C30 - Last Chapter
SAMPUNG taon na ang lumipas at hindi pa din nagbago ang pagmamahalan naming dalawa ni Sidwih, nakapagtapos na kaming pareho ng pag-aaral at may stable job na din kami.
Sa mga taong lumipas ay natupad ko ang pangarap ko, finally two years na ang restaurant ko at on going pa ang ilang stole na pinapagawa ko. And I'm looking forward sa mga bagay na dadating pa sa buhay ko, buhay naming dalawa ni Sidwih. Kapatid kong si Rold ang pinamahala ko dahil sabi ko nga kanina ay may work kaming dalawa ni Sidwih.
Kung ako ay supervisor si Sidwih ay manager, sobrang cool ng samahan naming dalawa habang nalipas ang panahon. Mas gusto kase namin na hindi mawala 'yong normal na kinagawian namin noong bago palang kami.
"Babe, pupunta pala tayo sa restaurant mamaya." anang nito bago humalik sa akin, naupo ito sa harapan ko at sumimsim ng kape. Ibinaba ko ang dyaryo na hawak ko at tumingin sa kanya, dumampot ako ng chips at isinubo.
"Mabuti nalang pinaalala mo 'yan, oo nga pala sa linggo aattend tayo ng binyag." Guess what? may baby na ang loka-lokang si Luxiel. Baby boy ang anak nilang dalawa kaya masaya ako para sa kanila at tungkol sa aming dalawa ni Sidwih binabalak namin na mag-ampon or maghahanap nalang na willing maging sorogate mother, something like that okay lang naman sa akin kase semilya naman namin ibibigay.
"Yes, may meeting din tayo sa mga investors sa kabilang corporation."
Ngayon palang ay naluluto na ang utak ko sa mga schedule namin, kailangan naming magkaroon ng time para magpahinga parehas. Muli akong kumuha ng chips at isinubo ito. Pinunasan ko ang kamay ko bago ko tignan ang cellphone ko.
"Idlip muna ako babe pagkagising ko ay saka na tayo pumunta sa Wihgo." Dinampot ko ang cellphone ko at tumayo para maglakad papunta sa kwarto. Humiga ako at ipinikit ko ang mata ko, kailangan kong umidlip para hindi naman ako haggard kapag pumunta mamaya sa Wihgo.
Nagising ako ng bandang alas onse kaya bumangon na ako para maligo at paglabas ko ng kwarto nakita ko si Sidwih na abala sa cellphone niya.
"Hey babe." Humalik ako sa pisnge nito at napansin ko naman ang mabilis nitong pagtago sa cellphone. "May tinatago ka ba sa akin?"
"What? Wala ah. May nagtext lang na unknown number, nanghihingi ng pera para ngang manloloko lang." Naniwala naman ako dahil maraming ganoon ngayon, may natanggap nga din akong text tapos niscam ko din 'yong tao. Edi hindi niya ako natagalan hanggang sa tumawag ito at sinabeng huwag na ako magtext.
"Block mo na 'yan baka mangulit pa 'yan sayo." Sinunod naman niya ako kase may pinindot ito sa cellphone, tumabi ako sa kanya at humarap sa kanya. "Naligo ka na ba?"
"Woy! Anong tanong 'yan syempre oo, ayaw ko na maamoy mo akong mabaho para ka kaseng babae na ayaw makaamoy ng mabaho." Aba, kasalanan ko ba kung gusto ko ng malinis at mabango, actually never ko siyang naamuyan kaya walang kaso sa akin 'yon pero gusto ko na hindi mawala yung good looking niya at baka sabihin sa akin ng mga chipmunkstikadora na pabaya akong boyfriend. "Aalis na ba tayo?"
"Ayaw mo ba.....joke." natawa ako sa naging reaksyon nito ng dilaan ko bigla ang pisnge niya, para talaga siyang bata kapag lumalabi. "Gusto mo pa ata akong masolo, eh."
"Gustuhin ko man pero kailangan na nating pumunta sa Wihgo at baka wala na silang stock doon, awayin ka nanaman ng kapatid mo." Hindi ko pinansin ang sinabe niya kase wala namang bago doon kase naman tinigilan ko na ang pagiging moody ko sa harapan ng kapatid kong 'yon tapos siya naman itong umaattitude sa akin.
Tumayo na ako para makaalis na pero itong si Sidwih ay nakaupo pa na parang naaaning nilapitan ko na siya para makatayo siya pero hinila niya ako kaya nasa ibabaw niya na ako.
"Umayos ka nga ka-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong patahimikin gamit ang kanyang labi, no choice ang bakla kundi ang sumabay sa halik nito. Para sa akin ang labi lang ni Sidwih ang gusto kong halikan parati.
Bumitiw na ito kaya mahina ko itong napalo sa braso pero ngumisi lang ang loko, pasalamat talaga siya baliw na baliw siya sa akin kung hindi mas lalo siyang mababaliw. "I love you, saranghae, mahal kita Golib Santos."
Masyado pa din talaga siyang sweet kaya kahit hindi ako kumain ng chocolate ay mapupuno ng matamis ang katawan ko. "Fuck you sagad hanggang back bone."
"Salbahe ka talaga, pero kahit ganaan ka akin ka lang hanggang sa pumuti na ang buhok natin pareho." ani nito, kinikilig na talaga ako dahil sa sinasabe niya parang ayaw ko na tuloy umalis at manatili nalang kaming magkasama buong araw kaso hindi pwede kailangan namin magwork.
"May tanong pala ako."
"Nagtatanong ka na...wooy! Tama na!" Aba ang loko nangingiliti, malakas kaya kiniti ko sa tagiliran buang na gait na talaga oh! "Tama na nga kase babe, sige ka wala kang ano mamaya!"
Sa wakas ay tumigil na ito sa pangingiliti, umayos ako ng upo at humarap sa kanya at inantay itong magsalita. "Ah wala, mamaya na lang."
Hindi ko na siya kinulit kaya hinawakan ko na ang kamay nito para makatayo na. At nang nakatayo na kami ay agad naman akong bumitaw sa kanya at pumunta sa likod niya at tumalon.
"Babe, muntik na ako masubsob. Mahal talaga kita." Mahina ako napahagikgik kase mukhang malapit na talaga siyang mapuno, hinalikan ko nalang siya sa batok para man lang makabawe.
"Manghahalik na nga lang sa batok pa pwede naman sa pisnge." Ang choosy naman nito, para naman hindi na siya magreklamo ay hinalikan ko na din ang pisnge niya, sigurado namang nakabawe na ako sa kanya. Hinawakan na din nito ang paa ko at naglakad na palabas.
Pagkasara nito ng pinto ay naglakad na siya sa kotse kaya bumaba na ako at sumakay. Ganoon din ang ginawa niya at nagmaneho na. "Let's go!"
Mabilis kaming nakarating sa Wihgo Restaurant kaya pinarada na ni Sidwih ang kotse sa loob, ako ang unang bumaba at naglakad na papasok sa back door. "Good morning sir."
"Asan si Mariana, naasikaso niya ba ang list ng stocks?" tanong ko sa isang staff na sa tingin ko ay OJT dito.
"Tanungin ko nalang po siya." Tumango ako dito kaya pumasok na ako sa kabilang pinto at doon ko nakita ang ilang staffs na abala. Bumati silang lahat sa akin ng makita kaya nagrequest ako na dalahan ng cappuccino at Cafe Americano sa table ko. Naupo na ako at inantay ang pagpasok ni Sidwih, narinig ko na binati ito ng mga staff bago lumapit sa akin.
"Nakuha mo na 'yong list babe?"
Sasagot palang sana ako ng dumating si Mariana na may bitbit na bondpaper. Bumati ito sa amin kaya pinaupo ko ito sa harapang upuan, inabot sa akin nito ang listahan at tinignan ko.
"Inilista ko na din po dyan ang gamit ng dining."
"Hindi na kasali 'yon, ang sa kitchen lang muna kase dadating din naman ang delivery mamaya."
Itinupi ko ng maayos ang listahan na ibinigay ni Mariana at nagpasalamat dito, pinabalik ko na din siya sa gawain niya. Dumating na din ang order ko. "Pahinga muna tayo dito."
"Hilig mong magpahinga babe." Sinimangutan ko siya dahil sa sinabi nito kaya bahagya itong tumawa, siraulo nga talaga siyang tunay. Mabilis kong ilubos ang cappuccino at habang nag-aantay sa mabait kong boyfriend ay nagcellphone muna ako. At nabasa ko ang chat ni Rold na malalate siyang pumasok may emergency daw sa bahay nila.
Pagkatapos kong magreply sa kanya at nagscroll nalang ako, may mga couples akong nakikita na sobrang hahaba ng caption. Sobrang sweet naman nilang tignan, gusto ko man silang gayahin ay hindi ko nalang ginawa.
"Let's go." Tumayo na ako para makaalis na at makapamili na ng mga kailangan sa kitchen, medyo marami 'yon kaya kailangan ko talaga si Sidwih para magbitbit. Sumakay na kami sa kotse at pumunta na agad sa dirty market, english para kunyare yayamanin.
Ilang oras ang tinagal namin sa pamimilo at sobrang nakakainis dahil sa sinag ng araw, nakalimutan kong magdala ng payong. Payong pa naman ang kasangga namin sa init.
Ang lahat ng napamili namin ni Sidwih ay inilagay na namin sa kotse at bago kami umalis ay dumaan muna ako sa bakery para bumili ng cake. Pasalubong ko kina mama at paborito din ito ni bunso. Inihatid na nga namin kina mama ang cake at nagpaalam na kaming umalis.
Hinatid na namin ang mga pinamili sa Wihgo tapos ay umuwe na, nagluto muna ako ng kakainin naming dalawa para mamaya ay iinit ko nalang. Sabay kaming pumasok sa kwarto at magkayakap na nahiga.
Nagising ako ng wala sa tabi ko si Sidwih, bumangon ako ng mapagtanto na iniwan nanaman niya ako ng hindi nagpapaalam. Baka mamaya may prank nanaman siya sa akin at mahimatay nanaman ako dahil sa ketchup na akala ko ay blood stain.
Naglakad ako palabas ng kwarto hanggang sa madilim na pasilyo ang nakita ko, pamilyar ang scene na ito kaya inihanda ko na ang sarili ko.
"Sidwih, ipraprank mo nanaman ba ako?" Walang sumagot kaya hindi na ako nagsalita pa baka mamaya iba na ang sumagot sa akin at hindi na tao medyo nakakatakot kapag ganoon.
Nasa sala na ako ng makarinig ako ng yabag sa likuran ko kaya mabilis akong lumingon doon pero wala akong nakita. "Sidwih, sinasabe ko talaga sa'yo iiwanan talaga kita. Sige, manakot ka pa!"
"Sid, hindi na ako natutuwa." Sino bang matutuwa kung pinagtritripan ka nanaman ng boyfriend mo. Naupo ako sa sofa at kinapa ang cellphone ko pero wala dito, nasa kwarto pa pala.
Muli akong tumayo para maglakad palabas ng may biglang sumitsit sa akin, wala naman akong nakita ng lumingon ako. "Mahabaging langit!"
May natanaw ako ng itim sa bandang hagdan kaya bago pa ako mawalan ng ulirat sa nakita ko ay sumigaw na ako tumakbo palabas ng bahay. Hawak ko ang dalawang tuhod habang naghahabol hininga, "Boo!"
"Put...a, inang walang panty!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat, walang hiya talaga ang boyfriend ko na 'to. "Para ka talagang siraulo."
"Sorry," Inirapan ko siya dahil sa kalokohan niya, may suot itong itim na costume kaya piningot ko ang taenga nito. "kung hindi ako nakapagpalaam sa'yo, ipraprank sana kita kaso mukhang hindi effective kaya itinigil ko na."
"Trip mo talaga akong asarin, 'no?" Imbes na sagutin siya ay niyakap siya nito, kahit na nangangati sa suot niya ay hinayaan ko na lang siya. "Nanlalambing nanaman ang babe ko...opps my beybeee!" hindi ko alam ang lyrics kaya hindi ko na tinuloy.
"Mahal kase kita ng sobra."
"Asus! Alam ko na 'yon kaya nga baliw na baliw ka saakin eh." Humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisnge nito, itong matangos niyang ilong, mapulang labi, clear skin na mukha at makapal na kilay hindi talaga nakakasawa.
I'm so blessed naman talaga kay Sidwih, malapit ko lang masabe na perpect siyang lalaki.
"I love you, Golib!"
--
SUNDAY ngayon at pupunta kami sa binyag ng anak ni Luxiel at Francis, mamaya pa naman 'yon kaya may time pa kaming bumili ng regalo para sa bata. Syempre ninong kaya kailangan may maibigay ako na regalo.
"Sa Robinson nalang tayo bumili."
Sinang-ayunan naman niya ang ideyang 'yon kaya naglakad na kami palabas para bumili na, kailangan ko ding bumili ng susuotin para sa lunch dinner ng mga investment. Maayos naman kaming nakarating sa Robinson at pumunta agad sa pambatang damit, maraming choices dito kaya mga iilang pares din na damit ang binili namin at sinamahan ng pares ng sapatos.
Pagkatapos ay pumunta na kami sa mga formal attire na kasuotan at pumili na ako ng simple pero magandang coat. "Pumili ka na din ng sa'yo, babe. Don't worry ako magbabayad."
"May susuotin pa naman ako babe." Hindi ko na siya pinilit kase kahit ano namang suotin nito ay formal na ang dating sa kanya, ganaan kapag malakas ang dating. Kahit anong suotin talagang babagay sa katawan niya. Isang malaking SANA all.
Ilang minuto lang ang tinagal ng pinamili namin kaya nagbayad na kami at pumunta na agad sa parking lot, ipinasok ko sa loob ng kotse ang pinamili ko maski ang regalo ko sa inaanak.
"Nagtext sa akin si Fihm, on the way na daw sila sa simbahan doon nalang daw tayo magkita-kita."
Ipinarada ko ang kotse sa tabi at bumaba na nakita naman namin ang dalawa na nakaupo sa waiting area, mukhang marami ang magpapabinyag ngayon. Lumapit na kaming dalawa ni Sidwih dito at nang makita nila kami ay lumapit naman sila sa amin.
"Mukhang malalate ang magpapabinyag, ah!" ani Fihm na medyo aburido kaya sinenyasan ko si Susana kung bakit naging ganoon ang awra ng boyfriend niya. Nagkibit balikat lang ito kaya hinayaan nalang namin siya, nagkwentuhan kaming tatlo nila Susana. At may maganda siyang balita sa amin, she's three weeks pregnant.
"Kaya naman pala aburido itong boyfriend mo..Fihm umayos ka nasa simbahan ka." suway niya dito kaya naman tinignan siya nito ng masama, mukhang siya ang buntis kaysa kay Susana. Moody masyado ng loko kaya binulungan nalang ako ni Sid na huwag nalang muna pansinin si Fihm at baka mas lalong uminit ang ulo.
"Guuuy, I'm here." Nakangiti ang gaga ng makalapit sa amin, bitbit nito ang kanilang baby boy na ang pangalan ay Alexander Fier. "Sorry, we're late. Ito kase si Francis napakabagal kumilos akala mo siya ang babae sa aming dalawa."
"Kasalanan ko ba kung walang shampoo." habang natagal silang dalawa mas nagiging mababaw ang mga pinagtatalunan nilang dalawa, kumbaga para silang bata na kahit anong gibot ay nag-aaway.
"Manahimik ka Francisco!" napakamot nalang kaming apat sa inaakto ng dalawa. Humupa lang ang sagutan nilang mag-asawa ng pinapila na ang mga parents na magpapabinyag, nasa likod naman kami dahil sabay-sabay kaming papasok may nakalaan din na number para sa amin kaya pagpasok namin sa loob ay hindi na kami naghagilap kung saan uupo. Pang siyam kami na bilang kaya medyo bandang gitna kami dumating din kase ang parents ng dalawa kaya mas malaki ang nasakop namin.
Mabilis umandar ang binyag kaya isa-isa na kaming naglabasan pagkatapos, marami-rami ding lirato ang nakuha namin sa cellphone.
"Alam niyo naman ang bahay namin diba, kitakits nalang tayo do'n."
Kanya-kanya na kaming pumunta sa bahay ni Luxiel at doon nagdiwang, hindi nga lang kami masyadong kumain ni Sidwih dahil may pupuntahan pa kaming dinner. Nakakahiya naman sa investors na pupunta kaming bundat doon. Maseselan pa naman ang mga ito.
Nagpaalam na kami ni Sidwih ng tumuntong ang alas singko at inabot na din namin ang regalo. "Mag-iingat kayo, ah!"
"Salamat ah..Fihm mauna na kami sa inyo ni Susana may dinner pa eh." Naintindihan naman nila kaming dalawa kaya umalis na kami, uuwe muna kaming dalawa ngayon para doon magbihis. Hindi naman pwedeng sa bahay nila Luxiel at maraming bisita, mas lalong hindi sa kotse at baka magmukha silang hinabol ng plantsa.
Pagkadating sa bahay ay inayos ko muna ang susuotin namin bago magpahinga ng kaunti, mamaya pa namang alas syete ang dinner nila kaya may isang oras pa sila para maghanda.
"Napagod ka ba babe?"
"Inaantok lang ako hindi pa pwedeng bukas nalang ang lunch dinner na 'yan." Umiling ito, mukhang kailangan talaga naming harapin ang mga 'yon at baka kapag hindi kami magpakita ay umalis sila sa corporation. Mahirap pa naman kunin ang mga tiwala ng mga investors nilang 'yon.
"Ganito nalang umidlip ka muna at gigisingin nalang kita mamayang 6:20 para kahit papaano ay may energy ka." Hindi na ako nakasagot dahil nagpadala na ako sa bigat ng talukap ng mata ko.
Epilogue next....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro