Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C20 - Susana?

HINDI man niya aminin ngayon ay naiinis siya dahil sa mga kalaban nila sa volleyball, panay kase pandadaya ang ginagawa para manalo. Hinayaan lang namin sila na ganunin kami dahil wala namang mangyayari kung makipagtalo pa sila.  "Time out!"

Napabuga siya ng hangin sa sinabe ng teacher na naghahandle sa kanila, napahawak ako sa tuhod dahil sa pagod. Dapat pala ay ibang sports nalang ang sinalihan ko kaysa dito na puno ng pandadaya. "You okay babe?"

"Yes, thank you!" kinuha niya ang inabot nitong bottle at agad niyang ininom, nakakapagod ang sports na 'to. Inalalayan naman siya ni Sid na maupo sa bench. Pinunasan din nito ang pawis niya kaya nagpasalamat siya dito. "Pagkatapos nito, umuwe na tayo. Naiinis ako sa kalaban masyadong madaya."

"Huwag mo nalang silang intindihin at sasakit lang ang ulo mo, gusto mo halikan nalang kita para mawala 'yang inis mo?" Siniko niya ito kase naman andito sila sa ibang lugar at lahat ng students ay nandito, gusto niya ata talagang magviral. "Pinapangiti lang kita kaya ngumiti ka naman dyan at baka maisip ko na wala na akong dating para sayo."

"Mga pinagsasabe mo, oo na ito na ngingiti na.. ganito ba?" Ngumiti siya para naman hindi na mag-isip ng kadramahan itong boyfriend niya, pero infairness ang cute nito kahit na nagdradrama, bakit kaya hindi siya mag-artista. I'm sure na makukuha agad siya at maraming babaeng artist ang madidikit sa pangalan niya.

Bigla namang kumirot ang puso niya dahil sa naisip niya, kakayanin niya ba 'yon? "Bakit naman hindi diba, supportive boyfriend kaya siya at may tiwala siya kay Sid kaya hindi kailangan magworry about them."  Sumandal ako sa kanya para makapagpahinga, naramdaman ko naman ang kamay nito na umakbay sa akin.

"Kahit anong mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit na may iba pang dumating ay ikaw lang ang pipiliin ko." Hindi siya umimik, hinayaan niya lang itong magsalita. Gustong-gusto niya talaga ang boses nito, para kang nilulutang sa langit.

"Players, come here."

Nagmulat ako ng mata at nag-ayos ng sarili, mabilis naman akong humalik sa labi ni Sidwih at tumakbo na palapit sa teacher na in charged sa volleyball. "I know the pandaraya thing, and sorry to all of you because our game is now cancelled." Hindi na siya nabigla, wala naman din naman silang magagawa kung ganoon ang kinalabasan ng laro nila but thankful din na kahit walang nanalo ay naging patas naman ang teacher nila.

Para sa kanya hindi naman mahalaga kung manalo o matalo ka basta nag-enjoy ka sa ginawa mo. "What is it?"

"Game over." Wala naman ng naging reaksyon doon si Sidwih kaya niyaya niya na itong maglakad-lakad. Nakasalubong naman sila ni Luxiel na hingal na hingal. "You okay?"

"Oo naman, kakatapos lang kase ng game na sinalihan ko."

"Oh inumin mo muna 'to at baka mamaya ay bigla ka nalang matumba dahil sa pagod." Tinanggap naman nito ang ibinigay ko sa kanyang bottle at agad na nilagok ito, pagod nga siya dahil walang tigil niyang nilagok ang tubig.

Nagpasalamat naman ito sa kanya kaya niyaya niya nalang din itong maglakad-lakad, pero tumanggi ang gaga hindi daw siya pwedeng umalis dahil siya ang kinatawan ng section namin at aantayin pa nito ang boyfriend niya kaya nagpaiwan nalang ito.

"Bumili ka ng tubig mo para kapag napagod ka ulit."

Pinaalis na kami ni Luxiel dahil may gagawin pa daw siya kaya naman lumabas na kami ni Sidwih sa court at naglakad-lakad. Magkahawak kamay kaming dalawa at hindi maiwasang pagkatinginan ng ibang student.

Tinawanan niya nalang ang mga ito kaya naguguluhan siyang tinignan ni Sidwih. "Alam kong baliw ka na sa akin pero huwag naman sanang matuluyan." Napalo ko tuloy ito dahil sa sinabi nito, tinatawanan ko na nga lang ang mga nakatingin sa amin tapos sisirain niya.

"Nakakainis ka talaga."

"Huwag ka mag-alala mahal naman kita. Hahaha!"

"Alam ko naman na 'yon kaya nga nagpapasalamat ako dito."  Hinawakan niya ang kamay nito at masaya niyang hinila ito paalis sa lugar na ito. Nagpatinuod naman sa kanya ang kanyang boyfriend na mahal na mahal.

Dinala ko siya sa nakita kong park, nagandahan kase siya dito kanina nung nadaanan nila. Pinaupo ko sa malulay na upuan si Sidwih at naglakad ako sa tanim ng bulaklak, pumitas ako ng dalawa at magiliw na lumapit kay Sid.

"This is for you, babe." Pagkaabot ko nito sa kanya ay naupo na din ako sa tabi niya. Inamoy ko ang bulaklak at napapikit ako sa halimuyak nitong taglay. "Ang bango niya diba, dali! Amuyin mo din." Ginawa naman niya ang sinabe mo at ang nabanguhan din naman siya.

"Alam mo ba noong bata ako, pangarap ko ang simpleng bahay. Yung malayo sa polusyon tapos magtatanim ako ng maraming bulaklak at mga halaman. Simpleng buhay lang talaga ang pangarap ko pero ngayon... dahil boyfriend na kita parang gusto ko ng maging mabuting maybahay." Seryoso ako sa sinabe ko, wala na kaseng balak na pakawalan pa siya. Kung hindi siya ang magproprose sa akin ay ako nalang ang gagawa tapos gagawa kami maraming baby. Natawa siya sa sariling naisip, hindi pala mangyayari 'yon.

"Gusto ko din na maging mabuting asawa para sa'yo, kaya itong bulaklak na ito...tanda ito na tayong dalawa ay magkakasama sa hirap at ginhawa." Hinalikan ako nito sa noo kaya yumakap ako dito, swerte swerte ko talaga sa kanya. "I love you forever, Goli."

"Forever is just a word but... sabay nating susuungin ang landas na 'yon para maging masaya tayong dalawa." Kampante siya kapag kasama niya si Sid, kahit man na maraming kumontra sa pagmamahalan nila ay alam niyang sabay nila itong haharapin.

Ilang oras sila namalagi doon hanggang sa ako na mismo ang magyaya na umuwe. Andito na kame sa sakayan pero walang nadaan patungo sa way namin panay puro ibang way ang daan kaya niyaya ko si Sid na maglakad sa bandang dulo kase tiyak na mayrooon doon na jeep patungo sa Imus. "Bukas kaya huwag na tayong pumunta tutal naman ay last day na bukas. Gumala nalang tayong dalawa sa kung saan."

"Saan naman 'yon?" Tanong niya dito pero hindi ito sumagot at naglakad lang paalis, hinabol niya naman ito at humawak sa kamay nito. "Kahit saan mo akong dalhin siguradong safe ako."

"Syempre ako kasama mo eh." Piningot niya ito gamit ang kabilang kamay, alangan namang ibang tao ang sumama sa kanya papunta sa lugar na gusto niya. Sumasakit ulo niya sa lalaking ito.

Tama nga ako at dito nga sila nakasakay na dalawa, ang kaso ang mga dumadaan ay mga puno na kaya kailangan pa nilang makipagsiksikan sa mga sasakay. Kahit sa jeep at magkahawak kamay silang dalawa, syempre walang bago ang mga mata ng ilan ay nasa amin pinagbubulungan pa nga sila.

"Excuse me, may problema ba kayo sa kanila?" Tumingin ako sa babaeng nagtanong, seryoso ang mukha nito kaya bakas sa mga mukha ng tinanong niya ang pagkailang.

"Ha?" Kumunot ang noo ng babae, pinagtitinginan na din ito ng ibang nakasakay. "Bakit ka ba nagtatanong, e hindi nga namin kilala." anang ng batang estudyante na mukhang nag-aaral sa mamahaling school.

"Exactly, hindi niyo ako kilala kaya wala akong karapatan na magtanong sa inyo kaya anong pinagkaiba niyo sa akin? Kilala niyo ba sila para pag-usapan ng ganaan, wala ba kayong respeto sa ibang tao. Naturingan pa naman na nag-aaral kayo sa sikat na school." Hindi ko alam pero masaya ako, na kahit hindi namin kilala ang babae ay nagawa niya kaming ipagtanggol. Sobrang nakakataba ng puso ang ganito, napakabait niyang babae. "Think before you speak, guys."

Walang naisagot ang mga nagbubulungan tungkol sa amin, kailangan nila 'yon kahit papaano ay malinawan sila sa mga sinasabe nila.

"Hi, I'm Cecilia. Sorry at nakialam ako sa paninita sa mga taong pinag-uusapan kayo, ganaan din kase ang sitwasyon namin ngayon ng hubby ko." Tinuro nito ang babaeng kaharap niya at nag hello naman ito sa kanila, ganoon din ang ginawa ko at ni Sid. 

"Naku! Ayos lang naman sa amin 'yon. Saka dapat lang naman sa kanila na pangaralan. Kulang lang sila pag-unawa sa ganitong sitwasyon." Sinadya ko iparinig sa mga nakasakay ang sinabe niya, hindi naman kase sapat na humusga ka dahil sa paniniwala mo. Okay lang naman 'yon pero dapat nasa tama pa din at ipahatid ng maayos. Wala naman silang tinatapakang iba tao para ganituhin nila kami.

"Ay, dito nalang pala kami. Manong para na po!" Inihinto ng driver ang jeep at bumaba na ang babaeng tumulong sa kanila, kumaway pa ang dalawa bago umandar ang jeep. Nginitian naman niya ang estudyante na pinag-uusapan sila kanina.

Kung hindi lang siya sinuway ni Sidwih ay papatulan niya talaga ito kaso ayaw naman niyang sumama ang tingin sa kanila ng iba kaya ikinalma niya nalang ang sarili at humingi ng depensa sa mga ito. "Pasensya na kayo sa nangyari, sorry po."

Mas mainam na humingi na din ng tawad para naman maging magaan ang atmosphere ng sinasakyan nila, ayaw niyang bumaba sila dito na may taong masama ang loob sa kanila.

Ilang minuto pa bago sila makababa, sa Robinson kase sila magpapalipas ng oras. Nagpaalam siya sa mga students bago bumaba, sumunod na din si Sidwih. Napabuntong hininga ako ng makaramdam ng init sa katawan kaya hinila ko na si Sidwih papasok.

"Mang-inasal ba ulit tayo?" Last time na kumain sila dito noong monthsarry nila, at talagang nagparamihan pa sila ng makakain na dalawa. Pero kung tatanungin kung sino ang nanalo ay walang iba kundi si Sidwih, nagulat nga ako dahil nakasampu siyang kanin samantalang ako ay walo lang ang nakain at masuka-suka pa.

"Challenge ba ulit?"

"Tara!"

Si Sidwih na umorder kaya naghanap nalang siya ng upuan, sa kabilang bandang puwesto ang pinili niya kase kaunti lang ang kumakain saka malapit sa equipment.

Nakahalumbaba siya ng makita si Sidwih na may hawak na number, umupo ito sa harapan niya pagkatapos ilabas ang number nila. "Hala! 27 'to oh, sakto date ng monthsarry natin." Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan ng litrato ang number namin at nagselfie na din kaming dalawa.

"Kapag natalo ka ulit sa challenge natin ngayon pwede bang sa bahay ka nalang matulog mamaya." Mukhang may binabalak nanaman ang isang ito sa kanya, pinagbigyan niya na ito kanina pero kulang pa din. Pilyong Sidwih.

Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng dumating ang order nila at maingat namang inilapag ng mga crew. Nagpasalamat sila dito kaya nagpray muna silang dalawa, si Sidwih na ang naglead.

"Okay, let's do the challenge." Sakto naman na malinis ang kamay ko kaya imbes na gumamit ng spoon and fork ay nagkakamay nalang ako.

"Wait, gusto ko din magkamay." Ginawa naman ni Sidwih ang gusto nito kaya nakakamay kaming kumakain, marahan pero bakas na nagpapaunahan kaming dalawa na makarami.

Kapuwa pa kaming natawa dahil sa kalokohan naming dalawa, siya ay nakatatlo na samantalang si Sidwih ay dalawa pa lang.

Mukhang mananalo siya sa pagkakataong ito at hindi nga siya nagkamali dahil sumuko agad si Sidwih, nakalima palang ito ng sumuko bigla tuloy siyang napasigaw na nanalo siya kaya napatingin sa kanya ang ilang kumakain.

"Nanalo akoo, yehey!" mahina nalang ang ginawa niya para hindi makaabala sa ibang kumakain pero napansin niyang nakalabi si Sidwih, "Don't worry sa inyo pa din ako matutulog." Sumigla naman ang mukha nito kaya pinahiran niya ito ng ube sa pisnge, gumanti naman ito sa kanya kaya mukha tuloy silang batang hamog.

Hanggang ngayon ay nagtatawanan pa din silang dalawa kaya pinagtitinginan sila ng mga lalaking nasa banyo, hindi nalang nila ito pinansin.

Paglabas nila ng banyo ay kumalma na sila baka kase isipin ng mga tao na nababaliw na silang dalawa, magkahawak kamay silang lumabas ng mall dahil nagkayayaan na silang umuwe. Pahirapan naman ang pagsakay nilang dalawa kaya naiinip na si Sidwih, gusto na kase nitong umuwe dahil gustong umisa. "Kumalma ka nga, oh! Ayon na jeep oh. Para!"

Huminto naman ang jeep kaya sumakay na silang dalawa ni Sidwih, mukhang inaantok na ito dahil sa pagsandal ng ulo nito sa balikat ko. Inalalayan ko naman ito na baka mahulog. Kapuwa sila pagod at puyat kaya babawe talaga silang dalawa sa pagtulog.

Nakababa na silang dalawa ngayon at napungas pa si Sidwih kaya pinalo niya ito sa pwet, "Magpahinga nalang muna tayo sa inyo, okay?" tumango naman ito sa sinabe niya kaya hinalikan ko ito ng mabilis sa labi, "Fuck you ka kase eh."

"Bad ka po."

"At paano ako naging bad, aber?" Kunyare ay nag-iisip siya kung bakit siya naging bad pero binulaga niya lang si Sidwih at natawa siya sa naging reaksyon nito."Efic talaga 'yang mukha mo, halika na nga para makatulog ka na!"

"Hindi bale nang efic atlis ako naman boyfriend mo." Ano siya bata para maghabol, hinabol niya ito at ng maabutan ay umamba siya sa likod kaso kaya muntik na silang masubsob na dalawa.

"Waaah! Sorry, hindi ko sinasadya."

May dumaang dalawang babae at may pinag-uusapan sila tungkol sa isang babae, kumunot naman ang kanyang noo at napatingin kay Sidwih. "Bakit?"

"Wala, halika na at baka inaantok ka na." 

Malapit na kami sa kanila ng may isang babaeng sumalubong samin at tinawag ang pangalan ni Sidwih.

"Huy, Susana?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro