Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

SIDWIH AL FUENTE, siya na talaga ang lalaking inilaan para sa akin. At masaya ako na ako ang ginusto at minahal niya kahit na magkapareho ang kasarian naming dalawa. No matter what, down and ups man 'yan magiging kasangga ko siya sa lahat.

"Good morning, early bird," he said. At hinalikan niya ako sa pisnge, ibinaba ko ang hawak kong dyaryo at humarap sa kanya.

"Good morning, my babe." Umupo ito sa harapan at hinawakan ang kamay ko, masyado siyang blooming ngayon. Ganito ba kapag araw-araw kang inlove. "Lets take a picture, babe."

Bumitaw ako sa kanya para makuha ang cellphone, kinuhaan ko siya ng litrato. Puno ng kislap ang mga mata nito kaya masyadong maganda ang kinalabasan. "Look, it's cool."

"And I'd love to."

Nasa ganoon kaming tagpo ng biglang tumunog ang cellphone ni Sidwih, ilang araw na din siyang ganyan kapag may tatawag bigla-bigla siyang tumatayo pero hinayaan ko nalang baka kase mapahiya ako kung hindi ako magtitiwala sa kanya. Tinignan ko nalang ang mga kinuha kong litrato. "Awesome!" bulalas ko.

Bumalik na si Sidwih at sobra ang ngiti kaya naman tinanong ko siya pero ang loko hindi ako sinagot bagkus ay hinalikan ako nito sa labi.

What's wrong with him, para siyang nababaliw na ewan bigla-bigla nalang siya nanghahalik. Gusto ko naman 'yong paghalik niya pero dapat kahit papaano ay mabagal. "Gusto mo lumabas?"

"Sa pinto?"

"Eh, sa ibang lugar." Napakamot ito ng ulo kaya napangisi ako. "Sa malayo para masaya."

"May lalabasan ba sa malayo?"

Sumandal ito sa upuan kaya natawa na siya, ang bilis naman niyang sumuko ngayon. "Stop it, babe. Ano nga? Gusto mo?"

"Hindi naman na kita gusto, ah. Mahal na kaya kita kaya nga tumagal tayo diba?" umayos ako at baka tuluyan na siyang magalit sa akin, hindi ko pa naman paano siya lambingin pero ang alam ko lang mahilig siya sa kama. At kung babae lang ako baka sunod-sunod na anak ang mangyari sa akin, masyadong mahilig. Pilyong gobilam.

"Seryoso nga, ano?" wala naman na siyang nagawa kundi ang pumayag, gusto niya din naman lumabas ngayon dahil maganda ang panahon. "Okay, pack your things"

"Maglalayas tayo?" natawa ako sa naging reaksyon niya, kaya bago pa ito sumabog ay tumayo na ako at nanakbo papasok sa kwarto. Narinig ko pa ang sigaw nito na puno ng inis.

Pagkasarado niya ng pinto ay napasandal siya dito at ngumiti, ikaw na talaga Sidwih. Wala ng ibang makakapantay sa'yo. Mag-aayos na sana ako ng may maalala, saan ba kami pupunta at kailangan pa ng gamit.

Sumilip ako sa pintuan at sumigaw, "babe, kailangan ba talagang ipack ang damit? Literal ba na malayo 'yon o dyan lang sa malapit na mukhang malayo?" mukhang hindi niya ako narinig kaya lumabas ako ng pinto para tignan siya pero nang pumunta ako sa pwesto namin kanina ay wala na ito. Saan nanaman kaya pumunta ang isang 'yon.

Naglakad na ako pabalik sa kwarto ng biglang may yumapos sa akin kaya napatili ako, bakla lang gorl. Sino pa ba gagawa sa akin nito kundi si Sidwih lang na akala mo kabute na bigla-biglang nasupot. "Hindi pala pack your things pack your self pala."

"Medyo bastos ka sa part na 'yon, babe. Sige nga, paano ko mapapack sarili ko. Hala? Ipaliwanag mo aber!" atungal ko, akala niya ah. Masarap lang ako pero hindi ko mababalot ang sarili ko depende nalang kung pagkain ako. Kumalas ako sa yapos niya at inantay siyang sumagot.

"Aray ko ah, gustong manaket?" inirapan ko siya dahil sa pagpitik niya sa noo ko, gaya-gaya din siya minsan. Hinahayaan ko nalang kase mahal ko siya. At mahal niya din ako, edi meant to be.

"Maligo ka nalang at magbihis, aantayin kita dito."

"Ay, ayaw mo sa labas?" tanong ko kaso sinamaan ako nito ng tingin kaya lumayo na ako sa kanya at nanakbo pabalik sa kwarto. Kumuha muna ako ng susuotin ko at inilapag sa kama, dinampot ko ang tuwalya at pumasok na ako sa banyo para maligo. Sapat na one hour and a half sa pagligo, pulidong walang libag para kapag nagniig walang nasipsip na libag. Gross, eww!

Nagtapis na ako at lumabas na ng banyo, isinuot ko na ang mga dapat isuot at humarap na sa salamin. Kaunting ayos lang ang ginawa ko bago ifinalize ang sarili. Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan na si Sidwih na prenteng-prente na nakaupo sa sofa. "I'm done. Let's go?"

Tumayo ito at nilapitan na ako, inamoy pa ako ng loko. "You smell good, babe." Parang hindi naman araw-araw, palibhasa nag-uumapaw ang kabanguhan niya kahit 'di maligo. Diba, isang malaking sana all lang talaga sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng makasakay kami ng kotse, sinasagot niya lang ako ng basta at mag-eenjoy ako sa pupuntahan namin.

"Walang clue?"

"Pictures. Rain. Us. Tatlo na 'yan, pasalamat ka mahal kita." edi, thank you pala kung ganoon. Inisip ko naman kung anong meron sa clue niya at mukhang tumatanda na ako dahil wala akong maalala sa tatlong ibinigay niya. Kailangan ko na ba magtingin ng utak, charot.

"Wala bang madali, kahirap naman ng clue mo. Bahala na nga lang mamaya mukhang masaya naman ata ang pupuntahan natin." Hindi na ito sumagot kaya nanahimik nalang din ako, nakatilig lang ako sa labas at pinagmasdan ang dinadaanan namin, papunta 'to malapit sa amin kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti naman ito at mukhang alam na niyang nakuha ko na ang hints niya, bakit nawala sa isip ko 'yon. Matanda na talaga ako.

"Daanan muna natin sila mama." Hindi ako pinakinggan ni Sidwih kaya kumunot ang noo ko.  Narinig naman niya ako siguro kase lumingon ito sa akin. "Attitude ka naman ngayon.. Sid? Parang sira naman ito, eh."

"Mamaya nalang kase kapag umuwe na tayo, ayaw mo ba na sa kanila tayo matutulog?" tignan mo 'yan, may plano pala hindi man lang sinabe sa akin. Malakas talaga topak ang topak niya at mas lalo siyang lumalala.

"Syempre gusto ko, sino bang hindi diba?"

Iniliko na ni Sidwih ang kotse at ipinarada, andito kame sa plaza ngayon kaya bumaba na kami. "Wait, dyan ka muna may dadaanan lang ako."

"Saan pa ba gusto mong dumaan? Ang dami na nating dinaanan, eh."

"Tama na nga 'yang pamimilosopo sa akin babe, itatali na talaga kita." Wala naman siyang magagawa eh, hinayaan niya nalang na umalis si Sidwih. Pinagmasdan ko nalang ang mga kumakain dito, palihim pa nga akong natawa dahil may dalawang bata na nag-aaway dahil sa lugar kaya lumapit ako sa kanila.

"Mga bata, alam niyo ba na masama ang mag-away lalo na kung sa pagkain?" tinignan siya ng dalawang bata na kahit hindi sila magsalita alam kong nagtataka sila kung bakit ko sila kinakausap.

"Gutom pa po kase ako, itong si Baldog mang-aagaw!"  sagot ng isang bata kaya napangiwi ako, inawat ko sila ng mag-umpisa nanaman sila magtalo.

"Ganito nalang para hindi kayo mag-away, bibilhan ko nalang kayo ng tig-isa. Okay ba?"

"Talaga po?" duet pa ng dalawang bata kaya masaya akong tumango, lumapit ako sa tindera at umorder ng dalawang lugaw na may itlog at ipinabigay ko sa dalawang bata pati coke mismo ay binilhan ko sila. Nagbayad na ako at muli kong nilapitan ang dalawang bata. "Maraming salamat po!"

"Walang anuman, osha. Huwag na kayo mag-aaway ah. Aalis na ako."

Muling nagpasalamat ang dalawang bata kaya tinanguhan ko nalang ito at bumalik na sa pinaradahan namin ng kotse, wala pa din si Sidwih kaya nakaramdam na ako ng pagkainip.

Maglalakad-lakad na sana ako ng may lumapit sa aking dalawang pulis, akala ko ay magtatanong lang ito sa akin pero bigla nila akong pinosasan.

"Sandali po, bakit niyo po ako hinuhuli? Ano pong ginawa kong kasalanan?" Kinabahan na ako kase mukhang seryoso silang hulihin ako, at wala man lang kahit anong warrant para patunay na may nagawa nga akong labag sa mundo.

"May kasama ako baka hanapin niya ako, manong pulis ano bang nagawa ko?" Hindi ba sila marunong magsalita, shit! Asan ka na ba Sidwih, susuntukin talaga kita kapag nagkita tayong dalawa. Ito namang dalawang pulis na 'to parang pipi, walang dila. Paano ko malalaman kung may nagawa akong malaki kung hindi nila ako sasabihan dapat pala sumakay nalang ako ng kotse para hindi ako nahuli ng ganito.

"Oh, asan kotse niyo?" Paikot-ikot lang kase kami dito sa plaza parang baliw, eh nalampasan na namin 'yong police station. "Pinagtritripan niyo po ba ako kase kung oo hindi po nakakatuwa."

"Manahimik ka!" sigaw nito, galit na galit gustong manakit si manong pulis. Tumahimik nalang ako hanggang sa huminto kami sa tapat ng kanyon, dito pala ang bagsak namin hindi nalang kami dumaan sa malapit. "Piringan mo na 'yan!"

"Sandali nga, bakit may papiring manong pulis?"

"Kapag hindi ka nanahimik, itatapon kita sa kangkungan!" ani 'to, harsh naman nito ni manong pulis sayang parehas pa naman silang may itsura nitong kasama niya kaso parang napuruhan ang dila kaya hindi makapagsalita.

Piniringan na nila ako. Akala ko aalalayan nila ako pero nawala na sila sa tabi ko, ang angas ng dalawang pulis na 'yon pagkatapos akong piringan. Nakarinig ako ng putok ng baril kaya napaupo ako, sumisigaw na din ang mga tao sa paligid ko kaya inalis ko ang piring ko at halos malula ako sa nakita. "Fuck you talaga siya!"

Isang malakas na putok na baril ang narinig ko kaya nalaman kong galing lang sa speaker 'yon, sinamaan ko ng tingin si Sidwih na nakatayo malayo sa akin. Tumunog ang isang romantic song, at hindi ko alam kung gaano ako kasaya sa nakita ko. Sumasayaw sila ngayon, silang lahat.

Namasa ang mata 'ko, andito ang dalawa kong kapatid, sina papa, at ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam pero napahagulgol ako sa nakikita ko ngayon, bakit siya ganyan? Pinapaiyak niya nanaman ako, lagi nalang siyang may ganitong surprise.

Nang matapos na ang kanta, naglakad ito palapit sa akin bitbit ang bulaklak, iniabot niya ito sa akin kaya tinanggap ko.

Hinalikan niya ako sa noo kaya bigla akong napayakap sa kanya, umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya.

"Shh, babe. Don't cry please." Inangat niya ang tingin ko sa kanya at pinunasan ang luha sa mata ko, pinatuyo niya ito bago ako halikan ng mabilis sa labi. Ang lahat ay nagtilihan kasama na doon ang kamag-anak namin. "I love you, Golib!"

"Mahal din kita." Sa pagsagot ko no'n ay ang pagkagulat ko ng bigla itong lumuhod sa harapan ko. Naitakip ko sa mukha ko ang bulaklak na ibinigay niya sa akin para maikubli ang luha sa mata ko.

Kinuha nito ang kabilang kamay ko kaya mas lalo akong naiyak, ito na 'yong kasunduan namin na babalik kami sa lugar na ito. "Sa dinami-dami ng tao bakit ikaw pa ang nagustuhan ko, hindi naman ako ganito pero ikaw ang piniling mundo."

"Sa bawat saya't lungkot ikaw ang kasama, kahit na ako iyong iniwan ikaw pa din ang nais makasama. Makasama sa pang-habambuhay."

Humarap na ako sa kanya, tumingin-tingin ako sa mga taong nasa paligid. Masaya ang ilan lalo na ang mga nanunuod, akalain mong hindi kahit hindi nila kami kilala ay wala akong nakitang pagkaasiwa sa kanila. Maraming salamat sa kanila dahil naintindihan nila kami.

"Babe, nagkaroon tayo ng maraming pagsubok kaya nais na ikaw ay talian na upang ikaw hindi na makawala pa sa akin. Tayong dalawa ay magsasama sa matagal na panahon," tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang luhang nagbabadyang lumabas sa mata niya.

"Kung tatanggapin mo ako ng buo sa buhay mo," may dinukot ito sa kanyang bulsa at labis ang galak ko kung ano ang kinuha niya, binuksan niya ang lagayan at kinuha ang nasa loob nito. "Golib Santos, my babe. Will you be my man forever?"

Dumako ang tingin ko sa mga magulang namin, lahat sila ay tinanguhan ako kaya hindi na ako nag-atubili at mabilis na sumagot ng, "Yes, pumapayag ako! magpapakasal ako sa'yo at magsasama tayo forever. Yes! Yes!"

Isinuot nito sa akin ang singsing pagkatapos ay yumakap sa akin, "narinig niyo 'yon, magpapakasal daw kaming dalawa! Woah!"

Nagpalakpakan ang lahat maski ang magulang namin kaya sobrang saya ng araw kong ito. "Salamat babe, maraming salamat!"

Hindi pa nga ako nakakasagot ng buhatin ako nito at pinaikot-ikot. Bahagya pa akong nahilo dahil sa ginawa niya pero wala lang 'yon kumpara sa talagang nararamdaman niya.

Ngayong engaged na sila ay talagang sila na ang para sa isa't-isa, at wala nang pag-aalinlangan pa. Matagal naman ng wala ang agam-agam ko sa aming dalawa kaya sobrang saya ko talaga.

"I love you, Golib!"

Alam ko sa tagal naming magkasama ay never nitong itinanong sa akin kung bakit never pa akong nagsabe sa kanya ng I love you, pero ngayon ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang salitang 'yon.

"Hindi na kita papakawalan pa, Golib!"

Biglang may pumutok sa kalangitan kaya napatingin ako do'n, napangiti ako ng makita ang picture naming dalawa na nasa kanyon, ito ang panahon na nagkaroon kami ng kasunduan na babalik kami dito. And then finally, we're here kasama ang mga pamilya namin at saksi pa ang ilang tao sa tagpong ito. "I hope you like it, babe."

"Nagustuhan ko...sobrang ganda, gustong-gusto ko." tumulo ang luha ko, bago humarap kay Sidwih na nakatingala sa kalangitan.

"I love you, Sidwih!" mahina kong sambit dahilan para tumingin ito sa akin. Bakas ang gulat sa mukha nito kaya inulit ko ang sinabe ko pero biglang umingay.

"Pakiulit nga, babe."

"Sabe ko, I love you Sidwih!"

Kumunot ang noo nito, "Ano?"

Humugot ako ng hininga bago magsalita, ang salitang never kong binanggit sa kanya. Ang salitang umabot pa ng ilang taon bago ko masabe sa kanya.

"Ulitin mo babe, please po."

"I love you, Sidwih!"

The End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro