C29 - With him
IT WAS a midday when I received his call. Gusto niya akong pumunta sa bahay nila kaya nagmadali na akong magbihis. "Ma, pupunta po ako kina Sid."
Tumango lang ito kaya naglakad na ako paalis, mabilis naman akong nakarating sa bahay nila kaya pinindot ko na gatebell nila. Si Tita Maria ang lumabas kaya binati ko ito, nginitian niya lang ako kaya pumasok na ako. "Ijo, umakyat ka na sa taas."
"Opo."
Pagkadating ko sa kwarto ni Sidwih ay wala ito, baka nasa banyo kaya naupo nalang ako sa kama niya pero nang tumingin ako sa side wall nito nakita ko ang dalawang frame na niregalo ko sa kanya kaya tumayo ako at lumapit dito.
Maganda pala talaga ang ganito, sobrang unique nito para sa mga trip mo sa buhay. Ang cute namin dito ni Sidwih, picture namin noong nasa milktea shop kami.
"Finally, you're here." Nagitla ako ng yumakap ito sa akin kaya nagsitaasan ang balahibo ko, "I want you babe."
"Umayos ka nga, pinapunta mo ba ako dito para sa ganoon. Sasapakin talaga kita, gobilam na pilyo ka talaga!" Humarap na ako sa kanya kaya napitik ko ang noo nito, natawa pa ako ng lumabi ito na parang bata. Imbes na matuto ay hinila pa siya nito pahiga sa kama. "Sid, basa pa kaya 'yang buhok mo. Tumayo ka nga at magbihis!"
"Ayaw mo talaga?"
Kinilabutan ako ng sa taenga ko ito magsalita, bakit kase ganito siya ang hilig-hilig niya sa kahalayan. Hindi pa nga ako nakakabawe pinatungan naman niya agad ako. "Sid?"
"Please?" Hindi na siya nakawala sa pagkapatong ng binata sa kanya nang bigla siyang halikan nito. Sumabay nalang siya sa gusto nitong mangyari, sa makatuwid ay nais niya din naman na magniig silang dalawa.
Hindi lang isa o dalawa ang ginawa nila kaya sobrang bagsak nilang pareho. Magkayakap silang dalawa ngayon, nakatingin sa kisame at wari'y nag-iisip. "Hindi ka ba papasok?"
"Mas gusto ko na makasama ka kaysa sa pumasok, baka mamaya niyan malingat lang ako ng kaunti nasa Manila ka nanaman." Hindi na kaya ako aalis sa tabi niya lalo na't ipinangako ko sa sarili ko na kapag iniwanan ko pa siya o sila ay hindi na siya muling magpapakita. Kailangan ko din maghanap ng trabaho para sa plano ko sa future.
"Paano naman ako pupunta sa Manila kung wala naman na akong pupuntahan do'n aside sa father and brother ko."
"Baka nakakalimutan mo na may birthday kang pupuntahan bukas? Friday night, 'yong manager niyo." Bukas na pala 'yon, nakalimutan ko agad.
"Mabuti nalang talaga pinaalala mo 'yan, antayin nalang kita bukas pag-uwe mo."
Nakaramdam ako ng ginaw kaya mas yumakap ako kay Sidwih, tinanong nito kung masyado bang malamig kaya tumango ako. May inabot itong remote at itinutok sa aircon, nabawasan na ang lamig pero nanatili akong nakayakap.
Inangat ko ang kamay ko at inilagay sa nip ple ni Sidwih, nilaro-laro ko ito kaya ng mahinang mapaungol si Sid ay tinigilan ko na at baka kung saan pa ito mapunta. "Bakit mo tinigilan?"
Hindi ako sumagot dahil nakaramdam ako ng antok kaya isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib nito at pumikit na. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi nito sa aking pisnge. "Ibibigay ko sayo lahat ng isang daan porsyento ng pagmamahal ko."
"Don't. Give me a half not a whole." sagot ko, hindi dahil sa ayaw ko ng buong pagmamahal niya kase paano naman ang sarili niya kung buong porsyento ang ibinigay niya sa akin.
May kasabihan nga na huwag mong ibigay ang buong pagmamahal mo sa isang tao para hindi ka masaktan ng sobra, wala naman akong balak na saktan siya pero ayaw kong maging selfish na maski para sa sarili niya ay kukunin ko pa. Tama naman ako diba, dapat half lang para less pain of anything.
"Love yourself." Pagkasabi ko no'n ay nakatulog na ako.
Nagising ako na wala sa tabi ko si Sidwih kaya tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras na, alas sais na ng gabi. Tumayo ako para mag-unat inayos ko din ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto.
"Ang dilim naman ng bahay nila ngayon." Mabuti nalang na nasanay ako sa dilim noong panahon na nawawalan kami ng kuryente. Nasaan ba kase si Sidwih bakit hindi man lang niya ako ginising, salbahe talaga ang isang 'yon.
Bumaba na ako ng hagdan pero may naapakan akong basa kaya tinignan ko ito, ginamit ko ang daliri ko para siguraduhin kung ano ito. At ng malaman kung ano ito ay nanlaki ang ulo niya at nakaramdam siya ng pagkamanhid ng tuhod kaya napaupo siya sa lapag.
Saan galing ang dugo? bakit may dugo sa hagdanan. Nangingilo na siya sa dugong nasa kamay niya kaya unti-unting nanlabo ang mata niya.
Masakit ang ulo ko ng magising ako, inikot ang mata ko sa paligid na napagtanto ko na wala ako sa kwarto ni Sidwih. Binalak ko na tumayo ng biglang may pumasok sa pinto. "Sid, nasaan ako?"
"Nasa hospital ka."
Ang naaalala ko nasa bahay ako nila Sid ng may maapakan akong dugo kaya nanlabo ang paningin ko. Takot ako sa dugo kaya ayaw kong nakakakita ng ibang dugo bukod sa akin kase nawawalan ako ng ulirat. "May dugo sa hagdanan kaya nahimatay ako. Bakit may dugo?"
"I'm sorry." Tinignan ko siya ng sabihin niya 'yon. Bakit siya humihingi ng sorry kung wala naman siya kanina ng mahimatay ako. "Ako naglagay ng ketchup doon na inakala mong dugo."
Sinamaan ko ito ng tingin kaya lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ano bang trip ng lalaking 'to para maglagay ng ketchup sa hagdanan. "Hindi ko alam na takot ka sa dugo kaya humihingi ako ng sorry. Ipraprank sana kita kaso mukhang nagkamali ako sa part na 'to. I'm so sorry talaga, okay lang kung magalit ka sa akin."
"Hindi ako galit sa'yo, hindi ko naman din nasabi sayo na takot ako sa dugo kaya huwag ka na mag-alala wala namang nangyari sa aking masama." Vlogger na ata 'tong boyfriend ko kaya ang hilig sa prank. "Huwag mo nalang ulitin."
"Sorry talaga, babe."
"Baliw ka, okay na ako." Humarap ito sa akin at hinalikan ako sa labi, nasa ganoong tagpo kami ng makita ni tita Maria kaya napaiwas ito ng tingin. Natawa naman kaming parehas ni Sidwih kaya humarap na sa amin si tita.
"Pwede ka na daw lumabas ijo, sorry din ah. Napahamak ka sa pagiging vlogger ng anak ko." Kahit pala hindi sabihin sa akin ni Sidwih na vlogger siya ay malalaman ko sa pinaggagawa niya sa akin. Ako pa ginawa nitong content, salbahe talaga itong boyfriend ko.
"Wala na po 'yon, maayos naman po ang lagay ko. Tara na po umule na tayo." tumayo na ako at inalalayan naman ako ni Sidwih, nahimatay lang naman siguro ako at hindi napuruhan pero salamat na din sa kanya, kase naman dapat sinabihan niya nalang ako para naman makisabay ako sa prank niya. Magaling naman akong umarte kaya yakang-yaka ko na ang pag-arte.
NIYAYA ako ni Sidwih na pumunta sa plaza, maganda daw doon kaya pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami papunta. Hindi naman malayo ang plaza kase ilang kilometro lang ay andoon na sila.
Maganda din maglakad-lakad ngayon dahil maaliwalas ang gabi at medyo malamig pa ang ihip ng hangin. "Mas feel ko talagang tumira sa gubat, sobrang relaxing ng hangin doon at malayo sa mga toxic people."
"Maganda kase sa mga gubat kaso nakakatakot din minsan kapag 'di ka sanay sa mga hayop doon." Kaya mas maganda 'yong simpleng bahay lang talaga na may mapagtatamnan ka ng mga gulay at mga prutas.
"Sabagay...oh nakikita mo ba 'yon? It's so cool right." Tinignan ko ang tinuro nito sa akin at napangiti ako kung mapagtanto ko kung ano ang itunuro niya. Isang kanyon ito na sa palagay ko ay galing sa sinaunang panahon. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila palapit doon.
Maganda ito kahit na simple lang kung titignan, dinukot ko ang cellphone ko at iniabot sa kanya. "Kuhaan mo ako dito babe." Inayos ko ang pwesto ko at nagpose na.
"1...2...3.. pose!" Ilang beses niya akong kinuhaan kaya siya naman ang sabi kong kukuhaan kaso nahihiya daw siya kase may ilang couple na nakatingin sa kanilang dalawa. Kailan pa siya naging mahiyain,"sige na nga mga tatlo lang ah."
"Hindi marami pa. Marami pang space ang cellphone mo kaya ubusin natin." Akala mo naman talaga mauubos nila ang space ng phone. Kinuhaan niya na ito ng litrato, hindi lang isa kundi mga sampu. At dumikit ako sa kanya para ipakita 'yon. "Kailangan may picture din tayo na magkasama."
May dumaan na batang lalaki kaya tinawag ko ito at kinausap. Pumayag naman ito Kaya kinuhaan niya na kami ng litratong dalawa pero natatawa ako sa nagiging reaksyon ni Sidwih kapag bigla ko siyang hinahalikan sa pisnge, kamusta nalang kaya kung may maganda na nakuha ang bata.
"Salamat bata ah, sorry din sa abala." Dumukot ako sa bulsa ko at inabutan ang bata ng pera. "Pambaon mo bukas, salamat ah!"
"Salamat po kuya."
Umalis na ang bata kaya tinignan niya ang mga kinuha nitong lirato pero nagulat ako sa naging resulta, maganda at malinis ang pagkakakuha nito ng litrato kahit na ang ilan ay efic face ay nagawan niya ng paraan para maging maganda.
Tumingin ako sa dinaanan ng bata pero malayo na ito, may talent ang bata sa photography. "May I see."
"Look, Sid. Ang ganda ng pagkakuha nung bata." Ipinakita ko kay Sidwih ang kinuha ng bata maski ito ay nagandahan sa mga pictures.
Ilalagay ko 'to sa Facebook mamaya pero sa ngayon kailangan muna naming mag-enjoy na dalawa, oras nila ito ngayon kaya kailangan nilang magrelax. Nakasandal ang ulo ko sa kanya habang magkahawak ang kamay.
"Kapag nakatapos tayo ng pag-aaral magpakasal na tayo ah para siguradong wala talagang iwanan."
"Kung sakaling dumating nga 'yan, saan tayo magpapakasal na dalawa?" Lalo na't hindi pa pasado sa bansa namin ang same sex marriage.
Hindi ito umimik kaya tumingin ako dito, seryoso itong nakatingin sa akin kaya inantay ko siya na magsalita. "Saka na natin isipin kapag nasa sitwasyon na tayong dalawa. At huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa kasal nating dalawa."
Mukha ngang siya na ang bahala sa kasal naming dalawa kasi nakikita ko sa mata nito na gusto niya talaga akong pakasalan at syempre masaya ako doon dahil isang Al Fuente 'yang papakasalan ko. "Gumawa tayo ng kasunduan na kapag dumating ang tamang panahon ay babalikan natin ang lugar na ito."
Itinaas ko ang kamay naming magkahawak at sinabi ko sa kanya halikan namin ang kanya-kanyang palad. "Bibilang muna ako tatlo bago natin sabay na gawain."
"Isa...dalawa...tatlo" pagbibilang ko at sabay kaming humalik dito, nagtawanan kaming dalawa ng matapos. Hindi ko alam pero bigla ko lang naisip ang bagay na 'to feel ko kase na mas tatagal pa kaming dalawa. At hamakin man kami ng mga pagsubok ay sabay namin itong lalampasan. "Iiwan natin sa lugar na ito ang ating kasunduan para maging matibay ang samahan nating dalawa."
"I love you, Goli Santos Al Fuente." Humalik ito sa aking noo bago ako yakapin. Ang mabuhay na kasama siya ay isang masayang pangyayari.
Nasa tagpo kaming dalawa na ganoon ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya umayos kami ng pwesto para hindi masyadong mabasa kaso kahit anong siksik namin ni Sidwih sa gilid ay ang natatamaan pa din kami ng tubig.
Kapuwa pa kaming dalawa na natawa, mga tinginan namin na parang nag-uusap. Naghawak kamay kaming dalawa at sabay na bumilang hanggang sa parehas kaming nagpakabasa sa ulan.
Wala na kaming pakelaam kung pinagtitinginan kaming dalawa ang mahalaga ay masaya kaming nagtatalampisaw sa ulan. Tumingala ako para maramdaman ang pagpatak ng ulan sa mukha ko , sobrang ang gaan sa pakiramdam ang ulan na ito.
Biglang kumidlat kaya napasigaw ako, lumapit sa akin si Sidwih at hinila ako sa malapit sa kanyon. Pinagmasdan ko ito at mas lalo kong napagtanto na hindi magiging buo ang mundo kung wala siya sa buhay ko. Hindi talaga kakayanin na mawala siya sa akin.
Itinaas ko ang kamay ko at umikot-ikot, ganoon din ang ginawa ni Sidwih. At nang mapagod ay magkatabi kaming naupo sa gitna at doon ako humiga sa balikat niya. Pinagmasdan ko ang pagbuhos na pumapatak sa paligid sabayan pa ng mabibigat na kulog at pahapyaw na kidlat, sobrang perpect ng senaryo na ito.
"Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, masasabi kong sobrang worth it. Natutunan ko kung paano maging matatag sa sitwasyon na sobrang hirap kaharapin na mag-isa. Wala akong choice kundi ang lumaban dahil kapag hindi ko gagawin 'yon, matatalo ako. Hindi ko makikita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon na kasama ka at masaya tayong dalawa. Maraming salamat Sidwih dahil hindi ka nagalit sa akin." Sa saganang ulan na ito ay pagbuhos ng sayang nararamdaman ko. Naghalo-halo na ang lahat kaya sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas narating din naming magkasama ang bagay na ito.
"Sinabe nila noon na tanga ako dahil sa hindi ko magawang magalit sa'yo pero hindi nila alam kung gaano ako kasakit sa akin na maiwanan mag-isa, naikwento ko sayo ang tungkol sa daddy ko kaya nangako ako sa sarili ko na kapag nakita kita o bumalik ka ay hindi ako magagalit." Humalik ito sa noo ko kaya humarap ako dito, ngumiti ako sa kanya at ganoon din ito sa akin. Dahan-dahan niyang lumapit sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi.
Sumabay din ang kulog at kidlat na siyang mas lalong nagbigay sa amin ng masidhing damdamin. Damdamin na kahit anong unos man na dumating ay mananatiling matatag ito sobrang mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito.
"Sa bawat patak ng ulan ay ang simbolong hindi mauubos ang pagmamahal namin sa isa't-isa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro