C5: Sidwih
ILANG araw na ang lumipas pero mas lalo lang siyang hindi kinausap ni Fihm. Paulit-ulit niyang sinubukan na kausapin ito pero nabigo lamang siya.
"You okay?"
Si Sidwih.
Sa ilang araw na hindi niya nakakausap si Fihm at siya naman na mas nakilala niya si Sidwih naging close sila sa isa't-isa. Nahiya nga siya dito lalo nang madulas siya noong nasa clinic sila. Hindi ko naman sinadya na isatinig ang nasa isip ko.
"Oo. Okay lang naman ako, ikaw ang aga mo na ata pumapasok ngayon." Umupo si Sidwih sa tabi niya at bahagya pa siyang nagulat na akbayan siya nito. Gusto kong alisin ang pagkakaakbay niya sa akin at baka kung ano isipin ng ibang tao sa amin pero hinayaan ko nalang kasi bukod sa gusto niya rin ay wala naman siyang nakikitang mali. Normal lang naman siguro sa magkaibigan na akbayan ka pero mas lalo lang lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya.
Sisipain niya talaga si Sidwih kapag hindi siya sinalo nito. I'm kidding, I know naman na he's straight.
"Alam ko kase na maaga kang pumapasok kaya maaga din akong napasok para may kasama ka." Kakaiba din naman pala ang isang 'to. May ganoon pa siyang nalalaman, hindi nalang nito sabihin na may gusto siya sa akin para naman sagutin ko na siya, papayag naman ako na ligawan niya.
Tss. Stop it, Goli.
"Hindi ko naman kailangan ng may kasama saka nasa loob naman ako ng school at saka baka nakakalimutan mo na lalaki din ako kaya kong depensahan ang sarili ko." Totoo naman kasi na kaya ko ang sarili ko. Hindi na tulad noon na pumapayag na mabully, kaya ko na protektahan ang sarili ko sa mga immatured people.
"Prinsesa nga kita."
"May sinasabi ka ba?" Hindi ko narinig ang sinabe niya, pero imbes na sagutin siya nito ay inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at biglang tumayo saka ako iniwan at tumakbo na siya paalis. Anong problema ng isang 'yon?
"Bumalik ka dito, Sidwih." Akala ko pa naman ay sasamahan niya ako dito pero iniwanan din ako parang siraulo lang.
Napabuntong hininga ako. Umalis na nga talaga si Sidwih kaya tumayo na rin ako at sumunod na din sa kabilang building andito kasi ako sa may labas ng main building nakaupo. Pagkaakyat pa lang siya na makasalubong niya ang morning class na nag-uuwian na.
Nasa hagdan na siya ng makasalubong niya si Fihm, maaga din pala siyang pumasok. Binati niya ito pero parang bula lang siya na nilampasan ni Fihm. What's wrong with him, hindi pa ba niya tanggap.
Bahala nga siya sa buhay niya. Nagpatuloy na ako sa pag-akyat ng salubungin siya ni Sidwih na nakangiti.
"Akala ko hindi ka pa aakyat. Halika muna sa canteen, ililibre kita. Ano gusto mo?" Ikaw ang gusto ko. Syempre sa isip ko lang sinabe 'yon, hindi naman pwedeng isatinig niya at baka masuntok siya bigla ni Sidwih. Lalaking-lalaki pa naman ito at malaki ang pangangatawan, halatang alaga sa gym.
Nasa maliit na canteen na sila kaya tinanong na siya nito kung ano ang gusto niya kaya pinagmasdan niya ang available snacks.
"Kahit itong piattos, nova, kirei, cloud nine, fudgebar, at itong lasagna. Thank you." Tinuro niya lahat ng gusto niya pero ng lingunin niya si Sidwih ay nakakunot ang noo nito. Akala ko ba ililibre niya ako pero mukhang ayaw niya naman.
"Anong itsura 'yan?"
"Hindi ka naman siguro gutom 'no?" Alam niya na sa tono ng pananalita ni Sidwih ay nagulat ito sa mga bibilhin pero kasalanan niya naman siya nag-insist na ililibre ako.
"May dragon ka ba sa tiyan?" Inirapan ko nga siya, mukha bang magkakasya yung dragon sa tiyan ko. He's crazy.
"Kung magrereklamo ka sa gusto kong kainin, mas mabuti na iba nalang ilibre mo." Umiling lang si Sidwih kaya iniwan na niya ito at naupo sa bakanteng upuan, nakaramdam din siya ng inis sa mga co-student na nakatingin kay Sidwih.
Sarap pagduduklitin ang mga mata at ilagay sa bibig nila nang hindi na sila makatingin sa kaibigan ko, kaibigan nga ba talaga? Yes, I admit. He's my crush baka nga hindi na lang 'yon ang nararamdaman ko for him.
Maya-maya ay nilapitan na siya ni Sidwih, bitbit ang mga pinili niya. Ibibili din naman pala siya ang dami pang sinasabi.
Tinanggap niya ito at inilagay sa bag niya, except sa lasagna na nakalagay sa box. Nagpasalamat siya dito at ngumiti lang naman si Sidwih. Ang hilig niyang ngumiti, hindi naman siguro siya endorser ng mga sikat na brand na pampaputi ng ngipin.
"Wala na atang student sa room. Tara na!" Ang bossy talaga niya ilang beses niya ng ginagawa sa akin 'yan. Hindi lang pala sa kanya, sa lahat ng makakasalamuha niya.
Tumayo nalang siya at sumunod na dito bitbit ang box ng lasagna. Humarap siya sa akin na nakakunot ang noo siguro nababagalan siya paglalakad ko.
"Ang laki laki naman ng katawan mo pero ang bagal mo maglakad, natatae ka ba?"
"Manahimik ka nga, kapag ako nainis sa'yo hindi kita sasamahan mamaya sa bar. Sige lang, malapit na akong mainis sa'yo." Nilampasan niya na si Sidwih na nakatigil pa rin ngayon sa gilid, pagkapasok niya sa room ay padabog siyang naupo sa pwesto niya.
Maya maya ay naupo na rin si Sidwih sa tabi niya pero hindi niya nilingon, tinatawag nito ang pangalan niya pero hindiya umiimik. May nalalaman pa itong pagsundot sa tagiliran niya na hindi naman effective kaya kinuha ko sa bag ko ang earphone at inilagay sa taenga ko para hindi siya marinig pero nagulat ng haklasin niya ang earphone sa taenga ko at pinihit paharap sa kanya, naamoy ko tuloy ang mabango niyang hininga pati ang pabango nitong expensive na humahalo sa pawis niya.
"Umayos ka nga nasa classroom tayo, baka isipin nila nilalandi mo ako."
"I don't care."
"What?"
Binitawan siya ni Sidwih at nang tignan niya ang paligid ay napadako ang niya kay Fihm na walang emosyong nakatingin sa kanila. Ayaw mo ako pansinin, pwes mamatay ka sa selos mo.
"Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko pero gusto ko na humingi ng pasensya. Okay na tayo kaya sasamahan mo na ako mamaya."
Hindi niya ako pinapansin tapos ngayon titingin-tingin siya, mamansin muna siya bago tumingin sa akin pero aaminin niya na namimiss niya talaga si Fihm. Tatlong linggo na siya nitong iniiwasan, wala ba si Fihm na balak na kausapin ako o pansinin man lang kahit pagtango. Hindi naman ako demanding.
"Goli, andyan ka pa ba?"
"Ah lalaking masarap!" Nagulat ako ng may bumulong sa taenga ko kaya ng makilala ko kung sino ay sinamaan ko siya tingin pagkatapos ay tumingin sa paligid at nakita na nasa amin ang atensyon ng mga kaklase namin at may mapang-asar na tinginan. Iniwas niya ang tingin sa mga ito at humarap kay Sidwih na patawa-tawa ngayon kaya siniko niya ito na ikinatigil ng pagtawa niya.
"Ang kulit mo kase, loko-loko ka."
"May sinasabi kasi ako sa'yo pero hindi ka nakikinig, sino ba kase iniisip mo?" Usisero na pala siya ngayon, paano kung sabihin niyang siya ang iniisip ko. Maniniwala ba siya, lol. Straight ang loko saka hindi naman nito alam na bading siya.
"Siguro ako 'yan, masarap ako hindi ba?"
"Wengya, mandiri ka sa sinasabe mo. Oo mas gwapo ka kaysa sa akin pero mas masarap naman ako sa'yo." Sasagot pa sana ito pero dumating na ang teacher nila, may ilang quaries lang itong sinabe about sa darating na retreat. Sa Zambales sila pupunta at naexcite naman siya kase two to three days sila sa may Zambales.
"Mukhang may excited ata na isang tao sa retreat, first time mo?" Halata ba na first time ko. Yes. Actually, ito ang unang beses na makakasama siya sa mga ganitong activities. Lagi kasi siyang hindi nakakasama kaya this time na nasa tamang edad na siya ay makakasama na rin siya at magpapakasaya.
"Parehas tayo."
Nilingon niya si Sidwih, seriously?
Hindi pa din siya nakakaranas na mag-retreat.
Tinanong ko siya kung bakit pero ang sagot niya lang sa akin ay 'Secret, no clues.' Palihim naman niya itong siniko at baka mapagalitan pa sila ng teacher. Nasa unahan pa man din silang dalawa.
NAGKITA kaming dalawa sa may puregold. Dito kasi ang napili ko na pag-aantayan sa kanya, gusto pa nga ni Sidwih na siya nalang ang pumunta sa bahay para sunduin ako pero baka mag-usisa lang si nanay at hindi pa payagan.
Ang paalam pa naman niya sa nanay niya na pupunta siya sa birthday at uuwe din agad pero kabaliktaran kasi sa bar talaga ang sadya nilang dalawa ni Sidwih at walang specific na oras para umuwe.
"Kanina ka pa ba? Sorry, si mommy kase masyadong mausisa, so let's go."
"Hindi naman, kakarating ko lang din." Sumunod na siya dito at amoy na amoy niya ang pabango na palaging ginagamit ni Sidiwh talagang lalaking - lalaki ang datingan nito.
"Hindi ka naman siguro naligo ng pabango 'no?" Tanong ko sa kanya.
"Masyado bang mabango?" Shit, hindi agad siya nakasagot dahil sa sobrang lapit nito sa kanya. Pwede naman na may distansya bakit sobrang lapit bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang sa kaibigan.
Lumayo ito sa kanya, "para ka nanaman nakakita ng multo."
Kung hindi ka ba naman lumingon ng sobrang lapit hindi magiging ganito ang reaksyon ko.
"Sorry, hindi naman masyado." Simula no'n ay tumahimik na siya, maski ng makasakay sila ay hindi siya nagsalita. Kailangan niyang pigilan ang nararamdaman na itinatago niya para kay Sidwih. Ayaw niyang mabuko na may gusto siya dito, kahit naman siguro na hindi siya tanungin ni Sidwih ay alam na nito na walang malisya ito sa kanya.
Hindi naman masyadong malayo ang pinuntahan nilang bar, sa paningin niya ay mini bar lang ito at parang kakabukas lang.
"Let's go, tayo ang bibinyag sa lugar na ito. Enjoy and have fun, Goli." Nginitian ko lang siya at mukhang napansin naman nito ang pananahimik ko.
"Don't be quite, Goli. Hindi ako sanay, mas gusto ko ang pasaway na ikaw." Anong gagawin niya, naiilang nga ako sayo. Paano ako magiging normal kung ang puso ko ay hindi normal ang pagtibok lalo na sa presensya mo palang ay hulog na hulog na ako.
Ikinalma ko ang sarili ko.
"Sure." Pumasok na sila sa loob at may ilang kababaihan ang nakatingin kay Sidwih, tignan mo nga paano siya magiging okay kung maski ang mga haliparot na babae ay wagas kung makatingin kay Sidwih na parang hinuhubaran na ito.
"Sa bandang dulo tayo, masyadong maingay dito sa unahan." I suggest, it's my first time in this kind of place. Malakas ang ingay sa speaker at yung lightning ay paiba-iba at hindi ako sanay do'n, but I compose myself. I'm here to enjoy at hindi para maging killjoy.
"Hey, it's okay. Ganito lang talaga sa mga ganitong lugar, halika na." Hinila niya ako sa masyadong crowded, gusto niya tuloy takpan ang taenga niya sa lakas ng music.
Hindi talaga ako sanay.
"Wait me here." Paalam ni Sidwih.
Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang mga tao na nandito, may mga babae na nakatingin sa kanya na para siyang inaakit, normal ba 'yon dito? Parang gusto niya nalang umuwi.
"I'm back, dadalhin na nila dito ang orders natin. Light lang ang kinuha ko para sa'yo." Wala siyang masyadong naintindihan sa sinabe ni Sidwih kaya pinaulit niya ulit pero hindi niya talaga marinig hanggang sa tumayo siya at lumapit dito para marinig ng maayos pero nagulat siya sa ginawa nito.
Hinalikan niya ako.
Napatingin ako sa paligid pero lahat ay abala sa ginagawa nila, hinawakan niya ang pisnge na hinalikan ni Sidwih. Tinignan niya ito, nagtatanong ang mga mata niya pero parang wala lang dito ang ginawa niya sa akin.
"Mag-eenjoy tayong dalawa ngayon, thank you kasi sinamahan mo ako."
Wala na siyang plano na ipaulit dito ang sinabi ni Sidwih at baka mamaya ay ulitin nanaman nito ang paghalik sa kanya. Kahit sa pisnge 'yon ay nakakabigla pa rin, mas lalo lang talaga siyang naiilang dito bigla-bigla nalang ba kasi nanghahalik.
Pwede naman magpaalam, papayag naman ako. Nawala siya sa pag-iisip ng dumating ang order nila, nakatingin siya sa may waiter. Ang gwapo nito, matangos ang ilong at makapal ang kilay.
"Don't look at him, Goli. Just focus on me!"
Wait. Sandali anong ibig niyang sabihin parang gusto niya nalang na lamunin siya ng lupa dahil sa pinagsasabi ng lalaking ito. Ano ba ang nakain niya at parang naging kakaiba siya ngayon.
"From now on, don't look any guy except me."
Gusto ko nalang magpalamon sa lupa ngayon sakto pa na humina ang music kaya rinig na rinig niya ang pinagsasabi ni Sidwih. Bakit kasi humina pa ang music, gusto na niya ang malakas, lakasan mo pa para hindi ko marinig ang pinagsasabi nitong si Sidwih.
"Aray naman!"
Sipain ba naman nito ang paa niya, hindi naman literal na sipa pero yung sipang nagpapapansin. Humingi naman ito ng sorry pero sinamaan niya ito ng tingin na ikinangiti namam ng loko. Inalis niya ang tingin dito at kumuha ng isang bote at binuksan at tumungga agad siya.
"Tigil-tigilan mo 'yang mga titig mo, Sid. Nakakabanas talaga siya."
May sinasabi ito pero hindi na niya pinansin at inintindi. Tuloy-tuloy lang siya sa paglagok ng alak at aaminin niyang tinatamaan na siya, paano ba naman nakaapat na siya agad. Inaawat na siya ni Sidwih na magdahan-dahan pero gusto niya pa mag-inom at bahala siya dyan, kung hindi niya ako hinalikan sa pisnge ay hindi ako magkakaganito.
"Woah, let's drink everybody," sigaw niya.
Tumayo siya at naglakad sa gitna, nagtalon-talon siya habang sumisigaw, nagsilapitan din ang iba kaya umindak-indak pa siya.
"Yo! Yow! Woooooah, bring it on guys!"
Isang kamay ang pumigil sa kanya sa ginagawa kaya nang makilala ito ay inagaw niya ang kamay.
"You. Fuck you, you fucking asshole."
"Please, stop. Lasing ka na. Iuuwe na kita."
Lasing daw siya, ito talagang lalaking ito masyado siyang pinapatawa. Apat palang naman ang naiinom niya at saka strong siya, at strong talaga ako.
Niyaya niya ako para mag-enjoy tapos ngayon iuuwe na niya agad ako.
"Have fun, guys! Woah!" Tinulak ko si Sid para hayaan siya nitong magsaya ngayon, first time niya lang ito at nalaman niya na sobrang saya dito at parang gusto na niyang tumira dito.
"Kick it, you kick it." Pagkanta ko sa music na pinapatugtog.
"Let's go, Goli." Nagpumiglas siya ng hilahin siya ni Sidwih palabas ng bar, iniharap niya ako sa kanya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Uuwe na tayo, umayos ka."
"Fuck you ka, bigla-bigla ka nalang kasi nanghahalik." Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa akin at dinuro-duro ito. "Sinabe ko bang halikan mo ako, hindi naman diba kaya bakit ka nanghahalik? Boyfriend ba kita, hindi naman diba, so please huwag kang masyado ganiyan kasi mas lalo akong nahuhulog sa'yo"
"Pinipigilan ko naman ang sarili ko na mahulog sa'yo kasi hindi tama pero bakit ka ganyan, masyado kang pafall. Fuck you ka!"
"Oh ano, speechless ka ngayon. Oo tama ang dinig mo, gusto kita ay mali mahal na kita. Ang gago mo kase pafall ka. Nakakainis ka." Gusto niyang ilabas ang saloobin niya ngayon, ang nararamdaman niya. Okay lang sana kung hindi siya aasa pero anak ng pusit na itim ang tinta, ayaw niyang masaktan at umasa.
"Mahal din kita." Labing dalawang letra, tatlong salita ang nagpatigil sa kanya, tama ba ang narinig niya o lasing talaga siya kaya kung ano-ano na ang naririnig niya.
"Don't stop loving me, Goli. Stay in love with me."
"See, you love me? Sinong niloko mo, isang straight guy pero nagkagusto sa isang tulad ko. Anong kalokohan 'yon, pinagtritripan mo ba ako? Sabihin mo lang para masuntok na kita ngayon."
"I like you, I want you. I love you, Goli. Believe me, totoo ito. Hindi ako nagloloko o niloloko ka. Please, believe me." Gusto niyang maniwala pero mas nangunguna ang katotohanan na imposibleng mangyari 'yon. Lalaking-lalaki siya, siya ay malamya.
Sobran malabo talaga.
"Don't say that, don't sa-" Nanlaki ang mata niya ng halikan siya nito, sa labi. Hindi siya nakakilos, gusto niyang itulak ito pero ayaw ng katawan niya. Ang first kiss niya, shit. Nakahinga lang siya ng maluwag ng bumitiw ito. "I love you."
Napasinghap ako, "fuck you."
Dedicated ito para sa founder ng #antiluxielunite
chixmozzarella ito na miss demanding, enjoy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro