C9: Salarin
TINAKBO niya ang hospital na pinagdalhan kay Sidwih, nakakainis lang dahil kung kailan malapit na siya saka naman may mga jeep na bakante. Tila inaasar siya ng tadhana pero wala na ang isip niya doon dahil si Sidwih lang gusto niyang malaman ang kalagayan.
Para siyang hinabol ng aso ng makapasok siya sa hospital, tagaktak ang pawis niya at gulo-gulo na din ang damit. Agad siyang lumapit sa information desk at tinanong kung anong room number nilagay si Sidwih. "Room 21 sir."
"Salamat." Hagdan na ang ginamit niya para makarating agad sa kwarto ni Sidwih at nakahinga lang siya ng maluwag ng makita niya na ang kwarto. Inayos niya muna ang sarili bago kumatok at pumasok.
Hindi siya makapaniwala sa sinapit ni Sidwih, bugbog sarado nga ito tulad ng sabi ng nanay niya. May bandage din siya sa kamay, mga walang puso ang gumawa nito sa kanya.
"Tita, anong nangyari?" Nilapitan ko si tita, umiiyak ito habang nakatingin sa anak. Yumakap ako dito para kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman nito. "Magiging okay din po siya tita at magbabayad ang may gawa nito sa kaibigan ko."
"Walang puso ang gumawa nito sa anak ko, iho." Inalo-alo niya ito hanggang sa kumalma, ikwinento nito sa kanya kung gaano kabait si Sid. Alam niya 'yon, kahit na maloko ito ay hindi mo ito makikitaan ng kayabangan. Mabait na tao si Sidwih kaya imposible na may makaaway siya.
Nakita niyang kumislot ang kamay ni Sidwih kaya lumapit siya dito tumayo na din si tita, "Sidwih, nakilala mo ba kung sino gumawa sayo nito?"
"Uhm." Mukhang nahihirapan itong magsalita, sobrang lala ng natamo niyang suntok. Mabuti nalang talaga na walang patalim ang bumugbog sa kanya pero pangit siguro ang mga iyon dahil mukha ni Sidwih ang mas pinuntirya nila.
"Son, mommys here. Andito lang ang mommy, anong masakit sa'yo? May sumasakit ba sayo."
"Uhm." Naaawa siya sa sinapit ng kaibigan kaya lumabas muna siya para pumunta sa kumbento dito sa loob ng hospital. Lumapit siya dito at naupo, hindi niya maintindihan kung bakit may ganitong pangyayari, kakauwe lang nila galing sa retreat tapos ngayon ay may mga loko-lokong nangtrip sa kaibigan niya. "Lord, kayo na po ang bahala sa kaibigan ko hilumin niyo po ang mga sugat na natamo niya at ipinapaubaya ko na sa inyo ang kapalaran ng mga gumawa nito sa kanya. Lord, nawa'y dinggin mo ito."
Sana kahit ito man lang ay dinigin ni Lord, bihira lamang akong lumapit sa kanya pero hindi ko naman siya nakakalimutan. Kapag naging okay na ang kaibigan ko, pupunta agad kami sa hospital para magpasalamat.
Tumayo na siya naglakad na pabalik sa kwarto ni Sidwih, pagkapasok niya ay may mga pulis na sa loob. Tatlo sila at kinakausap ang mommy ni Sidwih, lumapit ako sa kanila at nakinig sa usapan. "Base sa ilang saksi, mga kabataan din ang gumawa nito sa anak niyo. Mabuti nalang na may hidden CCTV sa lugar na pinagbugbugan sa anak niyo. Nakuha din namin ang itsura ng mga ito, pamilyar ba kayo sa kanila?" Inabot nila kay tita ang mga kopya ng mga itsura ng gumawa nito sa kaibigan.
"Kilala ko sila...hindi ako nagkakamali minsan ko na silang nakita sa lugar namin pero hindi ko lang alam kung nakaaway sila ng anak ko." Lumapit ako kay tita para tignan ang hawak niya, kilala niya ito lalo na ang isang taong nakilala niya noon dahil sa crush niya. Si Kih, anong kinalaman niya dito?
"Pwede bang kuhaan ko ito ng picture?" Tumango naman ang pulis kaya kinuhaan niya ito agad, inilagay niya sa bulsa ang cellphone at nagpaalam na may pupuntahan lang. Hindi naman sila close ni Kih at bihira niya lang makita ito kaya paano niya nagawa ito kay Sid.
Kumuyom ang kamay niya habang naglalakad pauwe, nilakad niya na lang dahil tinatamad siyang tumawid para sumakay. Kailangan niyang mag-isip, anong motibo ni Kih para gawain ito.
Nakarating siya sa bahay nila, kailangan niya muna palang ipahinga ang sarili niya. Nangangalay na din kase ang paa niya, bukas niya nalang siguro kakausapin si Kih.
"Nak, ano na nangyari? Nalaman niyo ba kung sino ang gumawa nito sa kaibigan mo." Tumango siya, kilalang-kilala niya ang taong sangkot sa nangyari sa kaibigan niya. Pero sumasakit ang ulo niya kapag iniisip na anong problema ng lalaking 'yon para bugbugin nalang si Sid.
Mga nakagamit ba sila para magawa ang ganoong bagay. "Pahinga muna ako ma, bukas ko nalang ikwekwento." Kailangan niya din malaman ang dahilan nito, bahala na bukas.
Pumasok na ako sa kwarto at hindi na ako nag-abalang magpalit, ipinikit ko ang mata ko at agad din naman akong nakatulog.
MAAGA siyang gumising para puntahan si Kih, malapit lang naman ito at kanina kaya madali lang niyang natunton ang bahay nito, kumatok siya ng ilang beses bago niya marinig ang boses babae. "Wait for me, sino ba 'yan?"
"Anong kailangan mo?" Nanay niya siguro 'to, tinanong niya agad kung nasaan si Kih. Kumunot ang noo ng ginang kaya bago ito sumagot ay inunahan niya na. Ayaw niyang masayang ang oras niya para sa reaksyon ng ginang.
"Kailangan ko makausap ang anak niyo, pakitawag naman siya." Kabastusan man na matatawag ang sinabe niya ay wala na siyang pakealam, kaibigan niya ang involve dito kaya kailangan niyang malaman ang dahilan ng anak niya.
"Sino ka para sundin ko?" Tumaas taas pa ang kilay nito, ayaw niya pa namang pinaghihintay siya kaya lumapit siya dito at bumulong.
"Kung hindi mo tatawagin ang anak mo pulis na ang papapuntahin ko dito kaya kung ako sa'yo tatawagin ko na ang anak ko." Hindi naman natinag ang ginang kaya kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang mommy ni Sid. "Hello tita, andyan ba ang mga pulis. Andito po ako ngayon sa bahay ng bumugbog sa anak niyo... Oh okay po, sige antayin ko kayo dito."
Ibinaba niya na ang cellphone at humarap sa ginang na nakanganga, sana pasukan ng langaw. Inuubos niya ang oras ko. "Kih? Kih. Lumabas ka dyan!"
"Huwag kang mageskandalo dito, gusto mo bang isumbong kita sa baranggay!" Tumingin siya dito, hindi niya ata naintindihan ang sinabe ko kanina sa kausap ko. May respeto naman siya sa matanda pero tulad nga ng sinabe niya ay depende sa ugali ng tao.
"Tumawag ka, gusto mo samahan pa kita."
"Bastos ka ah!" Kung bastos ako kanina pa kita sinaktan, ang daldal masyado wala namang alam sa nangyayari. Sinagi niya ito para makapasok, pinipigilan siya ng ginang pero mas malakas siya dito kaya hindi siya nito napigilan.
Binuksan ko ang mga pinto hanggang sa nasa huli na akong pinto, natutulog pa ang loko. Makatulog pa kaya siya kapag dinakip na siya ng pulis, "Anak, may pumasok sa bahay natin."
Natawa siya hindi dahil sa sinabe ng ginang kundi sa kakapalan ng mukha ng lalaking ito, talagang nakakatulog pa siya ng maayos ah. Hindi ba siya kinukonsensya sa ginawa nila kagabi, masyado ata silang kampante.
Hinayaan niya muna ito hanggang sa marinig niya na ang ingay sa labas, andyan na ang mga pulis. Ngumisi siya sa ginang ng tumingin ito sa kanya, "Ayaw mo maniwala eh. Goodluck!" Pumihit siya sa patalikod at nakasalubong niya ang pulis, tinuro niya kung nasaan si Kih at ang nanay nito. Nakita niyang umalma ang ginang pero dahil may pinakitang warrant ang pulis ay wala na itong nagawa. "Tita, malalaman din natin ang dahilan kapag kinausap na ito."
"Salamat iho. Salamat sa tulong mo." Wala naman siyang ginawa pero hindi nalang siya umimik, nakita nilang pumipiglas si Kih at ng makita siya ay nanlaki ang mata nito. Hindi niya ba ineexpect na makikita niya ulit ako sa ganitong sitwasyon.
"Wala akong kasalanan, inosente ako!" Sa prensinto mo 'yan sabihin, Kih. Makukulong ka din, walang kasalanan pa ah. Paano nalang kapag inilatag ang ebidensya na nakalap ng mga pulis. "Inosente ako!"
"Sasama ako, sasamahan ko ang anak ko." ani ng ginang kaya sumakay din ito sa kotse ng pulis. Sila naman ay naiwan, napabuntong hininga siya bago yayain ang mommy ni Sid na dumaan muna sa bahay para makapagpahinga muna ito sandali. Pumayag naman ito kaya naglakad na sila papunta sa bahay, pinaupo niya ito sa sofa ng makapasok sila.
"Anong motibo nila, anong ginawa sa kanila ng anak ko para ganituhin." Hinawakan niya ang kamay ng tita niya, inalo niya ito upang kumalma.
"Tita, maya-maya ay malalaman din natin ang dahilan magpahinga nalang po muna kayo dito."
"Hindi iho, sa bahay na ako magpapahinga. Salamat ulit sa tulong mo, mauuna na ako." Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ang ginang sa gusto nitong mangyari, tanaw tanaw niya ito habang naglalakad. Alam niya ang bigat na nararamdaman nito, natural lang sa isang ina na ganoon ang maging reaksyon kapag may nangyari sa anak nila.
"Kawawa naman ang kaibigan mo nak, wala ba talaga siyang nabanggit sayo na may taong galit sa kanya?" Umiling siya, mabait na tao ang kaibigan niya at kung may sasabihin ito sa kanya ay tungkol lang sa kalandian niya.
Isang araw pa lang pero namimiss na niya agad kausap ang lokong 'yon. Sana makarecover na siya agad para naman makapasok na siya sa linggo, napakamot siya sa naisip paano pala ito makakapasok kung puro pasa ang mukha nito.
"Alam mo nak, umamin ka nga may gusto ka ba kay Sid?" Napatingin siya ng wala sa oras sa nanay niya dahil sa tanong nito, bakit niya naman naitanong 'yon. Masyado bang halata na may crush siya kay Sid. "Kahit hindi ka umamin ay alam ko na, mga titig mo pa lang sa kanya ay para kang dinuduyan sa langit."
"Pinagsasabe mo dyan ma?" Lumayo siya sa ina at naupo sa sofa, hindi naman maiwasan na mapangiti siya lalo na ang gabing nagtapat ito sa kanya. "Magkaibigan lang kami ng tao."
"Pero iba ang sinasabe ng mga mata mo, nak. Hindi naman ako magagalit kung ganoon nga ang nararamdaman mo sa kaibigan mo." Nahihiya na siya sa pinagsasabe ng nanay niya pero totoo naman talaga ang sinasabe nito kaya bakit kailangan niyang mahiya.
"Tanggap kita nak." Doon siya natahimik, hindi niya alam kung anong isasagot niya. Tanggap siya ng nanay niya ibig sabihin ay okay lang dito na lalaki din ang gustuhin ko. "Matagal ko ng alam na ganaan ka nak, inaantay lang kitang umamin pero masyado kang abala sa kaibigan mo. Binata ka na talaga nak, magkakalovelife kana.*
Sana ganoon lang kabiles ang pagtanggap, kung okay lang sa nanay niya paano sa ibang tao. Sa parents ni Sidwih, matatangtap ba silang dalawa kung sakaling umamin sila dito. "Mapanghusga ang tao sa mundong ito, lahat ng hindi maganda sa mata nila ay madumi na sa paningin nila. Kaya paano ko ilalabas ang tunay na ako kung iba't-iba ang mindset ng tao."
"Kakambal na ng pag-ibig ang paghuhusga, simula't sapul ay ganaan na sa mundo natin. Kailangan mo lang tanggapin ang sinasabe nila at ilabas din agad kase kapag nagpadala ka sa mga sinasabe nila, magugulo ang isipan mo maski ang mga aksyon na gagawin mo." Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon, mas mainam na ganito nalang muna sila ni Sidwih na kahit walang label ay alam nila sa isa't-isa ang nararamdaman nila. May tamang panahon naman siguro sa pag-ibig, kung mahal nila ang isa't -isa ay handa silang maghintay kung kailan magiging handa ang isa.
Tumunog ang cellphone niya at nang makilala kung sino ang tumawag ay agad niya itong sinagot. "Tita, bakit po?"
"Tinawagan ako ng pulis at sinabi nitong may nag-utos lang daw sa kanila para bugbugin ang anak ko. Sasabay ka ba? Papunta na ako sa munisipyo ngayon."
"Susunod na lang po ako."
Ibig sabihin may iba pang tao ang dawit sa pagbugbog kay Sid. Ayaw niyang paniwalaan ang taong unang pumasok sa isip niya, hindi naman niya magagawa ito. Kilala na niya ito mula pagkabata kaya imposibleng may kinalaman ito sa nangyari.
Nagpaalam muna siya sa nanay niya na may pupuntahan kaya nanakbo siya palabas ng bahay, pero akalain mo 'yon nakasalubong niya si Fihm na nakatingin sa kanya. Wala na siyang inaksayang oras kaya hinawakan ko ang kamay nito at hinila sa bakanteng lote.
Humarap siya dito, "May kinalaman ka ba sa nangyari kay Sid, sabihin mong wala please maniniwala ako." pero hindi sumagot, nakatingin lang ito sa kanya kaya tumulo ang luha niya hindi niya ineexpect na may kinalaman nga ito.
"Bakit...ano bang ginawa niya sayo? Ni hindi nga kayo nag-uusap na dalawa tapos ganito."
"Maniwala ka sa naiisip mo." Akmang aalis na ito ng hatakin ko ang kamay niya at malakas na sinuntok, sapo-sapo nito ang pisngeng sinuntok ko.
"Wala kang puso...hindi na ikaw ang dating kaibigan ko. Nagbago ka na. Magkalimutan na talaga tayong dalawa at sisiguraduhin ko na pagbabayad mo ito." Pinunasan niya ang luha niya at naglakad na paalis pero may sinabe pa si Fihm na ikinainis niya.
"Hindi kayo magiging masaya. Isinusumpa ko 'yan." Tumawa pa ito ng parang nababaliw kaya imbes na pag-aksayahan ng oras ito ay naglakad na siya paalis. Hindi na niya kilala ang kaibigan niya, malayong-malayo na ito sa dati niyang kaibigan. Binulag siya ng pag-ibig, masyado siyang nagpakalunod sa galit niya.
Muli kong pinunasan ang luha ko pero wala itong tigil na tumulo, pakiramdam niya kase na kasalanan niya ang nangyayari sa kaibigan niya. Siya ang dahilan kung bakit humantong sila sa ganito, "Arghhhhh!" sinuntok ko ang puno na nadaanan ko, at sinuntok pang uli. Wala akong pakealam kung dumudugo ang kamay ko, mas masakit pa puso niya. Hindi naman niya ginusto na magkaganito sila. "Kasalanan ko ito..kasalanan ko ito kung bakit napahawak ang kaibigan ko."
Pinunasan ko na ang luha ko at naglakad na paalis. Nakapagdesisyon na siya at wala ng makakapagpabago no'n. Para ito sa lahat, kailangan niyang maging matapang.
Dedicated to fancykhimmy enjoy reading po.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro