C8: Last day
LAST day na ngayon nila dito sa Zambales. Pero bago sila umalis ay may hinandang mini event ang organizer dito para sa kanila.
"Mauna ka ng maligo, Goli. Susunod ako." Tinanguhan niya ito dahil siksikan ang comfort room na gamit nila ngayon, ilang cubicles lang kase ito at sabay-sabay pa ang ilan na maligo. Pumasok na siya sa cubicle at isinara ito, isinampay niya ang tuwalya at naligo na.
"Hoy, tapos ka na ba dyan?" Hindi ito boses ni Sidwih kaya nagulat talaga siya ng kalampagin ng sinomang ito ang pinto. Wala ba siyang manners, alam niyang sarado ang pinto tapos tatanungin niya kung tapos na siya. Hindi ba siya willing maghintay. "Sumagot ka, tangina naman oh!"
"Excuse me, kakapasok lang ng kaibigan ko d'yan kaya bakit mo kinakatok agad?" Si Sidwih na iyon, binilisan na niya ang pagligo at baka mapaaway pa ang lalaking 'yon. Baka mamaya umuwe ito na may bangas sa mukha.
"Eh sino ka ba sa tingin mo, hindi porket gusto ka ng mga babae dito ay magmamayabang ka na. Anong pinagyayabang mo!?" Putek naman, hindi ba uso sa kanya ang salitang kalma. Bastusan ba talaga ang gusto niya, agad na siyang nagtapis at binuksan ang pinto. Tumingin sa kanya ang lalaking katabi lang nila ng room, mayabang siya nitong tinignan. "Mabuti naman at marunong kang magmadali." Itutulak pa sana siya nito pero agad siyang tumabi at sinipa ito patalikod. Marunong siyang rumespeto at ikalma ang sarili niya pero kapag ganitong ugaling aso ay hindi dapat kinukunsinti.
"Matuto kang mag-antay, hindi mo pag-aari ang lugar na ito at wala ka sa bahay niyo para magmayabang. Subukan mo pang umepal sa ginagawa ng ibang tao, kamao ko na ang lalapag dyan sa mukha mo." Wala siyang pakealam kung matakot ito o hindi, basta ang sa kanya ay binigyan niya ito ng leksyon. Hindi niya akalain na walang disiplina ang ibang estudyante sa school nila.
"You okay? Dapat hindi mo nalang pinatulan baka mamaya abangan ka noon kapag bumalik tayo sa school." Natatakot ba siya para sa akin, anong akala niya hindi ko kaya ang sarili ko.
"Huwag mo akong intindihin, Sid. I can handle myself saka maliit na bagay lang naman ang nangyari." Isinuot na niya ang short niya ganoon din ang damit niya, pinunasan niya naman ang buhok niya gamit ang tuwalya.
Si Sidwih naman ang pinagtulakan niyang maligo, nakita niya pang nakatingin sa kanya ang lalaking sinipa niya pero sinamaan niya lang itong tinignan. Akala niya siguro matatakot ako sa katulad niya, no way. "I'm done."
"Naligo ka ba talaga o naghalf wash ka lang?" tanong niya dito pero hindi niya ineexpect na half naked lang ang loko, kitang-kita ko tuloy ang pumuputok niyang abs. Umiwas ako ng tingin dito at sinabihan na siyang magdamit.
"Gusto mo bang hawakan ang abs ko, pwedeng-pwede naman kapag nakauwe na tayo." Binato niya ito ng tuwalya at tumama naman ito sa mukha niya, natawa nalang siya sa pagkagulat nito. Ngumisi pa ang loko, baluga talaga.
Narinig na nila sa speaker na pinapapunta na silang lahat sa court, by team ang kanilang upuan. Apat na grupo kase silang hinati ng mga event organizer dito, at nasa hanay kami ng Fighter. Mga palaban daw kami kaya siguro ganoon nalang ang ginawa ko sa lalaki kanina.
"Lahat ba ay nandito na, kung andito na lahat. Let's enjoy the night." Pagkasabi no'n ng speaker ay tumugtog ang worship song, nakaflash sa whiteboard ang lyrics ng kanta kaya ang ilan at sumasabay sa pagkanya. Iba-iba din ang kulay na tumatama sa mukha nila. "Let's party kiddos."
Ang lahat ay nagsigawan ganoon din sila ni Sidwih, tumayo pa siya para makisabay sa beat ng kanta ganoon din ang ginawa ng iba. Inenjoy nila ang sandaling ito dahil mamaya ay aalis na sila, may ilan ding pinaalala sa kanila ang speaker na huwag nilang kakalimutan ang mga bagay na dapat ay nanatili sa ating mga isip. Lalo na sa pagkakataon na dapat hindi sinasayang.
Napatingin siya kay Sidwih ng oras na iyon, seryoso siyang nakatingin sa unahan. Kinalabit niya ito para tignan siya, nginitian niya ito at, "Maraming salamat sa mga sandaling nakasama kita, mahalaga ka na sa buhay ko kaya huwag mo akong iiwanan ah."
"Walang rason para iwanan ka, Goli. Masaya din ako na naging kaibigan kita. At salamat dahil kahit ganito ako ay pinagtiyagaan mo ako." Seryoso ba siya sa sinasabe niya, eh ako nga dapat ang magpasalamat sa kanya dahil masyado akong boring kasama. Pangalawa siya sa taong hindi nanawa sa kanya.
"Ako nga dapat ang magsabe niyan."
Sa daming tao sa mundo naniniwala na siya na walang imposible sa pag-ibig pero may kaakibat din na problema ang isang pagmamahal sa isang tao. Mabilis lumipas ang sandali at sinabihan na silang maaari na silang sumakay sa mga bus na nakatalaga para sa kanila, tinulungan siya ni Sidwih na buhatin ang gamit niya kahit naman na kaya niya na.
Nakasalubong nila si Luxiel na may kasamang lalaki, akala ko si Fihm ang gusto nito pero parang nagkamali nga siya. Siya lang ata ang nag-isip no'n. "Goli, si Francis nga pala. Boyfriend ko, tagakabilang strand siya. Ang pogi niya 'no?"
"Hi. I'm Francis." Totoo nga at gwapo ito, hindi naman na siya nagdududa sa taste ng babaeng ito. Mahilig nga ata ito mag-explore. Nakipagkamay siya dito at nagpakilala ganoon din naman ang ginawa ni Sid. "Nice to meet you to both of you."
Tumango lang siya dito at nagpaalam na sasakay na sila sa bus, nakiusap ang Luxiel na sandali lang at magpapaalam siya sa boyfriend niya. Nagkiss pa talaga ito sa harapan namin, grabe. Ilang days pa lang sila pero may kissing scene na sila. But it's okay, lovelife naman niya ito.
"So, let's go. Sorry ah, kinikilig kase ako." Halata naman talaga na kinikilig siya, panay ang ngiti niya at bulong na ang sarap daw humalik ni Francis. Susuportahan niya nalang ang kaklase niya sa lovelife nito. "Ang tahimik niyo namang dalawa, naiinggit ba kayo? Woy! Huwag kayong ganaan, bigla tuloy akong nailang."
"Alam mo ang daldal mo na, sumakay ka na nga doon at tayo nalang ata ang kulang." Sumimangot ang gaga bago ito sumakay, sumunod naman na sila ni Sidwih. Sa bandang gitna na sila uupo ngayon dahil nga late silang umakyat, binilang sila ng teacher para siguraduhin kung may kulang pa pero sa awa naman ng Diyos ay kumpleto na sila kaya sinenyasan na ni Teacher Monique ang driver.
Payapa ang byahe nila ngayon dahil wala ng masyadong sasakyan ang nasa labas, iilan nalang din ang mga bukas na building. Inaantok man at pinilit niyang pagmasdan ang madilim na kalsada, kakaiba ang ibinibigay nitong pakiramdam sa kanya. "Ang daming bituwin."
"Alam mo kung may sakit lang ako sa puso baka kanina pa ako nahimatay." Nawiwili na ata ito na bigla-biglang nagsasalita, wala ba siyang hudyat para magsalita. Dinaan lang siya sa ngiti ni Sidwih kaya sinamaan niya ito ng tingin.
ANG ILAN ay nauna nang bumaba, at malapit na silang bumaba ni Sidwih actually kasama si Fihm pero hindi naman siya papansinin nito kaya bahala siya sa buhay niya. "Puregold."
Nagtaas sila ng kamay kaya inihinto ng driver sa tabi ang bus, nagpaalam sila sa teacher bago bumaba. Sinabihan pa silang mag-ingat, naunang naglakad paalis si Fihm kaya nagpaalam na din siya kay Sidwih. "Mauuna na ako, kitakits nalang sa monday."
"Itext mo ako kapag nakauwe ka na ah. Mag-iingat ka, mamahalin pa kita." Inabot nito sa akin ang bag at nagpasalamat naman ako.
"Siraulo ka....sige na at baka pagod ka na. Goodnight, Sid." Kumaway na siya dito, kumaway din sa kanya si Sidwih. At nang tumalikod na din ito ay naglakad na din siya paalis. Magkaiba kase sila ng way, bumuntong hininga siya ng mapagtantong hindi talaga siya inantay ni Fihm.
Mabagal ang paglakad na ginawa niya, iniisip niya ang mayroon sa kanilang dalawa ni Sidwih. Alam na nila ang nararamdaman nila sa isa't-isa pero wala pa silang pormal na pag-uusap tungkol sa mga nararamdaman nila. "Mukhang malalim ang iniisip mo, masyado atang nawiwili ka sa lalaking 'yon."
Nagulat siya ng may sumingit sa pag-iisip niya, si Fihm. Akala niya ay hindi siya isasabay nito at talagang kinakausap na siya ngayon nito.
"Fihm?"
"Oh parang nagulat kita, nasira ko ba ang pag-iisip mo?" Hindi siya sumagot, hindi dahil sa totoo ang sinasabe nito pero nakakagulat lang talaga na kinakausap na siya nito ngayon.
"Pipe ka ba?" Parang nainsulto siya sa pamamaraan ng pagtatanong nito, akala niya ata na magandang pakinggan ang tanong niya. Eh, narinig niya namang binanggit ko ang pangalan niya tapos tatanungin niya kung pipe ako.
"Kung wala kang sasabihin na matino mauuna na ako, nakakawala ka ng gana. Ang immature mo!" Nainis na talaga siya, mas okay na hindi siya kinakausap nito kaysa kung kausapin niya ako ay parang hindi kami magkaibigan. Ang nonsense niya ng kausap, nakakawalang gana.
"Sinong kayang immature sa ating dalawa?" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito, ngumisi siya dito bago lumapit. Hindi niya ako madadaan sa angas na pinagyayabang niya, puro yabang lang naman na ang nasa katawan niya.
"Ikaw. Alam mo kung bakit... kase sa tagal ng panahon na meron ka ay hindi mo nagawang makapag-isip ng tama, mas inuna mo 'yang ego mo na akala mo ay tinapakan ko. Mas pinili mo pang makipagbarkada sa mga kaklase natin para palitan 'yang pagkatao mo. Nakakaawa ka, wala ka ng pag-asa. Kalimutan mo nalang na naging kaibigan mo ako at kakalimutan ko na din ang lahat nang ala-alang mayroon tayo." Pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya patalikod. Tumulo din ang luha niya, pagod na siyang umasa na magiging okay pa silang dalawa.
"Malakas ang loob mong sabihin 'yan dahil may Sidwih ka na. Magsama kayong dalawa, mga tanga kayo!" Bahala ka sa gusto mong sabihin Fihm, pagod na akong intindihin 'yang pride mo. Masyadong mataas, mas sinira lang ng nararamdaman nito ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Sinalubong siya ng nanay niya, kinamusta siya nito at tinanong kung okay lang ba siya pero hindi siya sumagot. Ayaw niya munang may makausap kaya walang paalam niyang iniwanan ang nanay niya at pumasok sa kwarto.
Ibinato ko ang bag sa sahig at sinunton ang kama ng makalapit ako. "Buset, ang gago mong tao!" Inilabas niya ang sama ng loob sa pagsuntok sa kama niya. Nakaramdam siya ng kirot pero mas masakit ang nararamdaman niya ngayon, parang pinipiga ang puso niya. Gusto niyang maayos silang dalawa pero ito na ang nagbago at naglayo sa kanilang dalawa.
Mahirap man na mawalan ng kaibigan pero kakayanin niya, nasasaktan lang siya. Napapagod na siya at parang gusto nalang niyang mawala sa mundo, masyadong immature ang lalaking 'yon. Hindi ata naging mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan naming dalawa, bahala na siya sa buhay niya.
Ibinagsak niya ang sarili niya sa kama at tumingin sa kisame, may dalawang butiki siyang nakita. Naglalaro ang dalawang ito, napangiti nalang siya ng mapait na maalala ang tagpong nagkakilala silang dalawa ni Fihm.
Binubully kase siya noon dahil sa kapayatan niya, mabuti nalang ay to the rescue si Fihm sa kanya. Nakipag-away siya sa mga ito, para siyang isang isang superhero sa paningin ko noon kaya sa tagpong iyonn ay gumaan ang pakiramdam ko sa kanya at napag-alaman ko na ilang bahay lang ang layo nila sa bahay namin.
Simula ng araw na iyon ay naging magkaibigan kami, magkasama kami sa lahat ng bagay, naging magkakaklase pa kaming dalawa sa elementarya hanggang ngayong senior na sila.
Goal kase naming dalawa na magkasama kaming tatahakin ang mga pangarap namin na ngayon ay malabo ng mangyari. Nang dahil sa pagtingin nito sa akin ay nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa, nakakapanghinayang pero ito siguro ang nakatadahanang mangyari sa kanilang dalawa.
Ipipikit na niya sana ang mata niya ng may kumatok sa pinto niya, "Nak, lumabas ka muna dyan at may sasabihin ako sayo!" Hindi niya alam kung anong sasabihin nito sa kanya pero bigla siyang kinutuban na may hindi magandang nangyari.
Tumayo agad siya para buksan ang pinto, "Ano ang sasabihin mo ma?" Sa itsura palang ng nanay niya ay may hindi nga talaga magandang nangyari. "Ma, ano. Sumagot ka naman!"
"Ang kaibigan mong si Sidwih, dinala sa hospital."
"A-anong nangyari?" Kinakabahan siya sa maaaring isagot sa kanya ng nanay niya pero kailangan niyang sigaruduhin na hindi naman ito masyadong malala. Okay pa silang dalawa kanina eh, mas nauna pa nga itong maglakad pauwe kaysa sa kanya tapos malalaman niyang may ganitong nangyari.
"Bugbog sarado ang kaibigan mo, napagtripan daw ito sa kanto. May tumawag lang sa akin na pulis para sabihin ang nangyari."
"Saang hospital siya dinala?" Gusto niyang matignan ang lagay ng kaibigan niya, dapat pala dito ko muna siya pinatuloy sa bahay at bukas na uuwe, hindi sana ito mangyayari.
Tumakbo agad siya ng sabihin ng nanay niya kung saan hospital dinala si Sidwih. Pero mailap ang sasakyan sa kanya, lahat ng dumadaan ay puno na. Maski ang tricycle na makikita niya ay pauwe na at hindi na nagpapasakay. Ano ba itong nangyari sa kaibigan niya. Hindi pa makisama ang mga sasakyan na ito.
"Kung minamalas ka nga naman talaga oh!"
Dedicated to Potcheeeeee hi po, enjoy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro