C3: Distance
UMAGA na pero hindi pa rin ako nilulubayan ng panaginip ko lalo na sa pag-amin ni Fihm sa akin.
I don't know what went into that man's brain, we just wanted the same man but he just acted more like me. Besides, he likes to flirt with women, so it's impossible for him to like me. What do I have?
Iwinaksi ko muna ang bagay na tumatakbo sa aking isipan kaya para mawala ang iniisip ay naisipan ko nalang na magsaing at magluto ng makakain namin ngayong umaga.
Pagkatungo ko sa kusina ay kumuha na ako ng limang itlog at apat na hotdog.
Nagsaing muna ako bago simulan ang pagpriprito. Ang nakakainis na part dito ay kapag natalsikan ka ng mainit na mantika.
Pwede naman kasi na kaunti lang ang ilagay na mantika at hindi biglain ang paglagay ng itlog para hindi tumaksik ang mantika. Ilang minuto lang ang itinagal ay natapos na agad ako kaya nilinis ko na ang mga ginamit ko.
Kahit ganito ang bahay namin, proud ako at ipinagmamalaki ko kasi ang bahay na ito ang naging saksi sa paglaki ko, pati nga sa mga bagay na....
"Ang aga mo naman atang magising, anak?" Nagulat ako ng dumating si mama, mapungay ang mata nito na halatang napuyat.
"Hindi ako nakatulog ng maayos, ma simula nang nagising ako." Sa totoo lang ay dahil sa isang tao.
"Talaga lang, ah. Baka naman nagbabad ka nanaman sa cellphone mo. Mahuli huli lang kitang bata ka ipapatapon kita sa tiyahin mo para masamahan mo do'n si bunso." Ang aga-aga tapos panenermon agad ni mama ang bubungad, ano ba 'yan? Tsaka bakit napunta agad kina tita, inaano ko ba ito si mama. Sa panunuod niya ng mga palabas sa youtube naging advance na siya mag-isip.
"Ang advance mo naman mag-isip, ma. At saka ayaw ko nga kina tita baka masungitan lang ako lagi," sagot ko. Strikta kasi si tita saka matabil pa ang bunganga nito kaya hindi maiwasan na may makaaway siyang kapit-baha kaya ayaw ko do'n, mas okay na si bunso nalang ang nandoon kase favorite naman nila.
"Biro lang naman. Teka, mag-ayos muna ako ng sarili ko." Umupo na ako sa lamesa at inantay si mama na sumabay sa akin. Tulog pa ata si Rold. Bahala siya dyan basta kakain na ako.
"Hindi mo man lang ako hinintay, kuya?" Napalingon ako sa nagsalita, si Rold na nakasimangot. May nobya na pero isip bata pa din. Hindi ko nalang siya pinansin kaya bumalik na ako sa pagkain. Bumalik na din si mama sa kusina kaya kumain na din sila.
"Rold, kamusta trabaho mo?"
"Okay naman po, ma."
Isang taon lang ang agwat ko kay Rold pero maaga siyang nag-trabaho kasi nahinto siya sa pag-aaral.
"Inaayos mo naman siguro ang trabaho mo, at saka kamusta kayo ng girlfriend mo."
"Kabisado ko na ang trabaho ko, Ma. And about my girlfriend, masaya kami sa isa't-isa." Hindi ko pa nakikita ang girlfriend niya kase kapag nandito yung babae saka naman ako wala. Saka kung pumunta na ang girlfriend niya sa bahay na nandito ako hindi naman ako nalabas ng kwarto.
"Mainam naman pala kung ganoon. At ikaw naman, Golib." Tumaas ang kilay ko ng marinig ang pangalan ko at nang tignan ko naman si Rold ay nakangiti ito sa akin.
"Baka gusto mong pormahan yung magandang babae na kapitbahay natin. Sigurado magugustuhan ka no'n, gwapo ka tapos maganda naman siya. Perpect combination."
"Masyado pa akong bata pa para pumasok sa ganyang relasyon. Tsaka family first before anything muna ako." Bakit pinipilit nila sa akin na pormahan yung kapit bahay namin, ni hindi ko pa nga yun nakikita. At kung si Kih 'yon baka pumayag pa ako.
"Kumain na lang kayo at masyado pang maaga para dyan," dagdag ko pa. Mabuti nalang talaga ay nanahimik na sila kasi bago maging bastos ako sa paningin nila kapag iniwanan ko sila sa harap ng hapag-kainan. Hindi ko naman din gagawin kasi kabastusan 'yon sa pagkain na nasa harapan mo.
Nang matapos kami sa pagkain ay ako na ang nag-presinta na maghugas. Pumayag naman si mama kaya sinimulan ko na ang maghugas. Pagkatapos ay naligo na din ako pero bigla akong kinabahan na maalala na magkasabay nga pala kami ni Fihm pumasok.
Nag-alala ako sa naging panaginip ko baka kasi magkatotoo iyon. Pero alam ko naman na hindi magagawa ni Fihm ang bagay na 'yon. May tiwala naman ako sa kanya.
Nag-aayos na ako ng gamit ng biglang may kumatok. Siguro si Fihm na 'yon, ikinalma ko ang sarili ko at huminga para humugot ng lakas ng loob para harapin siya.
Binitbit ko na ang bag ko at naglakad papunta sa pinto. Pagkabukas ko ay sumalubong nga sa akin ang seryosong mukha ni Fihm.
"Alis na tayo."
Tumango lang ako at sumunod na sa kanya dahil siya nauuna siyang maglakad. Masama ba ang loob niya siya sa akin, hindi ba niya tanggap na hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya.
Espesyal siya sa akin kaya ayaw ko namang masira ang matagal na pinagsamahan namin dahil lang sa nararamdaman niya para sa akin.
"Okay ka lang ba?" Naiilang na tanong ko sa kanya.
"Okay ka lang ba?" Ibinalik niya sa akin ang tanong na dapat siya ang sumagot.
Masama nga ang loob niya, hindi niya man lang ako magawang tignan.
"Hindi ka okay."
"Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Pabalang nitong sagot, bakit ka pa ba nagtanong Golib. Manahimik ka na nga lang. At hindi ko nga muna siya kinausap hanggang sa makasakay kami sa jeep.
Nakasakay na nga kami sa jeep pero tahimik pa rin siya, hindi ako sanay na ganyan siya. Kasalanan ko ba kung ang pagkakaibigan namin ang mahalaga sa akin kaysa sa kung anong nararamdaman niya para sa akin.
"Southern." Anunsyo ng driver, kaya bumaba na kami. Nauna siyang tumawid kaysa sa akin hindi naman agad ako nakasunod dahil may biglang dumaan na sasakyan.
Inantay ko pa na umunti ang dumadaan na sasakyan bago tumawid. Pagtawid ko ay hinanap ko kung nasaan si Fihm pero wala na ito siguro nauna na umakyat sa building.
Napabuntong hininga nalang ako sa inaasta nito. Siya pa nga dapat ang mailang pero dahil sa dakilang marupok ako pagdating sa kaibigan kaya sumagi sa isip ko na iwasan siya.
Sa pag-akyat sa taas ay nakasalubong ko ang prof namin kaya binati ko ito, "Good afternoon, ma'am." Tinanguhan lang ako nito kaya naglakad na ako papasok sa classroom namin.
Pagtuntong niya palang sa loob ay hinanap niya agad niya si Fihm. Nakita niya naman aga ito na nakasubsob ang ulo sa upuan kaya marahan siyang lumapit dito para kausapin pero tila naging hangin ang presensiya niya dahil ni hindi siya nito inangatan ng tingin.
"Papansinin mo din ako." Bulong niya dito at agad na naglakad papunta sa upuan ko, napangiti ako sa ginawa ko. Kahit naman hindi siya pansinin nito ay alam niyang hindi siya matitiis niyo.
Mas mahalaga talaga ang friendship na mayroon sila.
Unti-unti na din dumating ang mga classmates kasunod ang prof para sa first subject namin. More on discussion about earth ang tinalakay
kaya medyo wala ako sa wisyo na intindihin ang lesson at minsan dumadako pa ang mata sa aking kaibigan para tignan ang ginagawa nito pero katulad kanina ay tahimik lamang itong nakikinig sa discussion.
"Hindi mo ako matitiis, Fih. Promise."
Mabilis natapos ang oras at ilang subject nalang ay makakauwe na sila. Gusto niyang matulog pagkauwe dahil sa puyat. Kulang na kulang ang tulog niya dahil sa kaibigan niya.
"So, class. May bago kayong kaklase at sana i-welcome niyo siya ng maayos dahil galing siya sa kabilang school." Hindi na masama kasi yung iba ay months na bago maisipan na mag-transfer. Sana lalaki para madagdagan kami kasi kakaunti lang ang lalaki kaysa sa babae.
"Please come in." Tawag ng prof sa new student, at napatilig siya ng pumasok ang bagong student. "Let's welcome, Sidwih Al Fuente." Hindi niya mahagip 'yong tamang salita para i-describe ang bagong student, grabe ang lakas ng karisma niya kaya hindi nakakapagtaka na magbulungan ang mga girls.
Shit. Nawala siya sa pagtingin sa lalaki ng magvibrate ang cellphone niya. Pasimple niya itong sinipat at tinignan kung sino ang natext.
Napalingon siya sa kaibigan na hindi naman nakatingin sa kanya, napailing siya kaya binasa ko na ang text.
From: Fih.
"Stop drolling, you look ugly. Tss."
He replied: "See, 'di mo ako matiis."
Pinatay niya ang cellphone at tumingin na sa unahan, sinong hindi magkakagusto at mapapanganga dahil sa lalaking 'to. Matangkad, matangos ilong, at tamang tama ang katawan. Maski lalaki ay mahuhulog sa ganaang itsura.
"Miss Kaitey, lumipat ka ng upuan sa tabi ni Monzon."
What the. "And mister Al Fuente, umupo ka sa tabi ni Santos."
"Thank you, ma'am." Natutop ako ng maupo na siya sa tabi ko, isang oras kalahati din siyang tahimik dahil sa hindi niya kayang kausapin ang katabi. Pero hindi naman pwede na hindi ko siya pansinin siguro bukas kausapin ko siya pero infairness mabango siya.
"Okay class, see you tomorrow." Paglabas ng professor nag-ayos na agad ako ng sarili para makauwe na pero hindi ko ineexpect na kakausapin ako ng new student.
"Pwede ba ako makahiram ng notes mo?" Hindi agad siya nakaimik sa tanong ni Sidwih at natulala pa siya dito lalo na sa mapulang labi nito. "Hey, you okay?"
"Hmm, yes, lahat ba?"
"Oo sana kung okay lang pero don't worry ibabalik ko ng maayos." Pati ang boses niya ay nakakadala, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.
Pakiramdam niya tuloy ay mas lalo siyang nagiging malandi sa kaharap. Paano pa kaya ang mga susunod na araw.
Kinuha ko sa bag ang mga notes na kailangan niya.
"Here." Inabot niya dito ang notes ng nakangiti, hindi niya lang talaga maiwasan lalo na't ang gwapo ng taong ito.
"Thank you, Santos."
Ang pormal naman ng tawag niya sa akin pero pakiramdam ko mas maganda kung maging Al Fuente din ako.
"Golib is enough, Sid."
"Nice to meet you, sana makasundo kita." Shit, sasagot na sana siya ng makita niyang nakatayo sa gilid si Fih na nakatingin sa kanila. Napatayo siya para lapitan ito para ipakilala kay Sid.
"Hey, come here. Papakilala kita sa kanya." Hindi naman na ito umimik at nagpatinuod nalang sa kanya, at nang makalapit siya kay Sid ay pinakilala niya agad ito. "Sid, si Fih my be- buddy."
Inilahad ni Sid ang kamay niya para makipagkamay kay Fih pero tinignan lang ni Fih ang kamay nito.
"Uy, kamayan mo. Huwag ka naman ganyan sa bago natin kaklase." Siniko ko siya pero tila wala itong pakoalam sa kaharap at nagulat nalang ako naglakad na ito paalis. Napailing nalang ako sa inasta ng kaibigan at humingi ng dispensa kay Sid. "Sorry. I guess, wala siya sa mood."
Tumango lang ito at sabay na silang naglakad palabas, may ilang bagay sila na napag-usapan lalo na sa academics kaya mas lalo siyang nagkaroon ng interes na kilalanin pa ito or mas maganda ay maging kaibigan niya.
Nasa baba na kami kaya hinaginap ko si Fihm kung nasa ibaba pero hindi ko mahanap. Mabuti nalang ay kasama ko pa si Sidwih.
"Mukhang umuwe na mag-isa ang kaibigan mo." Nilingon ko si Sidwih na nakatingin sa akin, pwede din naman pero sabay kami umuwe no'n. Ano naman trip niya para maunang umuwe.
"Hindi siguro kase sabay kaming pumasok at umuwe no'n." Kinuha ko ang cellphone sa bulsa para itext si Fihm pero ni isang reply ay wala siyang natanggap. So, gusto niya talagang mag-inarte ngayon.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Sumagot na ba kaibigan mo, kung nakauwe na siya pwede naman kitang sabayan umuwe. Tagasaan ka ba?"
Bigla naman nawala ang inis sa kaibigan at napalitan ng saya ng tanungin ni Sidwih kung taga-saan siya siguro sasabayan siya nito na umuwe.
"Sa may Camella lang ako," sagot ko.
"Seryoso, malapit lang kami dyan. Real compound ako." Si tadhana nga naman kapag kumilos sulit na sulit at talaga naman malapit lang pala kami ng lalaking ito. Masaya ako sa nalaman ko.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras kaya niyaya niya na itong sumakay sa jeep, at habang nasa byahe ay nagkwekwentuhan sila tungkol sa mga bagay-bagay.
"Do you have a girlfriend?" Hindi ko maiwasan na itanong sa kanya 'yon.
Iniba nito ang kanyang tingin dahil sa naging tanong ko. "Wala pa sa isip ko na magka-girlfriend." Napatingin ako sa kanya dahil sa naging sagot niya.
Ibig sabihin study first muna siya o baka wala talaga sa isip niya na magkaroon ng girlfriend muna. Mabuti nalang din na wala pa siyang girlfriend at mukhang may chance pa ako na maging boyfriend niya. I hope na matanggap niya ako for being a gay.
Nakababa na kaming dalawa kaya niyaya ko mula siya na sumama sa bahay para ipakilala sa mama niya. Tumanggi pa ito pero masyado siyang makulit kaya walang nagawa si Sidwih kundi ang pumayag nalang.
"Don't be shy, Sid. Masanay ka na sa akin." Tumango nalang ito sa kanya kaya nagpatuloy na sila sa paglalakad at hindi niya maiwasang makaramdam ng inis dahil sa mga babaeng panay ang tingin sa kasama niya. Gusto niya tuloy na tusukin ang mga mata nito para mawalan ng paningin at hindi na makatingin sa kasama niya.
Naiirita siya sa mga matang 'yan.
"Bilisan na natin maglakad, Sid."
Sumunod naman na ito sa kanya na walang imik kaya ng makarating sila sa bahay ay nakahinga na siya ng maayos.
"Buwisit na mga babaeng 'yon!"
"May sinasabe ka ba, Goli?"
"Hmm, may sinabe ba ako, ano ka ba wala. Halika na sa loob." Nauna na siyang pumasok sa loob at sumunod naman sa kanya ang kaibigan, pinaupo niya ito sa sofa at nagpaalam muna para hanapin ang mama niya pero mukhang wala pa ito ngayon kaya sa kusina nalang siya pumunta para magtimpla ng juice at maglagay ng biscuit sa plato.
Nadatnan niya ang Sidwih na nagcecellphone kaya nagsalita na siya para makuha ang atensyon nito. "Sid, pasensiya na kung biscuit at juice lang maihahanda ko sayo. Wala pa pala si mama."
"Okay lang naman," ani nito. Abala pa din siya sa cellphone niya at mukhang may katext siya. Hinayaan niya nalang at naupo sa harapang upuan.
"Pwede bang mauna na ako, may kailangan lang akong puntahan." Hindi pa nga niya nagagalaw ang inihanda ay aalis na agad siya.
"Magkita nalang tayo bukas," dagdag pa ni Sidwih.
Hindi pa nga siya nakakasagot ay naglakad na palabas si Sid, hindi pala lakad kundi patakbo. Napakamot nalang siya ng ulo ng hindi man lang nito ginalaw ang juice at binawasan ang biscuit.
Siya nalang ang uminom noon at kumain para hindi naman masayang ang effort niya. First time niyang gawain 'yon pero mukhang palpak pa.
Hinugasan niya ang ginamit na plato at baso bago pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkalabas niya ng kwarto ay nadatnan niya ang Fih na nakatayo sa harap ng pinto niya.
"Ay lalaking walang itlog." Napahawak siya sa dibdib sa gulat, anong trip nitong kaibigan niya at hindi man lang tumawag.
"Ginulat mo 'ko ng sobra." Napahawak ako sa dibdib ko.
"Umuwe na ang lalaki?"
Umayos ako ng tayo.
"Oo. Ngayon ngayon lang, bakit?" Sa sala siya nagtungo para doon makipag-usap ng maayos sa kaibigan. Sumunod naman ito sa kanya, nakaupo na ako pero si Fihm ay nakatayo pa.
Kumunot naman ako noo ko, "umupo ka nga, para ka naman na ibang tao."
"Layuan mo 'yong Sidwih na 'yon." Gusto niyang matawa sa sinabi ng kaibigan pero nanahimik nalang siya. "Tinanggihan mo ako tapos harap-harapan kang nakikipag-usap sa lalaking 'yon."
"Hindi ko makuha kung saan ka nanggagaling, ano bang nangyayari sa'yo ano ba ang hindi mo maintindihan na mas mahalaga ang pagkakaibigan natin kaysa dyan sa nararamdaman mo. Paano ko iiwasan yung tao kung kaklase natin at katabi ko pa." Hindi niya maiwasang tumaas ang boses, bigla kase siyang nainis sa inaasta nito lalo na sa pagbabawal sa kanya na lapitan si Sidwih. Wala naman na ginawang masama sa kanya yung tao para layuan niya.
"You choose him over me, tss." Napangiwi ako sa sinabi nito. "I'm Jealous, Goli. Nagseselos ako."
Natahimik ako sa sinabi nito lalo na't seryoso ang mukha nito habang sinasabi ang katagang 'yon.
"I want you, I don't want to be your friend, I want more than that."
"Pero hindi tayo pwe—
"Then why?"
"Mahalaga ka sa akin at ayakong masira 'yon dahil sa pagkagusto mo sa akin. Hindi ba magkaibigan naman tayo, magpokus nalang tayo kase doon may espesyal, doon hindi natin masasaktan ang isa't-isa, doon mas masaya tayo at higit sa lahat okay tayo." Tama naman ako, hindi ba? Hindi ko kaya na masira ang ilang taon na ibinigay namin sa pagiging magkaibigan.
Almost a year, siya ang naging karamay ko sa lahat maski sa mga bumubully sa akin ay siya ang kakampi ko at nagsilbing tagapagtanggol ako. Inaaway niya ang mga ito, masaya ako do'n at thankful kaya ayaw ko na masira lang 'yon dahil sa may gusto siya sa akin kasi hindi kami pwede.
"At please, huwag mo akong diktahan sa kung sino ang didikitan at kakausapin ko. Tao din ako at hindi naman ako tulad ng ibang tao na maldito pagdating sa ibang tao. Please, understand me."
Dinig niya ang pagsinghap ng kaharap kaya may kung ano siyang naramdaman na ayaw niya ng ipaalam. "Let's end this conversation. And don't worry, lalayo muna ako para hindi ka maproblema."
Para siyang sinaksak sa likod ng sabihin nitong lalayo siya, wala siyang ni anong salita na inilabas. Pinagmasdan niya lang ang likod ng kaibigan na palabas.
Kailangan bang mangyari ito sa aming dalawa.
"Anak, nakita ko si Fihm na kakalabas lang at masama ang mukha may nangyari ba....oh, bakit ka umiiyak?"
Ha?
Kinapa ko ang pisnge ko at tama nga si mama naiyak na pala ako. Mabilis ko itong pinunasan.
"Napuwing lang po, pagod na ako sa kwarto." Tumalikod na ako kasi ramdam ko na babagsak ulit ang luha ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay tumulo ng tumulo ang luha ko.
I'm sorry, Fihm.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro