C1: Senior High
Maaga akong gumising dahil sa ingay na naririnig ko sa labas. May mga kalalakihan na naglalaro ng basketball, agad akong tumayo pero nasapo ko ang ulo ko ng mauntog ako. At ang aking singkit na mata ay napapikit sa saket. Ikinalma ko ang sarili bago inayos ang higaan para makasilip sa bintana na malapit sa higaan ko. Lumaki ang mata ko sa nakita.
"Shit, ang gwagwapo nila!" nabanggit ko nalang nang makita ang dalawang lalaki na naglalaro habang nakatopless. Kitang-kita ang maganda nilang pangangatawan ngunit agad din akong humiga pabalik dahil hindi naman sila ang gusto kong makita.
'Kailan ko kaya ulit makikita ang lalaking 'yon?'
Malalim akong napabuntong hininga dahil sa medyo sumama ang pakiramdam ko. Nabigla ata ang katawan ko sa ilang araw na pagbalik-balik sa pagkuha nang tubig.
Inabot ko ang cellphone sa katabing maliit na table para tumingin sa Facebook.
Hinanap ko ang page na may mga kwentong erotika na bulgar words. Ito na lang din kase ang isa sa mga nagpapasiklab sa init ng katawan ko.
Nasa kalagitnaan na ako nang binabasa kaya naman naramdam ko na ang init sa katawan lalo na't ang dalawang karakter ay ngayon ay nagniniig na.
Gusto kong magpakawala ng isang unos ngunit hindi maaari dahil baka biglang pumasok ang aking kapatid at si mama. Pinigil ko ang aking nararamdaman at pinatay ang data tsaka pumikit.
'Kailan kaya ako makakatikim ng ganoong pakiramdam'
Napamulat ang mata ko ng may marinig akong boses mula sa mga lalaking may katandaan na. Dumungaw ako sa bintana at nakita ang ginagawa nila, umiihi sila sa may malapit na taniman.
Yumukod ako para sumilip sa isang siwang na tanaw ang ilang parte ng taniman para hindi ako makita at nanlaki ang mata ko ng masilayan ang malambot at tila tulog na kahabaan ng matanda.
Matagal ko itong nasilayan dahil sa dami ng ihi na inilabas nito. Kumislot ang payatan kong katawan ng pinagpag na nito ang kalakihan bago ipasok sa loob ng pants.
Labis akong nakaramdam ng kasiyahan sa nasaksihan ko.
Pilit kong kinumbinse ang aking sarili na mali ito, Lalaki ako. Lalaki ako! Hindi dapat ako magkagusto sa kapwa ko lalaki. Hindi ko alam kung anong maaari kong itawag sa sarili ko.
Malamya akong kumilos pati ang aking pananalita ngunit alam ko sa sarili ko na lalaki ako kahit na noon na inaasar akong bakla. Hindi ako umiimik dahil hindi naman ata basehan iyon.
Nagkakagusto ako sa babae at sa lalaki. Pero alam kong init lang ang nararamdaman ko para sa kanila.
"Golib, iluto mo yung hotdog. Pupunta lang ako sa kapit-bahay natin para maglaba." Paalala ni mama na nakadungaw sa pinto. Tumango lang ako at saka naman na pag-alis ni mama.
Tutal nawala na naman ako sa konsentrasyon ay tumayo na ako para isagawa ang utos ni mama. Baka abutan pa ako at makatanggap pa ng matinding sermon.
Pumasok ako sa banyo upang maghilamos at mag-ayos ng buhok. Masyadong mayabong na ang aking buhok kailangan ng tabasan.
Lumabas na ako nang nakahubad lang, masyadong mainit ang panahon ngayong umaga. Sinimulan ko na din ang dapat gawain, iprinito ko ang hotdog kasabay ng pagluluto ng kanin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras kaya naghugas na din ako ng pinagkainan kagabi at nagwalis na rin.
Umalis na din ang kapatid ko para pumasok sa trabaho at tiyak na susunduin niya pa ang girlfriend samantalang si papa naman ay wala dito kase natrabaho.
Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa taas ng pinto, 10am. Agad akong nagmadali at tinapos ang ginagawa ko at mamaya ay papasok na ako sa school.
Kalaunan, agad akong natapos sa ginagawa ko kaya pumasok na ako ng kwarto para ihanda ang susuotin kong uniform. Maganda ang kulay ng polo — mint green pati din ang pants namin.
Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto at nagtungo sa banyo. Sinimulan ko na ang aking pagligo, ilang minuto lang ang ginugol ko sa pagligo ngunit sinisigurado kong walang libag o anoman sa aking katawan. Pagkatapos ay nagsipilyo na ako at nagtapis na ng aking katawan.
Pinatugtog ko ang cellphone ko para magkaroon ng ingay sa kwarto ko. Tinanggal ko ang tuwalya kaya tanging hubong katawan nalang ako ngayon. Isiuot ko ang pula kong brief at isinunod ang pants.
Natapos agad ako at tinignan ang kabuuan sa salamin. Pogi naman ako ngunit may pagkalamya lang, hindi lang babae ang gusto kundi lalandi.
Natapos agad ako at tinignan ang kabuuan sa salamin. Gwapo padin naman ako ngunit may pagkalamya nga lang, hindi lang babae ang gusto kundi lalaki.
Umukit sa aking mukha ang isang malanding ngiti, kailan kaya ako makakahanap ng taong seseryoso at tatanggap sa akin.
'Tigilan ang pagiging malandi, Golib!' puna ko sa sarili ko.
Umalis na ako sa harap ng salamin at binitbit ko na ang bag sa balikat na ibinigay pa ng mayor namin.
"Beshy! Nakakaloka ang ayos mo, ah. Talbog ang beauty face ko!" lintanya ng aking kaisa-isang kaibigan dito sa lugar namin, wala siya kahapon dahil may pinuntahan siya.
"Manahimik ka nga, baka may makarinig sayo at maging tampulan pa nang tsismis!" sita ko sa kanya dahilan para manahimik siya. Hindi siya bakla, bisexual lang katulad ko pero mas pokus ako sa lalaki.
"Sorry." sumeryoso ang mukha nito, ganyan dapat. Chill lang! Maintriga pa kami ng wala sa oras.
"Tara na!" pag-anyaya ko sa kanya, kaya naman inayos niya ang kanyang bag at sumabay na sa akin paglakad.
"Besh, kilala mo ba yung lalaking nakatira diyan sa may apartment?" tanong ko sa kanya na ikinalingon niya, bumaladra ang tingin niyang may kahulugan. "Hindi ko gusto 'yang tingin mo."
"Sabe mo e, kilala ko siya. Teka si Kih, tama si Kih yung maliit na lalaki pero gwapo." Kih, ang gandang pangalan. Sana maging close ko siya at dumalas pa ang kanyang pagtambay sa basketball court na malapit sa amin.
"Bakit mo siya nakilala besh?" kuryos kong sagot, baka maagawan pa ako nitong loko-loko na 'to.
"Baka si Fihm 'to. Fihm the magnet." Pagmamalaki nito, bagay sa kanya ang bansag na Fihm the magnet lapitin siya sa mga lalaki pero hindi niya naman kursunada.
"Osha! Ikaw na. Dalian mo na malate pa tayo." Nauna na akong maglakad sa kanya ramdam ko naman ang pagsunod nito.
"May gusto ka sa kanya?"
"Maybe, wala namang masama diba?" ngumiti nalang ako nang pilit, mahirap ang kalagayan namin dahil hindi namin mailabas kung ano ba ang nasa loob-loob namin.
Parehas na galit sa bakla ang mga tatay namin kaya iniingatan namin na makagawa ng hindi kaaya-aya sa kanilang maseselan na mata.
Masakit sa parte nila na malaman na ang kanilang anak na lalaki ay bakla, silahis, o paminta na kabilang sa LGBTQ+. Ano bang mali sa mga tulad namin?
Pare-parehas lang naman tayong tao na may kanya-kanyang kakayahan. Hindi naman sa bakla kami ay wala na kaming maayos na magagawa sa bansa. May puso't damdamin din kame.
"Oy besh! Mukhang malalim yata 'yang iniisip mo."
"Goli!"
"Beshy!"
"Look, andyan si Kih!" bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang pangalan ng lalaking gusto ko. Hinanap ko ito ngunit wala naman, pigil na tawa naman ang pinakawalan ni Fihm na siyang kinagigil ko. "Ouch! Salbahe mo talagang lalaki ka."
"Panira ka! Ayan na yung Jeep, sakay na." Nauna na akong sumakay bago siya, si Fihm ang nagbayad kaya tahimik kong pinagmamasdan ang daan patungo sa school.
"Nakikita mo ba ang nakikita ko, ang gwapo ng dalawang lalaki." Tumingin ako sa babaeng nagsalita, at nakatingin sila sa amin ni Fihm.
"Oo bes, teka huwag kang maingay dyan at baka marinig ka nila," bulong ng isang babae sa katabi niya, umiwas nalang ako ng tingin at hinayaan silang pag-usapan kami ni Fihm.
Baka manghinayang sila kapag malaman nila na lalaki din ang gusto namin ni Fihm. At baka masira pa ang pagpapantasya nila.
"Ang gwapo talaga natin. Sa tingin mo kausapin ko na ba sila mukha naman na single sila pareho." bulong ni Fihm sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Akala mo naman talaga papatol sa kanya ang dalawa babae kapag nalaman na lalaki din ang gusto niya.
Hindi ko nalang pinansin si Fihm na todo sulyap sa dalawang babae, hindi na ako magtataka kung may makuha siya sa dalawang babae. Hindi ko nga alam kung talagang kauri ko ba 'to o ano e.
Mas naunang bumaba kaysa sa amin ang dalawang babae at abot ngiti naman ni Fihm. Malantod talaga ang isang ito--- patagong lumandi.
"Manong. Pakibaba nalang kami sa harap ng school supplies." sigaw ko, agad naman ipinara ni mamang driver ang jeep kaya bumaba na kami.
Tumawid na kami at pumasok sa Senior High Building. Grade 11 student na kami ni Fihm at magkaklase pa.
"Late na tayo!"
"Anong oras pasok n'yo?" tanong ng bantay.
"1:00 po," sagot ko. Tumango-tango naman si kuya guard.
"Papasukin ko kayo, pero bukas siguraduhin niyo na hindi na kayo malalate ulit." Agad kaming tumango ni Fihm, at ngumiti ng nakapasok na.
'Room 304'
Kumatok kami sa pinto at agad kaming pinagbuksan ng kaklase namin. Sa bandang unahan ako umupo samantalang si Fihm ay sa kabilang hilera.
Tahimik lang ako sa upuan ko samantalang si Fihm ay agad na nakipag-daldalan sa mga katabi niyang lalaki. Bakit kase dalawang babae ang katabi ko.
Napansin kong humarap sa akin ang katabi ko at tila may gustong sabihin.
Hindi ko nalang ito pinansin at hanggang sa pumasok ang isang babae na sa tingin ko ay professor na namin.
"Good afternoon class. Sorry I'm late," ani nito. kasabay mitong inilapag ang kanyang bitbit na books. She's pretty in her outfit.
"I'm Alecious Guevarra, FBS teacher. I hope we can get along with each other," saad nito, simple lamang siya kung tignan pero alam mong may tinatago din itong bangis.
"Dahil bago lang kayo lahat, Let's introduce yourself." Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya, kaya naman ng sabihin niya ang 'Introduce yourself' ay agad na nag-ingayan ang mga kaklase namin. "Mr, you first."
Inantay ko na magpakilala ang kaklase na tinawag ni Mam, ngunit ng lingunin ko sila ay sa akin pala sila nakatingin. Napahiya man ay tumayo pa rin ako.
"I'm Golib Santos. Eighteen years of age from Imus." tipid kong pagpapakilala, umupo na ako at tahimik na nakinig. Bakit walang gwapo sa room tsaka bakit anim lang kaming lalaki.
"Hi Guys, I'm Fihm Reyes 18 years old from sa puso ni Crush." Hagalpak ang tawa ng iba dahil sa huling sinabi ni Fihm pero tumahimik lang ako.
Natapos ang pagpapakilala at may ilang paalala si Prof bago umalis. Buong maghapon ay gano'n ang nangyari kaya nakakapagod na tumayo at magsalita.
Maaga din kaming pinauwe ng aming last teacher kaya inayos ko na ang sarili ko at lumapit kay Fihm.
"Let's go!"
"Wait a minute," ani nito na abalang ayusin ang nagulo n'yang gamit.
Pagkatapos ay humarap na siya sa akin at inakbayan ako sa balikat. Tinignan ko lang ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.
"What do you feel habang kinakausap mo ang kaklase natin?" tanong ko sa kanya, siguro ako na may nakuha na siyang number ng mga kaklase namin especially sa mga babaeng kaklase.
"Nothing, Are you jealous?" Gusto nitong tumawa kaya bago pa siya makatawa ng malakas siniko ko na siya sa sikmura.
"Talk to my hand," bulalas ko. Mas binilisan ko pa ang paglalakad at ng nasa gate ay nginitian ako ni kuya guard.
"Pwede ba na sa inyo ulit ako matulog?" bulong nito sa akin ng makasakay kami sa Jeep. Tumango nalang ako, bakit kase itong dalawang lalaki sa harapan ko ay masyadong sweet. Mahiya naman sila sa mga single na katulad namin ni Fihm.
Bumaba na kami ni Fihm. Tahimik pa rin ako at siya naman ay hindi na umimik pa. Siguro napansin niyang badmood ako.
"Bro! Kamusta?" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses.
"Uy, okay lang naman ako. Ikaw ba kamusta?"
Nilingon ko ang pinaggalingan ng boses at nakita kong kausap ni Fihm si Kih. My ghost! Iba talaga ang karisma niya para sa akin. Lalo siyang gwumapo ngayon sa patingin ko.
"Ayos lang din naman ako. Laro tayo basketball, gusto mong sumama?" Nakatingin pa rin siya kay Fihm at hindi niya ako napapansin.
"Sorry bro, hindi siguro ako makakalaro." Paghingi ni Fihm ng paumanhin kay Kih pagkatapos ay tumingin sa akin. Lumapit ito sa akin at hinila ang kamay ko. "Nakalimutan ko ipakilala sayo ang kaibigan ko, si Golib nga pala bestfriend ko." Nakatingin pa din ako sa kamay niya. Bakit ganito nararamdaman ko?
"Besh!" bulong sa akin ni Fihm.
"Hi, nice to meet you." Inilahad ko ang aking kanang kamay at siya namang tinanggap ito. Ang lambot ng kamay niya, para siyang hindi naghuhugas ng plato sa bahay nila.
Gustuhin ko man na hindi na tanggalin ang aking kamay ay naunahan na ako ni Fihm na tanggalin ang kamay ko. Pasimple ko siyang inirapan.
Natawa nalang si Kih kaya ngumiti nalang din ako.
Sabay na kaming tatlong naglakad, nagkwentuhan na din tungkol sa buhay pag-ibig. Kung alam mo lang Kih na ikaw ang nais kong maging boyfriend. Pero kinimkim ko na lang ang pagkagusto ko para kay Kih.
"Oh, wala palang naglalaro. Uuwe nalang siguro ako. Nice to meet you," ani Kih. Sa akin siya nakatingin kaya pinigilan ko na huwag kiligin.
"Ikaw bahala bro."
"Nextime nalang siguro tayo magbonding." Nabigla ako sa sinabi niya, ibig sabihin no'n ay may araw pa na pwede kaming magsama. Ngumiti ako at nagpaalam. Umalis na siya pabalik sa bahay nila pero ang ngiti sa aking labi ay hindi pa rin nawawala.
"Are you happy?" tanong ni Fihm sa akin.
"No. I'm not happy. Golib." Pamimilosopo ko sa tanong niya.
"Corny." Tipid nitong sagot. Iniwan na niya ako sa labas at pumasok na sa loob ng bahay. Ano bang problema ng nilalang na 'to.
Pagkapasok ko ay nakita ko si Fihm na nakaupo na sa hapag-kainan kasama ang mama at kapatid ko.
"Goli, kumain ka na din at ang kaibigan mo ay nagugutom na raw." Tawag sa akin ni mama ng makita ako.
"Ibaba ko lang yung bag ko," sagot ko. Hindi na umimik si mama kaya ibinaba ko nalang ang bag ko sa sofa.
Lumapit na ako sa kanila at umupo sa tabi ni Fihm. Sinimulan ko na din ang pagkain.
"Kamusta ang pasok niyo?" tanong ni mama.
"Walang bago sa unang klase, ma. Introduce yourself as always," sagot ko. Hindi na siguro mawawala ang introduction sa first day.
"Gano'n ba nak, sabihan mo nalang ako kung kailangan mo ng pera para mabigyan kita agad." ani mama.
"Sure ma." Tipid kong sagot, wala ng nagsalita kaya tahimik ko ng tinapos ang kinakain ko. Ako na ang nagprisinta na maghugas ng pinagkainan.
"Besh, galit ka pa ba?"
"Wala namang rason para magalit ako sayo Fihm. Isa pa, hindi nagagalit ang cute na katulad ko." Seryoso kong sagot sa kanya na siyang ikinangiti naman nito.
"Sabe na e, hindi mo ko kayang tiisin. Ang gwapo ko kase." Hindi ko siya pinansin at tinapos na agad ang hinuhugasan ko. Tinulungan niya naman akong maglagay ng plato sa lagayan kaya agad na natapos.
"Dito na lang ako matulog, ah. Ikaw sa kanan ako sa kaliwa." Bakit paulit-ulit ang lalaking 'to.
"Oo na. Ilang beses mo ng sinasabe 'yan." sagot ko. sabay kaming pumasok sa loob ng kwarto at lumapit ako sa drawer para kuhaan siya ng pamalit. "Suotin mo 'to!"
"Thank you." Nabigla ako sa paghubad nito ng pants kaya nakita ko ang boxer n'yang hapit na hapit sa kanya kaya kita mo ang umbok dito. Umiwas ako ng tingin at nagpalit na ng damit.
Pagharap ko sa kanya ay tapos na din siya, ngumiti ito sa akin at mas nauna itong tumalon sa kama ko. "Come here, Goli!"
Lumapit ako sa tabi niya at nahiga. Palagi kaming magkatabi sa pagtulog kaya wala ng problema kina mama ang ganitong set-up.
• FLASHBACK •
"Bakla! Bakla!" pang-aasar sa akin ng mga kaklase ko.
Wala akong magawa dahil mas malaki sila sa akin at tanging nagawa ko lang ay ang umiyak.
"Baklang iyakin!" Sinipa ako ng isa sa kaklase ko. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko kaya naman ay ganito nalang nila ako asarin.
"M-mama ko-oh." tanging tawag ko sa mama ko, asan ka na ba ma?
"Bakla! Sabi ni daddy, salot raw ang bakla."
"Salot! Salot! Salot!"
"Hoy! Alam nyo ba ang ginagawa niyo?" Napaangat ang tingin ko sa batang bagong dating. Hindi ko siya maaninag dahil sa luha na nasa mata ko.
"Woaaaah! May kakampi na si bakla. Sino ka naman?" Tanong ng kaklase ko sa isang estudyante.
"Fihm." Tipid ang sagot nito. Mas matangkad ito sa akin kaya naman umukit ang isang ngiti sa aking labi.
Sumugod ang mga kaklase ko sa lalaki at pinagtulungan ito pero nagawa niyang mapaalis ang mga kaklase ko na may takot sa mukha. Nag-ayos ng uniporme ang lalaki na nagpakilala bilang Fihm, tumingin ito sa akin.
"Are you okay?" tanong nito sa akin ng makalapit siya.
Tumango ako at doon nagsimula ang aming pagkakaibigan, naging mas malapit kami noong naging magkaklase kami. Sabay kaming kumain at umuwe lalo na ng malaman ko na kapitbahay namin sila. Simula noon wala na ng umaway sa akin dahil natatakot sila kay Fihm.
Nakaramdam na ako ng antok kaya bago matulog ay tumingin ako kay Fihm. Tulog na siya at parang anghel ang kanyang mukha. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at pumikit na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro