Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

Chapter Nine

Like


We also talked for Chelca's coming birthday. Ezion asked if it's okay kung kasama rin si Gretchen since isasama niya si Julius and the child would look for his mom. Halos magkaedad lang din sina Julius at Chelca. I can't believe Ezion. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko.

"Magbibigay din si Declan." sabi ko.

"What? Why?"

Nagkatinginan kami ni Ezion. We were planning for Chelca's birthday. "He's Chelca's ninong."

"So? Hindi na kailangan. We can manage. I can manage all the expenses for my daughter's party."

Ilang sandaling hindi ako nagsalita sa sinabi ni Ezion. Hindi ba't may problema ngayon ang company nila? Pero siguro nga may pera pa rin siya. Maybe he also has investments somewhere else. "You were trying to have a business deal with Declan?"

He snorted. "Ang yabang niya. If he don't trust my business deal then I won't force it."

Isn't Declan his friend? "I thought pabalik balik ka sa office niya for your deal? And maybe he has the reason to distrust you." I said calmly. Although I feel like I wanted to mock Ezion. I wanted to smirk. He's obviously desperate pero pinapairal pa rin ang pride niya. Bakit nga ba ako nagkagusto sa kaniya noon? Tsk.

"Why are you two seem close anyway?" Ezion asked as if coming from nowhere.

"Oh. Declan was actually there during the time when Chelca was just born. Declan saw your daughter grow up. He visited us in the US." How about you? Gusto ko sanang idagdag. Wala siyang pakita noon kay Chelca. Ngayon nga lang siya nagpakilala sa anak niya na umuwi kami ng bansa. Paano kung hindi? Baka dalaga na si Chelca kapag nagkita sila.

Natahimik si Ezion sa sinabi ko. Mabuti pa nga si Declan nandoon habang lumalaki si Chelca. Kahit malayo ay palagi niya parin kaming pinupuntahan noon sa US. "Declan was like a father to Chelca." I added.

Nagkatinginan kaming muli ni Ezion. "He doesn't care about our daughter."

"What?"

"Is he courting you? O kayo na?"

My eyes widened a fraction. What is her talking about? "What are you talking about? Magkaibigan lang kami ni Declan."

"Really?" He smirked. "So hindi pa pala umaamin. Hanggang ngayon duwag pa rin."

Hindi ko nagustuhan ang tinawag niya kay Declan. "Declan's not a coward." Baka ikaw? Where were your balls when you knew that you got me pregnant? Sa totoo nga lang ay ang kapal ng mukha mong humarap ngayon lang kay Chelca. "And he truly cares about Chelca. Nakita mo naman siguro na mahal din siya ng anak mo. Para na rin niyang tatay si Declan lalo noong mga panahong ikaw dapat ang nandoon." Hindi ko na napigilan. "If you have a problem with Declan because of your business you don't have to talk about him behind his back."

Mukhang nagulat si Ezion sa mga sinabi ko na hindi agad siya nakapagsalita. Huminga ako at kinalma ang sarili.

"Are you already falling for him, too, Ciri?"

Umawang ang labi ko. "What the hell are you talking about, Ezion? Magkaibigan lang kami ni Declan. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko? I said he was there for Chelca... for us. When you weren't around. Kaya napalapit na rin ang loob ng anak mo sa kaniya."

Ezion sighed in defeat. "All right. I'm sorry. I sorry for I wasn't there..."

I almost scoffed but I just looked away. And we both fell silent.

"Nag-aaway po ba kayo, Mommy? Daddy?"

Pareho kami ni Ezion na bumaling kay Chelca. I sighed and immediately softened for my daughter. Halos makalimutan ko na nandito nga lang pala sa tabi namin ang anak ko. We were in the living room of our condo. Maaga rin akong umuwi ngayon galing sa trabaho at nag taxi nalang muna dahil naiwan pa sa work niya si Kuya Caleb. While Ezion got Chelca from her school at hinatid niya pauwi rito ang bata. Ngayon na rin kami nag-usap para sa mangyayaring birthday party ni Chelca.

Before we only celebrated Chelca's birthdays simply. Kami lang nina mommy, Ate Cianna at Kuya Caleb. Minsan ay nakakasama din namin si Declan kapag bumibisita siya noon. Now Ezion wants a party for his daughter. Ayos lang naman iyon at para kay Chelca naman. As long as my daughter's happy. "No, Chelca. Daddy and I are just discussing for your coming birthday." Tiningnan ko si Ezion. Nag-agree naman siya agad sa sinabi ko. Pagkatapos ay binalik ko na kay Chelca ang atensyon ko. "Are you excited?" I gave my daughter a cheerful smile.

Chelca nodded happily. "Yes!"

Napangiti ako pati na rin si Ezion habang nakikitang masaya ang anak namin. I sighed after. As long as it's for Chelca.

When Ezion was about to leave binalik pa rin niya ang usapan namin kanina kay Declan. And it was already annoying me. "I'm telling you, Ciri. Declan doesn't really care about Chelca. Baka gamitin pa niya ang anak ko. He likes you that's why. If there's a person here who truly care about our daughter, it's me. I'm Chelca's father after all."

Gusto ko pa sanang makipagtalo kay Ezion pero gusto ko nalang din na umalis na siya at maisara ko na ang pinto ng condo namin. It was exhausting to talk to him. "It's late, Ezion. Umuwi ka na sa pamilya mo." I told him and I mean Gretchen and their son. Hindi ko alam kung totoo ba na inaayos na nila ni Gretchen ang kanilang annulment at ano ang nangyari. Pero problema na nila iyon. If not for Chelca hinding hindi ko na kakausapin pa uli si Ezion. I don't hate my daughter but I hate her father...

"Lunch later?" inaya ako ni Declan. Simula noong nag-usap kami tungkol sa kung paano namin dapat pakitunguhan ang isa't isa sa trabaho ay naging maayos naman ang lahat. Wala na rin akong naririnig na sinasabi ang ibang katrabaho lalo na ang mga babaeng architects o engineer na nagtatrabaho rin dito sa company ni Declan. And I can say na kahit ilang buwan pa lang bukas ang business ni Declan ay maayos na ang takbo nito. Declan Zamora was both a good Engineer and businessman.

I smiled. Wala na rin naman kaming trabaho at mukhang half day lang ngayon. "All right. Hindi ka na ba busy?"

Umiling si Declan. "Not anymore. How 'bout you?"

I shook my head. "Hindi na rin. Susunduin ko lang mamaya si Chelca sa school niya."

"Oh. Then let's pick her from her school together later then."

Unti-unti akong tumango sa sinabi ni Declan.

Sa kotse niya ay tahimik ako at napapaisip. Naisip ko iyong usapan namin ni Ezion noong nakaraang gabi. Totoo kaya iyon? Was it possible that Declan really likes me...? But how... And why? May anak na ako... Marami pa namang ibang babae. At work he's actually surrounded by our tall and beautiful female engineers and architects. Tingin ko nga rin bukod sa magaling humawak ng company niya si Declan ay nag-apply din dito ang mga babaeng engineers at architects dahil din kay Declan mismo. Minsan sobrang obvious na na may gusto sila kay Declan. Nagagalit pa nga ang iba sa akin dahil malapit kami sa isa't isa ni Declan. Pero si Declan naman ay parang wala lang sa kaniya ang mga nagkakagusto sa kaniya.

I never really put that much attention towards him before. Hindi ko rin nalaman kung may naging girlfriend din ba siya noong nag-aaral pa kami sa iisang school. Hindi rin pinapakialaman ni Lorie ang pinsan niya. Kaya hindi ko alam kung paano siya sa mga babae.

"Kuya, nagka-girlfriend na ba noon si Declan?" One time I asked my brother who's Declan's friend this. I was just really being curious, too.

Bumaling sa akin si Kuya Caleb mula sa pagkain niya. He was having dinner alone because he came home a little late because of work. Palagi rin silang magkasama ni Declan sa trabaho. Habang tapos naman na kami nina mommy sa pagkain at nagpapahinga na nga sila ni Chelca sa mga kwarto namin. While Ate Cianna was still at the hospital for her duty. Nauhaw ako kaya pumasok dito sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Naabutan ko si kuya na kumakain doon at hindi kaagad ako umalis ng kitchen. "Why are you asking?" Parang may multo pa ng ngiti sa mukha ni Kuya Caleb.

Kumunot ang noo ko sa kapatid. And then I shrugged. "Nothing... Just curious."

"You did not pay that much attention to my friend back then, right? Palagi naman tayong magkakasama noon."

"Palagi lang din kasi akong inaasar noon ng kaibigan mo!"

"Nagpapansin lang 'yon." Kuya Caleb smirked. While my eyes widened. I think I was slowly getting it pero parang ayaw ko pang i-acknowledge agad. "Anyway for your question, nagkaroon na noon. He had few girlfriends back in high school and college."

"Serious?"

"Hmm. I'm not sure. I can't also say that he was just playing. Declan's not the usual playboy. He's really making girls his girlfriend."

"Did he cheated on his relationships?"

Bahagyang kumunot ang noo ni kuya. Pagkatapos ay umiling siya. "No. Although after his breakup nagkaka-girlfriend agad siya madalas." Kuya Caleb smirked.

Ngumiwi naman ako. So ganoon pala siya. Mukhang playboy pa rin pero hindi lang halata? Well, all right.

"Are you okay? You seem quiet today? Is Chelca okay?"

Parang nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig kong nagsalita si Declan. We were still inside his car. Sinulyapan niya lang ako habang nagmamaneho siya. I turned to him, too, and gave him a reassuring smile. "I'm all right. Uh, Declan, sinabi nga pala ni Ezion na siya na raw ang bahala sa lahat ng gagastusin for Chelca's birthday." Pinaalam ko na rin sa kaniya.

Tumango naman si Declan. "All right. I'll just buy Chelca a pretty gift. I hope she'll like it. Anyway will you help me find a gift for her?" He smiled.

Ngumiti rin ako. "Of course."

"Thanks!" He seemed happy.

Kumain kami sa labas ni Declan at pagkatapos ay sinundo na rin sa Chelca sa school niya. And my daughter was also happy to see him. Medyo nasasanay na rin si Chelca na si Ezion madalas ang sumundo sa kaniya sa school pero ayos lang din naman sa anak ko kung wala ang daddy niya. Lalo na at magkaiba pa rin naman ang mga bahay na tinitirhan namin. She's just happy na nandiyan ang daddy niya at nakilala na niya.

"Thanks for today, Declan." I thanked him and I smiled.

Wala siyang sinasabi sa akin. Iisipin kong ganito lang siya bilang kaibigan. Iyon din ang alam ko na magkaibigan kami. Ayaw ko siyang pangunahan... o bigyan ng iba pang meaning itong pinapakita niya sa anak ko at sa akin. But I think mas mabuti na ring malinaw habang maaga pa...

"You're welcome. I'll be going now." paalam niya.

I nodded my head but when Declan turned his back agad ko rin siyang tinawag. Bumalik naman siya at nagkatinginan kami. "Do you like me, Declan?" I asked him straightforwardly and seriously.

Umawang ang labi ni Declan at hindi siya nakasagot sa tanong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro