Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C13 - Practice

DUMAAN muna silang dalawa ni Sid sa puregold para bumili ng snack nilang dalawa, maaga kase ang practice nila ngayon para sa cheerdance para sa intrams nila. Isiningit lang ito sa schedule nila dahil sa susunod ay magsesembreak na, kumbaga pang suporta lang nila itong gagawin.

At sa pagtapos pa ng sembreak ang intrams nila, sobrang lapit na kaya sobrang dami nilang gagawin. "Okay na ba ito para sa kanila?" Naisip din namin na bilihan ang mga kaklase namin para naman hindi lang sila ang kakain.

"Dagdagan mo ng dalawang chips, mahilig si Luxiel dyan." Paano ba naman kung hindi cookies ang nasa bibig nito ay chips naman, lagi kase siyang dinadalhan ni Francis at mukhang seryoso naman ito kay Luxiel. "Masyado ng marami 'yan baka sitahin na tayo ng guard mamaya."

Pumunta na sila sa counter para magbayad, mukha tuloy na picnic ang gagawin nila at hindi practice, mabuti nalang talaga sa hindi sa school ang practice place nila. Pagkatapos nilang kunin ang pinamili ay lumabas na sila at pinara na agad ang jeep na paparating.

"Umayos ka nga, Sid. Para mo naman akong hinuhubaran, eh. Bakit?" Sa akin kase siya nakatingin at nakakailang 'yon, para niya akong hoholdapin eh nasa kanya naman na ang puso ko.

"Sa dami ng tao sa mundo ikaw lang ang pagkatitigan ko ng ganito, ang lakas ng dating mo sa akin pakasalan na kaya kita." Syempre kinilig siya pero masyado pang maaga para sa pagpapakasal. May tamang panahon para Doon at willing akong mag-antay kung kailan ito mangyayari.

"Ikaw naman parang magnet na kahit saan ako pumunta lagi kang nakasunod." Simula na maging official silang dalawa ay nag-umpisa na itong maging possessive sa kanya, lagi kitang nakadikit sa kanya kung saan man siya pumunta kaya tuloy hindi sila nakakaiwas sa panunukso ni Luxiel. Ang isa pa namang 'yon ay masyadong mapanuri. Bawat kilos mo ay may issue na siya doon, tanggap naman sila nito kaya umamin na din sila at ang gaga gusto pang ipaalam sa mga kaklase nila.

Pinara na nila ang jeep at bumaba na sila, sobrang init ngayon kaya pinasuyo niya kay Sidwih na kunin sa bag niya ang payong. Ako muna ang humawak sa bitbit niya at ng makuha niya na ang payong at nabuksan na binalik ko na sa kanya ang bitbitin niya.

"Wala itong init na 'to kapag pumasok tayong dalawa sa kwarto ko." Siniko niya nga ito, kapag talaga may nakarinig sa kahalayan niya iuuntog niya talaga ito sa pader. Masyadong mahalay kase ang nalabas sa bibig, alam kong masarap ako pero huwag naman siyang masyadong pahalata na gusto niya akong ipasok sa kwarto.

"Totoo naman na mas mainit kapag nasa kwarto tayo ah, naalala mo pa yung ginawa na--" tumigil ito sa sinasabe niya ng samaan ko ito ng tingin at maunang maglakad, bahala siya dyan ang kulit kulit kase pwede namang mamaya nalang o saka na pag-usapan ang ganoon. "Sorry na po babe."

"Kapag hindi mo ako pinansin manglalandi ako sige ka, ayaw mo no'n diba?" Huminto ako at tinignan siya, walang emosyon akong nakatingin sa kanya. "Sorry na po, mahal na mahal po kita."

Kapag katapos niyang mang-asar at makitang naiinis na ako saka naman siya hihingi ng sorry, paano matutuloy ang inis niya dito kung lagi nalang may pahabol siyang ganito. Hahalik pa ito sa labi ko, peace offering niya daw kapag alam niyang naiinis ako sa kanya. "Huwag ka manlalandi, Sid. Baka hindi ko kayanin, masasapak talaga kita."

Mukha namang takot itong masapak ko kaya niyaya niya na akong maglakad, sinalubong naman sila ni Luxiel na nakapamaywang na ngayon sa harapan nila.

"Sa wakas andito na kayo at makakapag-umpisa na din, mamaya na kase kayong magharutang dalawa. Focus tayo ngayon sa cheerdance, maikli lang ang oras natin at mamaya may actual performance na tayo." Alam niyang wala sa mood si Luxiel kaya ganito ito ngayon sa kanila, at sa tingin ko ay nag-away namaman sila ng boyfriend niyang si Francis. "Pumasok na kayo sa loob at maghanda na kayo!"

Kumilos na kaming dalawa ni Sidwih at nakita naming handa na ang mga kaklase nila at silang dalawa nalang talaga ng kulang, ibinaba nila ang hawak na paper bag at ang bag tapos ay lumapit na sila sa mga kaklase nila.

Kasunod naman nila si Luxiel na nakasimangot, nag-away nga talaga sila ni Francis. "Ang position niyo ipinakita ko na nung nakaraan kaya umayos kayo, ayako ng paulit-ulit."

"Santos, hindi ka dyan katabi mo si Reyes. Lumipat ka sa tabi niya, bilisan mo para makapag-umpisa na tayo." Tinignan niya si Fihm na malayo ang tingin kaya tumabi na siya dito, akala ko talaga na mabait sa kanya si Luxiel pero mukhang nagkamali ako. Bahala na nga, katabi lang naman eh saka naging kaibigan niya din naman ito.

"Al fuente at Bacolod dito kayo sa unahan at kayo ang magiging front para sa intermission. Teach me how to dougie ang sasayawin niyong dalawa at alam kong alam niyo 'yon." Si Bacolod pa talaga ang itinabi niya kay Sidwih, may pagtatangi pa naman ang bruhang ito sa boyfriend niya hindi naman sa nagseselos siya pero parang ganoon na nga. "Santos, be attentive baka maiwanan ka." Hindi ko napansin na napalalim pala ang pag-iisip ko kaya tuloy lahat sila nakatingin sa akin. Nakakainis kakaumpisa palang ng practice ay sabaw na agad siya.

"Sorry." Sa buong practice nila ay para siyang lantang gulay na sumayaw, lalo na't nahihilo siya sa step nilang puro ikot. Huminto lang sila ng sumigaw si Luxiel na pwede na silang magpahinga, naupo siya sa upuan at nilapitan naman siya ni Sidwih at inabutan ng tubig.

May hawak din itong pamunas, "Wala ka nanaman sa sarili kanina dahil ba ito kay Fihm o dahil katabi ko si Caily?" Humarap ako sa kanya, walang kinalaman si Fihm dito pero hindi siya umimik, pinunasan ni Sid ang kanyang mukha na puno ng pawis.

"Baka kase maagaw ka sa akin ng iba. Hindi ko maiwasang mag-isip, anong laban ko do'n kung landiin ka niya." Uminom siya ng tubig na inabot sa kanya ni Sid. Wala eh. Mahirap hindi mag-isip, nakakabaliw pala itong ganitong pakiramdam.

"Pakiramdam ko tuloy wala kang tiwala sa akin." Tumayo si Sidwih para umalis pero hinawakan ko agad ang kamay niya, naninikip tuloy ang kanyang dibdib. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.

"May tiwala ako sayo, please maupo ka na dito."

Bumuntong hininga siya, tahimik lang silang dalawa na nag-aantay ng signus para mag-umpisa ulit. Ni hindi na sila nag-usap na dalawa, gustuhin man niyang magsalita ay umuurong lang ang dila niya kaya panay nalang sulyap ang ginagawa niya dito. "Back to practice again."

Ilang beses siyang napuna ni Luxiel hanggang sa matapos sila, ang ibang kaklase niya naghahanda na umalis pero siya ay nanatiling nakaupo sa lapag ng court. Gusto niyang umiyak ngayon, pakiramdam niya tuloy ang nonsense ng nararamdaman niya. "Goli, ano ba ang nangyayari sa'yo kanina ka pa wala sa sarili."

"Gusto kong umiyak, Luxiel. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Gusto kong magwala dahil sa walang kuwentang pakiramdam na 'to."

"Hindi mo naman kase kailangan mag-isip ng ganyan, alam mo bang dahil dyan sa ginagawa mo mananawa agad sayo si Sidwih, mahal na mahal ka no'ng tao kaya magtiwala ka nalang sa kanya."

Napapikit siya dahil sa kaguluhan na nararamdaman niya, nagmulat lang siya ng lumapit sa kanila si Sidwih bitbit ang bag namin.

"Mauna ka na Luxiel, ako na ang bahala sa kanya." Tinignan pa siya ni Luxiel, tumango lang siya dito kaya naglakad na ito at iniwanan sila.
Lumuhod si Sidwih para magkaharap silang dalawa. "Gusto mo bang umuwe muna tayo para naman makapagpahinga ka, halika nga dito nanggigil ako sa'yo."

Yumakap ako sa kanya at ganoon din ito, wala siyang pakealam kung may ibang estudyante na nakatingin sa kanina. Humalik pa sa ulo niya si Sidwih, ayaw niyang mawala sa kanya ang lalaking ito kaya babawas-bawasan ko na itong magulo kong nararamdaman. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko.

Inalalayan na siya nitong tumayo kaya magkahawak kamay silang naglakad para lisanin ang court, hindi na sila mag-abala na magpayong dahil sabi nga ni Sidwih mas mainit ang kwarto kapag pumasok silang dalawa. 

Siya ang naunang nagpalit ng uniform at sumunod na sa kanya si Sidwih, inantay niya nalang ito sa labas dahil nakakadagdag kasikipan pa siya sa banyo.

Binabasa ko ang mission at vission ng school nila ng makita ko si Caily na nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin dito pero hindi ko inaasahan na lalapitan niya pa ako. "Alam mo masyado kang madamot."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Madamot ka sa kaibigan, ayaw mong may ibang dumidikit o kumakausap kay Sidwih." At ano ang problema niya sa bagay na 'yon, sino siya para sabihin na madamot siya. Prinoprotektahan ko lang kung ano ang pagmamay-ari ko. Kasalanan ko bang hindi ako kampante sa kanya kaya ayaw kong magkausap sila ni Sidwih.

"Sa pagkakaalam ko classmate lang kita at wala kang karapatan na kwestyunin ang mga bagay na gusto kong gawain, tinanong mo ba si Sidwih kung bakit ayaw ka niyang kausapin..hindi diba kaya please lang umalis ka sa harapan ko." Ayaw niyang pairalin ang init ng ulo niya ngayon lalo na't tabi lang ng comfort room ang registrar office. Hindi na niya pinansin si Caily at mabuti nalang lumabas na din si Sidwih kaya hinila niya na ito paalis.

"Nakasimangot ka nanaman babe." Binago niya ang ekspresyon niya para naman hindi na mag-alala itong gwapo niyang boyfriend. Kailangan ko din magdoble ingat kay Caily at baka sa isang iglap ay dikitan na nito si Sidwih.

Tahimik silang nakikinig sa lecture ng professor nila tungkol sa actual na gagawin nila ngayon, folding table napkin ang gagawin nila kaya isinulat na nito sa pisara ang mga folding na gagawin. Actually, basic naman ang lahat ng folds pero kailangan lang talaga na hindi baliktad ang gagamitin mong napkin.

Binigyan muna sila ng sample ni Miss Guevarra na tutularan nila, isa-isa ang pagpresinta at may time na included. Kailangan ay makafifteen folds ka with in three minutes, hindi naman imporsible na hindi nila magawa 'yon. "Al fuente."

Tinapik niya si Sidwih at bumulong siya dito na ikinangiti naman ng loko, paanong hindi siya ngingiti kung sinabe ko na kapag natarget niya ang minute ay may kiss siya sa akin mamaya.

"Okay, timer start now."

Ang bilis niyang matapos, hindi pa nga tapos ang three minutes ay nakuha na niya agad ang fifteen folds, ganaan ba kapag inspired. Nakangisi itong lumapit sa akin at bumulong sa akin, "Mamaya ko na kukunin ang premyo ko."

"Tse."

Siya na ang sunod kay Fihm, nagain din nito ang fifteen folds sa loob ng tatlong minuto. Sana makuha din niya lahat para naman kahit papaano ay maipagmaki siya kay Sid.

Tumayo siya ng tawagin ng teacher ang apelyedo niya, kinabahan naman siya sa magiging resulta ng kanyang gagawin. Sana talaga matapos ko ang fifteen folds, umupo na ako sa upuang kalapit si Miss Guevarra. Sinabi na nito na pwede na akong mag-umpisa.

Ilang beses ako nagkamali sa banana kaya sad to say fourteen lang ang nagawa niya, nakangiwi siyang lumapit kay Sidwih pero nginitian lang siya nito na akala mo ay nang-aasar. "Okay lang 'yan isa lang naman ang hindi mo nagawa, proud ako sa'yo babe."

"Salamat sa suporta, kahit papaano ay nag-enjoy ako sa ginawa natin ngayon."

Hindi niya makuha ang sinesenyas ni Sidwih na sa baba, tumingin naman siya dito pero wala namang siyang nakitang kakaiba kaya tumingin ako sa kanya at kumamot ito sa kamay niya.

Napangiti naman ako sa gustong mangyari nito, ibinaba ko ang kamay ko hanggang sa maramdaman niya na nagsama na ang kanilang mga kamay. "Ikaw talaga napakaano mo kapag may nakakita sa atin dito lagot tayo."

"Huwag mo silang intindihin." Bulong nito sa kanya, nakaliti naman siya dahil sa init ng hininga nito. Baliw talaga siya alam na may teacher sa unahan kung ano-ano ginagawa.

Palihim naman siyang napangiti habang pinagmamasdan si Sidwih ng pasikreto, mabuti nalang talaga may harang ang mga upuan nila sa likod kaya kampante silang maghawak kamay.

"Don't look at me babe masosolo mo din naman ako mamaya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro