C25 - Comeback
HINDI ako nakatulog ng gabing 'yon sa sinabe ni Sidwih, inisip ko kung ano ang magiging hakbang ko. Uuwe ba ako para hindi na sila mag-alala o huwag na munang magpakita, "Goodmorning babe."
Dito siya natulog kagabi, mabuti nalang talaga mabait si Aling Nena at pumayag ito na dito na magpalipas ng gabi si Sidwih. Natuwa pa nga ito na sa wakas ay may bumisita sa akin sa loob ng dalawang taon. "Good morning."
"Where's my morning kiss?" Tinignan ko ito kung seryoso ba siya, at mukhang seryoso nga siya sa halik. Sila na kase ulit at alam kong masyadong mabilis pero wala e nagpadala ako sa mga yakap niya kagabi. Kakambal na talaga niya ang kapilyuhan. "Kiss me, babe."
Napangiti ito ng bigla ko siyang hinalikan sa labi, kaya umiwas ako ng tingin dito. "Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi, tignan mo mata mo may eyebag."
"Inisip ko lang si papa, gusto ko siyang puntahan pero natatakot ako."
"Hindi mo kailangan matakot sa kanya, tatay mo 'yon eh. Saka nagsisise naman na 'yong tao, huwag mo silang tiisin kagaya ng pagtitiis mo sa akin."
Hinarap ko siya para samaan ng tingin, anong sinasabe niyang tiniis. Kung tiniis ko siya edi hindi sana sila magkasama ngayon, napakabaluga talaga ng lalaking 'to. "Aminado ako na gustong-gusto ko silang makita lalo na si mama pero 'yon nga hindi pa ako ready."
"Ang kulit mo naman kase, ang gulo mong kausap." Tumalikod ito sa kanya, hanep naman pala siya eh. Ako pa itong papalabasin niyang makulit, ang bait-bait ko kayang tao.
"Umayos ka! Hindi bagay sa'yo, pinag-iisipan ko na kaya huwag kang parang bata d'yan. Ang laki-laki ng birdy mo tapos ganaan ka." Mabilis itong humarap sa akin at niyakap ako, hinalikan pa nito ang noo ko kaya mahina akong natawa.
"Alam kong malaki siya kaya nga ikaw lang nakakita at nakahawak niyan, eh. I love you, Goli."
"Infairness ah, hindi nawala pagmamahal mo sa akin. Ginayuma mo ba ako?"
Muli itong humalik sa noo ko, "Baliktad, baka ikaw gumayuma sa akin." Natapik ko ito sa braso. Sana all marunong mang-gayuma ng tao. Masaya siya ngayon at naramdaman niya ulit na ligtas siya sa tabi ni Sidwih. Ang lalaki lang talaga na ito ang nagpaparamdam sa kanya ng ganitong pakiramdam.
"Huwag mo na ulit ako iwanan, babe. Baka kapag naulit 'yon mabaliw na ako sa pangungulila sayo."
Sa muli naming pagkikita ay may napagtanto ako, na sa loob ng dalawang taon na lumipas ay hindi siya nawala sa isip ko. Kahit kailan ay hindi ko siya nakalimutan, parte pa din siya ng buhay ko kaya mahirap kalimutan.
"Papasok ka ba sa school ngayon, babe?"
"Hindi na ako nag-aaral, Sid. Busy ako sa trabaho at balak ko munang mag-ipon para sa susunod a taon kung gugustuhin kong mag-aral." Kumunot ang noo nito sa sinagot ko kaya nagulat ako ng maupo ito. Naupo din ako para magkaharap kaming dalawa. "Sa work ako papasok mamaya."
"Saan ka nagtratrabaho? Mahirap ba ginagawa mo do'n, baka inaalila ka nila ah?" sinita ko nga ito, kung ano-ano naiisip. "Baka naman may nagkakagusto sa'yo doon. Susuntukin ko talaga 'yon."
"Kumalma ka nga dyan para kang baliw. Walang nagkakagusto sa akin, okay? As if naman na meron." Mas mainam na hindi ko nalang banggitin sa kanya ang tungkol kay boss Christopher at baka magkagulo pa silang lahat.
"Mas mabuting alam kong wala...pero sure 'yan ah. Wala talaga?" tumango ako para kumalma na itong boyfriend ko, at baka saan pa mapunta ang iniisip nito. Niyakap nito ang binata at hinalikan ito sa pisnge. "Masyado kang clingy ngayon ah, halatang namiss mo ako. Gusto mo ba ng alam mo na."
"Manahimik ka nga at baka masapak kita dyan."
"Salbahe. Gustong-gusto mo naman kagabi ang ginawa na-" tinakpan ko ang bibig nito dahil sa sinabe nito, ang lakas talaga ng pagkapilyo ng isang ito. Sarap busalsalin ang bibig, pinagbigyan na kagabi gusto pang makaisa ngayon.
Saka puyat ako ngayon kaya nahiga ulit ako, hindi na lang muna siguro ako papasok. Bago ako yumakap kay Sidwih ay tinext ko muna si Boss at Manager na hindi ako pumasok. "Hindi ka papasok?" tumango ako. "Masosolo pala kita ngayon pero bago 'yon matulog ka muna at babantayan kita. Goodnight, babe!"
"Tse, goodnight sa akin."
Nagising ako ng may humahalik sa labi ko, pagkadilat ko ay nakita ko si Sidwih na nakangisi sa akin. "Mabuti naman at gising ka na, alas kwatro na ng hapon. Hindi ka ba nagugutom?"
Tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil sa inaantok pa ako, gusto ko pang matulog kase parang ngayon lang ako nakatulog ulit ng ganito.
Yumakap naman sa akin si Sidwih at humahalik ito sa likod ko. "Sid, two hours pa please." Naramdaman ko ang pag-ayos nito kaya natulog ulit ako.
Muli akong nagising pero this time wala na sa tabi ko si Sidwih kaya bumangon ako para hanapin ito, saan kaya pumunta ang lalaking 'yon. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Aling Nena na nagwawalis, "Good evening po."
"Oh, mukhang sinulit mo ang pagtulog ijo. Oo nga pala 'yong kasama mo may binili lang sa labas, baka daw kase hanapin mo siya kapag nagising ka. Sandali lang daw siya."
"Ganoon po ba? Salamat po."
Pumasok ako sa kwarto para kumuha ng susuotin, at lumabas din para pumunta sa banyo para habang wala pa si Sidwih ay nakaligo na siya. Baka umuwe ito sa tinutuluyan niya o bumili ng pagkain.
Pinunasan ko ang sarili at nagbihis na, bumalik na ako sa kwarto bitbit ang mga ginamit ko. Inilagay ko ito sa isang lagayan at naupo para patuyuin ang buhok ko. Dumako ang tingin ko sa lamesa ko at nakita ko doon ang regalo na ibinigay sa akin ni boss.
Lumapit ako dito para tignan ulit, ang laman nito ay hindi ko inaasahan na matatanggap ko muna sa boss ko. Hindi sapat ang taon na nagtrabaho siya sa restaurant para bigyan siya ng ganito.
Paano niya matatanggap ang house & lot at certificate sa pag-aaral kung hindi naman niya deserve ang bagay na 'to. Saka kaya ko namang makakuha ng ganito kung mas magsisikap ako, hindi pwedeng dumepende ako sa taong pinagtrabahuan ko. Ibabalik ko nalang siguro ito sa susunod na araw.
Inayos ko ang pagkalagay nito at bumalik ako sa kama. Ang tagal naman atang bumalik ni Sidwih kaya para hindi makaramdam ng pagkainip ay kinuha ko ang cellphone at nagbukas ng facebook. Hinanap ko ang facebook ni Rold para istalk, marami na ang nagbago sa kanya.
Mas matured na ito na ngayon kaysa nung huli naming nagkasama, nakita ko din ang picture ng girlfriend nito kasama ang baby boy nila. Kamukhang-kamukha nito ang daddy niya at nakuha naman ng baby ang maamong mukha ni Cheryl.
"Get well soon papa, we miss you!" Nabasa ko sa post nito na may kalakip na litrato ni papa na nakahiga sa hospital bed, bigla akong nakaramdam ng lungkot at kirot sa dibdib. Pinindot ko ang picture at nizoom, pumayat si papa. Inalis ko agad doon at tumingin nalang sa ibang post ni Rold.
"Where are you, kuya? Bumalik ka na para kina mama, huwag mo na po kaming tiisin."
"Meet Sebastian L. Santos our new Santos. Kuya loves you too (insert: Gol Santos)" tumulo ang luha ko sa mga nababasa ko, ano ba itong nangyayari. Hindi ko kinaya ang picture ni papa na binalikan ko ulit tignan, ang dating tamis sa mga ngiti ni mama ay nawala. Humagulgol ako sa nangyari, paano nila hinayaan na magkaganito sila. Bakit kailangan pa nilang maghanap? Bakit hindi nalang mga sarili nila ang alahanin nila.
Andito ako sa malayo na maayos ang kalagayan tapos sila hindi ko pa malalaman kay Sidwih na may sakit si papa at hindi ko din malalaman ang itsura nito sa post ni Rold. Kailangan ko na talagang umuwe sa amin.
"Babe?" pinunasan ko ang luha ko ng pumasok si Sidwih pero hindi ko naikubli ang mga luha ko dahil nang makita ko ito ay tumulo nalang ulit ito. "What happened?" niyakap niya ako kaya yumakap din ako pabalik, iyak lang ako ng iyak ss kanya at hindi nagsasalita.
Sobrang sakit sa puso na makitang ganoon ang kalagayan ng pamilya ko, akala ko talaga ay nandito din siya manila kaya naging maingat ako pero nagkamali ako, wala akong ideya. Wala akong kuwentang anak. Kasalanan ko 'to.
"Hey, answer me. Don't cry please."
"Gusto ko silang makita, Sid. Gustong-gusto ko na silang makita, hindi kinakaya ng dibdib ko ang sakit na makita silang ganoon." Mas humigpit ang yakap nito sa akin, inilabas ko lahat ng sakit sa puso ko.
"Shhh, magiging maayos din ang lahat. Hindi mo naman kasalanan na magkasakit ang papa mo kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."
Magkayakap kaming dalawa ngayon, medyo okay na ako dahil sa comfort niya. Pero kapag naiisip ko ang mukha ng parents ko ay hindi ko maiwasang isisi sa sarili ko ang nangyari sa kanila, bakit kase hinayaan nilang mangyari sa mga sarili nila 'yon. Malaki naman na ako, dapat masanay na sila lalo na't dadating sa point na magkakaasawa ako, magiging maybahay at magiging ina ng mga anak namin ni Sidwih.
"Oh bat natawa ka dyan?"
"Ah wala, may naisip lang ako bigla." Malungkot na nga ako pero nagagawa ko pang biruin ang sarili ko dahil sa iniisip ko. Imposible naman na mangyari 'yon.
"Akala ko nababaliw ka na, nakakatakot." Napalo ko ito at hinarap. "Bakit ganyan ka makatingin? Kakainin mo ba ako?" Kinurot ko nga siya.
"Kapilyuhan mo umaatake nanaman! Saan ka pala galing kanina?"
"Bumili ako foods kaso nadatnan kitang naiyak, nagugutom ka na ba? kanina ka pa walang kinakain." Tumayo ako dahil nakaramdam na din ako ng gutom, baka mamaya niyan ay bigla nalang ako himatayin at pagsamantalahan ni Sidwih ang kainosentehan ko.
Inabot sa akin ni Sidwih ang binili niyang pagkain, at natawa naman ako dahil sa binili nito. "Salamat sa Mang-inasal na binili mo, sabayan mo na akong kumain." Sabay kaming dalawa na kumain at nagkwekwentuhan din sa anong nangyari sa amin sa loob ng dalawang taon. At marami akong nalaman sa kanya.
Mas lalo lang gwumapo ang boyfriend ko.
HINDI kami lumabas ng kwarto, andito lang kami hanggang lulalim ng gabi. Mas inenjoy namin na magkasama kaming dalawa dahil bukas ang balik nito sa Cavite. "Sure ka, hindi ka talaga sasama sa pagbalik sa Cavite akala ko ba gusto mo na makita pamilya mo."
Bumuntong hininga ako, "Hindi pa muna pero pabor ako sa'yo." tumayo ako para kunin sa taguan ko ang perang naipon ko, kumuha ako ng pera at iniabot kay Sidwih. "Gusto kong ibigay mo 'to kay mama, huwag mo lang sasabihin na ako ang may bigay niyan."
"Babalik agad ako dito sa susunod na byernes, dito ko na gugugulin ang oras ko."
"Gusto mo bang lumabas? Dyan nga lang tayo at maglalakad-lakad, wala pa kase akong napupuntahan masyado akong abala sa trabaho." Sayang naman talaga, ang bahay kase nila John ay malayo dito sa tinutuluyan ko.
"Bumalik ka na kase sa Cavite, may mga bagong bukas na foodhub doon at maganda na ang plaza. Tiyak na parehas tayong magsasaya."
May tamang panahon para sa bagay na 'yon, sa ngayon talaga ay priority ko ang trabaho para may maipon sa next school year. Ayaw ko ng umasa sa iba, kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. "Ikaw nalang ang magsabi sa kanila na alagaan nila ang sarili nila at huwag na nila akong alahanin pa. I can handle myself naman na."
"Basta sabihan mo ako kung kailan ka babalik." Kaunti pa. Kaunti pa para matupad ko ang pangarap kong restaurant, mas maganda 'yon para may mapagtuunan ako ng pansin kapag bumalik ako ng Cavite. Sobrang miss ko na doon pero kailangan munang magsakripisyo.
Balak ko kaseng gawain na cafe restaurant pero may twist, tutal kase mahaba ang area ay marami kang paglalagyan ng mga stole. Isa na doon ang book library for students, may malapit kaseng school doon at malapit din sa mall.
Nadadaanan ko na ito noong pumapasok kami kaya malaki talaga at puntahin ng tao. May katabi din kase itong compound. Pero uutayin ko muna ang pagpapagawa, start ko muna sa cafe restaurant bago ko gawain 'yong ibang area.
Para sa akin all set na siya sa isipan ko, datung nalang talaga ang kailangan para matupad ko 'yon. I need to work hard for my future. Nakakatuwa lang dahil noong bata ako ay ang dami kong pangarap pero ngayon stock ako sa pagiging businessman. Hindi naman masamang mangarap ng mataas diba basta magawa mo part bilang tao. "Anong iniisip mo, babe?"
"Future. Simula noong mag-isa ako mas nadagdagan 'yong mga gusto kong gawain sa buhay."
"Kasama ba ako dyan?" aba, mukhang magdradrama ang boyfriend ko ah. Matagal na kaya siyang kasama sa mga pangarap ko. Siya na kalahati ng buhay ko kaya impossible na mawala siya sa future ko. Kahit na iniwan ko siya pero pinatunayan niya talaga sa akin na mali ako, maling iniwanan ko siya dahil ako at ako pa din ang pipiliin niya. And I also appreciated that.
"Of course, you will always be part of my future. Whatever happens, You'll always be there and I'm so lucky to have you.” Parang dinudugo ako ngayon sa english ko, hindi ko naman alam kung tama. Basta masaya ako at ilang beses ko man na sabihin ay walang magbabago na maswerte ako sa kanya dahil ako ang minahal niya. "Handa akong tumulay sa apoy ng pag-ibig para sayo."
"I'm so happy to hear that, babe. Don't worry, I'll do my best to be a good man for you. I love you, mahal kita Golib Santos -- Al Fuente forever."
Walang mapaglagyan ang galak sa puso ko, masyado akong pinuno ng pagmamahal ko sa kanya kahit na sugat na kailangan ko ding ayusin sa tamang panahon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro