C21 - Invisible?
NIYAKAP ng babae si Sidwih kaya ng tumingin ito sa akin ay pinilit kong ngumiti, wala naman akong nakikitang mali. Siguro hindi pa ngayon pero kailangan ko magtiwala sa kanya.
"How are you baby? Big boy ka na ah! Waah, namiss talaga kita!" Hinawakan pa nito ang magkabilang pisnge ni Sid at kinurot din kalaunan. Tinignan ko lang silang dalawa at mukhang masaya sila sa muli nilang pagkikita, hindi ko kailangan magreklamo dahil childhood friend sila.
"I'm good, ikaw? Mas lalo kang gumanda ah, iba talaga kapag alagang probinsiya." Sidwih, baka nakakalimutan mong andito ako. Baka gusto mo lang naman na ipakilala ako sa magandang babae na 'yan. Baka lang naman. "Bakit ba tayo dito nag-uusap, tara nga sa loob ng bahay."
"Wait. Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" mukha namang napansin na ako ni Sid ng magtanong ang babae, magpapasalamat ba ako sa kanya o maiinis kase dahil sa kanya naging invisible ako sa harap ni Sid.
"Uhm, sorry" lumapit ito sa akin at inakbayan ako kaya ng tumingin ito sa akin ay muling ngumiti ako, pilit na ngiti ba? "He's my bestfriend, Goli. Goli, she's --"
"Susuna." Ako na ang tumapos sa pagpapakilala niya, hindi naman siguro ako bingi para hindi marinig ang pagbanggit niya ng pangalan dito, mukha ngang nag-uumapaw ang saya niya nung banggitin niya ang pangalan ni Susana.
"Hi, nice too meet you." Inilahad ni Susana ang kamay nito para makipagkamay sa kanya at para hindi magmukhang masama ay tinanggap niya ang kamay nito. "Yay! Bestfriend na din kita ah? Sumama ka na din sa loob. Yikes!"
"I'm sorry, hindi pala ako makakasama sa loob at kailangan ko pa palang magreview. Sid, see you tomorrow na lang."
"It's okay for me, keepsafe po." Tinanguhan niya lang si Susana at tumingin na kay Sidwih, nakakunot ang noo nito dahil alam niyang dito ako matutulog pero paano ako makakatagal sa bahay nila kung may isang taong gusto kaming paghiwalayin at andoon ang babaeng gustong ligawan ni tita.
"Diba, dito ka matu--"
"Let's go na, waah! Excited na ako makipagkwentuhan sa inyo ni tita." Hinila na ni Susana si Sidwih kaya hindi na nito natapos ang sasabihin, tumango lang ako dito para hindi siya mag-alala sa akin. Hindi naman masakit saka kailangan kong kumapit sa tiwala ko sa kanya.
Bumuntong hininga ako bago pumihit paalis, "kaibigan niya lang 'yon, kaibigan lang." bago ako tuluyang umuwe ay dumaan muna ako sa puregold para bumili ng snacks, at pagkatapos kong magbayad ay naglakad na ako palabas kaso biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ito, si Sidwih. "Hello, why?"
"Gusto ko lang humingi ng sorry, hindi ko kase alam na ngayon pala ang punta ni Susana. Okay ka lang ba? Pupunta ako dyan sa inyo mamaya matulog."
"Huwag mo akong alahanin at maayos lang ako. At hindi mo gagawin 'yon kase nakakahiya sa bisita niyo kung aalis ka nalang dyan. Bumawe ka nalang sa susunod na araw." Maayos nga lang ba talaga o nagpapanggap lang na okay. Siguro naman hindi magtatagal ang babaeng 'yon at uuwe din kung saan man siyang lupalop nakatira.
"Are you sure?"
"Yes."
"Okay, see you nalang bukas. I love you po!"
Napabuntong hininga ako, "Fuck you, bye!" Ibinaba ko na ang tawag at tuluyan ng tumawid sa kalsada. Mabuti nalang talaga at mag-gagabi na kaya masarap maglakad ng ganitong oras, tahimik lang siyang naglalakad kung noon ay kung saan-saan siya nakatingin para tumingin sa pants ng mga guys pero ngayon wala na para sa kanya, sapat na para sa kanya ang kay Sidwih.
Bwiset kase ang Susana na 'yon, bakit kase wrong timing siya pwede namang bukas pumunta o kahit hindi na siya magpakita. Panira ng moment kase eh, andoon ka na sa end point tapos biglang game over. Kamalas-malasan naman talaga. "Oh kuya, bakit mukhang pasan-pasan mo ang school mo papunta dito?"
"Manahimik ka d'yan! Oh, kumuha ka ng Isa dyan. Tapos ilagay mo 'yan sa lamesa at doon ako magrereview." Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at naupo doon, napansin ko naman na nakatayo pa si Rold sa harapan ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Bilisan mo na!"
"Kailangan bang manigaw kuya, grabe ka talaga!" Umakto pa akong susuntukin siya dahil naiinis ako sa mukha niya ngayon, mabuti nalang talaga umalis ito. Malapit lang naman talaga ang lamesa nila kaso tinatamad siyang lumapit doon at gusto niyang maupo.
Ginulo ko naman ang buhok ko at napahilamos ng mukha. "Maganda si Susana tapos Gwapo si Sidwih. Shit! Perpect match! Waaah!" muli kong ginulo ang buhok ko at nasa ganoong sitwasyon ako ng madatnan ako ni Rold.
"Anong tinitingin-tingin mo d'yan ha? Gusto mo masapak o masipa, doon ka na nga sa girlfriend mo!"
"Ang hilig mong manigaw, balak mo bang maging singer kuya. Nag-away siguro kayo ni kuya Sid. Ayan kase, bleeeh!" Gusto ba talaga niyang masuntok ng wala sa oras. Tumayo ako para suntukin si Rold pero tumakbo na ito palabas ng bahay. Nakakainis talaga ang isang 'yon, magkakaanak na lahat-lahat pasaway pa din.
Imbes na habulin ito ay naupo nalang ako sa upuan at pinagmasdan ang prutas na nasa mesa, kumuha ako ng isa at kinagat ito. Humalumbaba naman ako habang nginunguya ito.
"Ano na kaya ang ginagawa nila?" Paano nalang kung inaakit na siya ng babaeng 'yon, ano nalang gagawin ko do'n. Malaki ang hinaharap nito at babae pa si Susana. Hindi imposible na hindi tumigas ang pagkalalaki ni Sidwih. Lalaki pa din siya, hay nako! Nakakabaliw manatili dito sa bahay kung ang boyfriend mo may kasamang ibang babae.
"Waaaaah! Mababaliw na ata ako." Kapag talaga inagaw ng babaeng 'yon si Sidwih, kakalbuhin ko talaga siya at uuwe siya sa lungga niya para magmukha siyang may sakit. Hindi porke babae siya ay papayag na akong maagaw niya sa akin si Sid. Itaga niya 'yon sa mansanas na kinakain ko, "Nakakainis naman talaga oh!" Nakakainip kaya dito sa bahay, wala naman akong magagawa dito bukod sa tumunganga at ito magreview.
ASSESSMENT na ngayon at hindi ko alam kung sino ang kasabay ko, paano ba naman nauna na ng umalis si Sidwid pupunta sa trece, hindi ko naman pwedeng hindi pumayag dahil nakaalis na sila. Ang kinaiinis ko lang ay pinag-usapan na namin ito noong nakaraan tapos biglang ganoon ang mababasa ko sa text message niya.
Kasama pa nila si Susuna, ilang araw na kaming walang matagal na pag-uusap ni Sidwih. Bigla-bigla nalang kaseng nasulpot ang babae kaya sobra na siyang naiinis.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Luxiel, "Hello, Luxiel. Pwede ba kitang makasabay ngayon, antayin kita dito sa sakayan ako na bahala sa pamasahe papunta sa trece."
"Paano ba 'yon kasama ko si Francis ngayon? Nakakahiya naman kung pati siya ay kakarguhin mo pa, asan ba ang boyfriend mo?" Isa pa ang babaeng 'to, magkaiba naman sila ng strand ng boyfriend nito pero isasama niya. Gusto atang may lakas siya para mamaya.
"Hindi mo ba maiwanan 'yang boyfriend mo ng isang araw lang at talagang isasama mo pa, ano namang gagawin niyan sa assessment center. Kainis.. sige na isama mo na siya." Wala naman na siyang magagawa, masyadong inlove ang kaibigan niya.
"Sige bih, otw na kami."
Trenta minutos lang ang lumipas ng dumating ang dalawa, nagtitili pa ang gaga ng yakapin ako. Tinanguhan ko lang naman ang boyfriend nito na nakatingin sa kanila. "Umayos ka nga at nakakahiya sa boyfriend mo."
"Sorry naman, alam naman nito na siya lang ang mahal ko." Umiwas ako ng tingin sa kanila ng halikan ni Luxiel si Francis, kailangan ba talagang gawain sa harapan ko 'yon. Masyado silang PDA na dalawa.
"May jeep na!" Pinara ko ang bus at sumakay na agad doon, inantay pa ang dalawang lovers na sumakay at ang ilang pasahero.
Pati ba naman dito sa bus kailangan nakayakap siya kay Francis, kailangan bang ipamukha sa akin na wala akong kasamang partner.
Patay ka talaga sa akin kapag tayong dalawa lang Luxiel, igigisa kita sa kumukulong mantika. Hindi ko nalang sila pinansin at kinuha ang notes ko sa bag para basahin ang scripts. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng tumunog ang cellphone ko, isinara ko ang notes ko at kinuha ang cellphone sa bulsa.
"Yes?"
"Where are you? Sino kasabay mo, baka ibang lalaki 'yan ah. Sinasabe ko sa'yo mas pogi ako dyan!" Siya na bilib sa sarili niya, akala naman nito ay easy to get ako. Sa kanya lang naman ako naging maharot ng ganito.
"Paano kapag sinabe kong mas pogi siya sa'yo, anong gagawin mo?" Sorry nalang siya dahil trip ko siyang asarin ngayon, kabayaran 'yon sa hindi niya pagsabay sa akin. "Masarap siya at higit sa lahat mala---"
"Fuck, where are you? Siguraduhin mo lang na mas masarap 'yan kaysa sa akin kung hindi ay iluluto ko siya sa malaking kawa." Mahina siyang natawa kaya inilayo niya ang cellphone, masyadong effective ang ginagawa niyang pang-iinis dito. "Hey babe, answer me. Dapat pala hindi nalang ako nagpapilit kina mommy, edi sana ikaw ang kasabay ko ngayon! Argh!"
"Please calm down, niloloko lang kita. Si Luxiel at ang boyfriend niya ang kasabay ko. Para namang maghahanap pa ako ng iba.. tss baka nga ikaw pa unang makahanap ng ipapalit sa akin."
"Hindi mangyayari 'yon babe." Sana nga ay hindi mangyari kase kahit mangyari 'yon ay ipaglalaban ko siya. Wala namang duwag sa lahing Santos kaya lalaban siya. "Bilisan mo na, gusto na kitang yakapin. I love you po."
"Paliparin ko na ba itong bus?"
As if naman na mapapalipad niya itong bus. Ang bigat kaya nito at baka madaganan pa siya. "Baby, come here. May ipapakita ako sayo." Hanggang ngayon kasama niya pa din si Susana. Nakakainis na talaga ang babaeng 'yon.
"Babe, wait lang ah. Hindi pa kase sila umaalis. See you! I love you!" Susana. Susana. Gagawin kitang suman kapag nainis talaga ako sa'yo.
Bumalik ako sa pagbabasa kase malayo pa naman kami, wala pa nga sa kalahati. "Goli, hindi ko pa pala naitatanong sa'yo kung sino 'yong babaeng laging nasa labas ng school natin kapag uwian?" Muli kong isinara ang notes ko bago humarap kay Luxiel. Paano niya malalaman eh kapag nasa labas na kami ng school natakbo na siya kay Francis.
"Childhood friend na magiging karibal ko pa ata sa oras ni Sidwih."
"You mean, may gusto 'yong babae kay Sidwih?" tumango siya dito dahil kahit naman hindi sabihin sa kanya ng harapan ay alam niyang may pagtatangi ito, para ngang ito pa ang lalaki dahil sinusundo si Sid. "Huwag ka papayag, Goli. Siya man ang naunang nakilala ni Al Fuente ikaw pa din ang present ngayon. Huwag kang papakabog."
"Sino bang nagsabi na papayag ako na maagaw niya sa akin si Sid. Suntok sa buwan muna!" Sinuntok ko pa ang palad ko para may aksyon, hindi pwedeng mang-agaw ng hindi mo pag-aari.
"That's my boy. Kapag nga itong si Francis pinagpalit ako, nako! Magpapalit sa mukha ng butiki ang babaeng 'yon. Haru jusko! Iniisip ko pa lang ay nanggigil na ako." Kinurot naman ng babaeng ito si Francis tapos kalaunan ay niyakap, sila na talaga ang sweet at masyadong maharot.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at mag-aalasais na, may isang oras pa na natitira sa amin. "Santos. Nakita ko na 'yong pattern, malapit na tayo!" tinignan ko naman ang tinuro nitong pattern kaya sumigaw na ako ng para para makababa na kami. Nakababa na kaming tatlo kaya tinext ko na si Sidwih kung saan siya sa banda. Mabilis naman itong nagreply sa akin.
"Nasa 7/11 na daw sila, tara na!" Tumawid kaming tatlo at sa kaunting lakad lang na ginawa namin ay nakita na namin ang 7/11 at andoon na ang mga kaklase namin at si Sidwih. Hinanap ko naman ang babaeng parang linta kung dumikit kay Sidwih pero mukhang umalis na nga sila ni tita. "Sidwih."
"Baby, bumili ako ng foods mo para mamaya." At kumunot naman ang noo ko ng biglang lumabas si Susana sa 7/11.
Nilapitan naman ako ni Luxiel, "Wow ah, consistent sa pagiging maharot. At mukhang aagawan ka pa ng oras." Sinamaan niya naman ito ng tingin. Bumungong hininga ako bago tuluyang lumapit, at nang makita ako ay agad niya akong sinalubong.
"Goli, mabuti nalang at nakarating na kayo. Kumain ka na ba, tara samahan kitang kumain."
Imbes na makasagot ay sumingit na agad si Susana, sakalin ko kaya ang babaeng 'to. "I know naman na kumain na siya, baby. Huwag mo na siyang alahanin."
"Excuse me miss, huwag ka namang sumingit sa pag-uusap ng dalawa. Tumabi ka nga dyan!" Nagulat ako sa ginawa ni Luxiel, hinila nito si Susana paalis kaya sumunod naman dito ang boyfriend nitong si Francis.
"Kumain na ako bago umalis sa bahay babe."
"I miss you, my babe. Sorry ah, nawawalan ako ng time sa'yo hayaan mo sasabihin ko na sa kanila bukas na bukas din ang tungkol sa atin." Mukhang naiipit na siya sa sitwasyon kaya mabilis ko itong hinalikan sa labi. Goodluck kiss. Inakbayan naman ako nito at pinaupo sa inupuan niya kanina. "Mamaya pumunta ka sa bahay, tiyak namimiss ka na ni mommy."
Imposible naman na namiss siya ng mommy nito, eh ito nga ang dahilan kung bakit wala ng oras sa akin si Sidwih. Pati si Susana ay kinasabwat nito para paglayuin kami ni Sid.
"Hindi ko lang sure."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro