Chapter Eight
Chapter Eight
Child
When I knew that Ezion married Gretchen while I was pregnant with our child I got so angry at him. Lalo na at alam naman niyang buntis ako noon sa anak niya. Habang naghihirap ako siya naman ay masaya sa pagpapakasal kay Gretchen. Wala akong ibang maisip kung 'di gago si Ezion. Although I know that I'm at fault, too. Masyado akong nagpadala and I settled for less. Tuloy ay naapektuhan pa pati ang anak ko sa mga desisyon ko noon.
If only I can turn back the time I will never get myself near Ezion again. Ngayon ay napapalapit lang kami muli because of Chelca.
Nang kumalma na rin ang anak ko ay marahan na silang nag-uusap ni Ezion. Ezion was asking Chelca little things about her. Maayos naman na sumasagot ang anak ko. Our food arrived and we ate in silence except Ezion and Chelca who were talking to each other. Nagkatinginan kami ni kuya habang kumakain pero wala ring sinabi.
After eating and after Chelca finished her food, too, with the help of her dad. Nakita kong mukhang maalam si Ezion sa pag-aalaga ng bata. Sabagay ay may anak din sila ni Gretchen. I wanted to ask if this is okay with Gretchen. Ezion meeting with us. She's still his wife. Maybe I'll ask him later. Tumayo na kami at time na rin para magpaalam si Chelca sa daddy niya. "Chelca, magpaalam ka na." I told my daughter. Parang ayaw pa siyang pakawalan ni Ezion.
"Bye, Daddy..." Chelca hugged her dad at niyakap at hinagkan din siya ni Ezion.
Pagkatapos ay nagsalita si kuya. "Mauna na kami ni Chelca so you two can talk."
Tumango nalang din ako sa sinabi ni kuya. Tiningnan namin ni Ezion si Kuya Caleb na dinadala na si Chelca. Tahimik kami ni Ezion hanggang sa hinarap ko siya. My face was just serious. "Ano ang sinabi ni Gretchen tungkol dito? Ayos lang ba sa kaniya ito?" I asked.
Ezion shook his head. "Inaayos na namin iyong sa annulment. Actually last year pa."
Nagulat naman ako. I did not expect it. Hindi ko inasahan na hiwalay na pala sila ni Gretchen? Kailan pa, last year? At bakit? "Why..." napatanong ako. "How about your child?"
Umiling si Ezion. "Julius will stay with his mom."
Unti-unti nalang akong tumango. Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit pero tingin ko rin ay hindi na dapat. We're only meeting now for Chelca kaya bahala na si Ezion sa mga problema sa buhay niya.
I nodded. "All right. Aalis na kami—"
"Wait, Ciri. When can I see our daughter again?"
Natigilan ako. Oo nga pala. "Busy ako sa trabaho. Pero pwede mo naman siyang bisitahin sa bahay at nandoon lang naman siya kasama si Mommy. Maybe after your work you can visit her?"
Tumango si Ezion. "How about kapag wala akong trabaho? Can I take you and our daughter out again like this?"
My lips parted for awhile. "Okay." sagot ko nalang.
Ezion smiled. "Thank you, Ciri."
Tumango lang ako.
"Oh. Does she also attend school now?" pahabol pa niyang tanong.
Tumango ako. "Yes. Pwede mo rin siguro siyang ihatid o sunduin sa school niya if you want... Basta ay magsabi ka lang sa amin."
Maagap na tumango si Ezion. "Of course. Thanks again, Ciri."
Tumango lang ako.
We just talked formally. And then after that sumunod na rin ako kanila kuya at umuwi na kami sa bahay. Tingin ko ay okay na rin sa akin ang napag-usapan naming set up ni Ezion for Chelca.
When I came back to work busy uli sa office. Sinasama pa rin ako ni Declan sa site para makita ko rin iyon. Minsan din ay inaaya niya akong kumain kami sa labas. Para naman sa akin ay walang masama doon at magkaibigan kami. Pero nang punahin na ng ilang katrabaho ay doon ko pa lang natanto na parang hindi rin pala iyon okay... Declan was still my boss.
"Reviewing?" Declan just appeared beside my desk at work.
Wala naman na akong masyadong ginagawa para sa trabaho kaya saglit kong sinilip ang reviewers ko. "Ah. Tiningnan ko lang."
"Do you want me to help you with your review?" he politely asked me.
Nag-angat ako ng tingin kay Declan at ngumiti, umiling. "Ayos lang."
"Are you avoiding me...?" he asked me straightforwardly in a gentle voice.
Halos mataranta naman akong umiling. "No, no. Not at all, Engineer. Busy lang tayo sa trabaho..."
He nodded. "I see..."
Tumingin ako sa paligid. Wala naman ang mga tao doon at kami lang ni Declan. Nagulat nga rin ako na nandito siya sa office at dapat nasa site siya ngayon kung hindi ako nagkakamali. "Ah, Engineer,"
"You can skip the formalities, Ciri. I already told you that." He gave me a gentle smile.
Marahan akong tumango. "Declan... Pero wala na tayo ngayon sa US..." Back in the US we were friends. Not that we're not friends anymore. He was a friend to me who visits me and my daughter back then in our home in the US. Kaya siguro medyo nasanay din ako. "It's different now." Hindi naman talaga ganoon ka formal ang company ni Declan siguro dahil nagsisimula pa lang ito o ganoon lang talaga si Declan sa kompanya niya. "We're here to work and you're still my boss. I'm just your employee."
Nagkatinginan kami ni Declan. Sana ay nakuha niya ang sinasabi ko. He sighed a bit. "Ano ba ang naririnig mo dito sa office? Kakausapin ko sila."
Maagap akong umiling. "Hindi na, Declan. Tama naman, uh, ayos lang. Maybe if we're out from work then we can continue being friendly...?"
Declan smiled. "All right, Ciri. Sorry if I made you uncomfortable."
I shook my head. "No, it's okay. No problem."
He nodded. "How's Chelca, by the way? I miss the little munchkin."
Napangiti na ako. "She's all right. She's going to school."
Declan nodded. "Can I visit her later tonight? After work?"
Tumango ako. "Oo naman. Ang mabuti pa sa bahay ka na rin mag-dinner mamaya, if you want and if you have the time. I'm sure Mommy will be glad na makakakain ka na naman ng luto niya."
Declan chuckled a bit. "All right. Thanks! I'll see you later then, Cirilla."
I nodded. "See you."
After that I think everything went smoothly at work. Binisita nga rin ni Declan si Chelca sa bahay na natuwa rin naman. "Will you be busy this weekend?" Declan asked as we just watched TV at the living room of our condo and Chelca was already asleep in his arms. Uuwi narin siya mayamaya.
"Oh." Oo nga pala iyong pamamasyal naming tatlo ni Chelca. "Sige, this Sunday?"
Declan nodded with a smile on his handsome face. "All right." Pagkatapos ay pareho kaming napatingin kay Chelca. We both chuckled a little as we watched Chelca sleeping soundly on his arm.
"Dalhin na natin siya sa room niya. Late na rin. You should go home now, Declan."
He nodded. Tumayo siya para ihatid sa kwarto nito si Chelca. And then after siya naman ang hinatid ko sa pinto ng condo. "Take care." bilin ko sa kaniya."
"I will." he said and then went off.
When Sunday came namasyal nga kaming tatlo. Pinasyal kami ni Declan. While Ezion must be busy dahil wala naman siyang sinabi na kikitain niya ngayon si Chelca. During the weekdays though he visited Chelca almost everyday after his work. Pagkatapos niya rin sunduin ang bata sa school nito. Chelca was happy na ipakilala rin ang daddy niya sa kaniyang classmates and teacher. Hindi nga lang kami madalas nagpapang-abot ni Ezion sa bahay dahil late na rin kami minsan umuuwi ni Kuya Caleb galing sa trabaho. Nakikisabay lang din ako sa sasakyan ni kuya.
Dinala din kami ni Declan sa mall at mukhang may pinangako rin siyang toy na bibilhin para kay Chelca. Hinayaan ko nalang ang mag-ninong.
"Daddy...?"
"What is it, Chelca?" baling ko sa anak ko. Naglalakad lang kami sa loob ng mall and she was already carrying the big stuff toy Declan bought for her.
"Daddy," may tinuro siya. And when I followed her line of vision I saw Ezion with Gretchen and their son at the mall, too.
Natigilan din si Ezion nang makita at makasalubong kami. Ganoon din si Gretchen. Ang akala ko ba ay hiwalay na sila pero magkasama sila ngayon. And then I looked at the young boy they're with. Must be for their son. "Ciri..." Lumipat ang tingin ni Ezion kay Declan sa tabi namin ni Chelca. "Sweetheart," bumaba rin ang tingin niya sa anak niya.
After that we decided na ipakilala na rin sa isa't isa ang dalwang bata. After all magkapatid pa rin sina Chelca at Julius dahil kay Ezion.
"Chelca, this is your brother, Julius. Jul, your sister, Chelca."
"Hello..." My daughter politely greeted and even waved her hand a little bit in front.
While Julius seemed serious and didn't return Chelca's greeting and didn't even smile for a bit. Hindi rin nakangiti si Gretchen.
"Let's go, Daddy." Instead ay nagyaya lang ang bata na umalis na sila. Tugging on Ezion's clothes.
"Julius... don't be rude to your sister." saway naman ni Ezion sa anak niya. While Gretchen just remained quiet beside them at parang gusto na rin umalis.
"Come here." Declan beside me got Chelca and carried her up in his arms. Nakita ko rin na parang gusto nang umiyak ng anak ko because her brother who she knew just now ignored her.
I looked at Ezion. Alam kong pamilya niya pa rin sina Gretchen at ang anak nila. Pero anak din niya si Chelca. I can't help it but be disappointed at him again. Kaya nga ayaw ko nalang sana na ipakilala pa sila ni Chelca. Lalo nang malaman ko na may pamilya na siya. I didn't want my daughter to get hurt.
"It's all right." I gently tapped Chelca's back.
"I'm sorry, he's just not in the mood." tukoy ni Ezion sa anak nila ni Gretchen.
Tumango lang naman ako. "We're leaving now. May iba pa namang pagkakataon para magkakilala uli ang mga bata. After all this isn't planned." I said.
Tumango naman si Ezion. And then after that tumalikod at umalis na rin kami ni Declan. I was quiet habang bumabalik kami sa kotse ni Declan. Napapaisip pa rin ako sa sitwasyon ng anak ko kay Ezion. "Are you all right?" Declan gently asked me.
Bumaling ako sa kaniya at umiling. I gave him a reassuring smile. "I'm okay." Tiningnan ko si Chelca na mukhang nakatulog na naman sa balikat ni Declan. Bahagya nalang akong napangiti sa anak. "I'm just thinking... Kung hindi nalang siguro kami bumalik. Siguro ay hindi na rin nagkakilala si Chelca at Ezion... Sana ay hindi na nasasaktan ang anak ko..."
Ngumiti lang ako kay Declan habang pinagmamasdan naman niya ako. If it hurt my daughter then it's hurting me more like twice or even thrice the pain of my child.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro