C2: Dream
Saktong alas-syete ng umaga akong nagising at pagtingin ko sa tabi ay wala na si Fihm. Umuwe na siguro ang isang 'yon.
Tumayo ako at nag-inat ng kamay, niligpit ko muna ang higaan bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si mama na abala sa ginagawa niya.
"Magandang umaga, mama." Masigla kong bati sa kanya, pagkatapos naglakad nako sa lababo para maghilamos.
"Umuwe na si Fihm. Hindi na siya nagpaalam sayo dahil ang sarap daw ng tulog mo." sabi ni mama, umupo ako sa silya at pinanuod ang ginagawa niya.
"Masarap kasi ang tulog ko, ma." Napangiti nalang ako, napanaginipan ko kasi si Kih.
"Gusto mo ba dito?" tanong ni Kih, kaya ngumiti ako bilang tugon. Ito na 'to e, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na makasama siya.
"Tara pasok tayo sa loob." Pagyaya niya sa akin papasok sa loob at sabay na kaming pumasok. Sinalubong naman kami nung waiter at inassist sa pandalawang-tao na table.
"Sir, here is our menu list for your selection." Iniabot sa amin ang menu. Umalis na ang waiter at tumingin ako kay Kih na nakatingin din pala sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" nahihiya kong tanong, baka may morning star ako o anoman — nakakahiya.
Tumawa ito ng mahina at iwinasiwas ang kamay niya. Bakit sa simpleng pagtawa niya ay ang lakas nang dating sa akin. Salamat nalang at tanggap niya ang katulad ko.
"Wala, ang ganda mo kasing pagmasdan." Alam ko naman 'yon pero nagulat ako abutin niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "Sana akin ka lang."
Natawa ako sa sinabi niya kaya bumitaw siya sa kamay ko at pabiro akong tinignan ng masama.
"Pinagtatawanan mo ba ako. May nakakatawa ba?" Para siyang bata sa inaasta niya dahil sa pagnguso ng kanyang labi. Ano kayang lasa nito?
"Sorry, ang cute mo Kih." Nasabi ko nalang, bumalik ang ngiti nito at sabay na kaming umorder.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong nito sa akin ng makalabas na kami sa restaurant. Sumalubong sa amin ang sariwang hangin. Kapwa sabay kaming naglakad sa isang daan na napapalibutan ng mga puno.
Sumasayaw din ang mga dahon dahil sa ihip ng hangin, nagitla ako ng kuhanin nito ang kamay ko at ikinulong sa kamay niya.
Luminga-linga naman ako at baka may makakita sa amin. Tinignan ko siya ngunit diretsyo lamang ang tingin niya.
"Sana maulit pa ang bagay na 'to, at sana mas lumalim pa ang pagtitinginan natin." sabi nito, pinasadahan ko siya ng tingin at ito rin pala ay nakatingin sa akin.
"Mauulit pang muli ito sa tamang pagkakataon, sa ngayon ay kailangan ko munang ayusin ang sarili ko at harapin ang kapalaran ko sa magulang ko." seryoso ko itong sinabi, huminto at humarap sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong pisnge.
"Ano man ang sabihin nila, pangako ang puso ko'y sayo parin ilalaan. Walang sinoman ang makakahadlang sa atin. Sasamahan kita sa pagkakataong ito."
Unti-unting nagdikit ang aming mga labi, kakaiba sa pakiramdam. Ito ang gusto ko, ang maranasan ang ganitong eksena. Sumabay ako sa halik at mas lalong lumalim ito. Bumitaw naman kami nang parehas kapusin nang hininga.
"Anak, nariyan ka pa ba?" Nabalik ako sa ulirat ng makita ang aking ina na nasa harapan ko habang winawagayway ang kanyang kamay.
"Yes ma."
Naipikit ko ang mata ko sa lalim ng iniisip ko, "Para kang sinapian ni Buji sa inaasta mo. Ikaw pa ba ang anak ko o ikaw na si Buji?"
"Who's Buji?" kuryos kong tanong kay mama, minsan kasi weird si mama kung ano-ano nalang ang sinasabe.
"Si Buji, he's my long lost friend. I don't know where he is." Iba na talaga ang nanay ko. Umi-ingles na. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ni Buji, at kaibigan pa ito ni mama. Ngayon niya lang nabanggit.
"Tell me about him, ma?"
"Si Buji ay....
"Magandang umaga kuya pati sa aming pinakamagandang nanay sa mundo." Hindi na natapos ni mama ang sasabihin niya ng biglang dumating si Rold.
"Sige, kumain na kayong dalawa at may bibilhin ako sa tindahan." Umalis na si mama sa harapan namin kaya nagsandok na ako ng pagkain.
"Kuya, balita ko may magandang babae diyan sa kapitbahay. Kapag nakita mo siya magpakilala ka para magkaroon ka na ng girlfriend.." Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at nagkunwari na wala akong narinig.
"Sobra ka kuya. Ang seryoso mo lagi akala mo mas pogi ka. Tss, mas pogi ako sayo."
Bumuntong hininga ako.
"May sinasabe ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Sungit." Narinig kong bulong niya, hindi ko na siya pinansin pa at agad na tinapos ang pagkain ko. Iniwan ko na agad siya ng matapos at bumalik sa kwarto ko.
Tahimik ata ang labas ngayon.
Inihanda ko ang susuotin ko para mamaya sa pagpasok sa school at humiga saglit. Binuksan ko ang cellphone at hinanap ang facebook account ni Kih.
"Teka, anong surname niya?" tanong ko sa sarili ko, pero wala akong nakuhang sagot kaya pumunta nalang ako sa paborito ko na page.
'Grabe ang init'
Tumayo ako para ilock ang pinto at nahiga ulit pagkatapos ay ibinaba ko hanggang sa hita ang aking saluwal. Hinawakan ako ang aking pagkalalaki at sinimulan na paglaruan habang nagbabasa ng erotic stories sa kanan kong kamay. Labis akong nakaramdam ng init ng magsimula na magniig ang dalawang karakter ng binabasa ko.
Umusbong ang kiliti sa aking pagkalalaki at agad nagpalabas ng masaganang bunga. Iniligpit ko ang tanging ebedensya at pumikit sandali dala ng pagod.
Nasa loob na kami ng classroom at inaantay ang aming unang guro na si Ms. Guevarra.
Masyadong maingay kaya itinungo ko muna ang ulo at inilagay ang earphone sa taenga ko para maibsan ang pagkainip na nararamdaman ko. Pag-uwe sana namin ay makita ko si Kih. Makikita ko naman siguro siya ngayon.
"Wake up! Ma'am is here." Umangat ang ulo ko sa tao na umaalog sakin. Nginitian ko siya. Pinanunasan ko ang mukha ko bago humarap sa guro na nasa unahan namin.
"Before we start our discussion. I have one question." Inayos nito ang suot na salamin na bumagay sa suot nito blouse.
Ang lahat ay interesado sa itatanong ng guro kaya lahat kami ay tahimik na nag-aantay sa sasabihin nito.
Iniisip pa ata ng professor ang itatanong nito, na-mental block pa ata. Sana naman madali lang ang tanong ni mam.
"Why do you choose FBS strand?" Napabuga ako ng hangin. At ang iba ay napangiti sa tanog. Hindi naman pala mahirap ang tanong.
"Mr?"
Tumayo ako at humarap ng maayos sa kanya, "I choose Food Beverage Services, because I want to enhance my skills and to learn more important things about this strand. That's all."
Umupo na ako at ang ilan naman ang sumagot, hindi na ako nakinig at itinuon nalang ang tingin sa nakalabas kong notebook.
"Simulan na natin ang lesson, simulan natin sa General Supplies." May kinuha siya na isang bimpo sa bitbit nitong bag at iniharap sa amin — Table Napkin ang tawag dito.
"Magdown notes kayo para may mareview kayo, mag siyam tayong General Supplies. Ito ay ang; Napkins, Table Cloth, Menu Folder, Order Pads, Drink List, Table Top signs, Reservation Book, Bill Folder and Change trays." Mabagal ang bawat pagsalita niya para masundan namin. Nag-iwan ako ng ilang space para sa kahulugan.
Isinulat ni mam ang bawat kahulugan ng mga sinabi niya kaya agad ko itong sinulat, ayakong may naiiwan akong mga mahahalagang detalye sa bawat sinasabe niya. Natapos lang ang kanyang pinapaliwanag nang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang oras niya. "See you on next week."
Umalis na ang guro kaya naging maingay ang buong klase. Itinungo ko nalang ang taenga ko at ibinalik sa taenga ang aking earphone.
"Goli. Tara bili tayo snack," bulong ni Fihm sa akin ng tinanggal niya sa taenga ko ang earphone. Humarap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Ano, bili na tayo snack!" pag-uulit ni Fihm. Tinignan ko ang paligid at iilan nalang ang nasa classroom. "Sasamahan mo ba ako para bumili, dadating na kase yung next prof natin."
"Ikaw nalang ang bumili ng snack para sa akin," sagot ko, tumango nalang siya at naglakad na palabas. Ibinalik ko na sa bag ang earphone at nagbukas ng Facebook.
Nakakasura ang mga tao dito sa facebook, puro toxic at kabalbalan ang alam. Tama bang magpost ng hubo't hubad na katawan para gawing profile, sinisira nila ang dignidad nila sa ganitong larawan. Sila na mismo ang may kasalanan kaya sila binabastos, tapos sila pa malakas ang loob na magalit.
Isa pa yung palitan ng opinyon ng mga tagahanga at sa mga taong concern sa nagpost. Ang mga concern netizens kase pinupuna ang suot ng babae. At ang iba naman ay bastos palibahasa nagtatago sa likod ng dummy account. At itong tagahanga, ayaw tanggapin ang katotohanan na may kamalian din ang kanilang hinahangaan. Masyadong nagpapabulag sa itsura at gawa ng idolo nila.
"Masyado ka naman seryoso sa binabasa mo, tignan mo noo mo nakakunot na." Pinatay ko ang data at umayos na ng upo.
"May toxic kasi sa facebook." Kunot-noo kong sambit sa kanya.
"Hayaan mo nalang sila."
"Hindi dapat sila hinahayaan, Fihm. Malalaki na sila kaya dapat alam na nila tama at mali."
"Kalma. Huminga ka muna malalim." Iniabot niya sa akin ang hawak na dalawang Nova at Yakult. Kumalma naman ako sa binili niya para sa akin.
"Alam kong paborito mo 'tong nova, kaya sayo na ang dalawa." Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang snacks at binuksan.
"Gusto mo?" alok ko sa kanya, tumawa siya ng mahina tapos kumuha na siya ng nova.
Nag-usap lang kaming dalawa habang wala pa ang next professor hanggang sa dumating ang katabi ko kaya nagpaalam na sa akin si Fihm para bumalik sa upuan niya. Masyadong maingay ng dalawa kong katabi, may pinag-uusapan sila na bagay pero hindi ko maintindihan. Boring naman masyado, wala ata ang professor namin.
"Excuse me, maaari na kayong umuwe dahil wala ang prof niyo ngayon. Mag-ingat sa pag-uwe." sabi ng isang professor kaya naman nag-ingay ang mga kaklase ko. Ang iba'y nagplano kung saan sila tatambay o gagala.
'Mag-aral kayo oy!" bulong ko.
Mga kabataan talaga ngayon kung anong magustuhan ay talagang gagawin. Bahala sila kung may mangyari man sa kanila hindi na sila sagutin ng school.
"Panay yata ang pagkunot ng noo mo, may problema ba?"
"Ikaw lang ba ang may napapansin, Fihm. Ako din, kanina ka pa sulpot nang sulpot. Ikaw ba ay kabute?" sagot ko sa kanya, napangiwi naman ang kausap ko.
Tumayo na ako para lumabas na.
"Besh. Gusto mo sumama ka muna sa bahay namin. Umalis si mama kaya wala akong kasama, manuod tayo ng movie. Date nating dalawa." Date? anong sinasabe nitong lalaking ito. Nakasinghot ba siya ng pinagbabawal na gamot.
"Friendly Date." Paglilinaw niya.
Pumayag na ako kase wala naman akong gagawin sa bahay. At tiyak na wala pa si mama sa bahay.
'Baka nakakalimutan mo magkapit-bahay lang kayo'
Sumakay na kami ni Fihm sa jeep at agad din na nakababa. Dumaan muna kame sa puregold para bumili ng snacks. Tahimik lang kaming dalawa na naglakad hanggang makarating sa bahay nila.
Nasa loob na kami ng bahay nila Fihm, ibinaba niya ang dala-dala n'yang chips na binili namin.
"Teka, magpapalit lang muna ako damit." Iniwanan ako ni Fihm sa may sala para magbihis.
Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV, bumungad sa akin ang palabas na tungkol sa dalawang lalaki na nagkagustuhan at sa huli'y nagkatuluyan kahit na ang daming naging hadlang sa kanila. Alam ko ang palabas na ito dahil napanuod ko na ito noon. Kumbaga, replay nalang.
"Simulan na natin." May lahi talagang kabute ang lalaking ito, bigla-bigla nalang kung sumulpot. May bitbit itong dalawang bote ng alak na galing siguro sa stock ng papa niya.
"Bakit may gan'yan?" Hindi sa ayaw kong uminom pero masyado pa kaming bata para ilagay ang sarili namin sa ganitong sitwasyon.
"Titigan natin ito tapos sasayawan natin ng juju on the beat, tapos ayon mauubos na ang alak. Astig, ang cool parang pagmamahal mo sa kanya."
"Isalpak ko kaya iyan sa ngala-ngala mo. Tsaka ang korni, gusto mo bang iumbog kita sa abs ko."
"Masyado kang hard Goli, and don't me. Bagong hulma pa lang ang abs mo hindi katulad sa akin na hulmang-hulma na." itinaas niya ang kanyang damit at doon ko nakita ang sinasabi niya, uminit tuloy bigla.
"Maupo kana!" paninita ko sa kanya, umupo naman siya sa tabi ko. Hindi na ako tumanggi nang iabot niya sa akin ang isang bote. Binuksan ko ito gamit ang ngipin at sabay na uminom.
"Goli, niyaya pala ako ni Kih sa bar. Gusto mo sumama tayo?" Tumingin ako kay Fihm ng sabihin niya 'yon. Nakinig lang ako sa sinabi niya dahil wala akong masabe. Tinamaan na ata ako ng alak, hindi talaga ako nag-iinom.
"Sama tayo, maraming tao do'n." dagdag pa niya, Hindi naman ako alien para hindi malaman na maraming tao sa ganoong klaseng lugar.
"Besh, may gusto ka talaga kay Kih?" tanong nito, tumingin lang ako sa kanya.
"Hindi ba halata?" pilit akong ngumiti.
"Bakit siya pa ang nagustuhan mo, andito naman ako, pwede mo din akong gustuhin, Goli." Nagulat ako sa sinabi niya, wala akong masabi sa sinasabi niya. Tinamaan na din ba siya ng alak kaya nasasabi niya 'yan.
"Are you kidding, Right?" sinikap kong hindi mautal at isiping nagbibiro lang siya.
"Mukha ba akong nagbibiro Golib, matagal ko na itong pinipigil. Hindi ko alam kung manhid ka bang talaga o hindi mo lang talaga ako gusto." seryoso ang mukha nito habang sinasabe ang mga salitang iyon.
Hindi ko siya magawang sagutin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Lasing lang siya, tama. Lasing lang siya.
Tahimik lang kaming dalawa habang inuubos ang alak. Tig-isang bote lang kami pero agad kaming nalasing, palibhasa baguhan sa pag-inom ng alak.
Agad kong inubos ang laman ng bote at akmang tatayo ng hawakan niya ang kamay ko.
"Wala ba talaga akong pag-asa sayo," tanong niya
"Magkaibigan tayo, ayakong masira ang pagkakaibigan natin. Sana makuntento ka nalang sa kung anong meron tayo!" giit ko sa kanya, ayako namang masira lang sa ganito ang pagkakaibigan namin. Mas mabuti nang ganito kami.
"Kung iyan ang desisyon mo tatanggapin ko. Siguro nga masyado akong nakuntento sa magiging sagot mo. Pasensya ka na ah, tara ihatid na kita sa bahay nyo." Kinuha ko ang bag ko at sabay kaming lumabas. Ilang lakad lang ang nangyari bago narating bahay namin. Nagpaalam na ako sa kanya at tumango lang ito. Umalis na siya kaya pumasok na ako sa loob.
"Namumula ka ata 'nak, nakainom ka?" tanong ni mama, umupo ako sa upuan at tumungo. "Pumasok ka ba, saan ka nag-inom?"
"Maaga kaming pinauwe dahil wala yung prof, tsaka diyan lang po kina Fihm ako nag-inom. Pasok na muna po ako sa kwarto ko." Pagpapaliwanag ko ng hindi tumitingin kay mama. Tinamaan ako ng isang bote ng alak.
Wala naman na ibang sinabi si mama kaya tumayo na ako at naglakad na papasok sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan sa kama at pumikit na agad.
"I love you, Golib." Napatingin ako sa sumigaw ng salitang 'yon at nakilala ko kung sino ito kaya ngumiti ako. Lumitaw sa labi nito ang matamis na ngiti. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang hawak na isang pirasong bulaklak na pinitas niya lang ata sa may garden.
"Para saan 'to," tanong ko sa kanya, ngumiti lang siya akin at nagulat ako ng bigla siyang lumapit at hinalikan ako sa pisnge. Nahampas ko siya sa pagkabigla.
"Ang sarap mo namang magmahal Goli, sana ganito nalang tayong parati," sambit pa nito, bakit hindi mapawi sa taong ito ang ngiti sa kanyang labi.
"Masyado ka atang masaya ngayon," puna ko sa kanya, nag-iba naman ang reaksyon niya at tila ba'y may nasabi akong mali.
Nagulat ako ng biglang magbago ang paligid at binalot ang paligid ng dilim.
"Hindi mo ako mahal, nararapat lang mamatay ka nang walang makinabang sa'yo!" Napaatras ako sa biglang pagsigaw niya, at mas lalo akong napaatras sa isang iglap ay may hawak na siyang patalim.
Saan niya nakuha iyan. Bakit hindi ko nakita.
"Maawa ka! Maawa ka please."
"Kung hindi ka magiging akin mas mabuti ng mamatay kana." Tumawa siya na parang isang baliw, tama, hindi siya si Fih. hindi siya ang ang kaibigan ko.
"Hindi ikaw ang beshy ko, umalis ka sa harapan ko. Hindi ka totooo!" giit ko.
Lumalapit siya sa akin kaya naman umaatras ako. Hindi naman siguro niya ako papatayin at nagbibiro lamang siya.
"Any last word Goli?" tanong nito, wala akong masagot dahil natatakot ako sa kutsilyong hawak niya.
Napaungol ako ng bumangga ang katawan ko sa pader, wala na akong maaatrasan. Tumingin ako kay Fihm, nakangisi siya at isang iglap ay hawak na niya ako at nakatutok na sa akin ang hawak niyang patalim.
"Itigil mo na ito, maawa ka sa akin."
"Any last word?"
Tumaas ang balahibo ko sa katawan ng ibulong niya sa akin ang salitang 'yon. Gusto ko pang mabuhay, mahal ko ang buhay ko. Nanaginip lang ako. Tama, sana magising na ako.
"Wala? Paalam."
"Maawa ka.... argh!"
"Anak, gising! Nanaginip ka." Pagkabangon ko ay agad ako napayakap kay mama. Salamat at nagising na agad ako.
Anong ibig sabihin no'n? Hindi niya ba matanggap na hindi tama ang gusto niya.
Kumalas ako ng yakap kay mama at pinunasan ang pawis sa mukha ko.
"Okay ka na, may niluto akong sabaw para mabawasan 'yang hangover mo."
"Salamat po ma." Inabot ko ang mangkok at ipinatong sa side table ko.
"Higupin mo na 'yan tapos matulog ka ulit. Huwag mo kalimutan na magdasal bago matulog." Tumango ako. Lumabas na si mama ng kwarto kaya sumandal ako sa dingding at tumingin sa orasan na nakalagay sa kahoy.
10:00 PM
Napabuntong hininga ako.
Hinigop ko na ang dinala ni mama pagkatapos ay nahiga na ulit. Sa bawat ipipikit ko ang mata ay mukha ni Fihm ang nakikita ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro