Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C7: Retreat

ALAS TRES palang ay gising na siya, ayaw niya kasi na maiwanan ng bus lalo na ito ang unang beses ko na makakasama sa retreat kaya hindi ako pwedeng mahuli.

Mabuti nalang naihanda ko na ang mga dadalhin ko kagabi kaya hindi na ako magmamadali. Bumili rin siya ng mga snacks kahapon at inilagay lahat sa bag at nagdala ng mga extra things na kailangan.

Tatlong araw sila doon kaya hindi niya nakalimutan na bumili ng gamot. Isa na doon ang para sa sakit ng tiyan at lagnat.

Nakabihis na rin siya at handa ng umalis para pumunta sa school mamaya.

"Oh, anak. Isang libo, dumaan ka muna sa Jollibee at bumili ka ng makakain mo pa sa daan. Mag-iingat ka doon, ah. Itext mo ako lagi, huwag kang maglilikot doon." Si mama para naman na magtatagal ako sa Zambales, ilang araw lang naman kami doon pero parang ilang buwan siyang mawawala. At talaga naman na mag-iingat siya, ayaw niya naman na ipahamak ang sarili niya at marami pang nagmamahal sa kanya.

"Ikaw po ang mag-iingat dito, kumain ka on time. Huwag laging makitsismis sa kapitbahay. Hindi ka na bumabata kaya huwag na makisabay sa kanila. Okay po ba?" Napalo siya nito sa braso kaya natawa siya, akala niya siguro hindi ko siya mahuhuli na umagang-umaga ay nakikitsismis sa kapitbahay namin.

Pasaway talaga ang nanay niya pero mahal na mahal niya 'yan pati ang mga kapatid niya.

"Ikaw talagang bata ka, sige na umalis ka na at baka malate ka pa. Sayang ang bayad, walang refund pa naman." Humalik siya sa pisnge nito at binitbit na ang bag na dadalhin niya, dalawa lang naman na bag ang dala niya. Hindi naman talaga siya magtatagal doon pero kailangan niya ng mga extra na damit para kapag napawisan siya ay may ipapalit siya.

"Mag-iingat ka anak, I love you!"

"I love you din po, mauna na po ako at baka nag-aantay na sa akin si Sidwih." Si Sidwih ang kasabay ko ngayon kung noon ay si Fihm ang kasa-kasama ko sa lahat ng pupuntahan ko ngayon ay iba na. Patuloy pa din siyang iniiwasan ni Fihm at hindi na niya makita ang valid reason ng ginagawa nitong pag-iwas sa akin.

"Mag-ingat ka 'nak."

Kinawayan niya ang nanay bago naglakad na paalis, ilang kilometro lang ang nilakad niya bago marating ang puregold.

Natanaw niya si Sidwih na nakasandal sa may wall, may suot suot itong shade na akala mo ay mataas na ang araw. Nilapitan niya ito at tinapik.

"Kanina ka pa ba?"

"Hindi naman, let's go." Hindi niya maiwasa na pagkatitigan si Sidwih, perpekto ang tingin sa kanya ng ilan dahil sa kakisigan nito, may abs din ito sabi nang mga babaeng naririnig niyang may pagtingin kay Sidwih na hindi ko alam kung paano nila nalaman. Sobrang bango rin niya na akala mo isang artista.

"Iisipin ko talaga na may gusto ka sa akin the way you look at me." Bumalik siya sa reyalidad sa sinabi ni Sid, napaiwas siya ng tingin at agad na naglakad papunta sa sakayan.

Tinawag siya nito pero hindi siya lumingon, lagi nalang siyang nakakaramdam ng pagkailang kay Sidwih.

"Ang bilis mo namang maglakad. Sorry kung nailang ka sa akin."

"Bakit ka humihingi ng sorry sa akin hindi naman 'yon big deal." Totoo naman na nailang siya kanina pero mas mainam na ganoon ang sinabi niya para hindi na mag-isip ng kung ano si Sidwih.

"Sa sinabe ko nga."

"May sasakyan na." Pinara niya ang jeep at sumakay na sumunod naman sa kanya si Sid. Magkatabi silang dalawa kaya amoy na amoy niya ang pabango nito. May itinatanong din ito sa kanya pero hindi siya umimik.

Kapag sumasagi sa isipan niya ang sinabi nito ay nakakaramdam siya ng pagkakabahala.

Pagkabahala sa maaaring mangyari, lalo na sa mundo nilang puno ng panghuhusga. Lahat ng magiging aksyon nila ay maaaring maging dahilan para husgahan sila.

"Hanggang ngayon ba naman ay tahimik ka, ayaw mo na ba akong maging kaibigan?" Naramdaman niya ang pagtatampo sa tono ng pananalita nito. Tinignan niya ito na hindi niya nalang sana ginawa. Malungkot ang expression nito kaya hindi ko na ulit siya nilingon.

"Wala naman kasi akong isasagot kaya mas mainam na tumahimik nalang ako, saka huwag ka magdrama dyan mukha ka lang artista pero hindi ka bagay sayo ang umarte." Idinaan niya nalang ito sa biro, totoo naman na wala siyang masagot sa mga sinasabi ni Sidwih. Pakiramdam niya kasi na laging may laman ang sinasabi nito, lalo na ang ipinapakita niya sa akin.

"Ang bad mo sa part na 'yan. Don't judge a book by it's cover." Stop me, nag-english pa talaga siya. Alam naman niya 'yon kaya nga biro lang para sa kanya ang sinabi.

Para hindi na ito mag-emote ay humarap siya dito at tinanong nalang ito sa mga bagay-bagay.

Sa pamamaraan nito sa pagsagot makikita mong magaling siyang sumagot at depensehan ang sarili niya o ang ibang bagay. Pwede siyang maging prosecutor kung gugustuhin nito.

"Manong dyan nalang sa may tabi." Sinabihan niya ang driver na ihinto na at muntik pa silang lumampas,  ito kasi si Sidwih ay panay ang daldal sa kanya.

Siniko ko nga ito bago bumaba, nagkamaktol pa ito na keyso bakit ko raw siya siniko kung pwede naman na yayain ko siya ng maayos.

"Umayos ka nga, gwapo ka pero para ka namang bata." Inirapan ko nga siya, para kasing batang nagmamaktol.

"Wait, repeat it again."

"Walang ulitan sa taong bingi." At hindi naman siya tinigilan ni Sidwih mas lalo lang siyang kinulit nito kahit na nasa tabi na sila ng mga kaklase nila. Pasaway talaga ang isang ito, pisilin ba naman ang pisnge ng pwetan niya sa harapan ng mga kaklase nila. Tinukso tuloy silang dalawa.

"Baka may gusto kayong sabihin sa amin na dalawa?" Pagsingit ni Luxiel sa tuksuhan, sinamaan niya ito ng tingin dahil sa tanong nito. Parang siraulo, tama bang itanong niya 'yon.

Inakbayan siya ni Sidwih kaya sinamaan niya ito ng tingin, "He's my special friend. At kung may napapansin man kayong kakaiba, sarilihin niyo nalang kasi malay niyo magkatotoo 'yan." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi nito, paanong magkakatotoo pinaglalaruan niya ba ako?

"So, may chance talaga na maging kayo. Waah! Support ako sa inyo kaya kayo suportahan niyo rin sila." Napaiwas nalang ako ng tingin sa ginawa ni Luxiel, para kasi itong bata na pinapangaralan ang kanyang mga kalaro rero kahit ganoon alam mo talaga na may mga tao talagang hindi tanggap ang ganitong set-up.

"Hindi pwede sa mundo natin ang ganaang relasyon, ang lalaki ay sa babae lang." Pagsingit ni Joel na masamang nakatingin sa amin. Totoo naman ang sinabi nito na kahit ganoon ang sitwasyon nasa dalawang tao pa rin kung paano nila hahawakan ng maayos ang ganoong relasyon. Oo at hindi nga pwede pero kung wala namang natatapakang ibang tao, why not.

Imbes na sagutin si Joel ay hinayaan niya nalang kasi wala namang mangyayari kung aapila pa siya sa pananaw nito.

Dumating na ang bus number na sasakyan nila kaya nang huminto ang bus ay naglakad na sila papunta dito.

Ang babae ay nasa kanan at lalaki sa kaliwa. Sa may bandang bintana ako naupo at katabi ko si Sidwih.

Napansin nito ang pagiging tahimik ko pero sinabihan ko nalang siya na huwag nalang muna akong pansinin.

Nang makumpleto na kaming lahat ay may umakyat na teacher na in charged sa section namin. At bago umalis ang bus ay naglead muna ng prayer ang teacher.

Taimtim kaming nagdasal para sa kaligtasan naming lahat, mabuti nalang may ganito upang may guidance sila sa itaas.

Sabay-sabay naman kaming nagsambit ng, "Amen."

Umandar na ang bus at lahat sila ay may kanya-kanyang ginawa para hindi mabored sa byahe. Music lang ang naging way niya para maibsan ang katahimikan.

Mga ganitong oras ay tulog pa siya, tumingin nalang siya sa bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan nila.

Wala namang espesyal sa bandang nadadaanan nila kaya ipinikit nalang niya ang kanyang mata, laking pasalamat nalang niya talaga na hindi siya ginulo ni Sidwih.

"MUKHANG naging mahimbing ang pagtulog mo. Masyado ka atang na-excite  na makatabi ako." Kung kanina ay payapa siyang natutulog ngayon ay naiirita na siya, mukha ba siyang excited na makasama siya. Stop him, isipin nalang niya ang gusto niyang isipin. Paano ba niya naging crush 'to, literal na may pagkapilyo.

"Alam mo kapag ako nainis, nanununtok lang naman ako. Gusto mo masampulan?"

Itinaas naman ni Sidwih ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Iniwas nalang niya ang tingin dito kasi hindi niya kayang tignan ang ginagawa nitong pagpapacute.

Gusto niya tuloy isabit ito sa bag para maging keychain.

"Makulimlim ang langit. Mukhang uulan, wala pa naman akong dalang payong."

Tinignan ko ang langit, tama si Sidwih. Mukhang nagbabadya na umulan ngayon kaya pala kahit 6AM na ay madilim pa ang kalangitan.

"Sabi ni mommy, ang ulan ay parang damdamin ng isang tao na kapag napuno magdidilim ang kalangitan at ilalabas nito ang lahat ng nararamdaman niya." Tinignan ko si Sidwih, seryoso itong nakatingin sa labas. Hindi ko alam kung anong pinanghuhugutan niya pero ang gwapo niya sa anggulo na stolen.

"May hangganan din kasi ang nararamdaman ng isang tao lalo na kung pagkagalit ang nasa puso nito." Marami siyang kilala na ganyang tao, magaling silang magtago ng totoo nilang nararamdaman. Kinikimkim nila ang kirot na nangyayari sa buhay nila pero kapag may nag-udyok na sumabog ay talaga na sasabog lahat. Ganoon ang tao, ang mga bagay sa mundo lahat ay may hangganan.

"May nagugustuhan ka na ba?" Nagulat ako sa naging tanong ni Sid, hanggang kailan ba siya gugulatin ng gwapong nilalang na 'to. Sandali, hindi niya pwedeng malaman na siya ang taong nagugustuhan ko. At baka mas lalong lumaki ang ulo nito o may malaking posibilidad na iwasan niya ako.

"Bakit mo naman 'yan natanong?"

Bigla-bigla nalang kasi siya nagpapalit ng topic, hindi pa nga tapos ang pinag-usapan nila ay may bago nanaman.

"Ako kase may nagugustuhan, gusto ko siyang angkinin pero masyadong mailap ang tadhana." Kailangan ba talagang sabihin niya ito sa kanya, alam naman niya na wala siyang pag-asa dito at may iba itong nagugustuhan. Hindi niya nga lang kilala pero base sa expression ng mukha niya ay gustong-gusto niya talaga ang tinutukoy nito.

"Umamin na ako sa kanya noon kaso mukhang wala ata siyang balak na sabihin sa akin ng maayos ang nararamdaman niya sa akin." Bakas ang lungkot sa tinig nito, ang tanga naman ng babaeng 'yon para balewalain ang pag-ibig nitong gwapong katabi niya.

Kung siya lang talaga ay baka iniuwe niya na ito sa bahay nila at ipinakilala sa nanay niya kaso malabong mangyari 'yon.

"Hindi mo ba naaalala yung nangyari nung pumunta tayo sa bar?" Kumunot noo ko sa tanong ni Sidwih, inaalala ko ang nangyari nung gabi na 'yon pero wala talaga akong maalala.

"Aside sa nag-inom tayo ay wala na. Bakit, nakita mo ba yung babae na tinutukoy mo?"

Sayang naman pala na hindi niya nakita ang babae, sana nakita niya kung maganda ba ito dahil mukhang gustong-gusto siyang maging kasintahan ni Sidwih.

"Siguro." Ang tipid naman niya sumagot.

"Hindi mo sure?" Umiling ito, ang gulo naman niya. Hinayaan niya nalang ito at muling ikinabit ang earphone sa taenga niya.

"Huwag ka munang magsasalita, isipin mo muna 'yong sinasabe mo." Paalala ko sa kanya para makapag-isip siya.

Ginulo nito ang buhok ko, siniko ko tuloy siya bago ayusin ang buhok ko. Bigla nalang din bumuhos ang ulan, gusto niya tuloy maligo at bumalik sa pagkabata pero imposible nang mangyari 'yon dahil malaki na siya at lumalandi na.

Nainis siya ng biglang tanggalin ni Sidwih ang earphone niya, "Wala ka ba talagang naaalala, hindi mo naalala yung halik?" Inagaw ko ang earphone at muling inilagay sa taenga, bakit kailangan pa niyang ipaalala ang halik na 'yon. Ang halik at ang mga sinabi nito sa loob ng bar ay natatandaan niya hindi niya lang sinasabi dito dahil ayaw niyang maging katawa-katawa sa harapan nito.

Naisip niya kasi na normal lang iyon sa magkaibigan, lalo na kung super close kayo. Walang meaning 'yon. Nakakainis.

Sandali, may naaalala pa siya. Naalala niya bigla ang lahat ng nangyari, akala niya ay wala ng nangyari bukod doon pero yung umamin ako sa kanya, lahat ng iyon ay naaalala ko na ngayon.

Kung ganoon ay totoo talaga 'yon, akala ko ay nanaginip lang ako ng gabing 'yon. Siguro kaya ganito nalang kung kumilos si Sidwih kaso totoo ang sinasabi nito at ibig sabihin siya ang tinutukoy nitong gusto niya ay mali mahal na siya nito.

Gusto niya tuloy lumubog ngayon sa ala-alang iyon, buwiset na alak. Naiilang tuloy siya ngayon na harapin ito.

Pero infairness, malambot ang labi ni Sidwih.

Kinalabit siya ni Sidwih kaya nagkunwari siyang tulog, muli nanaman itong kumalabit hanggang sa naramdaman niyang tinanggal nito ang earphone niya, "Malapit na daw tayo, huwag ka ng magtulog-tulugan."

Umayos ako ng upo at hinarap siya, "Kailangan ba talagang bumulong ka sa taenga ko."

"Saan mo ba gusto dyan sa labi mo?" Umakto ako na susuntukin siya kaya itinaas nanaman nito ang kamay niya.

"Chill ka lang kasi, Goli." Nawawala na sa katinuan ang lalaking ito. Nababaliw na talaga ang kumag.

Kailangan niya na kumalma lalo na't sumasagi sa isipan niya ang halik ng loko-lokong ito.

Sa kabilang banda ay kinikilig siya, malandi nga siya kaso kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya kahit na umamin na din ako sa kanya ng gabing 'yon.

Ang alak talaga ay walang magandang dulot, papasakitin lang nito ang ulo mo sa isang iglap.

"We're here na." Anunsyo ng teacher kaya tumingin ako sa salamin at nakita ang paligid, sobrang ganda dito dahil sa mga puno. May bundok din na matatanaw dito, huminto sila ng makapasok sa loob. Nang bumaba sila ay tanaw na niya ng malapitan ang bundok.

Payapa ang lugar dito. "Pumila kayo sa may gilid para iabot sa inyo ang room number niyo. Hiwalay ang girls sa boys kaya pumila na kayo ng maayos."

Sumunod naman sila at maya-maya ay inabutan na sila ng number, number 7 siya. At nang tingnan niya si Sidwih ay nakangiwi ito. Expected niya na hindi niya ito kasama sa room. Random kase ang mga kasama sa kwarto, iba't-ibang strand.

"Ang pangit ng itsura mo."

"Number mo?" Tanong nito sa akin at hindi inintindi ang panlalait ko sa kanya. "Seven ako, mukhang hindi tayo magkasama. Gusto pa man din kitang makasama."

"Seryoso, pati ba naman sa room ay kasama pa din kita, seven din ako baby." Ang kaninang malungkot na mukha nito ay napalitan ng saya, huwag nga siyang ngumiti diyan at baka ako na ang manghalik sa kanya. Manahimik ka nga dyan malanding Goli.

Wait. Tinawag niya akong baby, tatanungin ko pa sana ito kaso nagsalita na yung babae.

"Pumunta na kayo sa mga room niyo at mamaya ay may seminar mamaya."

Pagkapasok nila sa room na nakatalaga sa kanila ay may mga students na at ang space nalang na bakante ay sa malapit sa pinto. Triple deck ang hihigaan nila, yari  ito sa bakal at dikit-dikit ang deck.

"Ilagay mo na gamit mo dito." Tinignan niya si Sidwih na inaayos na ang gamit niya, lumapit siya dito at inilagay na din ang gamit.

"Hindi ka sanay sa ganitong set-up?"

Tumango siya dahil never siyang natulog na maraming kasama. Kakaiba ito sa pakiramdam niya ngayon pero wala siyang choice kundi ang makisama sa kasama nila lalo na si Sidwih ay alam niyang naiilang pero mukhang ineenjoy niya nalang.

SA UNANG araw nila sa Zambales ay nagkaroon ng palaro, hinati kami sa tatlong grupo at magkasama ulit kami ni Sidwih at sa kabilang kupunan ay sina Fihm na makakalaban namin.

Tagisan sa talino ang laro namin at ang ta nito ay tungkol sa history ng Zambales, nakakasagot ang mga kasama ko at nakasagot kami ni Sidwih tig tatlo kaya kami ang nanalo.

Pagkatapos ng laro ay lumipat naman kami ni Sidwih sa may Bible study, isang oras ang itinagal noon at tahimik lang kami ni Sidwih na nakikinig. Ang panghuli namin ay kumain, sa pagkuha nang pagkain ay organisado rin.

Nakapila kami ni Sidwih.

Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Fihm pero umiwas ako at pumasok na sa may gate kung saan kukuha ng pagkain.

Nakakuha na ako pero inantay ko muna si Sidwih bago kami maupo. Sa may bandang unahan kami naupo at nagdasal muna bago kumain. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa matapos.

Tumayo kami at binitbit ang pinagkainan para ibalik sa nangangasiwa sa amin.

"Punta tayo sa may field para magsnack. Gusto mo ba?"

Ikaw ang gusto ko.

"Sige ba."

Pagkalabas namin sa gate ay bumalik na kami sa room namin at kumuha kami snacks at pumunta na sa field.

Isang oras kami nagtagal do'n at pinagmasdan ang mga puno maski ang bundok bago napagdesisyunan na bumalik na sa kwarto.

"Alam mo ba masaya ako na nakilala kita, Goli." Nilingon niya si Sidwih, nakatingin ito sa kanya at seryoso ang mukha nito.

"Ako rin naman ay masaya na nakilala ka."

Kung hindi siguro ito lumipat sa southern hindi sila magkakakilala. Blessing in disguise na rin kung titignan.

"Thank you."

"For what?"

"Everything."

Thankful din ako sa kanya. Ang swerte ko na may isang Sidwih ako na nakilala. Akala ko talaga dati si Fihm lang ang magiging kaibigan ko pero ngayon nakilala ko si Sidwih pati si Luxiel.  Masaya ako para sa sarili ko.

"Thank you din."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro