Chapter Eleven
Chapter Eleven
Gift
I know myself. Noon pa man kapag may gusto ako o ayaw ay nalalaman ko agad sa sarili ko at nasasabi pa sa parents ko o sa mga kapatid, or my friends. I don't remember a time when I become so in denial of my own feelings...
Kaya siguro ngayon ay alam ko na kaagad ang nararamdaman ko para kay Declan. But I won't just say I'm sure right away. In this instant. I'd like to say that I already learned my lesson from what happened to me and Ezion...
But I've known Declan for years now. Nakilala ko siya uli simula noong pinupuntahan niya kami ni Chelca sa US. He was there for me and he was there for my daughter. I've known him as a man. Far from Ezion. Pero iyon ba ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ngayon ay nagugustuhan ko siya? Dahil tingin ko ay iba siya kay Ezion? Hindi. When I think about it. It started slowly through his efforts to be with me and Chelca over the years. Is it a problem if I like him? No. Normal naman ang pagkakagusto. But that doesn't mean tuloy tuloy na. Lalo pa sa experience ko sa una. I was still scarred by my past experience and I'm scared. Isa pa ang priority ko ay si Chelca at ang trabaho ko na para rin sa anak ko at sa family ko.
Pumunta nga kami ni Declan para ibili si Chelca ng gift for her birthday. After work ay nagkasundo na kami na pupunta sa mall. Tama lang naman na sa akin siya magpatulong for his gift for Chelca because she's my daughter. And if there's someone here who knows here well that is me because I am her mother.
"What do you think Chelca would like this time?" Declan asked while maneuvering his car.
"Hmm. If it's a toy then I think palagi mo na siyang binibigyan ng laruan. Well, kahit nga gamit..." Most of Chelca's stuffs were from Declan. Lalo na iyong mga gamit niya noong baby pa siya ay si Declan halos ang namili dahil pasalubong niya rin iyon kay Chelca every time he visits us in US before. Hindi naman kami nanghihingi sa kaniya o nagsasabi pero talagang natuto siyang mamili for Chelca. Declan was really like a father to my daughter... Like what I told Ezion. Habang siya ay ni gatas walang naibigay noon sa anak niya.
"I think your presence on her birthday will be enough for Chelca, Declan." I gave him a smile. Napangiti rin siya nang sulyapan ako. Pagkatapos ay balik muli sa pagmamaneho ng sasakyan. Malapit na rin kami sa mall. Hindi rin ito kalayuan sa workplace namin.
"Such a sweet girl. I'll check on her later, too, kapag hinatid na kita sa inyo."
I nodded at Declan. "Pero siguro ay pwede mo siyang bigyan ng stuffed toy?" Nahilig si Chelca sa mga stuffed toys lalo na iyong malalaki. She likes hugging her teddy bear na bigay din sa kaniya noon pa ni Declan. Hindi nga siya nakakatulog noong mas maliit pa siya kapag wala iyon. Medyo naluma na nga pero nilalabhan ko lang din kapag nadudumi na. She likes her huggable stuffed toys more than the doll Ezion gave her. Medyo matigas naman kasi ang katawan noong manika kaysa sa teddy bear ni Chelca.
"Parang kakabigay ko lang din sa kaniya ng bagong bear noong namasyal tayong tatlo last time, ah."
"Oo nga. Pero iyong luma pa rin ang paborito niya, alam mo ba?" Napapapangiti ako habang naaalala ang anak ko.
Declan smiled, too. "That pink toy bear? She kept it."
"Yes, inalagaan niya talaga and Chelca likes it very much. Palagi na niyang katabi sa pagtulog iyon, remember? I think I told you before."
Declan smilingly nodded his head while he drives. "Mayroon naman siguro no'n sa mall mamaya? Maybe I'll just buy her the same pink bear pero iyong mas malaki? Iyong kasinglaki niya, or even bigger. You think she'll be happy?"
I nodded. Nakangiti rin ako. "Oo naman! She will love it."
Nagkangitian kami ni Declan.
So when we arrived at the mall ay iyon na agad ang hinanap namin. And fortunately may nakita agad kami na mas malaki lang sa favorite stuffed toy ni Chelca. Declan and I were happy as he paid for it on the cashier. And after ay niyaya pa ako ni Declan na kumain kami sa labas. I told him na ayos na doon na rin kami sa mall kumain. "Palagi mo na akong nililibre. Next time ako naman ang ipaglibre mo sa 'yo." I said while we wait for our food.
Declan just smiled.
Pagkatapos kumain ay hinatid na rin ako ni Declan sa condo namin. Mukhang wala pa si kuya at siguradong may date pa siguro sila ni Lorie. I didn't really expect na may kung ano na pala sa kanilang dalawa noon pa man. O siguro ay hindi ko lang din nakita noon sa kaibigan ko because I was busy with Ezion... I sighed.
When Chelca's birthday came my daughter was just very happy with her party. Ngayon lang din siya nagkaroon ng ganitong party where all her friends and classmates are invited. Nag-effort din talaga si Ezion. Masaya na rin ako para sa anak ko.
"She likes her party." Tumabi sa akin si Ezion and he looks proud.
"Well, you really put effort for this. She's an appreciative kid, you know."
Tumango lang si Ezion na pinagmamasdan si Chelca na nakikipaglaro pa muna sa mga kasama niyang bata.
"Where's your family?"
Parang natigilan pa si Ezion sa tanong ko. "Pupunta rin sina mommy dito."
"I mean Gretchen and your son."
Nagkatinginan kami ni Ezion. "Hiwalay na kami ni Gretchen. Matagal na, I told you. But yes she'll be here later, she will bring Julius here."
Tumango nalang ako at nakita ko na rin si Declan. With him was the birthday gift we bought for Chelca. Nauuna rin siya sinalubong ni Chelca at mukhang natigilan pa ang anak ko. I smiled at lumapit na rin.
"Daddy already gave me the same teddy bear..." Naabutan kong sinasabi ng anak ko.
Nagkatinginan kami ni Declan. Lumagpas din ang tingin niya sa akin papunta sa likuran ko. Mukhang nakasunod sa akin si Ezion na nakita ko rin nang nilingon ko siya. "She has the same smaller one at home when I visited her. Luma na kaya binilhan ko siya ng bago. So that pwede na rin itabi 'yon." Ezion said.
Tiningnan ko siya. Pagkatapos ay binalik ko ang atensyon ko kay Declan. Ako na ang maagap na tumanggap ng malaking pink stuffed bear mula sa kaniya. I smiled at Declan. "It's okay! Mas mabuti nga iyong dalawa. Right, Chelca?" Ngumiti ako sa anak ko.
Chelca also nodded at what I said with a happy smile on her small lips. Tumingin muli ako kay Declan at ngumiti. Nakangiti na rin siya. I then invited him further in to the table I also prepared for my family. Nang masulyapan ko si Ezion ay naabutan ko siyang parang nagtitiim bagang habang sinusundan kami ng tingin. Bahagya lang kumunot noo ko sa kaniya.
Nandoon na rin sina mommy at Ate Cianna kaya may nakausap lang din agad si Declan bukod sa akin dahil kailangan ko rin humarap sa iba pang guests dahil mother ako ng birthday girl. When Ezion's family arrived they were a little surprisingly good towards me. Not that I expected them to be bad, but... Hindi ko lang siguro talaga inasahan ang sobrang ayos na treatment nila sa akin na parang wala lang nangyari sa nakaraan. Even them never contacted kahit si Chelca nalang noon. I don't know if they knew or Ezion didn't tell his family about me and Chelca before.
"How are you, hija? You've raised Chelca well." puri pa sa akin ng mommy ni Ezion.
Tumango lang naman ako at halos pilit na ngumiti. I was still a little shocked. Kung iisipin ay ngayon lang din kami nagkaharap ng ganito pagkatapos ng lahat. She also turned to Ezion beside me and smiled at her son. Ezion's mom looked like she's aged a lot... Almost gone was the socialite Ezra Go I knew when I was younger. Pumunta rin siya kay mommy at nag-usap sila.
Gretchen arrived with Julius. Halos pareho lang ang reaksyon ng mag-ina nang dumating sila sa party ng anak ko. Mukhang ayaw naman talaga nilang nandoon. Did Ezion forced them?
"Daddy!" Julius ran to his dad. Sinalubong naman ni Ezion ang anak niya.
Hinanap ko si Chelca and I saw my daughter already looking at Ezion and Julius. I smiled at her when our eyes met at nilapitan ko na rin ang anak ko. Mukhang hinanap din kami ni Ezion. This time Julius was more polite to his sister. Natuwa naman ang anak ko sa kapatid niya. Basta maayos si Chelca ay ayos na rin ako.
"Ciri, mag-usap nga tayo sandali, anak." Tinawag ako ni mommy.
"What is it, Mom? Baka tawagin na po kami at hihipan na ni Chelca ang cake niya." I said. Pero sumunod pa rin ako kay mommy at baka may kung ano.
"Sandali lang."
"Ano po 'yon, Mommy?"
"Nasabi sa akin ni Ezra na hindi naman daw talaga niya apo ang anak ni Gretchen? Nag-usap na ba kayo ni Ezion?"
Umawang ang labi ko. I didn't know that. Ezion didn't tell me... Hindi... niya anak si Julius?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro