Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C10: Quite

NABALITAAN niya sa nanay niya na nakalabas na ng hospital si Sidwih at hindi na daw ito nagsampa ng kaso kaya malayang malaya si Fihm.

Isinara niya binabasang libro at naglakad papunta sa kwarto niya, may sinasabe pa ang nanay niya pero wala na siyang oras para intindihin. Katapusan ngayong September kaya hindi siya pumasok, wala di naman siyang maiintindihan sa lesson.

"Hindi ka ba talaga papasok ngayon, nak. Baka hanapin ka sa school niyo." Binuksan niya ang cellphone at nagpatugtog, nilakasan niya ito para hindi niya marinig ang sinasabe ng nanay niya. Ilang araw na din siyang ganito, walang gana sa lahat ng bagay. Humiga siya sa kama niya at natulog, ganoon ang ginawa niya maghapon. Sobrang tahimik ng mundo niya ngayon.

Tumigil ang sound sa cellphone niya kaya tinignan niya ito, text message galing  sa kaklase niyang si Luxiel. Tinatanong nito kung papasok ba siya ngayon dahil may orientation sila para sa assessment.

Nakalimutan niya nga na may orientation sila kaya kahit na tinatamad ay pinilit niya tumayo para maligo. Nadatnan niya ang nanay niya na nakaupo sa sala habang may kinakausap ito sa cellphone. Hindi na siya nag-usisa na magtanong at naglakad na siya papuntang banyo.

Lumabas siyang nakatapis, tumutulo pa ang buhok niya kaya sinita siya ng nanay niya pero hindi niya ito pinansin. "Nak, huwag mo naman akong iwasan na parang may nagawa akong mali sa'yo."

Isinara niya ang pinto at nagbihis na, at nang okay na siya ay sinukbit niya na ang bag at naglakad palabas. Tinawag siya ng nanay niya para sa baon pero hindi na ako lumingon, buo pa naman ang pera na ibinigay niya sa akin noong nagretreat kami at may ipon din siyang pera.

Sa paglalakad niya ay nakasalubong niya ang nanay ni Kih, nakangisi ito na parang nagyayabang. Kung siya lang tatanungin ay gusto niyang makulong ang anak nito dahil walang katarungan ang ginawa nila kay Sidwih.

Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa sakayan, may mayabang pang gustong makipag-unahan sa kanyang sumakay, siya na ang nagbigay daan dito dahil nakakahiya sa kakapalan nito ng mukha.

Tahimik lang siya sa byahe, napapansin niya din ang dalawang babae na nakatingin sa kanya at nagbubulungan. "Ako ba ang tinitignan niyo?"

Para namang sinisilihan ang dalawang babae ng tanungin ko sila, "Opo kuyang pogi...pwede papicture." Talagang sabay pa silang magsalitang dalawa. Kinuha niya nalang ang cellphone ng dalawa at siya na mismo ang kumuha ng litrato sa sarili niya. Walang emosyon niya itong inabot sa dalawang babae at sumigaw ng, "Para na manong!"

Nagpaalam sa kanya ang dalawang babae pero hindi niya pinansin, masyadong nakakaubos ang ganoong sitwasyon. Wala ng students ngayon na nakakalat kaya pumasok na siya sa main. Sinita pa siya ng guard pero sinabe niyang mamaya pa ang klase niya, naniwala naman ito sa kanya.

Sa last floor ang laboratory nila para sa mini assessment na gagawin nila, naabutan niya naman ang kaklase niya na nagrereview.

Si Luxiel ang unang nakapansin sa kanya at lumapit, "Akala ko ay hindi ka papasok. Tapos na ang orientation sasabihin ko nalang sa'yo mamaya. Oo nga pala, ikaw na ang next sa actual." Tumango lang siya dito dahil alam naman na niya ang takbo ng gagawin nila, may nagpost kaya ng tungkol sa assessment.

"Saan ka pupunta?" Tanong pa nito sa kanya, naiinis siya sa ingay ng nasa paligid niya kaya mas gugustuhin niya pang sa dulo nalang siya maupo. Nakita niya pang nakatingin sa kanya si Fihm pero agad din naman itong umiwas, naglakad na ako sa dulong upuan at doon naupo.

Hindi na ako nagreview dahil hindi pa naman ito ang pinakaassestment nila saka nag-aaral na siya sa bahay simula ng sabihin na may assessment na mangyayari.

Isinuot niya ang shade na kinuha niya sa bag, at pumikit. Gusto niyang magpahinga ngayon, kung pwede lang na hindi pumasok ay ginawa na niya kaso importante itong gagawin nila.

Major subject nila ang FBS kaya kapag bumagsak sila babalik grade 11 sila. Marami na din pala siyang napagdaanan, kamusta na kaya ang dalawang kapatid ko. Mas trip kase nito na tumira sa bahay ng pinsan nila dahil may wifi, binibisita nalang din sila ni mama tuwing linggo.

Kaya sobrang tahimik ng mundo niya, ni wala siyang makausap sa bahay kaya ganito ang nangyayari sa kanya, "Santos, tawag ka ni ma'am."

Nang marinig na tinawag siya ay tumayo na siya para pumunta sa loob ng laboratory. Actually hindi talaga ito laboratory, space lang ito para mini assessment nila. Inabutan siya ng papel at ballpen kaya nilagyan niya na agad ng pangalan.

Sa round table nakalagay ang mga sasagutan nila, nakalatag doon ang mga others thing na ginagamit sa kusina. Mabilis niyang natapos ang one to twenty na gamit kaya ibinigay niya na ito sa teacher nila. "Pwede ka ng lumabas, papasukin mo si Saseme."

Tinawag niya si Saseme para pumasok sa loob at bumalik siya inuupuan niya kanina, imbes na maupo ay nahiga siya. Tumunog naman ang cellphone niya at nakita niyang tumatawag ang kapatid niyang si Rold. "Hello, bakit ka napatawag?"

"Ang bad mo, nagsumbong sa akin si mama. Hindi mo daw siya pinapansin, kapag ako umuwe dyan sasapakin kita." Napangiti siya dahil sa kapatid, akalain mong sasapakin siya nito kapag nagkita sila. "Umiiyak si mama kanina." Doon siya natigilan, ayaw na ayaw niyang nalalaman na umiiyak ito dahil iniisip niya palang ang itsura nito ay gusto niya ding umiyak.

"Pansinin mo na si mama kung ayaw mong suntukin kita. Sige na, bye na. Maglalaro pa kami bunso."

Masyado na ata siyang sumobra na maski nanay niya ay tiniis niya, babawe nalang ako sa kanya mamaya kapag umuwe. Ito nalang pala ang mayroon na kakampi niya ngayon tapos iniiwasan niya pa. Ayaw niya din naman masuntok ng kapatid niya na kahit inis siya dito dahil sa favorite ito ng tatay nila ay mahal niya pa din ang mga ito.

Dalawang subject lang ang meron sila ngayon araw kaya ng matapos na ang klase nila ay agad na siyang umalis, bibili siya ng favorite ng mama niya. Para kahit man lang doon ay makabawe siya, mahal na mahal niya ang pamilya niya kaya mas kailangan ko silang pahalagahan.

NAKARATING na ako sa bahay at nakasalubong ko si nanay na may kausap nanaman sa cellphone, si tatay siguro ito na nagtratrabaho sa manila. "Oh anak, andito ka na pala. Gusto kang kausapin ng tatay mo."

Inabot niya ang cellphone at kinausap siya ng tatay niya, "Sinabe sa akin ng nanay mo ang nangyayari sa'yo, ano ba ang problema anak? Gusto mo bang umuwe ako dyan para mapag-usapan natin 'yan."

"Hindi na po pa, malakas ang anak niyo kaya kaya ko itong ayusin mag-isa. Kamusta ka na po d'yan?" Kinamusta niya nalang ito para maiba ang topic nilang dalawa. Ayaw niya naman magopen-up dito dahil baka magulat ito na ang panganay niyang anak ay nagkakagusto sa kapuwa lalaki.

"Okay lang naman ako dito nak, ikaw ah iisipin ko na may sama ka ng loob sa akin dahil ni hindi mo man lang ako tinetext o tinatawagan. Mas madalas tumawag sa akin si Rold, may nobya na pala ang kapatid mong 'yon." Hindi niya alam iyon, aminado siyang nawala sa isip niya ang ibang bahagi ang pamilya nila. Ni hindi niya nga naisip na kamustahin ang mga ito.

Naging abala siya sa pag-aaral at sa mga nangyayari sa buhay niya. "Busy lang po sa school, kailan ang uwe niyo dito?" Wala talaga siyang nasasabi kapag kausap niya ang tatay niya, hindi niya talagang makipag-interact sa mga ito kaya nawala sa isip niya.

"Sa October ako uuwe nak, sa birthday mo. Ano palang gusto mong regalo? May girlfriend ka na ba?" Girlfriend, ni wala nga siyang kalandian na babae tapos makakapag-isip pa siya na mag- girlfriend. Boyfriend pa siguro, oo. Pero hindi niya sasabihin sa tatay niya 'yon dahil baka magalit ito sa kanya. "Gusto mo ba ng books?"

"Ikaw na bahala sa regalo na bibilhin mo tay, saka wala pa akong girlfriend."

"Nauunahan ka na ng kapatid mo, at baka maunahan ka pa no'n na magkaanak." Pinutol niya na ang pag-uusap nila sa pagsasabi na maghahanap na siya ng nobya para hindi na humaba ang usapan, ibinalik niya ang cellphone sa mama niya.

"Nagugutom ka ba nak?" Aalis sana ito para ipaghanda siya ng pagkain pero tinawag niya ito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti, mga ngiti pa lang ni mama ay sobrang sulit na. Niyakap niya ito at humingi ng sorry, sinabi ko din dito na masyado akong nagmukmok dahil sa nangyari kaya maski siya ay hindi ko magawang kausapin ng maayos. "Naiintindihan kita 'nak, pero hindi mo kailangan ganyanin ang sarili mo. Ni hindi mo naisip na may mga tao pang andyan sayo para suportahan ka, andito kami ng papa mo at mga kapatid mo. Pwede mo kaming sabihan ng mga problem mo, huwag mong sarilinin."

"Sorry po talaga ma, naguguluhan lang naman po ako at gusto kong makapag-isip ng maayos." Hinawakan ni mama ang kamay ko, ngumiti ito sa akin at pinalalahanan na hindi lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay kailangan pabigatin para mas matuto, na kahit papaano ay kailangan harapin ito imbes na takbuhan.

"Sundin mo ang sinisabe ng puso mo at ako na ang bahala na gabayan ka." Nagpasalamat siya dito at iniabot dito ang binila niyang chocolate, favorite ito ng mama niya dahil pampawala daw ito ng stress. "Ikaw ata ang may kailangan nito anak."

"Para sayo lang po talaga 'yan."

Sa sandaling iyon ay naliwanagan siya, hindi dapat siyang umiwas para makapag-isip. Kailangan niya din ng gabay ng iba para maging maayos ang pag-iisip niya sa dapat niyang gawain.

Sabay silang kumain na dalawa ng mama niya at nagkwentuhan pa sila tungkol sa ibang bagay, tungkol din sa kung paano sila nagkakilalang dalawa ni papa. At ang mga kalokohan na ginawa nila noong kabataan ay ikwinento din nito.

Hindi daw dapat si papa ang mapapangasawa niya dahil ang boyfriend daw talaga noon ni mama ay kaibigan ni papa kaso malakas daw Ang tama sa kanya ni papa kaya maski sa trabaho nito ay kinukulit siya.

One time pa nga raw na tumalon si mama ng tricycle para takasan si papa kaso masyadong masugid na sinuyo siya nito. At naging sila na nga  at nabuo ako.

Nagpaalam na siya sa nanay niya na papasok na sa kwarto para magreview, marami pa kase siyang babasahin para bukas. Sunod-sunod ang actual performance nila. Mayroon din silang script na gagawin bukas, tatlo 'yon kaya kailangan nakaadvance reading na siya.

Nahirapan siya sa reservation, kakaunti lang ang scipt na ito pero depende sa caller nila kung ano maidadagdag sa script, minsan kase may iba pang concern, o inutusan lang na magpareserve.

Iginugugol niya sa pagkakabisa ang buong gabi, hindi niya alintana ang oras sa pagbabasa ng script. By twos kase ang gagawin nila bukas, palitan lang para sa caller to receptionist.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mama niya na may bitbit na kape, "Inumin mo 'to para naman makapagreview ka ng maayos." Nagpasalamat siya dito at lumabas na ang mama niya, inihinto niya muna ang ginagawa para inumin ang kape. Tumunog ang cellphone niya kaya tinignan niya kung sino ito.

Hindi niya alam kung anong isasagot sa text ni Sidwih kaya pinatay niya nalang ang cellphone niya at nagreview na ulit. Isinama niya nadin ang mga utensils at sizes ng spoons, forks knives at ang iba't-ibang tawag sa glass.

Lahat ng 'yon ay inaral niya na ngayong gabi para bukas o sa susunod na araw ay wala na siyang iisipin pero kailangan niya pa din irecall ito gabi-gabi habang matapos sila.

December pa naman ang start ng assessment nila at may dalawang buwan pa sila para makapaghanda. October ang alloted month nila para makapaghanda at isisingit doon ang practice para sa intramurals nila para sa November, may sembreak pa sila.

Sobrang hectic ng schedule nilang lahat kaya kailangan nilang maghabol. Lalo na't sabay-sabay ang mga gagawin nila, para silang robot ngayon pero malalampasan din naman nila ito.

Isinara niya ang notes ng matapos, humiga na din siya ng matapos inayos ang mug na pinaglagyan ng kape ng nanay niya. Masakit na ang mata niya kaya pumikit na siya para makatulog.

Dedicated to Piyang_Castle hello, Sofia! Enjoy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro