Chapter Twenty-one
This story is now complete on my Patreon creator page Rej Martinez and/or Facebook VIP group message my Facebook Rej Martinez to join. Thank you for your support! Your monthly membership helps me to write more stories for you to read! Thank you!
Chapter Twenty-one
Relasyon
Nang makapasok na ako sa kwarto ay tinawagan ko si Declan, but he wasn't answering siguro ay abala pa sa dad niya. Nakaligo na ako at magbibihis na nang nasulyapan ko ang phone kong umiilaw at tumatawag si Declan. I almost run to my phone and answered it. "Declan,"
"Ciri, what is it? Is something wrong? I just got a hold of my phone I was really busy a while ago." He didn't mention yet about his dad. Mukhang mas nag-aalala pa siya na nagkaproblema ako dahil sa tawag ko sa kaniya kanina.
I sighed quietly. "Declan, how's your Dad?"
I heard him sighing on the other line, too. "He's fine. Stable na siya..."
"What happened? I'm really sorry about earlier..."
"I'm sorry, too. Nagpadala rin ako sa emosyon ko."
I wondered if Declan could ever get mad at me. Palagi nalang kasi siyang mabait sa akin simula noong naging magkaibigan na kami habang dinadalaw niya kami ng pamilya ko sa abroad. Iba sa Declan noong mas mga bata pa kami na palagi lang akong iniinis kapag nagkikita kami. Kaya nga nanibago rin ako noong tinutulungan pa niya ako noon kay Chelca noong baby pa ito.
"Can I come there?"
"If you want to... But it's late, Ciri."
"Ayos lang. Natutulog na rin naman si Chelca. Do you need anything? Kumain ka na ba? Pwede kitang dalhan."
"No, I'm fine."
"All right, then. Papunta na ako."
We ended the call and instead of changing into my pajamas, nagbihis ako para sa pagpunta sa hospital. Tulog na ang mga tao sa bahay pero gising pa naman si kuya na mukhang ka video call pa si Lorie. Mukhang bumabawi talaga sila ngayon for all the years they were apart and far from each other. I just borrowed his car keys para makahiram na rin ako ng sasakyan niya.
"You will go to the hospital?"
Tumango ako kay kuya. "Yes, kuya. I'll go now."
"Okay. Take care."
Pagkatapos ay bumaba na ako sa basement at nagmaneho ng sasakyan ni Kuya Caleb papunta sa hospital. Nang dumating ako ay nagtanong nalang ako sa nurse's station. Hindi pa si Declan ang agad kong nakita. Una kong nakita ang Mommy at dalawang kapatid na babae ni Declan na nandoon. Agad din silang napatingin sa akin nang makita nila akong dumating. Bumagal naman ang mga hakbang ko. We were just outside Declan's dad's hospital private room.
"Good evening, po." I politely greeted.
Halos irapan lang naman ako ng dalawang kapatid ni Declan. While his mom stood up and went in front of me. "Nasa loob si Declan kausap ang Daddy niya."
Tumango ako. Bumaba ang tingin ng mommy ni Declan sa dala ko. Dumaan ako sa isang malapit lang na convenience store para ibili si Declan kahit ng drinks. I thought he might be thirsty. Kahit sinabi niyang huwag ko na siyang dalhan ng kahit na ano at ayos lang siya.
Declan's mom sighed. "My husband was stressed. Hindi niya nagustuhan na may alitan sa pagitan namin at kay Declan."
"Wala naman kasi sanang problema, Mommy, kung hindi lang nakipagrelasyon sa kaniya si Kuya Declan." Dyna, Declan's younger sister said. And then she rolled her eyes at me.
I remained quiet. I think I didn't know what to say to them. Ang dami ko nang iniisip at pati ito iisipin ko rin. I felt restless. Pakiramdam ko ay wala nang pahinga ang utak sa dami ng iniisip ko.
Isa lang naman ang gusto nila. Ayaw nila sa akin para kay Declan at kung maghihiwalay kami siguro ay magiging maayos na rin ang pamilya nila.
The door to Engineer Zamora's private room opened. Sabay-sabay kami ng mommy at mga kapatid ni Declan na bumaling doon. And when Declan came out of it pare-parehong natahimik na ang mga kapatid niya. Pupunta na sana si Declan sa akin nang kausapin pa muna siya ng mommy niya. Nag-usap sila sandali ng siguro ay tungkol sa daddy ni Declan. And then after that wala nang nagawa ang mga kapatid niya na hinayaan lang kami ni Declan na makalapit sa isa't isa. Pagkatapos ay nagpaalam si Declan sa kanila at giniya na ako nito paalis.
Naupo kami ni Declan sa isang tahimik na parte ng ospital nang malayo na rin kami sa pamilya niya. "Thanks for coming here."
Umiling ako. "It's nothing. Dapat nga kanina pa kita sinamahan dito." I was guilty because I feel like I left Declan all alone to deal with his family problem.
Mula sa akin ay nilipat niya ang tingin sa harap namin. "It's okay..."
"Uh, nauuhaw ka ba? I actually brought some drinks. May sandwich din dito. Sorry, binili ko lang 'to sa convenience store d'yan sa baba."
Binalik ni Declan ang tingin sa akin. "Can I have water?"
Maagap akong tumango at binigyan siya.
"Thank you."
Declan opened the bottled water and drank from it. Nakatingin pa ako sa kaniya habang umiinom siya ng tubig.
Tahimik kami nang mahabang sandali pagkatapos niyang uminom ng tubig. Declan was quiet and I didn't know what to say to him...
Kalaunan ay nagyaya si Declan na ihatid na ako pauwi sa amin. "Magmamadaling araw na. We still have work tomorrow. You should be home and sleep." aniya.
"Paano ka?"
"I'll be all right. Papasok din ako sa trabaho bukas. So I'll see at work."
Umiling ako sa pag-aalala para sa kaniya. "Declan, kung hindi ka pa uuwi ngayon at magpupuyat ka rito sa ospital mas mabuti siguro na huwag ka nalang munang magtrabaho bukas..."
Pero umiling din siya. "It's okay. I'll be fine. Don't worry about me."
"But I'll worry! And you don't look okay to me right now!" Hindi ko napigilan. He doesn't really look okay. Kailangan niya rin ng pahinga.
"Uuwi ba ang Mommy at mga kapatid mo? Ikaw lang ba ang maiiwan sa Daddy mo? If that's it then I'll stay here with you. Sasamahan kita sa pagbabantay sa daddy mo dito sa hospital. And if you'll still insist on working tomorrow then sasabay din ako sa 'yo sa pagpunta sa trabaho."
"You don't really have to, Ciri."
"But I will." I insisted.
"Why?" Bigla siyang bumaling sa akin. Natigil na rin kami sa paglalakad sa tahimik na hallway ng hospital.
Nagkatinginan kami ni Declan. I can see it on his face that aside from his problem with his family, may iba pa siyang pinoproblema at tingin ko ay ako iyon.
"Why?"
"You don't have to this, Ciri... You can stop. You can tell me..."
"Tell you...what?"
Nanatili ang tingin niya sa mga mata ko. "If we're breaking up...it's okay." He gave me a small and weak smile. It wasn't fake but it also didn't reach his eyes.
My lips parted while I was looking at him. "You realized that...pareho lang talaga tayong mahihirapan dahil sa pag-ayaw ng pamilya mo sa akin...?" But after saying this I also realized that this wasn't the problem.
Declan shook his head weakly. "That will not be the problem, Ciri. I will not stop just because my family doesn't approve of our relationship. Dahil alam kong matatanggap din nila kalaunan."
"Then why are you asking me to stop? Kung ikaw nga ay hindi naman pala titigil?"
"Dahil ayaw kong napipilitan ka nalang, Ciri." He said it clearly and a bit loudly. "We tried, alright. You tried. I know that you really did try to love me back. Thank you for giving me a chance. But I don't want to do this to you. Ayaw kong mahirapan ka lang. Alam kong mahirap na rin para sa 'yo ang sa pamilya ko, but I will stop them. Pero ayaw kong mahirapan ka dahil sa pananatili mo sa relasyon natin when this isn't really what you want."
Kunot na ang noo ko at nagbadya na rin ang luha sa mga mata ko habang nakatingin ako kay Declan. Stop playing dumb now, Ciri. Alam ko naman kung ano ang ibig-sabihin ni Declan. This was like a continuation to what we've started earlier that day. Iyong tinanong niya ako if I wanted to be with Ezion.
Declan was thinking that I really wanted to be with Ezion. That despite everything and after all these years ay si Ezion pa rin ang mahal ko. And that I only tried to return his feelings for me. Hindi ko rin siya masisi sa pag-iisip ng gan'yan. Alam kong kulang na kulang pa ang pagpapadama ko ng nararamdaman ko rin sa kaniya.
Nagsisimula pa lang kami sa relasyon namin. At hindi ko pa maayos ang mga desisyon ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro