Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C19 - Tita Maria

Sunday ngayon at ito ang huling araw para sa sembreak nila. At siguradong bukas ay magiging busy ulit sila sa practice at sa actual performances.

Ngayon ay inabala niya ang sarili sa paglilinis ng kwarto, at gustuhin man niyang patulungin si Rold ay hindi nalang niya ginawa. Andito kase ang girlfriend ng kapatid niya at panay harutan lang ang ginagawa. Wala ba silang pakiramdam para hindi maisip na may nagsosolo silang kasama. Kung wala lang reunion ang mga Al fuente baka siguro ay hindi lang sila ang naglalandian ngayon. "Bakit kase masyadong makalat ang kwarto ko. Kailangan talagang i-make over ko ito para naman maaliwalas tignan." bulong ko habang tinitignan ang kwarto ko dahil masyado akong nahihilo sa daming kalat.

Inilipat niya ng pwesto ang kama niya malapit sa bintana, at inayos niya din ang mga frame na nakalagay sa mahaba niyang lamesa na kung saan din nakalagay ang mga books niya na galing pa sa mga kakilala niya. Tinanggal ko ang ginamit kong kurtina at pinalitan ito ng bago, puting kurtina na may mga bulaklak ang ipinalit ko.

Pinalitan ko din ng punda ang unan ko at tinerno ko sa kurtina para hindi iba-iba. Pinagmasdan ko ang kwarto at medyo nakulangan pa ako kaya lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina, andito ang ilang gamit ni papa noong nagtratrabaho pa ito sa kapitbahay namin.

"Kuya, nagluto kami ni Cheryl ng pansit canton baka gusto mo? Ihatid ko nalang sa kwarto mo." Inalok naman siya ng kapatid niya kaya hindi na niya ito tinanggihan, nginitian naman niya ang girlfriend nito. Hindi na ako magtataka kung maganda ang kinalabasan ng baby nila dahil gwapo ang kapatid ko maganda ang babae.

"Dalahan mo na din ako ng malamig na tubig para hindi ako magpalabas-labas, salamat." Bumalik na siya sa kwarto para ihanda ang gagamitin sa pagpintura pero nakalimutan niyang kumuha ng dyaryo kaya lumabas ulit siya.

Pero bahagya siyang nagulat na makita ang ginagawa ng kapatid niya, "Akala ko ba na huwag sa kusina dahil mabilis na makikita pero ano itong ginagawa ng kapatid niya ngayon." Hindi nalang niya masyadong pinansin ang nakita pero bago siya umalis ay kumanta siya. "Pasipsip naman ng 'yong labi.. pakagat kahit kaunti."

"Kuyaaa!" Natatawa siyang bumalik sa kwarto, akalain mo 'yon kinain ng kapatid niya ang sinabi nito sa kanya. Hay nako. Huwag ko na nga lang pansinin at tapusin ko nalang itong kwarto.

Gray ang ikukulay ko sa dingding at itong light blue ay para sa shapes na magiging design ng kwarto ko, sinimulan ko na itong gawain at masaya ako sa kinalabasan. Sobrang relaxing ng ambiance nito kaya kinuhaan niya ito ng picture para maipakita kay Sidwih sa messenger.

Pinunasan ko ang pawis ko at naupo, napagod ako at mabuti nalang talaga pumasok si Rold dahil kailangan kong uminom ng tubig. "Sorry sa nakita mo kanina kuya, hindi ko naman kase alam na lalabas ka ulit."

"Don't worry bro, wala naman kaso sa nakita. At sana....pasipsip naman ng iyong labi." Natawa siya dahil sa itsura ng kapatid niya ng kantahin niya ang kinanta kanina.

"Ingatan mo ang girlfriend mo, hindi lahat ng lalaki ay nakakahanap ng ganoon ni Cheryl. At please lang ayaw ko ang ideyang pumapasok sa isip ko na baka bigyan mo ako ng maraming pamangkin...aray naman!" Suntukin ba naman ako sa braso, alam na pagod ako eh.

"Umayos ka nga kuya, anong sinasabe mong maraming pamangkin. Isa lang o dalawa sapat na." Ang dami niya kamong alam, bahala siya sa buhay niya kung ilang anak ang gusto nitong gawain. "Lalabas na ako kuya, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka pa ah."

"Oo na, oo na pwede ka ng lumabas." Lumabas na nga ang kapatid niya kaya nag-online na siya para ichat si Sidwih. At sakto naman ay online ito, pinasa ko dito ang picture.

"Tignan mo 'to babe, inayos ko ang kwarto ko at ito ang kinalabasan. Maganda ba?"

Mabilis naman itong nagreply sa akin, "Mabuti nalang talaga nag-online ka ngayon, dapat pala sinama nalang kita para hindi ako kabored ng ganito. Ang gugulo ng mga pinsan ko. At tungkol sa tanong mo, maganda nga ang ginawa mo."  Mukhang bored nga ang boyfriend ko dahil kahit malayo ito ay ramdam niyang malungkot ito. Niyaya naman siya nito bago umalis pero ayaw niya naman maging sapaw sa pamilya nila.

Imbes na magreply ako ay tinawagan ko nalang siya para kahit papaano ay mawala ang pakabagot nito. "Babe, marami naman atang pwedeng gawain dyan. May lalaki ka naman atang pinsan kaya yayain mo silang maglaro ng basketball kaso naalala ko na hindi ka nga pala marunong no'n."

"Inaasar mo pa ako, pasalamat ka at wala ako d'yan kung hindi paparusahan kita."

"Sinisimulan mo nanaman 'yang kapilyuhan mo. Magtigil ka nga at baka may makarinig sayo."

May ilang bagay pa silang pinag-usapang dalawa hanggang sa nagpaalam sa kanya si Sidwih dahil tinatawag daw siya ni tita. "I love you, babe!"

"Fuck you! Hahaha!" Ibinaba na niya ang tawag at napangiti siya dahil sa mga pinag-usapan nila, tumayo naman ako ng makabawe. Kinain ko ang pansit canton na dinala ng kapatid ko at uminom ng tubig. At ng pagkatapos magpahindang ay tinapos ko na ang naudlot na gawain, inilagay ko sa isang sako ang mga scratch paper ko noong high school at mga activities na walang sagot.

Tagaktak ang pawis ko ng matapos, pinunasan ko naman ang pawis ko bago humiga sa kama. Mamaya ko na ilalabas ang mga kalat ko at mga ginamit, sobrang maaliwalas ngayon ng paligid kaya magaan ang pakiramdam ko para matulog ngayon. Ipinikit ko ang aking mata at napangiti naman ng lumabas sa isipan ko ang mukha ni Sidwih nung makita kami ng kapatid ko na may ginagawang kababalaghan.

"Umuwe ka na agad babe, gusto ko ng makasama kang matulog at mayakap."  Bukas naman ay nandito na siya kaya ilang oras nalang ang aantayin niya para matapos ang araw, excited na akong makita siya bukas at mahalikan.

LUNES na ngayon at back to school na, at ang maganda doon ay nagtext  sa akin si Sidwih na sa kanila na daw ako maligo. Sabay daw kame, kaaga-aga ang pilyo ng loko.

Inayos ko na ang mga dadalhin ko at syempre para naman desente akong pupunta doon ay nag-ayos ako ng sarili. Nakakahiya kay tita na umagang-umaga ay nasa bahay nila ako.

Hindi naman pwedeng pigilan ko ang pagkamiss sa boyfriend ko. At ilang araw ko din hinintay na makabalik siya, "Sa bahay po ako nila Sidwih maliligo, kaya po si Rold nalang po ang paglutuin niyo."

"May tubig naman tayo, ah. Bakit sa boyfriend mo pa ikaw makikiligo.  Hindi pa nakakaabala 'yon." May tubig nga pero mas trip kong makiligo sa ibang bahay saka ito namang si mama napaka killjoy, ilang araw akong walang Sidwih na kasama tapos itong araw na ito ipagdadamot niya pa sa akin. "Kapag kayo nahuli ng mommy niya, paktay kayo."

"Kill joy mo kamo ma, parang makikiligo lang eh." Lumabi pa ako para maawa saakin si mama at mukha nga namang effective dahil pinayagan na din siya nitong pumunta kina Sid.

"At may pakiusap ako, huwag niyo munang gawain ang ganoong bagay. Pwede naman sa tamang panahon." Kung alam lang ni mama kung gaano kapilyo si Sidwih, magugulat nalang siya kapag nalamang ginawa nanamin ni Sid ang ganoong bagay. Wala eh, marupok ako.

"Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo ma." Nagpaalam na ako dito at bumalik sa kwarto para kunin ang gamit ko at umalis na ng bahay, masayang excited ako na maglakad. Finally makikita ko na siya, alam ko naman na gwapo na siya pero malay mo may sunburned siya kase galing siyang reunion. "Wah! Namiss ko talaga ang pilyong 'yon."

"Goli." "Naks, tinawag niya ako sa name."  Nagulat ako ng tawagin ako ni Fihm ng makasalubong ko ito, hindi ko alam kung saan siya galing pero wala na akong oras para usisain siya, we're not friends na naman ata kaya bilang kaklase ay huminto ako sa paglalakad.

"I missed you." "Tiniis mo ako tapos ngayon miss mo na?" Tumango siya dito at nagpasalamat kaya sinabe ko na aalis na ako pero tinawag niya ulit ako. "Hindi na ba ako welcome sa buhay mo, beshy?" Speechless ako, hindi ko alam kung paanong approach ang gagawin ko pero mukhang nasanay na ako sa pag-iwas niya.

Hindi agad ako makasagot kase ayaw kong magsalita ng basta-basta na pagsisihan ko sa huli. "Oo naman.. ah, next time nalang tayo mag-usap baka kase inaantay na ako ni Sid. See you nalang sa school. Bye!"

Nakita ko ang lungkot sa mata niya ng magpaalam agad ako pero naglakad na agad ako paalis. Mabilis naman akong nakarating sa bahay ni Sid at si tita mismo ang nagbukas sa akin ng gate. "Good morning tita."

Tinanguhan lang ako ni tita, hindi siguro maganda ang gising niya kaya mukhang wala siya sa mood. Pumasok na ako at akmang aakyat na sana pero tinawag ako ni tita sa pangalan ko.

"Alam ko na ang namamagitan sa inyong dalawa ng anak ko."

Hindi na ako nagulat ng sabihin ni tita ang bagay na 'yon, napaghandaan ko na kase ang bagay na ito pero ang tanong lang na gusto niyang malaman ay paano nito nalaman. "Paano niyo po nalaman?"

"At talagang hindi mo ipinagkaila na may relasyon kayo ng anak ko," nakataas ang kilay ni tita pero karapatan naman niyang magalit kung magagalit siya pero hindi niya lang ang matatanggap kung paghihiwalayin sila. "hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, hiwalayan mo ang anak ko. Hindi ko pinangarap na magkaroon siya ng relasyon sa kapuwa niya lalaki."

Bumuntong hininga siya, "Tita, malaki ang respeto ko sa inyo dahil ina kayo ng lalaking minamahal ko pero hindi naman ata tama na ipahiwalay niyo sa akin ang anak niyo. Nagmamahal po kaming dalawa." At sana naman maisip nila na wala naman kaming ginagawang masama ni Sidwih.

"Hiwalayan mo ang anak ko para walang gulo."

"Kahit anong gawain niyo hindi ko hihiwalayan ang anak niyo." Nagpaalam na ako dito bago umakyat sa kwarto ni Sid, nadatnan ko naman siyang nakaupo sa kama. At ang loko nakangiti habang lumalapit sa akin, magsasalita palang sana ako ng siinil agad ako nito ng halik.

"I missed you so much, babe."

"Me too, waah! Maliligo na ba tayo?" Niyakap siya ni Sidwih at humalik sa ulo niya, nasa ganoong sitwasyon sila ng biglang bumukas ang pinto. Huli na para umayos sila, nakita tuloy sila ng mommy ni Sid. Nakakunot ang noo nito.

" What is happening here?"

"Mom," mabilis na umakbay sa kanya si Sidwih kaya napatingin siya dito. "Namiss ko lang po ang kaibigan ko." Kung alam lang nito na hindi na niya kailangan magdahilan dahil alam nanaman nito ang sitwasyon nilang dalawa.

Tumingin ng masama sa akin ang mommy ni Sid pero imbes na matakot ay ngumiti ako dito. "I see, anyways nasa iyo ba ang number ng tito Amando mo?"

"Po?" Mukhang nagulat si Sidwih ng marinig ang pangalan ng tito niya, bakit kaya? "May hindi ata magandang gagawin si tita, tanungin nalang  niya si Sid mamaya kung sino si Amando."  Ayaw man niyang isipan ng masama ang ina nito pero hindi niya magawa lalo na't mabilis ang instinct niya sa ganitong bagay. "Bakit sa akin niyo tinatanong ang number ni tito?"

"Oh nevermind, maiwan ko na kayo." Umalis na nga si tita pero hindi mawala sa isip niya ang pamamaraan ng pagtitig sa kanya ni Tita Maria ng lumabas ito. Bumalik lang ako sa sarili ko ng halikan ni Sidwih ang aking pisnge. "I love you, my Goli."

"Sabay na tayong maligo." Napangiti naman si Sidwih ng sabihin niya 'yon, kaya ngali-ngali siyang hinila nito papasok sa banyo. Muli siyang siniil ng halik ni Sidwih doon hanggang sa bumaba sa leeg niya, napaliyad siya ng sandaling iyon lalo na nung buksan nito ang shower.

Napapikit siya maramdaman ang ngipin ni Sid sa kanyang leeg, napalo niya ito kaya kapuwa sila natawa. Anong akala niya sa sarili niya bampira, "Baliw ka, maligo na nga lang tayo."

Hindi sila natapos ng walang nangyayari, nagpaubaya nalang siya dito dahil alam naman niyang ilang araw itong walang gamot para mawala ang kapilyuhan nito. Siya lang naman ang gamot na tinutukoy niya kaya masaya siya para doon. At ng makuntento si Sid ay masaya silang lumabas para magbihis.

Kapuwa din silang lumabas sa kwarto at nagpaalam sa mommy nito, nakangisi itong tumingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Bakit hindi nito sabihin sa anak niya na alam na niya ang relasyon naming dalawa para matapos na itong lihim nila. Tutal ay handa naman na akong harapin sila, at ganoon din naman si Sid.

"Mauna na po kami mom."

Nasa pinto na sila ng tawagin ulit sila nito, "Gusto ko lang sabihin na dadating sa makalawa ang kababata mo at dito siya sa atin tutuloy." Tumingin ako kay Sidwih kung anong magiging reaksyon nito pero nakakunot noo lang itong nakatingin sa mommy niya. "Hindi ba may gusto siya sa'yo, how about na ligawan mo siya. Gusto ko din naman maging masaya ka."

Tinignan siya ni Sidwih pero hindi niya kailangan ipakita dito na apektado siya sa babaeng tinutukoy ni tita, may tiwala ako sa kanya at 'yon ang panghahawakan ko. "Pag-uwe ko nalang natin pag-usapan ito. Aalis na po kami."

Nasa jeep na kaming dalawa at sinikap ko na maging okay sa harapan niya. Hindi ko kailangan ipakita sa kanya na masama ang loob ko."Kailangan ba talagang gawain ito tita, bakot hindi mo nalang kami hayaang maging masaya."

"I know you're not okay."

"Don't worry about me." Humiga lang ako sa balikat nito para pumikit, paraang gusto kong umiyak ngayon dahil sa nangyayari. Mommy pa lang niya ito, paano nalang kapag nalaman ng tatay niya na bakla siya.

Kailangan kong magtiwala sa pag-asang magiging okay din ito sa huli. Sana.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro