Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C16 - Misunderstanding

ILANG ARAW akong wala sa sarili, ni hindi ko magawang kausapin si Sidwih kahit na panay tawag nito sa kanya. May pagkakataon din na pumupunta ito sa bahay pero hindi ko siya nilalabas. Hindi naman nagtatanong si mama kaya hindi ko na kailangan magpaliwanag kapag pinapasabe kong wala ako.

Maski sa school ay hindi siya tinigilan nito, talagang humiwalay pa ako ng upuan para hindi niya makausap. Masama talaga ang loob niya lalo na sa text message na natanggap mula kay Sidwih.

Ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yon tapos ngayon nangungulit siyang kausapin ko, bahala siya sa buhay niya ngayon akala niya siguro hindi ko siya matitiis. "Santos, answer this."

"Mr. Santos, are you with us?"

Naramdaman niya ang pagsiko ng katabi niya kaya tinignan niya ito. Itinuro nito ang unahan kaya tumingin siya, nakakunot ang noo teacher nila sa math. "Yes ma'am?"

"Mukhang wala ka sa sarili, gusto mo bang lumabas nalang para doon ka makapag-isip." Hindi siya sumagot dahil hindi naman niya kailangan lumabas para doon mag-isip, humingi nalang siya ng pasensya at kung maaari ay pinaulit niya dito kung ano ang dahilan ng pagtawag nito sa kanya pero imbes na sagutin siya ay iba na ang kinausap nito.

Hinayaan niya nalang dahil wala din naman siyang ideya sa kung anong itatanong nito. Gusto niyang matulog ngayon para walang kumausap sa kanya, tinatamad din siyang magsalita.

Next subject na ngayon at pinag-usapan ang sembreak, kailangan daw ifinalize na ang practice sa cheerdance para wala kaming iintindihin sa pagbalik namin. Sabaw siya sa subject nila na Practical Research, walang napasok sa utak niya. "Si Sidwih tinatawag ka."

"Sabihin mo wala tulog galit umalis." Nakatungo kase siya ngayon dahil nagsusulat siya tungkol sa topic nila, mahirap na umuwe akong walang naisulat na mapag-aaralan mamaya. Ayaw niya din naman na manghiram ng notes sa mga kaklase dahil hindi naman niya sure kung maintindihan niya ang sulat kamay nila.

"Pinaaabot niya ito sa'yo, kainin mo daw 'yan. Alam niyo para kayong tanga, bumalik ka na nga sa unahan para hindi ako naaabala."

Sakalin ko kaya itong kaklase namin, sino ba kaseng nag-utos sa kanya na kausapin o pansinin niya si Sidwih, wala naman diba kaya masasakal niya talaga ang isang ito. "Ikaw ang lumipat ng upuan panay ka lang naman nuod ng porn dyan, isumbong kaya kita kay sir." Pananakot niya dito, effective naman kaya hindi na ito nagsalita pa.

Gusto ko talagang matulog ngayon kaso may quiz si sir kaya kailangan magreview. Five minutes lang ang ibinigay nito sa amin, kulang 'yon pero sabi ni sir magtiwala lang daw kami sa stock knowledge namin.

Almost perfect naman ang lahat sa quiz ni sir, at proud pa itong lumabas ng classroom nila. Sa lahat daw ng sections na hinahawakan niya kami lang daw ang masyadong excellent, hindi dahil sa nagkokopyaan kundi sa goal naming lahat na pumasa. "Goli, kausapin mo naman ako."

Kung may sakit lang talaga ako sa puso siguro kanina pa ako inatake dito, tama ba namang sa taenga ko ito magsalita edi talagang nagulat siya. Mabuti din talaga na hindi ako dumepensa agad kundi masusuntok ko ang mukha niya.

"Luis, pakisabe naman na ayaw ko siyang kausapin." Kaklase nila si Luis, ito yung katabi ko na nagrereklamo. Narinig ko naman na inulit nito sa sinabe ko kaya inayos ko na ang gamit ko.

"Sabihin mo naman na kainin niya ang binigay ko at pwede na kausapin niya na ako."

"Hindi kamo pwede, Luis."

"Teka nga, hindi ba kayo pwedeng mag-usap na dalawa na hindi ako inaabala...Sidwih dito ka maupo sa pwesto ko at ako dyan sa likod. Mga istorbo!" Aba, patay talaga sa akin itong si Luis. Wala na akong nagawa dahil naupo na sa tabi ko si Sidwih. Hindi ko nalang siya papansinin ulit kagaya ng ginawa ko ng ilang araw.

"Talaga bang titiisin mo ako, hindi ko naman sinasadya na itext sa'yo na itigil na natin ito. Nabigla lang ako kaya sorry na, oh." Hindi niya sinasadya na itext sa akin 'yon. Oo nga at nagwalk out ako pero tama bang itext niya ako na itigil na namin ang relasyon namin. Talagang sumama ang loob ko doon, wala naman akong ginawa para sabihin niya 'yon. Gusto ko lang naman mag-isip kaya lumabas ako.

"Saka 'yong message na nakita mo ay hindi sa akin, baka kasama na sa libro 'yan ng ibinigay sa akin ng kakilala ko." Tinignan ko siya, seryoso itong nakatingin sa akin. Mukha naman itong sincere pero hindi ko lang matanggap na nagkamali nanaman ako, deserving ba ako sa pagmamahal ng lalaking ito.

"Anong tingin mo sa akin?" Mukha itong naguluhan sa tanong ko kaya inulit ko ang tanong ko, gusto kong malaman dito kung ano ako para sa kanya. Anong klase akong boyfriend para sa kanya para malaman ko kung karapat-dapat ba ako para sa kanya. "Sumagot ka at kapag nagustuhan ko sagot mo ay babalik tayo sa dati."

"Ikaw ang taong minahal ko at mamahalin ko pa, ayaw kong mawala ka sa akin kaya nga ang laki ng pagsisise ko ng itext kita ng ganoon. Oo at lagi kang may naiisip na hindi naman dapat pero naintindihan kita, pwede pa naman mabago 'yon diba at sabe mo mahal mo ako at may tiwala ka sa akin." Ilang beses kong sinabe na may tiwala ako sa kanya pero hindi ko naman mapanindigan, napaparanoid ako sa maaaring mangyari. Pinipilit ko naman huwag mag-isip ng kung ano-ano pero natatakot akong maiwanan.

First time ko ang pumasok sa ganitong sitwasyon ni minsan hindi ko naisip na magkaroon ng nobyo o nobya dahil gusto ko pag-aaral lang ang pokus ko pero nabago 'yon ng makilala ko siya.

Hindi ko mapigilan na mag-alala lalo na kung ang laki ng lamang sa akin ng mga babae, marami akong hindi maibibigay sa kanya na makukuha niya sa isang babae. "Mahal kita at ayaw ko na nagkakaganito tayo."

"Sa tingin mo, itigil na lang kaya talaga natin itong kalokohan na ito."

"Anong kalokohan?" Nagulat ako sa pagtaas ng boses nito, tumingala ako dito dahil sa tumayo ito. "Alam mo ba 'yang sinasabe mo, Goli."

Yumuko ako dahil sa nagulat talaga ako sa pagtaas niya ng boses, "Gusto ko lang naman na mapunta ka sa tamang tao."

"Hindi mo ako dapat sabihan tungkol dyan, boyfriend mo ako kaya hindi kalokohan ito!" Hindi ako makatingin sa mga kaklase ko na nakarinig ng sinabi ni Sidwih, at talagang iniwan niya pa ako dito na mag-isa. Sinuway lang ni Luxiel itong mga kaklase nila na bumalik na sila sa ginagawa nila.

Lumapit ito sa akin at tinanong kung okay lang ba ako, tumango lang ako dito at sinabing huwag niya na akong intindihin dahil mamaya ay magiging okay din naman ako.

Napansin ko ang pasimpleng tingin ng kaklase namin, alam kong nagulat sila at gusto nilang magtanong pero pinapagalitan lang si Luxiel ang gustong lumapit. Tumingin ako sa gawi ni Fihm, seryoso itong nakatingin sa akin kaya inalis ko na ang tingin dito.

Gulong-gulo ang isip ko ngayon, sa lahat ng nangyari sa kanila ni Sidwih ay lahat ng pwede nilang pag-awayan ay siya ang nag-uumpisa, minsan pa na kahit hindi dapat ay ginagawa kong issue. Sobrang nakakabaliw ang pag-ibig na ito, hindi pa ata ako matured sa ganitong relasyon.

ANDITO ako sa inbox ngayon para magpalipas ng oras, kahit papaano ay gusto niyang takasan muna ang gumugulo sa isipan niya. Umorder siya ng limang beer at ng sisig sapat na ito para kahit papaano siya ay makapag-isip.

Ipinatay ko ang cellphone para walang makatawag sa akin, ayaw ko ng iistorbo sa akin. Sinimulan ko ng inumin ang beer at sa bawat lagok ko ay ang mukha ni Sidwih ang sumasagi sa isipan ko.

Ang mukha nito kaninang naguguluhan, naiinis ako sa sarili ko para maging ganoon sa harapan niya. Sinabe ko pang isang kalokohan lang ang relasyon naming dalawa, masakit sa dibdib ng sabihin ko 'yon hindi ko dapat sinabe ang bagay na iyon pero nagawa ko na. Ni hindi ito kumibo o nakipag-usap sa mga kaklase namin, tahimik lang itong nakatingin sa unahan at nakikinig sa mga lectures. At nung uwian nila ay unang-una itong umalis.

"Bakit ka umiiyak may nanakit ba sayo?" nagulat ako sa lalaking biglang sumulpot sa harapan ko, hindi ko ito kilala kaya hindi ko ito pinansin pero hindi ko inaasahan na kukunin niya ang kamay ko at inilapag doon ang panyo. "Use this, hindi maganda na umiiyak ka ng mag-isa at baka isipin nila na may umaaway sa'yo. Nag-away ba kayo ng girlfriend mo?"

"Ops, hindi pala ako nakapagpakilala.. my name is Edmar pero just call me baby." kumunot ang noo niya sa sinabe nito, baby? mukhang Playboy pa ata ang isang ito. "No, it's not like that. Nickname ko kase ang baby, baby face kase ako sabe ng mga girl friends ko." pansin niya din na makapal ang mukha nito. Well, hindi naman maipagkakaila na gwapo siya pero kung isasali si Sidwih sa pagpipiliin ay mas lamang si Sid.

Ginamit ko nalang ang panyo nito at ibinalik na sa kanya pero tinitigan niya lang 'yon. "Kunin mo na kaya itong panyo mo." Umiling ito at iginiya ang kamay ko pabalik sa akin.

"Sayo na 'yan. Hindi na kase ako gumagamit ng ibinigay ko na saka mas kailangan mo iyan kaysa sa akin. So, anong problema mo at nagmumukmok ka mag-isa dito?"

"Hindi kita kilala kaya paano ko sasabihin sa'yo itong problema ko baka mamaya niyan ipagsabe mo pa sa iba. Anyways, salamat sa panyo." Sa kaingayan ng lalaking ito hindi siya makakapag-isip ng maayos, akala pa naman niya ay walang makakapansin sa pwestong pinili niya pero may asungot pa din na lumapit sa kanya.

Base sa itsura nito ay mukhang senior na siya, and the way he look at me para siyang hoodlum na may walang magandang gagawin but don't judge a book by it's cover baka front lang ng lalaki ang badboy look. "Gwapo lang ako pero hindi ako tsismoso saka artista ka ba para paglaanan ng oras?"

"Eh kung ganoon pala ay bakit mo nilapitan, gusto mo lang bang magpapansin. Pwes, excuse me bata wala din akong panahon para makipagkwentuhan sayo, pwede ka ng makaalis." Wala namang nakakatawa sa sinabe niya pero kung makatawa ito ay akala mo nagbiro siya, gagawin pa ata akong joker ng kumag na ito.

"Woy, bumili ka ng sayo!" Paninita ko dito kase kinuha lang naman nito ang isa kong beer, inagaw ko ito sa kanya pero inilalayo niya lang sa akin. Hinayaan ko nalang na inumin niya ito ng manawa akong hablutin sa kanya 'yon, saka iisang beer lang naman. Lumagok nalang siya at tumingin sa ibaba, parami nang rami ang tao dito kapag ganitong oras.

"Iniwan ako ng girlfriend ko dahil sa pagiging seloso ko, ang toxic daw ng relasyon naming dalawa." Tumingin ako dito, broken pala ang kumag na ito. Pinakinggan niya lang kwinekwento nito, ayaw niya namang maging bastos. "Alam mo ba 'yon, I'll do my best to be a perpect man to her pero mas pinili niyang umalis at iwanan ako. She rude sometimes but I loved her so much."

"Sabe mo nga toxic na ang relasyon niyong dalawa kaya ka niya iniwan, bakit hindi niyo inayos bago masira?" Curious siya sa love story ng dalawang ito, pakiramdam niya nakakarelate siya sa isang ito.

"Iniwan niya nga kase ako bigla, aayusin ko naman ang sarili ko pero sabe nga ng mga kaibigan ko masyadong sumobra ang pag-iisip ko na may iba siya at magagawa niya pa akong iwanan. Ang tanga ko kase part na 'yon, sinabe ko sa kanya na magtitiwala ako sa kanya pero hindi ko naman napanindigan." Ininom nito ang beer niya at ganoon din ang ginawa ko, ramdam ko ang pagmamahal nito sa babae pero katulad niya ay may pag-aalinlangan din ito. Pero  sa case nito ni Edmar ay wala siyang dapat ipag-alala sa girlfriend nito dahil hindi naman magiging sila kung gagawin ng babae ang iniisip niya.

"Inaamin ko na mali ako kaya ngayong wala na siya ay ang buhay ko ay wala ng saysay."

"Siraulo ka ba, siya lang ba ang babae sa mundo para sabihin mong wala ng saysay ang buhay mo. Ang baluga mo mag-isip parang sarap mong ihulog sa baba."

Kahit papaano ay naliwanagan ako, at nagpapasalamat ako na kahit papaano ay nilapitan siya nitong Edmar kaya nakapag-isip ako ng maayos kahit na sobrang dramatic ng love story nito.

Naubos namin ang inorder ko na beer kaya nagpaalam na ako dito na uuwe na at baka hanapin na ako ng parents ko balak niya sanang ihatid ako pero sinabe ko na malapit lang ang bahay namin.

Pero aminado siyang lasing na siya, sinong hindi malalasing sa apat na beer ay sampu pala kase nag-order pa pala si Edmar. Masyado kase itong mapilit kaya pinagbigyan ko na, kawawa naman kase broken 'yong tao.

Sinamahan niya din akong mag-antay ng jeep hanggang sa makasakay ako, syempre nagpasalamat ako dito at sinabe na mag-iingat din siya pag-uwe.

Sumandal ako sa bakal na nasa likod ko at pumikit, pwede bang dito nalang ako matulog parang ayaw ko pa munang umuwe. "Woy, manong na may balbas dito nalang po ako."

Pagkababa ko ay sumigaw ako para magpasalamat sa driver at yumuko pa ako hanggang sa makaalis ito, napangiti tuloy siya sa ginawa niya pero ng siya nalang ang mag-isa ay napaluha siya. "Toxic akong tao, kawawa naman ang babe ko inaaway ko ng walang dahilan. Eh, nasaktan ako eh." Umupo ako sa gilid ng kalsada at yumuko, isinubsob ko ang ulo ko sa pagitan ng mga hita ko at doon umiyak.

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa may maramdaman akong tumabi sa akin, umangat ako ng tingin para tignan kung sino ang tumabi sa akin pero mas lalo lang akong naiyak ng makilala ko kung sino siya.

"Sorry."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro