seatbelts on me. Binalingan ko rin muli si Chelca. "Chelca, are you sure you're all right?" Dahil kung talagang may lagnat pa siya ay hindi na ako papayag na aalis pa kami ngayon at pagpapahingahin ko nalang siya sa bahay until she gets better.
"I'm really feeling good already, Mommy. Please don't worry anymore."
Tumango na ako pero muli pang kinapa ang noo niya. At mukha namang okay na nga ang pakiramdam niya. Siguro ay sa sobrang init lang din ng panahon kanina. "Okay, but be honest with Mommy if you don't feel good, alright?"
"Yes, Mommy."
Tumango na ako at ngumiti sa kay Chelca. Bumaling na rin ako sa harap nang tumatakbo na ang sasakyan. Nang may maalala din ako. "Nga pala, Chelca. Your Ninong wants to check on you, too. He also thought that you were really sick and he got worried. Would you like to talk to him now?"
Tumango naman agad si Chelca. "Yes, Mommy."
I smiled and dialed Declan's phone number. Naramdaman ko rin ang pagsulyap sa akin ni Ezion habang nagmamaneho siya. Nang sagutin ni Declan ang tawag ay binigay ko na rin pagkatapos kay Chelca ang phone ko.
"Hello, Ninong. Yes, I'm okay na, po. Thank you. How's lolo?" It's Declan's dad. They haven't met Chelca yet but my daughter's aware of Declan's family. Sana nga balang-araw ay makilala rin nila ang anak ko. There's nothing not to love about Chelca. She's a smart and an adorable child. And she's also very polite to everyone around her.
Nag-usap pa sila ng ilan pang sandali bago binalik sa akin ni Chelca ang phone ko. Kinausap ko rin muli sandali si Declan before we ended the call. Pagkatapos ay binalik ko na ang phone ko sa bag. Kalaunan ay nakatulog si Chelca sa biyahe. Mabuti na rin para makapagpahinga siya.
"This trip is for us three. You, our daughter, and I. Ayaw kong baka maya 't maya ang tawag sa 'yo ni Declan."
Kunot-noong bumaling ako kay Ezion. "Declan's not like that. Nakapag-usap na kami kanina at alam na niya ang tungkol sa short trip natin na 'to. Hindi naman niya ipagkakait lalo na Chelca ito."
Wala nang sinabi si Ezion pero halos irapan ko pa rin siya. Ang problemado talaga ng taong 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro