C17 - Sorry
NAGISING ako na masakit ang aking ulo pero okay lang 'yon kase katabi ko ngayon si Sid. Siya ang lalaking tumabi sa akin kagabi, niyakap ko agad siya ng makilala ko.
Hindi din sapat ang sorry na sinabe ko sa kanya kagabi. Masyado ko siyang nasaktan, nasaktan namin ang isa't-isa. Gusto man niyang tapusin na ang problema nila ay ipinagpahinga nalang muna siya ni Sid. At ngayon ay magkatabi kaming natulog.
Napagmasdan ko tuloy ulit ng malapitan ang mukha nito, hinaplos ko ang kanyang pisnge at napangiti kalaunan. Imbes na magtiwala ako sa pagmamahal niya ay nag-alangan pa ako kaya bago pa mahuli ang lahat ay aayusin ko na ang sarili ko. "Sorry for everything, hindi ako deserving sa pagmamahal mo pero gagawin ko ang lahat para maging deserving ako sa'yo."
Kumislot ito kaya inis ko bigla ang kamay ko pero nagulat ako ng kunin nito ang kamay ko at hinawakan, iminulat niya ang mata niya at tumingin sa akin. "May mali din ako kaya sorry din sa pagtaas ng boses ko sayo."
"Kung hindi ko naman sinabe na kalokohan lang ang relasyon nating dalawa hindi mo naman magagawang masigawan ako, diba?"
Kitang-kita ko sa mata niya ang pagmamahal niya sa akin, hindi ko maipaliwanag pero kapag tinitignan niya ako parang ako lang nasa paligid niya. "Gusto kong bumalik tayo sa dati babe, kung anong ayaw mong gawain ko ay sabihin mo lang dahil handa akong gawain."
Alam ko naman na sincere siya sa gusto niyang gawain pero hindi naman siya robot na kailangan sumunod sa gusto niyang ipagawa, may sariling buhay si Sidwih kaya ayakong itali siya sa mga gusto ko. "Hindi ko magagawa 'yon, masyado na akong naging pasakit sa'yo at lagi mo akong iniintindi kaya hindi kita pagbabawalan sa gusto mong gawain."
Ilang beses kong sinabe na magiging tulad niya akong understanding pero hindi ko naman nagagawa kaya sa pagkakataon na ito ay gagawin niya na. Masyado niyang mahal ang lalaking ito para pakawalan ko pa. "Tumayo na tayo at baka makita tayo ni mama."
"Five minutes."
Hinayaan ko nalang siya sa five minutes na gusto niya, alam kong nahirapan siyang alalayan ako kagabi. Eh ang likot ko pa naman kaya binuhat niya nalang ako hanggang sa hindi ko na alam ang kasunod na nangyari.
"Goli, gising na ba kayo? May ginawa akong tsaa. Lumabas nalang kayo." Tinapik ko si Sidwih pero mukhang puyat na puyat ang loko kaya inayos ko ang higa nito at kinumutan, lumabas muna ako at nakita ko si mama na inaayos ang lamesa.
Lumapit ako dito at niyakap siya sa likod, si mama lang nakakaintindi sa sitwasyon ko at alam kong handa niya akong intindihin lagi.
"I love you mama."
"Naglalambing ata ang big boy ko, inumin mo itong tsaa para mawala 'yang hangover mo." Binitawan ko na si mama at naupo sa harapan nito, itinungkod ko ang kamay ko humalumbaba.
Kinuha ko ang tsaa na ginawa ni mama at dahan-dahan na ininom. "Anak, alam mo na hindi ako masyadong nagtatanong sa nangyayari sa'yo pero gusto kong malaman kung bakit ka naglasing?"
"Gusto ko lang pong magliwaliw kahit minsan ma, feel ko kase masyado ng mabigat itong nararamdaman ko. Naghalo-halo na po ma." Lumapit sa kanya ang mama niya at umupo sa tabi niya, hinawakan nito ang kamay ko. "Mahal ko po siya pero hindi ko maiwasang hindi makapag-isip na baka iwanan niya ako dahil sa babae."
"Sa pagmamahal ay walang pero pero, kung mahal mo talaga ang isang tao hindi mo magagawang mag-isip ng kung ano sa kanya. Tiwala ang mahalaga sa isang relasyon nak, magtiwala ka lang sa kanya." ani ng nanay niya na nakatingin sa bintana. Na tumingin ulit sa kanya, kailangan ko talagang alisin sa akin ang pagiging mapaghinala. "Mahalin mo lang siya at huwag niyo munang isipin ang ano mang bagay, tandaan niyo masyado pa kayong bata at may mas mabigat pa kayong kakaharapin."
Hindi naman na mahalaga sa akin kung ano iisipin ng ibang tao lalo na't alam na sa classroom na may relasyon sila at sooner or later ay malalaman na din ng parents nila. Wala na siyang nararamdaman pangamba sa bagay na iyon dahil narealize niya na hindi naman dapat iwasan ang ganoong bagay lalo na kung mangyayari din.
Inubos ko na ang tsaa ko at kumuha pang ulit, iniwan na din ako ni mama dahil pupunta pa daw ito sa kapitbahay namin para makapag-alok ng beauty product. Ayaw kase nito na matengga sa bahay, pinatigil din kase siya ni papa sa paglalabada sa iba kaya naging seller naman siya. "Magandang umaga babe."
Tumayo ako para salubungin siya, shit. Ang pogi niya kapag bagong gising bigla tuloy akong naiinggit sa itsura nitong lalaking ito. Para siyang nasa isang commercial ng hawiin nito ang magulong buhok. "Nakatulala ka nanaman sa akin, gusto mo bang lumabas?"
Siya ata ang lasing sa aming dalawa, friday ngayon kaya kailangan nilang pumasok para magtake ng last actual performance nila kase malapit na ang sembreak nila. "Hindi pwede may pasok tayo ngayon at kailangan nating magreview lalo na ang script natin ay room service." Tila narealize naman nito ang sinabe ko kaya tumabi ito sa akin kaya kinuhaan ko siya ng tasa para paglagyan ng tsaa.
"Oh tsaa, inumin mo 'yan at sa kusina muna ako para gumawa ng sandwich at baka hindi ka sanay na hindi kumain kapag umaga."
"Samahan na kita." Sinamahan nga niya ako sa kusina at pinapanuod niya lang ako sa ginagawa kong sandwich. "Kapag naging mag-asawa tayo gagawan mo din ba ako ng ganaan tuwing umaga?"
"As if naman na papayag sila sa same sex marriage diba."
"Problema ba 'yon, edi sa ibang bansa tayo magpapakasal. Magtratrabaho ako at mag-iipon para madala kita sa ibang bansa." Napatingin naman ako sa kanya, seryoso talaga siyang papakasalan ako. Well. Kung gusto niya may tamang panahon naman para dito.
Mukha ngang seryoso siya sa pagpapakasal dahil nakangiti lang ito sa kanya. "Kainin mo itong sandwich para naman may laman tiyan mo, baka pagalitan ako ni tita kapag nalaman niyang ginugutom kita."
"Mommy na din itawag mo sa kanya para namang iba ka sa nanay ko, eh iniisip na nga no'n na magkapatid tayong dalawa." Masyado kase silang close na dalawa kaya minsan tinatawag sa kanya ng mommy ni Sidwih ay anak. Paano nalang kaya kapag nalaman nito na may relasyon kaming dalawa. Alam ko na kokontra 'yon dahil iisang anak nito si Sidwih.
"Ano nanaman ang iniisip mo?"
"Huwag ka mag-alala, ikaw lang ang iniisip ko." Totoo naman kase na ito ang iniisip niya, anak kaya siya ni tita Maria kaya kasama siya sa iniisip ko. Si papa kaya anong magiging reaksyon, nagkausap na ba kaya ang kapatid ko at ang girlfriend niya.
"Umupo ka dito sa tabi ko babe." Naupo naman siya dito at mabuti nalang wala ang mga kapatid niya kaya hinayaan niya lang itong umakbay pero hindi niya naisip na masyado nga palang pilyo ang isang ito, kinagat lang naman nito ang pisnge niya. Mahina niya tuloy itong napalo.
Sinuway niya ito na huwag pasaway pero hindi ito nakinig at talaga hinalikan pa siya sa labi, hawak niya ang balikat nito para pigilan pero nagpaubaya na lang din siya. Namiss niya din ang malambot na labi nito, bumaba ang halik nito sa leeg ko kaya mahina akong napaungol.
"Anong ginagawa niyo kuya?" Naitulak niya si Sidwih ng marinig ang boses ng kapatid, nanlalako ang mata niyang tinignan ito at nilapitan.
"Rold, magpapaliwanag ako. Tara sa kwarto."
"Bakla ka kuya?" Hindi niya alam kung anong isasagot kaya hinila niya nalang ito sa kwarto pero sinenyasan niya si Sidwih na siya na ang bahala.
"Rold, huwag mo muna itong sasabihin kina papa. Ako na ang magsasabi sa kanina, pwede ba 'yon. Saka oo, bakla ako at mag-iisang buwan ang relasyon namin." Ipinaliwanag niya dito kung paano nagsimula ang relasyon nilang dalawa pero mukhang nakumbinse naman niya ang kapatid.
"Sa susunod kase kuya huwag sa kusina, maliit lang ang bahay natin kaya makikita agad kayo. May kwarto naman tayo bakit hindi kayo doon mag-ano." Sinabi naman niya dito na biglaan lang ang nangyari, at hindi naman niya alam na dadating siya ngayon. "Kailan mo balak sabihin ito kina papa?"
"Hindi ko pa alam siguro sa susunod ay sasabihin ko na sa kanya."
"Wait, what do you mean sa kanya. Ibig mong sabihin alam na ito ni mama?" Tumango siya dito, ito pa nga ang unang nakaalam sa sitwasyon niya. Napakamot naman ng ulo ang kapatid niya, mukhang stress ang loko.
"Eh ikaw kamusta kayo ng girlfriend mo?"
"Hindi naman daw siya nakipagsiping sa ibang lalaki, sa akin pa lang daw ay punong-puno na siya." Nasapo niya ang sariling noo dahil sa sinabe nito, kailangan bang sabihin pa ang term na 'yon. Itong kapatid niya talaga kung hindi pa sasabihin ng tatay nila ay hindi niya pa malalaman na may nobya ito.
"Eh kailan ba naging kayo?"
"Matagal na. Si papa nga lang una kong sinabihan na may nobya ako, saka kuya kapitbahay siya nila tita kaya mas trip ko na doon tumira para malapit lang ako sa girlfriend ko." So, bukod sa wifi ay ito talaga ang dahilan niya kaya humiwalay siya sa amin. Ginawa pa niyang excuse si bunso at ang wifi ng pinsan nila.
Hinayaan niya nalang ito dahil buhay naman niya iyon saka kailangan na niyang lumabas dahil baka naghihintay na sa kanya si Sidwih. "Lalabas na ako, sinasabe ko sa'yo ako na magsasabi kay papa."
"Huwag mo akong isipin kuya basta kung saan ka komportable doon ako, maging masaya ka lang kuya. Susuportahan ka namin ni mama."
Mabuti naman at nagkakaliwanagan silang dalawa, lumabas na siya at nakita si Sidwih na nakatingin lang sa kisame. Mukhang may iniisip ang gwapo niyang boyfriend.
"Parang ang lalim ng iniisip mo, baka bigla kang mahulog dyan."
"Ano sabe ng kapatid mo, nagalit ba? Ayaw niya ba sa akin, hindi niya ba tanggap ang relasyon nating dalawa. Babe, sumagot ka naman!" Bigla siyang napahagakpak ng tawa, ang itsura kase nito ay parang anytime ay iiyak na. Gusto niya tuloy na kuhaan ito ng litrato para may titignan siya kapag malungkot siya. "Pinagtatawanan mo ba ako babe, bakit ka ganyan? Hindi ka na ata nagwagwapuhan sa akin."
Lumapit siya dito para yumakap, kung ano-ano kase ang iniisip ng isang ito. Sinasabe nito sa kanya huwag mag-isip ng kung ano-ano tapos ngayon kung makaasta siya parang bata.
"Hindi naman siya nagalit or magsusumbong, suportado niya tayong dalawa kaya ikaw ayusin mo ang sarili mo para kang bata." Bumitaw na siya sa pagyakap dito at niyaya itong maupo, kitang-kita naman ang saya sa mukha ni Sidwih para itong nabunutan ng tinik dahil sa sinabe ko.
"Kung ganoon pwede na tayong magkiss ulit?" Pinitik niya ang noo nito dahil sa sinabe nito, mukha siyang kiss. Bakit hindi nalang niya ikiskis sa pader ang labi niya. "Ang sakit no'n ah."
"Umayos ka kase hindi porket okay lang sa kapatid ko ang relasyon nating dalawa ay aabusuhin na natin. Baliw ka talaga, ang gwapo mong baliw."
Bigla siyang hinalikan ni Sidwih kaya muli nanaman niya itong napalo, kukurutin niya na talaga ito. Masyadong mahilig sa kiss.
Mabilis namang tumakbo ang oras kaya naligo na ako, at kase itong si Sidwih ay sa kanila pa maliligo kaya nagmadali na ako. Hindi pa ako nag-uniform para hindi agad ako mapawisan, inilagay ko na lang ito ng maayos sa paper bag.
"Rold, aalis na kame. Bantayan mo ang bahay pasabi nalang kay mama na papasok na kami."
"Mag-iingat kayo."
Lumabas na silang dalawa ng bahay at nag-usap tungkol sa script na gagawin nila, hindi naman mahirap ang script pero double kase mamaya, iseset-up nila sa oval ang orders tapos bubuhatin pa nila ito papunta sa room.
Natigil lang ang usapan nilang dalawa ng makarating sila sa bahay nila Sidwih, pumasok na sila at umakyat sa kwarto wala daw kase ngayon ang mommy ni Sid kase may meeting daw ito ngayong umaga. "Gusto mo bang maligo ulit?"
"Pilyo ka, maligo ka na doon!" Tumatawa itong pumasok sa banyo, napailing nalang siya sa kalokohan ng boyfriend niya. Humiga nalang siya at para hindi mainip, hanggang mapadako ang tingin niya sa bookshelves. Itinapon ba ni Sid ang message na nakita niya sa libro ni Nicholas Sparks.
Tumayo siya para tignan pero mukha ngang tinapon na nito kase wala na siyang nakita, bumalik nalang siya sa kama at nahiga. Inisip niya nalang ang script, mukhang malapit-lapit na talaga ang assessment. "I'm done babe."
"Gagawin ko kung tapos ka na." Nagtaas baba ang kilay nitong lalaki na ito ata alam niya ang gusto nitong mangyari, sinamaan niya ito ng tingin para magtigil ito sa iniisip niya.
Nanadya ba siyang maghubad sa harapan ko, kung oo pwes naiinis siya. Nakita naman niyang ngumisi ito, akala niya siguro maaakit niya ako sa ganaan. "Magbihis ka na nga at baka malate pa tayo ng dahil dyan sa kalokohan mo."
"Ito na nga magbibihis na."
Pagkatapos nitong magbihis ay nagpalit na din siya, at sabay na silang lumabas para pumasok. Kapuwa pa silang nagtatawanan ng makababa sila ng jeep dahil may isang babaeng panay ang tingin sa kanilang dalawa, magkahawak kase ang kamay nilang dalawa at hindi nito matanggap na masyado silang sweet. "Ang efic ng reaksyon ng babae parang gusto niyang bumaba na ewan."
"Ang bully mo kamo, hayaan mo nalang siya."
Sa main building ang room nila ngayon kaya doon na silang pumunta, nadatnan naman nila ang mga kaklase nila na nandoon na abala ng mag-aral. Tumabi na sila doon at nagreview na din, may ilang minuto pa naman bago ang section nila ang susunod.
Hinanap ko ang kopya ko sa set-up na gagawin para 'yon nalang ang pag-aralan. "Uwian na sila section na natin ang next."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro