Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C15 - Text message

MAGKASAMA silang dalawa ni Sidwih ngayon dahil walang pasok, umulan kase diba kagabi kaya suspended ang klase. Baha din ang ilang lugar kaya talagang kailangan magcancel ng klase. "Sobra namang lamig ngayon parang gusto ko ng -"

"Ikaw umayos ka nga, masyado kang nawiwili sa ganoon. Nakalimutan mo na din ata na ligawan ako, akala mo bang makakalimutan ko 'yon."

Aba ang loko imbes na sagutin siya ay niyakap lang siya, kinagat pa siya nito kaya napadaing siya. Ang lakas nanaman ng topak ng isang 'to.

Hindi siya pinakawalan ni Sidwih, mahigpit itong nakayakap sa kanya. Hindi tuloy siya makahiga ng ayos dahil naiipit siya nito. "Kapag talaga tayo nadatnan ng mommy mo na ganito malalagot tayong dalawa. Ikaw nga ay bawas-bawasan mo ang pagiging pilyo mo."

"Paano ko babawasan kung kapag nakikita kita ganoon ang nararamdaman ko saka we're couple naman kaya normal lang 'yon sa atin na gawain." Normal. Paano naging normal ang ganoon, so parang dumadating na kapag may karelasyon ka possibly na may mangyayari sa inyong dalawa. May ilan siyang kakilala na kahit matagal na sila ng boyfriends nila ay hindi nila isinuko ang sarili nila, oh sabagay lalaki nga pala siya walang mawawala kung angkinin siya ni Sidwih nang paulit-ulit. Gusto niya din naman ang ginagawa nila kaya hindi na dapat niya gawaing issue 'yon.

"Mahal mo naman ako diba?" Anong klaseng tanong 'yon, maglalagi ba siya dito sa bahay nila kung hindi ko siya mahal. "Mahal na mahal din po kita." Ito nanaman siya, hahamagin nanaman siya nito hanggang sa manawa. Ang hilig-hilig kase nito na hamagin siya, akala mo talaga na bumabalik ito sa pagkabata.

Madalas din nitong gawain sa kanya na dilaan sa taenga at kung hindi ganoon ay bigla-bigla nalang itong magsasabi ng, "I love you, my Goli."

"Fuck you!" Umiwas siya ng sabihin niya 'yon, baka kase kilitiin siya ni Sidwih malakas pa naman din mangiliti ang lalaking ito. At mabuti nalang na hindi nito ginawa at niyakap nalang siya ulit. "Sid, gusto mo bang lumabas?"

"I will consider it is a date. What do you want?" Sige na nga, date na nga ito kung date. Gusto ko kaseng mag-arcade ngayon kahit na naulan pero 'yong gusto ko na mall na puntahan baha sa kalsada, saan kaya maganda.

"I want you, char. Maglaro tayong arcade pagkatapos dadaan tayo sa simbahan para naman mabawasan 'yang iniisip mo lagi." 

"Magbibihis pa ba ako o ganito na lang?" Seryoso ba siya sa tanong niya, pajama ang suot niya tapos tatanungin niya kung ito nalang ang susuotin. Akala ko ba date namin ito, baliw talaga. "Sabe ko nga magbibihis na ako, give me five minutes. I love you."

Saktong five minutes ay tapos na si Sidwih, isang white shirt ang sinuot nito at may nakaagaw sa kanyang pansin, Love with her ang nakalagay sa damit. Kumunot ang niya dito kaya ng mapansin siya ni Sidwih ay nagtanong ito ng bakit. Kasama niya ako pero her ang nakalagay sa damit niya. Nang-aasar ba siya dahil kung oo, intentional man o hindi naaasar ako. "Sure kang 'yan ang isusuot mo?"

"Baduy ba, gusto mo palitan ko para sa'yo." Umiling siya, hindi naman na siguro kailangan dahil baka masira lang ang araw nilang dalawa. Inayos niya ang sarili hanggang sa magyaya na si Sidwih na umalis na, may dala silang payong actually akin 'to kase tamad magbitbit ang isang ito. "Sa City Mall nalang tayo babe, malapit papunta sa school natin. Maganda naman doon."

"Ikaw ang bahala basta siguraduhin mong may arcades doon ah?" tumango ito na para siguradong-sigurado siya na may arcade doon, bago lang kase ang mall na pupuntahan nila iisang floor lang ito pero andoon na ang ilang makikita mo sa ibang malls pero hindi siya sure sa arcade. Hindi pa kase talaga sila nakakapasok dito, may nakalagay lang na banner sa labas kung ano-ano ang nasa loob at wala siyang nakitang nakalagay na arcade. "Manong dito nalang po kami."

Binuksan ni Sidwih ang payong kaya nauna itong bumaba para mapayungan siya, inakbayan din niya din ako para hindi mabasa at  naglakad na kami. Mabuti nalang ay may sisilungan na kaya humiwalay ako sa kanya para mapatay niya ang payong. "Ang lamig talaga ngayon dapat kase pinagbigyan mo muna ako bago tayo umalis."

"Tigil-tigilan mo 'yang kapilyuhan mo wala talagang pinipiling lugar niyang kaanuhan mo." Nauna na siyang maglakad dito dahil gusto na niyang makapaglaro pero ang loko biglang kinuha ang kamay niya at hinawakan, tinignan niya ito kung seryoso ba siya sa gagawin niya at mokong hindi siya tinignan at nakangiti pa ito.

Bahala talaga siya kapag may nakakita sa kanilang kaklase nila dito, may ilan pa man din na kaklase nila ang malapit dito pero ang malala may mga babaeng nakatingin sa amin mukhang nanghihinayang kay Sidwih. "Hanggang dito abot 'yang kagwapuhan mo. Bugbugin kaya kita para hindi ka na nila tignan." Bulong niya dito.

"Hindi ko naman maiiwasan 'yon, lalaki lang ako. Ipinanganak na gwapo at masarap kaya pwede ba babe huwag mo nalang silang intindihin."

"At baket hindi, aber?"

"Sila nasa stage pa lang ng pangangarap pero ikaw boyfriend mo na ako." At ang sakit mo sa ulo Sid, kung hindi lang talaga kita kaklase, kaibigan at boyfriend baka sinakal na kita ngayon. Sa may bandang dulo sila naglakad na dalawa at may nakita ng silang arcade dito, hindi nga lang malaki pero okay na para sa ilang gustong maglaro. "Basketball tayo kada shoot may kiss ako sayo."

"Kahit naman hindi tayo maglaro nito ngayon, hahalikan mo pa din naman ako." Nagpuppy eyes pa ang mokong kaya umoo nalang siya sa gusto nito para kaseng bata. Nagpapalit muna sila ng tokens bago pwumesto sa machine.

Parehas silang naglaro kaya natatawa siya na lahat ng bola ng kanya ay napasok samantalang si Sidwih ay sumasablay. "Hindi ka nga pala talaga basketball player."

"Ayako na madaya 'tong basketball machine, hindi ako pinapashoot lahat ay sablay gusto ko na umuwe." Nagmaktol pa ang loko, akala naman niya susuyuin ko siya bahala siya dyan. Pinagpatuloy niya ang paglalaro at believe na siya sa sarili niya dahil lahat ng bola ay naipasok niya ulit.

Nakaramdam na siya ng pagod kaya hinanap na niya si Sidwih, tampurorot talaga ang isang 'yon akala mo naman talaga bata pa siya. Nakita ko ito na pinagkukumpulan ng mga kaedad namin na mga babae, pinanuod niya lang ito at halos hindi ito magkadaugaga sa dami ng mga babae.

Hindi niya maitago ang ngiti sa kanyang labi, siguro kailangan niyang masanay sa ganitong sitwasyon ng boyfriend niya. Ayaw niya itong masyadong awayin lalo na't napapansin niyang lagi nalang siyang gumagawa ng pagtatalunan nila, mabuti nalang talaga na understanding ang lalaking ito kung hindi baka matagal na siyang iniwan. Tinawag siya ni Sidwih ng makita siya kaya lumapit siya dito. "Hi po."

"Hello sa inyo." Ipinakilala ako sa kanila ni Sid, at ang mga babaeng ito naman ay nagtitili. Masaya daw sila na malaman na kaming dalawa ni Sidwih ay magboyfriend. Suportado daw nila ang  pagmamahalan naming dalawa, sa sandaling naisip ko na hindi naman pala lahat ay ayaw sa same gender relationship. Thankful siya sa mga babaeng ito. "Mauuna na kami sa inyo, ah. Masaya akong nakilala kayo."

"Take care, girls." anang Sidwih na hinawakan na ang kamay niya at naglakad na sila sa kumpulan ng mga babae. "Kumain na muna tayo bago tayo pumunta sa simbahan."

Sa Greenwich silang kumain na dalawa, isang malaking pizza ang inorder nila at talaga namang nabusog sila ng sobra. Nagpicture pa silang dalawa habang kumakain, sobrang saya niya ngayon dahil kasama niya ang lalaking ito.

Lumabas na sila sa Greenwich at pumasok naman sa milktea shop, tig isang malaking milktea ang inorder nila at bago nila inumin ay kinuhaan ko muna ng picture para may remembrance. "Mamaya na tayo umalis patilain muna natin ang ulan."

"Sige." Umupo sila sa harapan gilid kung saan nakikita ang labas, kapag ganito ang klima ng panahon masarap ang matulog kaso tatamarin siyang kumilos kapag ganoon.

"Nakakatuwa yung mga babae kanina 'no, suportado nila tayo."

"Ibig sabihin no'n hindi lahat ng tao ay mapanghusga, nauunahan lang talaga sila ng thoughts nila." Sumipsip siya sa milktea bago humarap kay Sidwih, nakatingin din ito sa kanya kaya ngumiti siya.

TAHIMIK silang dalawa na nakikinig sa misa ng pari, ang pangaral nito ay tungkol sa mga makasalanan. Na hindi pa huli ang lahat para tanggapin sa kanila ang panginoon, buksan lang nila ang puso nila sa pagbabago.

"Siya lang ang makakatulong sa atin upang magbago tanggapin natin sa ating puso ang pagmamahal niya." Ngayon lang ulit siya nakapasok sa simbahan kaya ganito nalang ang nararamdaman niya, sobrang gaan sa pakiramdam niya at parang mas lalo siyang napalapit kay Lord. Tumingin siya kay Sidwih at tahimik lang itong nakikinig sa pari. "Lord pinapakilala ko nga po pala sa inyo ang lalaking naging dahilan para mas maging masaya ako. Sana po gabayan niyo po kami sa relasyon namin at sa mga pagsubok na dadating sa buhay namin."

"Tumingin ka sa unahan mo at huwag mo akong tignan, makinig ka sa leksyon ng pari." Sa harapan na nga siya tumingin dahil itong boyfriend niya ay tahimik talagang nakikinig sa leksyon ng pari. Ang cute niya tuloy tignan parang siyang batang seryosong nakikinig.

At sa buong oras na 'yon ay tahimik lang silang nakikinig at minsan ay sinisita siya ni Sid dahil hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Kalasanan bang tignan siya kaya hanggang matapos ang misa ay pinapagalitan siya ni Sid. "Halika nga sa bandang do'n magtirik tayo ng kandila."

"Para saan?"

"Basta." Lumapit silang dalawa sa may sindihan ng kandila, syempre bumili muna sila ng kandila para may masindihan sila. "Alam mo bakit tatlong kandila ang kinuha ko..ito kaseng isa at para sa pasasalamat ko na naging akin ka at naging maayos ang relasyon natin. At itong pangalawa para sa daddy ko na hindi ko na nakasama simula ng bata pa ako, naaksidente siya nung time na pauwe ito sa trabaho."

Nakita niya ang lungkot sa mukha nito kaya lumapit siya dito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya, ni minsan hindi ko naitanong sa kanya kung nasaan ang daddy nito abala kami sa isa't-isa. "Okay lang naman ako pero mas masaya kapag kumpleto ang pamilya diba kaya nga naging matatag ako para kay mommy kase lagi ko siyang naririnig na umiiyak habang hawak ang picture frame ni papa."

Kumuha siya ng bimpo para iabot kay Sidwih, tumulo kase ang luha nito. "Magiging okay din ang mommy mo, hindi man ngayon pero sa susunod." niyakap niya ito para gumaan ang nararamdaman niya ngayon.

Pinunasan naman nito ang luha niya, "Masaya na kung nasaan si daddy kaya itong pangatlo ay para sa lahat ng tao sa mundo, hinihiling ko na sana maging payapa ang mundo natin."

Hindi nga siya nagkamali sa taong ito, masaya siyang napakabuti ng taong minahal niya at siya naman ay kailangan din maging understanding para sa boyfriend niya. Sa bahay nila kami pumuntang dalawa at nakasalubong namin si tita na may tinitignang picture frame lumapit kami dito kaya ibinaba niya ang frame at tumayo.

"We're are you been guys mukhang masaya kayong dalawa ah." Tanong sa kanila ni tita, nagulat naman siya sa ginawang pag-akbay sa kanya ni Sidwih kaya palihim niya itong siniko.

"Nagsimba po kase kami mom."

"Ganoon ba, gusto niyo bang kumain?" Pansin niya ang lungkot sa mata ni tita, kahit man na nakangiti ito ay alam niyang may pangungulila sa mga mata nito lalo na't nabanggit ni Sidwih ang sitwasyon ng mommy niya kanina.

"Hindi na po siguro kase bago kami magsimba ay kumain na kami Goli, uuwe na din siya maya-maya." Sinang-ayunan niya ang sinabe ni Sidwih, busog pa naman kase sila dahil marami-rami din ang pizza na kinain nila.

"Umakyat nalang muna kayo sa taas at kung may kailangan kayo ay tawagin niyo ako." Tumango silang dalawa at umakyat na sa kwarto ni Sidwih, naupo siya sa kama at ito namang si Sidwih ay maliligo daw muna kaya hinayaan niya ito, para hindi mainip sa pag-aantay ay lumapit siya sa bookshelves at kumuha ng isang libro.

Message in the bottle ni Nicholas Sparks. Maliit lang ito pero makapal, humiga siya para tignan ito. Nirandom browse niya ng may malaglag na papel, ibinaba niya ang libro at tinignan ang papel. Natawa siya dahil ang librong kinuha niya ay Message in the bottle, pero nasa book.

I turn around after I saw you, I can't takes what I saw. That's why, I choose to leave without telling. I hope you'll live happily ever after with that person you loved. - Anabelle.

"Babe, I'm done." Nakita naman nito ang hawak niya kaya lumapit ito sa kanya. "Wait, saan mo nakita 'yan?"

"Who the hell is Anabelle." Iniabot ko sa kanya ang papel bago ako tumayo. Humarap ako sa kanya para malaman sa kanya kung sino ang babaeng nagsulat ng message na hawak niya. Either his ex girlfriend or other human. "Tell me, who is she?"

"Nothing. Huwag mo nalang intindihin ang message na 'yan dahil wala lang 'yan."

"Uuwe na ako." Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko ding binawi iyon, lumabas ako ng kwarto niya at bumaba ng hagdan.

Nakita niya si tita Maria na nakaupo sa sofa, nagpaalam siya dito at lumabas na ng bahay. At doon tumulo ang luha niya, hindi niya alam pero pakiramdam niya may mali. Kung dati niya itong girlfriend bakit may message pa sa libro.

Hindi niya maintindihan kung nagseselos ba siya o ano pero kailangan ko munang umalis. Pinunasan ko ang luha ko ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito para tignan.

Nanghina siya ng mabasa ang text message na natanggap niya, hindi niya alam pero mabigat sobrang bigat ng dibdib niya ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro