Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C4: Mood

Dedicated to: yisheya ohaaa, dito ka ngayon.

Gusto ko man na pumasok ngayon ay hindi maaari, hindi kasi maganda ang pakiramdam ko at lalo na sa pag-iwas ni Fihm sa akin.

Ilang days na ang lumipas ng pag-uusap na 'yon pero parang sariwa pa rin sa akin ang nangyari kapag nakikita ko si Fihm, kahit anong attempt ko na kausapin siya ay hindi niya ako pinapansin at patuloy na umiiwas siya sa akin.

Nagtataka na nga pati sila mama kung bakit hindi napunta sa bahay si Fihm kaya gumagawa nalang ako ng rason na may inaasikaso ito o iba pa na pwedeng palusot para hindi na sila mag-usisa.

Hindi naman na niya kailangang sabihin sa mga ito kase sooner or later ay magiging okay din kami. Sana.

"Uminom ka na ng gamot nak." Nilingon ko si mama na nakatayo sa may pintuan.

"Hindi pa ako nakain, nay."

"Aba, kumain ka na. Dalian mo para lumakas ka na at makapasok ka na ulit sa school." Tumango  siya sa nanay niya sa sinabi nito, pero wala talaga siyang lakas para kumain ngayon. Gusto niya lang na matulog ng matulog hanggang sa maging maginhawa ang pakiramdam niya.

Sa buong araw ay wala akong ginawa kundi ang matulog at magpaikot-ikot sa may kama. Naupo ako sa may kama at napahilamos ng mukha.

Nasa ganoon akong sitwasyon na may matanggap akong text messages mula sa unknown number. At nang buksan ko ay napangiwi ako na mula kay Sidwih ang message, paano niya nalaman ang number ko, never naman nitong hiningi sa akin.

Lalo na kahapon ay may ginawa sila kaso bigla din agad nagpaalam na umuwe, may importanteng bagay siguro siyang kailangan gawain sa kanila. Mabait din na anak siguro si Sidwih kaya umuuwe agad ito ng maaga.

"Siguro naman kakain kana ngayon, nak?"  Nagulat ako na biglang sumilip si mama sa pinto para tanungin ako kung kakain na nga ako.

Pinatay ko ang cellphone ko at tumingin kay mama, "ano po ba ang ulam natin?"

"Adobong manok, masarap ngayon ang luto ko kay kumain ka para bukas makakapasok ka na." Alam naman niya na masarap magluto ang nanay niya pero hindi naman na kailangan isama na sabihin na masarap kasi automatic na 'yon.

Ang nanay talaga niya sweet at maalaga kaya siguro nagustuhan siya ni papa. Pumasok na si mama bibit ang tray na may laman na pagkain kaya bumangon na ako para kainin ang dinala ni mama para sa akin.

Sa amoy pa nga lang talaga malalaman mo na masarap nga, adobong masarap ang tawag ni mama kasi noong panahon na elementary pa lang ako ay pinagawa kami sa school ng isang putahe tapos palpak ang timpla ko kaya si mama na ang nagpatuloy hanggang sa matapos tapos tinawag na niyang adobong masarap. Bigla ko tuloy na miss ang elementary days ko.

Paunti-unti na akong kumain kahit na wala ako panglasa. Hindi na nabago sa akin na kapag nagkakasakit ay nawawalan ng panlasa.

"Kanina pa ang cellphone mo nagalaw, tignan mo 'nak at baka isa sa mga kaibigan mo." Sa sinabi ni mama, napagtanto ko na may isang tao pala na nagtext sa akin.

Tss.

Nakalimutan niya palang replayan ang text ni Sidwih. Nagtatanong kase ito kung bakit siya hindi nakapasok ngayon. Ibinaba ko ang kutsara at kinuha ang cellphone at binasa ang mga texts ni Sidwih.

Pinuno ako ng text Sidwih, ni walang text ni Fihm. Mukhang totohanin talaga ni Fihm ang paglayo sa kanya, hindi man lang nito tinanong kung ano ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok.

Napabuntong hininga ako.

Hayaan ko nalang muna siguro ang kaibigan si Fihm para makapag-isip.

Pagkareply niya sa text ni Sidwih ay bumalik na siya sa pagkain hanggang sa napansin niya ang titig na ipinupukol sa kanya ng nanay niya kaya humarao siya dito at pinagkunutan ito ng noo.

"Bakit ganyan ka makatingin, ma? Para kang may gagawin na masama sa tingin mo na ganiya."

Tumayo ang nanay niya at pinamaywangan siya tapos maya maya ay naupo ito sa tabi ko at hinawakan ako sa balikat.

"Ang creepy mo ngayon, ma. Umayos ka nga at tinatakot mo ako." Sa totoo lang tumaas ang balahibo ko sa biglang paghawak ni mama sa balikat ko.

"Iniisip ko lang paano kaya kung magkaroon ka na ng girlfriend para naman hindi lang bahay at school ang destination mo. Kailangan mo din naman mag-enjoy sa buhay at anak natanda na ang nanay mo. Mas lalong hindi ka pwedeng tumandang binata, sayang ang lahi nating mga Santos." Natigil siya sa pagsubo dahil sa sinabe ng nanay niya, girlfriend? Eh, wala nga siyang panahon para dito saka lalaki ang gusto niya. Lalaki. Lalaki ang tinitibok ng puso niya pero may parte pa din naman para sa babae pero mas feel niya talaga ang sa lalaki.

"Hindi naman minamadali ang ganaang bagay, kasi kusang nadating 'yan. Saka, study first muna ang iniisip ko, ma." Tinapos niya na ang pagkain at pakiramdam niya ay busog na siya. At para din biglang nawala siya sa mood sa hindi niya malamang dahilan.

Ininom niya ang gamot na iniabot sa kanya ng nanay niya at sinabi na sa kanyang nanay na magpapahinga na siya, hindi naman na nagtanong ito at hinayaan na siyang magpahinga.

Napabuntong hininga siya ng marinig ang pagsarado ng pinto. Ang bilis magbago ng mood niya talaga, bigla-bigla nalang siyang nawawala sa wisyo. Nasuntok niya tuloy ang unan na nanahimik sa katabi niya.

"Isa pa 'tong si Fihm, nakakainis talaga!"

Tinakluban niya ng unan ang ulo niya, gusto niyang itext ang kaibigan pero baka hindi lang pansinin ni Fihm ang text niya. Bakit pa kasi siya nagkasakit, malakas naman siya at healthy pero dinapuan pa rin siya ng sakit

I hate this, "the hell."

Tinignan niya ang oras sa cellphone at nakita na alas syete na. Labasan na nila mamaya sa school mamaya, at sana naman itext na siya nito. Tumayo siya para kunin ang album sa ibabaw ng mini book shelf niya, album nila ito ni Fihm.

Mahilig kase silang dalawa na magpicture at nilalagay nila sa album. Actually, same silang may ganito. Para kapag daw nawala ang sa isa ay may isa pa silang titignan. 

Sa lalim ng pinagsamahan nilang dalawa ay nagtuturingan na silang magkapatid kaya hindi maiwasan na pagkamalan silang kambal na dalawa. Kaya kahit anong mangyayari, mas papahalagahan niya ang pagkakaibigan nilang dalawa kaysa sa anumang bagay.

Ayaw niyang masira sila dahil sa one sided love, pwede pa namang mabago ang nararamdaman ni Fihm kaya hahayaan niya na muna talaga itong mag-isip, pero huwag naman sana na sobrang tagal at baka makalimutan na nito na may Golib siyang kaibigan.

"Nak, lumabas ka muna dyan at may bisita ka." Itiniklop niya pasara ang diary sa sinabi ng mama niya, siguro si Fihm na ito at naisip na hindi naman talaga dapat siyang iwasan at mas mahalaga ang friendship nilang dalawa. "Yung muta mo nak, huwag mo kalimutang alisin. Nakakahiya sa bisita mo."

"Ma, harapin mo na nga lang ang bisitang sinasabe mo hindi yung kung ano-ano ang sinasabe mo dyan." Mas pinapasakit ng nanay niya ang ulo niya, tama bang sabihin na alisin ang muta niya humarap siya sa salamin at tinignan ang sarili.

Okay naman wala naman siyang muta sa mata. Bukod sa halatang may sakit siya ay magulo pa ang kanyang buhok.

Inayos niya ito bago naglakad na palabas, sa sala niya nakita ang bisita na tinutukoy ng mama niya. Si Sidwih, nakatingin ito sa kanya at inaantay na makalapit siya.

Tinanguhan niya ito bago maupo sa harapan nito. "Are you okay?"

"I'm still fine, don't worry about me. How's the school?" Tanong niya dito, may kinuha naman ito sa bag at iniabot sa kanya ang notes na hindi niya pa naibabalik sa akin.

Mabagal kasi siyang magsulat.

"Thank you sa notes mo at malaki siyang tulong lalo na sa tulad kong new student. At bilang kabayaran ay isinulat ko ang notes natin ngayon, aralin mo nalang kasi magkakaroon tayo ng quiz sa FBS." Hindi siya makasagot, hindi sa wala siyang masabi kundi hindi nito sinagot ang tanong niya. Gusto niya sana na malaman  si Fihm kung hinanap ba siya nito pero naubos lang ang oras nilang magkwentuhan ay wala itong tinudyo na pangalan ni Fihm.

"Idinaan kolang talaga 'yan sayo para may mapag-aralan ka para bukas, paano ba 'yan mauna na ako. See you tomorrow." Ginulo nito ang buhok ko kaya nagulat ako.

"Alagaan mo ang sarili mo, Goli."

"Sure."

"Sige, maiwan na kita." Tumayo na si Sidwih kaya tumayo na din para ihatid siya kaso huwag nalang daw at baka mabinat ako. He is sweet and gentleman.

"Keepsafe, thank you din." Kumaway sa kanya si Sid kaya ganoon din ang ginawa niya.

Kanina pa umalis si Sidwih pero siya ay nanatili lang sa sala, ginulo niya ang kanyang buhok na ginulo ni Sidwih pero wala roon ang atensyon kundi sa kaibigan na si Fihm kaya padabog akong tumayo.

Ito gusto niya, kung gayon panindigan niya. Akala niya siguro na ako ang unang papansin sa kanya.

MAAGA siyang nagising ngayon para maaga siya na makarating sa school, wala lang trip niya lang pumasok ng maaga saka maganda na ang pakiramdam niya at mas gusto niya na magreview sa school kaysa sa bahay nila kasi mabilis siyang madistract unlike kapag nasa school na alam mo na may karamay ka sa ginagawa mo.

Pakanta-kanta pa siyang kumakanta habang naglalakad papunta sa sakayan, marami siyang nakakasalubong na gwapo kaya busog na busog ang mata niya ngayon pero hindi na niya pinagkaisipan 'yon nang makasakay siya sa jeep.

At ilang minuto lang lumipas ay narating niya na ang school nila, tumawid siya at dumaan muna sa main building para gumamit ng comfort room, masyado kasi na maliit ang comfort room sa Senior High Building.

Pagkalabas niya sa banyo ay nakita niya ang professor nila sa FBS, binati niya ito at nang mamukhaan siya ay tinanong nito kung okay na ba siya at sinagot naman niya ito ng totoo na maayos na ang lagay niya.

Umakyat na siya sa SHS building at nakasalubong naman niya ang kaklase na may bitbit na mga folder kaya lumapit siya dito para tulungan.

"Tulungan na kita mukhang mabigat." Nagulat siya sa bigla kong pagsulpot kaya nginitian ko lang siya.

"Salamat. Kamusta ka na pala?"

"Okay lang naman na ako."

"Mainam 'yan, may quiz nga pala tayo mamaya gusto mo ba hiramin ang notes ko para makapagreview ka para mamaya. Don't worry, maayos naman penmaship ko." Tinanggihan niya ito at sinabi na mayroon na siyang notes, hindi nga lang niya sinabi na kay Sidwih galing ang notes.

Isa ito sa nagustuhan niya sa mga kaklase niya na kahit kakakilala pa niyo pa lang ay walang ilangan na nangyayari saka nagtutulungan. "Ikaw ang bahala, oo nga pala diba kaibigan mo si Fihm?"

Nakuha nito ang atensyon niya, "Oo, bakit may gusto ka sa kanya?" Umiling ito kaya natawa siya. Pinamulahan kase ng pisnge ang kaklase niya, at talaga nga naman na malakas ang dating ng kaibigan niya.

"Then, what?"

"Nakasagutan niya kahapon yung kaklase natin na maangas, nagkainitan sila dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nasabi niya ba sayo?"

"Wala naman siyang nabanggit sa akin tungkol dyan." Wala naman talaga siyang alam kasi wala naman itong sinasabi sa kanya kase hindi naman sila okay na dalawa, pero kung ganoon ang nangyari bakit kaya hindi nabanggit sa kanya ni Sidwih ang nangyari kahapon. Siguro ayaw lang nito na mag-alala ako para kay Fihm kasi hindi rin maganda ang pakiramdam ko.

Nasa library sila ngayon dalawa pero okyupado ng ibang bagay ang isip niya, hindi pumapasok sa isip niya ang binabasa niya kaya isinara niya nalang ito, napansin naman iyon ni Luxiel — classmate nila.

"Are you okay?"

"Oo, huwag mo nalang akong pansinin." Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo, mukhang mabibinat pa siya. Naituon niya ang kamay sa lamesa at ang isang kamay ay ipinahilot niya sa kanyang sintido.

Gusto niyang magmura ngayon sa pananakit ng ulo niya pero sa isip nalang siya nagmura.

"Namumutla ka, Santos. Okay ka lang ba talaga?"

"Oo naman, wala lang ito, hu-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla dumilim ang paningin niya.

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar, alam niyang hindi ito ang bahay nila. Medyo masakit ang ulo niya kaya hindi siya nakatayo. "Fuck, headache."

Lumingon siya sa paligid at nakita niya ang pamilyar na babae sa kanya na nakatayo sa may pinto habang nakatingin sa kanya.

"Mabuti nalang at gising ka na."

"Luxiel, ano ginagawa mo dito?"

"Nabinat ka lang naman kaya nandito ako para bantayan ka, feeling strong ka kasi hindi ka naman talaga totally magaling." Nasa school clinic siya ngayon, kasalanan niya ba na gusto na niya lang na pumasok, ayaw niya namang malampasan ang lesson ngayon lalo na may Quiz sila sa main subject nila. "Gusto mo ba ihatid na kita sa inyo o may pwede kang tawagan?"

"Ilang oras na ako nakahiga dito?"

"Don't worry, mahigit tatlong oras lang naman." Tatlong oras lang naman pala, ah wait. Tama ba ang narinig niya tatlong oras na siyang andito sa clinic. Shit, may quiz pa sila sa FBS. Kailangan niyang makakuha ng quiz.

Pinilit niyang tumayo para makaabot sa Quiz pero agad siyang pinigilan ni Luxiel.

"Pinagpaalam na kita, Goli. Huwag mong pwersahin ang sarili mo. Sige ka, sasapakin kita dyan!"

"Hindi ka lang pala maganda brutal ka din naman, alam mo nang masama pakiramdam ko gusto mo pa akong sapakin. Grabe ka ah, hindi kaya kita tulungan kay Fihm."

Natawa siya sa reaksyon ni Luxiel, kung dragon lang siguro ito baka kanina pa siya nagbuga ng apoy. "Saan ba galing 'yang sinasabe mo. Hindi ko naman gusto si Fihm, maissue ka din pala."

Binato nito sa akin ang hawak na biscuit at mabuti nalang ay nasalo niya, natatawa nalang siya habang pinagmamasdan ito palabas ng pinto.

"Fihm. Fihm." Pagbanggit ko pa sa pangalan ni Fihm.

"Tse. Bastos!"

Nasapo niya ang kanyang noo, medyo mainit nga siya at nangangati din ang kanyang ilong. Hindi niya alam kung bakit pero sumasakit ang leeg niya, suminghot-singhot pa siya.

Pumasok ba kaya si Fihm ngayon, sasabihin kaya sa kanya ni Luxiel. Paano naman kung sabihin nga ni Luxiel pero hindi naman siya puntahan ni Fihm. Buset talaga ang lalaking 'yon, bahala na nga talaga siya.

Kamusta na kaya 'yon? Ilang araw lang silang hindi nagkita pero parang pakiramdam niya na sobrang tagal na nilang hindi nag-uusap.

Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon siya dito, akala niya si Luxiel ang papasok pero hindi. Si Sidwih ito, may dala itong tubig at biscuit.

"May klase pa ah, bakit ka nandito?"

Nagkibit balikat ito, "Gusto kong bisitahin ang kaibigan ko, okay ka na ba?" Umiling siya, hindi siya okay at mas lalong hindi pa siya magiging okay. Fuck you ka talaga Fihm, maski bisitahin ako ay hindi mo magawa.

"Oh bakit lumuluha ka dyan may sumasakit ba sayo?"

Bumuntong hininga siya, ni wala siyang mabuong salita ngayon lalo na't kaharap niya ang lalaking dahilan kung bakit nagseselos ang lokong 'yon. Naging kaibigan niya na din naman si Sidwih kaya ayaw niya namang iwasan ito para sa ikakatahimik ng puso ni Fihm.

Masyadong kumplikado pala ang pag-ibig, mabuti nalang talaga ay panlalandi lang ang nasa isip niya at pagpapantasya sa mga lalaki.

"Hindi ka naman siguro napipe para hindi makapagsalita, Goli. Sagutin mo kaya ako."

"Nanliligaw ka ba?"

Nabatukan niya ang sarili sa isip niya, ano kaya 'yon. Bakit may tanong na gano'n. Pinapahamak niya pa ang sarili niya kay Sidwih. Shit, paano kung iwasan din siya nito. "What? Repeat it again."

"Sabe ko, okay lang ako."

"Hindi naman 'yan ang narinig ko."

"Wala nga, Sid!"

Pahamak itong bibig niya. Kakainis.

"Nakakahiya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro