Chapter One
Chapter One
Accident
I woke up and I was already inside the hospital. Unang bumungad sa akin si ate at si mommy na nasa tabi lang ng hospital bed ko. I saw her sigh of relief and she called daddy to inform that I was already awake.
Nandoon din si Kuya Caleb sa room ko na agad inutusan nina daddy na magtawag ng doctor.
After awhile the doctor came in and checked on my health. I was already okay. Hindi naman naging malala iyong accident na nangyari sa akin. Although I was sleeping in the hospital for days. Maybe my body was resting from everything that had happened to me. Hindi ko rin agad nakausap ang parents at mga kapatid ko dahil halos hindi pa ako makapagsalita agad pagkatapos ng nangyari.
"It's all right, hija. Magpapagaling ka nalang dito sa hospital and then when the doctor has allow you ay iuuwi ka na rin namin sa bahay natin para doon ka na magpahinga." Mommy assured me.
I didn't know if they already knew what happened... I have met an accident pero bago iyon ay malinaw pa ang mga nangyari sa isipan ko. I looked at my sister who didn't leave my side. Pagkatapos ay si kuya naman ang tiningnan ko. But he looked away.
I wanted to know what happened to Ezion, too. Sana ay hindi siya napuruhan ni kuya. May laban din naman si Ezion sa kaniya but my brother is a bigger man. Isa pa ay baka hindi na rin talagang lumaban si Ezion sa kaniya dahil magkaibigan pa rin sila ni kuya.
When our parents left my private room to get us food ay naiwan kaming tatlo lang ni kuya at ate. I immediately asked them about Ezion. "Ate, si Ezion? Ano'ng nangyari sa kaniya? Kuya! You hurt Ezion!" I turned to my brother. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawang nakatatandang kapatid.
Hindi nagsalita si kuya. Sumama naman ang tingin sa akin ni ate. "Pwede ba, Ciri? Naaksidente ka na at lahat si Ezion pa rin ang iniisip mo? I can't believe you." she said.
"Pero, ate, I can't help it but to worry about what happened to him lalo na at naalala ko ang ginawa ni kuya sa kaniya!"
"He deserved it." My sister said heartlessly, talking 'bout Ezion.
My eyes widened at my sister's remark. "Ate..."
"He's still breathing, alright! Although I really want to kill him." my brother finally said something.
I turned to him again. "Kuya—"
"Tama na, Cirilla. Stop asking about that guy." putol sa akin ni ate kaya bumalik din sa kaniya ang tingin ko. "Just focus on getting better. Hindi na natin pag-uusapan pa ito... You won't mention Ezion Go ever again. Hindi alam nina Mommy at Daddy at hindi na rin namin pinaalam pa sa kanila. They only knew that you met an accident dahil hinayaan ka naming mag-isa sa sasakyan... Mas mabuting iyon nalang ang isipin nila—"
"Pero, ate—"
"Enough! Alam mo ba kung paano nag-alala sina Mommy at Daddy sa nangyaring aksidente sa 'yo? Kami, Cirilla. We're all worried for you. Mommy cried as I was crying while we're all waiting for you to wake up. She couldn't eat and almost didn't sleep even for a bit dahil binabantayan ka niya! Si Dad! He missed some business trips and business proposals. May problema ngayon ang company and we might go bankrupt. But still that's not the main concern! Ang gusto lang naming lahat ay bumuti ka, Ciri. Kaya, please, umayos ka na. Tama na."
Natahimik na ako. I didn't dare to speak about Ezion again kahit nag-aalala pa rin ako sa kaniya.
But the doctor returned with my parents around to tell us a news about me being weeks pregnant... Nakita kong muli nalang naiyak si Mommy pagkaalis lang ng doctor. She didn't know what was happening... She didn't understand.
Ako man ay halos hindi na rin maintindihan ang mga nangyayari. It was inevitable kaya nagsabi na rin ng totoo sina Ate Cianna kay Mommy at Daddy. Gusto ni Daddy na harapin sila ni Ezion. At panagutan ang nangyari sa akin...
But then it came to our knowledge that Ezion was being engaged to Gretchen for marriage... I was lost. Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari.
I created a mess and scandal for my family. Our business was going bankrupt. Baka hindi na maka-graduate sina ate at kuya, pati ako... I was pregnant at 18... And out of wedlock. And the father of my child was getting married to someone else.
I didn't know what to do.
"Cirilla! My God! What are you doing?!" si mommy na maagap akong pinigilan.
Nakauwi na ako sa bahay namin pagkatapos ng ilang araw o linggo rin na pagkaka-ospital. I was left alone in my room at iniisip lang nila na magpapahinga muna ako. Wala na ring yaya na mananatili sa kwarto ko para bantayan ako. Nagtanggal na ng mga kasambahay sina Mommy dahil wala na kaming ipapansahod pa sa kanila. Halos wala na ring gamit ang bahay namin. Naibenta na yata ni Mommy ang mga kilalang paintings na nandito pa noong isang araw lang sa bahay namin. At maging ang mga bags niya at alahas, at ilan pang gamit. Si daddy naman ay may kinakaharap din sa kompanya namin na palubog na. Pareho ring busy sina ate at kuya para tumulong sa parents namin...
While I... was trying to hurt myself inside my room.
Lumagapak ang palad ni Mommy sa kaliwang pisngi ko para sa isang masakit na sampal. My head turned to the side.
"What the hell are you doing?! Problemadong problemado na kami ng Daddy at mga kapatid mo! Tapos heto ka at gusto mong magpakamatay?!" Mommy shouted at me, so loud that it was almost breaking my ears. Her voice broke, too.
My tears fell silently.
Kinuha ni mommy ang isang bote ng gamot at tinapon iyon sa malayong parte ng kwarto ko. Nagkalat ang laman niyon sa sahig. Yes, I tried to overdose myself...
Napasabunot si mommy sa buhok niya at napahilamos sa mukha gamit ang mga palad dahil sa frustration...
My tears fell more like waterfalls. I cried until I was sobbing. Nilapitan ako ni mommy at dinala sa kaniya para yakapin. I closed my eyes tightly in my mother's embrace.
I'm scared. I don't know what will happen to our family. What will happen to me... and my baby... "Hindi ko na po alam ang gagawin, Mommy... I-I'm scared." I sobbed. "What will happen to us?" Kaya ko naisip na tapusin nalang para wala na akong iisipin...
"Shush." Tinahan pa rin ako ni mommy. "We will be fine, hija. Gumagawa na kami ng paraan ng Daddy mo. Everything will be all right..."
I cried more in my mother's arms. She just continued to assure me...
Pero ilang araw pa ay tumigil na muna sa pagpasok sa mga classes niya sa university si kuya para sana tumulong kay daddy sa business namin. Tapos si ate naman baka hindi na rin maka-graduate ngayon sa course niya na MedTech dahil hindi na siya tutuloy pa sa next semester... Wala na kaming pera. Mawawala na sa amin ang business ni dad. Mawawalan na rin kami ng bahay... Hindi ko alam kung saan na kami titira o may lilipatan pa ba kami.
Parang sa isang iglap lang ay nawala na ang lahat... And I can't help it but to think that these are all the consequences of my past actions... Na kailangan pa bang mangyari ang lahat ng ito para magising ako sa kahibangan ko? At kailangan pang madamay ang pamilya ko...
Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras. Ibalik ang panahon kung saan hindi ko na sana ginawa ang mga ginawa ko... Pero palaging nasa huli ang pagsisisi.
So before doing anything... Kailangan pag-isipan mo muna nang mabuti. Because in the end, what's done is already done. At wala ka nang magagawa bukod sa panghihinayang at pagsisisi...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro