Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C24 - Unexpected

PAGKAPASOK ko palang sa restaurant ay agad akong nagpalit ng uniform, marami-rami kase ngayon ang customers dahil may biglaang reservation. Pagkatapos kong magpalit ay lumapit ako kay Yvette para tulungan itong ibigay ang orders. "Mabuti nalang talaga maaga kang pumasok at baka mamaya madatnan mo nalang kaming lawit na dila."

"Tinawagan ako ni boss." Binuhat ko na ang tray at sabay na kaming naglakad papunta sa mga tables. "Excuse me po." Inilapag ko isa-isa ang order nila at binigyan sila ng tissue at water.

"Enjoy eating."

May bagong dating na customers kaya nilapitan ko ito para igiya sa bakanteng upuan at inabutan ito ng menu card, "Cappuccino frappe, Matcha and Cafe Americano. That's all, thank you!"

Pagkalista ko ng order nila ay umalis na ako at binigay sa counter para magawa. Nilapitan ko naman ang isang customer na mukhang may idadag. "Two cheesecake and Matcha."

"That's all ma'am?" Tumango ito kaya dinala ko na sa counter ang order kapalit noon ang kaninang order kaya ibinigay ko na sa table five.

At paulit-ulit na ganoon ang set-up kaya lahat na kami ay naghahabol hininga dahil sa sunod-sunod na orders. "And finally, tapos na din ang daluyot sa lugar na ito. Damang-dama ko ang pagod."

"Manahimik ka Yvette at baka marinig ka ni boss at bawasan ka ba ng salary." Umismid naman si Yvette sa sinabe ng manager namin, lagi nalang silang nagtatalo at para silang aso't-pusa.

"Oo nga pala, Goli. Gusto mo sumama mamaya na lumabas. May nagyaya kase sa akin, ano game ka?" Napakamot ako ng ulo, hindi ko alam kung paano ko sasabihing hindi ako pwede. Isa din kase si Yvette sa mga bossy na kilala niya, masyado itong demanding at worst maingay.

"Huwag mo sabihin na tatanggihan mo ako?"

"Hm, ganoon na nga. May gagawin kase ako sa tinitirhan ko pwedeng sa susunod nalang ako sumama?" Mukhang napansin naman nito na hindi niya ako mapipilit kaya nagpaubaya nalang  ito.

Muli kaming bumalik sa trabaho ng may dumating na isang pamilya, at naging sunod-sunod na hanggang sa unti-unti silang nalagas. Sakto pa na dumating si boss kaya naging hati ang atensyon ko, ako lang kase ang tinatawag nito para utusan. "Pagkalabas mo tawagin mo si Manager Chin at may sasabihin ako. Go back to your work na."

Lumabas na agad ako para papuntahin ang manager sa opisina ni boss. "Ano kaya ang kailangan niya. Hmm."

"Hindi ko lang po alam." Tumingin lang ito sa akin bago naglakad papunta sa opisina ni boss. Dumikit naman sa kanya ang Yvette at may sinabe ito na hindi ko magets.

"Alam ko na nakapag-aral ka naman pero bakit hindi mo nakukuha mga sinasabe mo." Hindi ko naman talaga gets ang sinasabe niya, minsan kase ay para lang itong bumubulong o kaya mga unfamiliar words binabanggit. Kumunot tuloy ang noo ko. "Gusto ko sana maging Agbarog kaso dito ako bumagsak. Ikaw gusto mo talaga ang trabahong 'to?"

"Sinasapuso ko lahat ng ginagawa ko ayaw kong mag-aksaya ng oras para sa wala lang, maganda naman itong trabaho na 'to. Worth it pa lalo na kung kitang-kita mo 'yong saya sa mga customers."

"Maganda pero minsan nakakainis lalo na kung may mga customers na nagsasabe ng customers is always right. Hindi pa sila lumiko pakaliwa, akala mo talaga wala silang business para sabihin 'yon." On point naman kaya hinayaan ko nalang itong mag rant sa mga pasaway na customers. Hindi talaga maiiwasan ang ganoong sitwasyon pero dapat isaalang-alang din nila ang inilalabas sa mga bibig nila.

"Yvette, dumadali nanaman 'yang bunganga mo. Bumalik ka na sa counter. At ikaw Santos maglinis ka na at maaga daw tayong magsasara ngayon." Tumili naman ang Yvette dahil sa narinig kaya mabilis itong tinapalan ni Manager Chin ng bimpo sa bibig.

Mahina akong natawa dahil sa dalawang ito, kahit papaano ay nawawala sa isip ko na mag-isip tungkol sa mga naiwan ko sa Cavite. I hope na masaya sila ngayon at patuloy na inaalagaan ang kalusugan nila.

Tinalikuran ko na ang dalawa na kapuwa pa nagsasagutan, wala naman akong magagawa para awating sila dahil sasamaan lang nila ako ng tingin. Bakit kaya hindi nalang nila ligawan ang isa't-isa, mukha namang parehas sila ng nararamdaman. Masyadong in denial.

Mabilis kong natapos ang kabilang area kaya itinabi ko muna ang gamit sa panlilinis para maupo ng saglit, sumasakit na kase ang paa ko at baka anytime ay maout of balance ako.

"Mukhang napagod ang baby natin ah!" Ito nanaman sa pang-aasar si Yvette, akala mo talaga ay bata pa ako. Mag bente uno na nga ako sa October. "Are you tired? Haha! don't worry. We all tired."

Mahina nalang akong natawa, ito nanaman ako na nawawalan ng ganang makipag-usap, kailangan kong irelax ang sarili ko.

"Marami ka atang iniisip, Goli. Gusto mo sumama ka nalang sa akin at promise hindi ka magsisise. Maraming chic doon."  Tumingin ako sa kanya pero mukha namang nakuha nito ang tingin kong 'yon kaya literal na itinaas nito ang kamay tanda ng pagsuko. Naglakad na din ito papunta sa counter at naglinis. Ako naman ay naghilot ng sintido.

"Santos, pinapatawag ka ni boss at dalhin mo 'tong matcha." Napabuntong hininga ako bago tumayo, kinuha ko ang matcha at dinala sa opisina ni boss. Nadatnan ko naman itong nakaupo at abala sa ginagawang report.

"Matcha niyo boss." Ibinaba nito ang hawak na folder at ipinagdaop ang mga kamay bago ito tumingin sa akin. Mapungay ang mga mata nito na parang inaantok, "You okay boss?"

"Give me a blow."

Nagulat ako sa sinabe nito, napakadirect to the point naman nito. Nanatiling nakakunot ang mo ko, "Hindi ko po magagawa 'yon. Aalis na po ako!" Pumihit na ako patalikod ng muli itong magsalita, ano ba nangyayari sa boss niya na ito. Andito sila sa trabaho tapos gusto niyang ipagawa 'yon sa kanya.

"What's wrong with the blow? Hindi ka pa ba nakakasubok sumubo." Tumawa ito na parang nang-aasar kaya humarap ako dito, may prinsipyo ako at ayakong pumasok sa isang sitwasyon na ako lang ang mahihirapan. Oo, alam niyang bakla ako pero hindi sapat 'yon para ganituhin ako.

"Kung babastusin niyo lang po ako, magreresign nalang ako sa restaurant niyo. Excuse me."

"Stop. Ayaw kong mawalan ng masipag na empleyado kaya I'm sorry, siguro masyado lang akong nalalamigan kaya gusto ko maglabas." Kung nalalamigan siya bakit kailangan niya pang kumuha ng Matcha, bakit hindi nalang Cafe Americano para mainitan ang sikmura niya.

"Mawalang galang na po, employee ako dito at hindi po pampalipas oras." Nahilot nito ang sariling sintido bago tumayo at lumapit sa kanya,   humawak ito sa balikat ko kaya tinignan ko ito bago tumingin sa mga mata ni boss.

"Hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan? Kahit ako na ang sumagot ng pag-college mo sa susunod na pasukan, pumayag ka lang na maging akin."

"Malaki po ang respeto ko sa inyo kaya hindi ko po kayang gawain 'yon." Matagal na akong dinidikitan ng boss ko simula ng malaman niyang bakla ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero sinabe lang nito na bisexual siya na nagkakagusto both side. Naiintindihan ko ang urges niya bilang lalaki pero sana maging professional siya. "Pwede na po ba akong lumabas at maglilinis pa po ako."

Bumitaw ito sa pagkahawak sa akin at bumalik sa upuan niya, "You may leave, ihahatid kita mamaya. Sana kahit ganoon man lang ay hayaan mo ako."

"Kung 'yan ang magpapanatag sa inyo, pumapayag po ako. Excuse me po." Lumabas na ako at nagsimula ng maglinis, napapansin ko din ang tingin na ipinupukol sa akin ng dalawa. Mukhang may naiisip nanaman silang conclusion kaya ako ganitong lumabas sa opisina ni boss.

Saktong alas kwatro kami natapos kaya nagpalit na kami ng suot at sabay-sabay na lumabas, kasunod na din namin si boss na seryoso lang ang mukhang lumapit sa amin, I mean sa akin.

"Let's go." Nagpaalam ako sa dalawa at sumunod na sa boss namin, ako na ang nagkusa na sumakay sa likod. "Gagawin mo ba akong driver mo?"

"Po?"

"Nevermind."

Tumahimik naman ako at isinandal ko nanaman ang ulo ko sa salamin at tinignan ang nadadaanan pero may nakita akong isang pamilyar na kakilala kaya kahit nakalampas na ang kotse ay tinignan ko pa ito. "What's wrong, Santos?"

Tumingin ako kay boss pero agad ding tumingin sa labas, siya ba 'yon? Anong ginagawa niya dito sa Manila. Hinahanap ba niya ako,  anong gagawin ko kapag nagkita kaming dalawa.

"Santos. Are you there?"

"Po?"

"I know you don't like me, pero huwag mo namang iparamdam na wala ako para sa'yo. Kahit papaano ay boss mo pa din ako." Doon na ako napaayos ng upo, hindi ko naman sinasadya na hindi sagutin ang tanong niya gusto ko lang kilalanin ang taong nakita ko.

"I'm sorry, boss."

Naging tahimik kami hanggang sa makarating sa tinutuluyan ko kaya nagpaalam at nagpasalamat ako dito bago bumaba, hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy nalang sa pag-akyat hanggang sa makasalubong ko si Aling Nena na may hawak pa ng dyaryo. "Oh ijo, maaga ka ata ngayon." Nagmano naman ako.

"Marami po kaseng customer kaya maagang nagpauwe."

"Ganoon ba, sige pumasok ka na sa kwarto mo." Naglakad na ako papuntang kwarto at pagkababa ko pa lang ng gamit ay nahiga na ako. Ngayon ko naramdaman ang sakit ng katawan ko lalo na ang paa ko, gusto ko sanang hilutin kaso tinatamad akong gawain. Ipinikit ko ang aking mata para magpahinga. Tiyak na bukas ay sasabak nanaman sila sa trabaho.

Nagising ako ng bandang alas syete dahil nakaramdam ako ng gutom, lumabas muna ako saglit para bumili sa malapit na 7/11, dalawang sandwich ang binili ko at tatlong malalaking snacks.

Binayaran ko na agad ito at lumabas na para umuwe kaso hindi ko ineexpect na sa ganitong oras ay makikita ko siya. Hindi ako nagkakamali, siya ang nakita ko kanina sa dinaanan namin.

Mabilis ako nagtago ng lumingon ito sa gawi ko, hindi niya ako pwedeng makita dito. Bahagya akong sumilip para tignan ito kung umalis na ito pero mukhang may inaantay ito sa tabi ng store. Sa ganitong oras, seryoso siya?

Nang makita ko itong maglakad paalis ay lumabas na ako, mabilis akong naglakad pabalik sa tinutuluyan ko pero nasa kalagitnaan palang ako ng paglalakad ay may tumawag sa akin.

Pamilya na boses, "Goli, ikaw ba yan?" ramdam ko ang pagkasabik nito pero hindi ako lumingon. Ayaw kong magpakita. "Goli, my babe."

Humarap ako dito at nakita ko sa mata nito ang kasiyahan na makita ulit ako pero alam kong magagalit ito sa akin sa nagawa kong pang-iwan na walang pasabe. "Why are you here, Sid?"

Akmang lalapit ito sa akin pero lumayo ako, kumunot ang noo nito dahil sa ginawa ko. Matagal na kaming tapos at mahigit dalawang taon kahalati 'yon. Hindi naman na ako nakapag-aral ng college. "I missed you so much, bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam?"

"Lahat ba ng umaalis ay kailangan magpaalam? Hindi naman siguro diba. Excuse me, maaga pa akong papasok bukas." Tumalikod na ako at naglakad paalis pero hinila nito ang kamay ko at nagulat ako sa ginawa nitong pagyakap, na kaytagal kong hindi naramdaman.

"Hindi mo ba ako minahal kaya iniwan mo ako ng walang paalam, Goli. Sinabi natin sa isa't-isa na lalaban tayo para sa relasyon natin pero bakit ka sumuko." Sa bawat salita na binibitawan nito ay ang pagkirot ng puso ko, hindi ko kayang lumaban sa panahon na 'yon kung sarili kong ama ay sinabihan akong salot sa pamilya namin. At mas lalong sumabay pa si Susana at ang mommy Maria nito. Paano ako lalaban kung sa simula pa lang bumagsak na ako.

"Walang pagmamahal na nabuo sa amin ni Susana, lalo na't nalaman ko na kaya lang siya pumunta sa Cavite para guluhin tayo, ang nararamdaman ko sa'yo. Kagagawan ito ni mommy, sorry kung kailan ko nalaman saka ka naman nawala. Masyado akong nalugmok ng panahon na 'yon, hinahanap-hanap kita at lubos akong nangulila sa iyo."

Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi nito, hindi ko alam kung hinayaan ko na magkaganito kaming dalawa. Sa simula palang ay naging mahina na ako, nalubog ako sa mga maliliit na bagay na iniisipan ko agad ng masama tapos itong pag-alis ko para magparaya.

Iniharap niya ako sa kanya kaya kitang-kita nito ang mga luha sa mata ko, wala akong masabi pinangungunahan ako ngayon ng hiya. "Mahal mo pa naman ako hanggang ngayon diba, ako pa din naman diba?"

"Hindi mo naman agad kailangan sagutin 'yon, ang mahalaga sa akin ngayon ay nakita kitang muli. Kung saan-saan akong naghanap sa'yo dito lang pala kita matatagpuan." Deserving ba talaga ako sa lalaking 'to, na kahit iniwan ko siya ay nagawa niya pa din akong hanapin at kausapin.

"Mahal na mahal kita." Pinunasan nito ang luha ko at mabilis akong hinalikan sa mga labi, nagkatinginan kaming dalawa dahil sa gulat hanggang sa ako na ang kusang pumikit nang muling magdaop ang aming mga labi. Pati ang halik niya ay sobra kong kinasabikan.

Kumawala din agad siya sa halik dahil sa paghahabol ng hininga, ilang minuto din 'yon kaya napahawak siya sa balikat ni Sid. "I miss your lips, I miss your body and of course I miss you."

Hanggang ngayon ay pilyo pa din siya, tinanong nito kung saan siya nakatira ngayon pero sinabi niya lang na nangungupahan siya at niyaya niya itong pumunta doon.

"Hinahanap ka ng parents mo, Goli." Natigilan ako sa sinabi ni Sidwih, tumingin ako dito. "Araw-araw ka nilang hinahanap sa bahay na nagbabakasaling pupunta ka sa amin. Ikwinento kase nila sa akin ang nangyari, at ramdam ko na nagsisise na ang papa mo."

Hindi agad ako nakasagot, nakapagpatawad na ako dahil natural nalang na maging reaksyon 'yon pero kahit ganoon hindi pa din maiwasan na maisip ko ang sinabe ni papa.

Anak niya ako kaya dapat maintindihan niya ako at hindi pagsalitaan na parang ibang tao lang.

"May sakit si tito."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro