Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"Tulungan mo ang kapatid mong kumuha ng tubig." utos sa akin ni mama na may inaayos sa loob ng aking kuwarto.

Ibinaba ko ang cellphone ko at nag-ayos ng sarili. Pinalitan ko ang aking pang-ibaba upang maging maayos ang paggalaw ko---- hindi na kase ako komportable sa suot kong maikling short.

Pagkatapos ayusin ang magulo kong buhok ay lumabas na ako ng pinto. Malamlam kong tinungo ang daan kung saan may ilang kalalakihan na naglalaro ng basketball.

Taas noo akong naglakad dahil nakita ko ang isa sa mga tsismosa sa aming compound. Tinungo ko na ang bahay kung nasaan ang aking kapatid kasama ang aming pinsan.

"Para kang nakakilay, kuya." Tanging ngiti nalang ang naging sagot ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "Tapos parang nakamake-up!" dugsong pa nito.

"Pulbos lang 'to!" tipid kong sagot,

"Makapal kasi kilay ni kuya." singit naman ng aking kapatid na babae.

Hindi ko na sila pinansin at binitbit nalang ang bike na naglalaman ng mga galon. Malapit lang ang bahay namin ngunit ramdam ko ang pagod dahil sa bigat ng itinutulak ko.

Pagkadating sa bahay ay ibinaba ko na lahat ng galon at hinayaan na sila ang mag-ayos, at sa pagbalik ko sa kinaroroonan ng kapatid ko ay nakasalubong ko ang isa mga crush ko.

Habol tingin ang ginawa ko sa kanya, maliit man ngunit may maskuladong pangangatawan at may apat na tinapay. Iwinaksi ko ang nararamdaman ko dahil---- Mali.

Sa huling paghakot ko ng tubig ay nakita ko siyang nakatopless habang nakikipaglaro ng basketball. Ang tindig nitong simple pero malakas ang dating para sa akin.

I think, I like him.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro