Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9

AMORA

"Kailangan po eh kapag okay naman na po babalik na'ko dito," sabi ko kay manang Ester habang nag iimpake ng mga gamit ko.

"Ay basta mag iingat ka do'n Amora, sabihan mo din ako agad kapag may hindi magandang nangyari ah," sabi niya.

"Opo manang alis na po ako," sabi ko,sabay mano sa kaniya.

Nag aantay na si manong driver para ihatid ako sa office. Isang buwan din akong hindi makakauwi kaya naman dalawang malaking bag na ang dala ko. Nag simula ng umandar ang sasakyan, tumingin ako sa cellphone ko baka may nag text sa 'kin, mabuti at wala naman baka kasi mapagalitan nanaman ako. Trenta minutos lang ang lumipas at naka dating nadin kami sa company dali dali akong pumasok at pumunta sa may pwesto ko sa loob ng opisina.

"Amora?" banggit ni Ms.Sandra mula sa labas ng pintuan ng office ko.

"Po?" sabi ko.

"Ready kana ba mamaya?" bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Ah opo Ms.Sandra, ito na nga po ang mga gamit ko handang handa na po ako," sabi ko.

Huminga siya ng malalim. "Osige saka pag kaylangan mo'ko itext mo lang ako," sabi niya.

"Opo Ms.Sandra, maraming salamat," magalang kong sabi.

Ngumiti ito at umalis na ng office ko, agad agad ko namang kinuha ang isang katerbang mga papel na naka labas sa right side ng table ko, napaka daming orders at request ng clients. Hindi ko alam kung paano ito tatapusin agad pero, sinimulan ko na sa unang papel na nakuha ko. Ayon dito gusto daw siya ng isang kwintas na kakaiba ang desenyo at unang tingin palang ay maaakit kana agad.

Grabe naman 'yung mga request nila, pero sabagay sige igagawa ko siya ng isang desenyo na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko. Kumuha na'ko ng isang malinis na puting papel at saka nag umpisang gumuhit. Inumpisahan ko sa pendat ng kwintas, ginawa ko itong heart shape pero diamond ang nasa gitna, naisipan ko ding lagyan ang gilid ng heart ng naka palibot ng vines para sa design.

Maya maya lang may kumatok sa pintuan ng office ko.

"Hindi kapa mag lulunch?" tanong ni Domini.

Napatingin naman agad ako sa orasan parang feeling ko kasi ilang minuto lang akong nag guguhit tapos 11:30 am na napaka bilis ng oras!

"Ah oo kakain na din saglit lang," sabi ko,sabay kuha ng baon ko sa may bag.

"Sige bilisan mo baba na tayo," sabi ni Domini.

Bumaba na kami ng elevator napansin kong wala si Vilenda. "Saan si Vilenda?" tanong ko.

"Ah baka may sakit bayaan mo na tayo 'yung nandito ngayon edi tayo lang kakain," sabi niya.

Tumango nalang ako at dumeresyo sa pag lakad,hanggang sa makarating sa may canteen. Nag hanap na ako agad ng magandang pwesto at upumo. Umoorder pa naman si Domini ng kaniyang kakainin. Habang nag aantay nilapag ko na ang lunchbox ko sa lamesa, at dahil mukhang may katagalan ang pag oorder ni Domini, pinapatunog ko ang mga daliri ko sa taas ng lamesa habang naka hawak naman ang aking isang kamay sa aking baba na naka patong ang aking siko sa lamesa.

Nakatingin lang ako sa may labas dahil clear glass naman ang buong canteen makikita mo ang mga taong papasok at palabas. Habang naka tulala bigla nanamang pumasok sa isipan ko ang nangyari kahapon.

FLASHBACK

"President kumpleto na po 'yung mga pinabili ninyo sa 'kin at nandiyan sa baba," sabi ko.

Tumayo siya at kinuha ang telepono niya,akmang may tatawagan siya.

"Hello, oo pakidala---" naputol 'yung sinasabi niya sa kausap niya at namulsa ito habang naka talikod sa 'kin at naka harap sa may malaking bintana ng opisina niya.

"Ano? Bakit nandiyan sila?!" sigaw na sabi niya sa telepono. Bigla naman akong kinabahan dahil mukhang nagalit siya sa kausap niya sa telepono. Hindi ko na narinig ang mga sunod pa nilang usapan, dahan dahan itong humarap, pinatong niya ang dalawang kamay niya sa lamesa niya at tumingin ng isang nakakatakot at deretsyong tingin sa 'kin.

Napapigil hininga ako sa pag tingin niya.

"May napag sabihan kaba na andito ako ngayon sa company?" seryosong tanong niya, habang nalilisik ang mga mata niya sa 'kin.

Nag isip muna ako, hanggang sa maalala ko na.
"Ah opo 'yung mga binilhan ko nga gamit na pinabili niyo po sa 'kin," masayang sabi ko.

Hinampas niya 'yung lamesa niya, at hinilamos ang sariling kamay sa mukha na tila ba naiinis siya. "Hindi mo ba talaga alam ang mga pinag gagawa mo ah?!" iritadong tanong niya sa 'kin.

"Bakit po may mali po---" naputol 'yung sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw.

"Damn it! Oo isang malaking problema!" sigaw niya, sabay lakad. "Tumabi ka diyan," sabi niya, habang nag lakad papalabas ng opisina niya.

"Ah teka po saan kayo pupunta?" habol ko sa kaniya. Nakita ko siya pumasok sa elevator. Kinabahan na'ko dahil hindi ko alam kung anong mali ang nagawa ko at sobrang galit na galit nanaman siya.

Nag antay ako ng ilang minuto, kung may baba ng elevator para makababa din ako at matingnan kung anong nangyayari sa ibaba, sakto naman may ilang empleyado din ang baba kaya sumabay na 'ko sa kanila.

Ting!

Bumukas na ang elevator habang pabukas ito nakita ko na naka tayo si President K, sa harap ng building at napapansin ko naparang ang daming tao sa labas. Dali dali ako lumabas sa elevator para tingnan, at pumunta kay President K.

"Eh may nag sabi po sa'min eh."

"Sige na po may discount nga po 'yung mga inorder ninyo."

"President Kian tingin dito," narinig kong sabi ng isang photographer.

"President Kian bakit ang tagal ninyo pong nawala?" singit na tanong ng isang babae.

"Siya! Siya po 'yung nag sabing idiscount po 'yung mga pinamili at may libreng picture sa inyo!" sigaw ng isang bakla, habang naka turo sa pwesto ko.

Napatingin naman si President K sa 'kin, habang kinakausap at inaasikaso niya 'yung mga nag rereklamo sa may tapat ng building.

"Anong ginawa mo?" tanong ng isang empleyado sa 'kin.

"Ah sinabihan ko lang sila na idiscount ang mga pinamili ko at may libreng picture kay President K," sagot ko.

"Ha? Ginawa mo 'yun?! Nako ka lagot ka talaga!" sabi niya.

"Ha? Eh bakit eh para may discount 'yung mga pinamili saka mukhang fan na fan kasi silang lahat ni President K," sabi ko.

"Nakakaloka ka! Hindi mo dapat ginawa 'yun, hindi mo ba alam na umiiwas sa media at mga tao si President K?" tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya. "Bakit? Artista ba siya?" tanong ko.

Hindi mapintura 'yung mukha ng kausap ko. "Hindi pero hindi mo ba alam sa sobrang sikat siya sa larangan ng negosyo kaya naman parang artista na din ang dating niya," sagot nito.

"Eh bakit nga niya iniiwasan ang mga tao?" tanong ko.

"Hindi mo ba talaga gets? Kasi nadadamay ang negosyo pati ang mga taong nag tratrabaho dito!" sabi niya.

"Eh ano naman? Ayaw niya ba nun sikat siya?" sabi ko.

"Hindi mo nga talaga gets, alam mo kasi hindi gano'n kadali 'yun may mga nag papadala ng death threat sa ibang empleyado para lang kay President K," sabi niya.

Nanlaki mata ko. "Talaga?"

"Oo kaya malaking gulo ang ginawa mo nako ewan ko nalang sayo diyan kana nga," sabi niya, sabay alis.

Hala ka anong gulo ang ginawa ko?!

END OF FLASHBACK

"Pst! Okay ka lang?" tanong ni Domini.

Napabalikwas ako sa pag ka tulala ko. "Ah oo," sagot ko.

"Tara na kumain na tayo," sabi niya,sabay upo sa harapan ko.

Nag umpisa na kaming kumain ni Domini, ng naisipan kong tanungin siya. "Domini," sambit ko.

"Hmm?" sabi niya.

"Bakit pinag kaka guluhan si President K?" tanong ko.

"Ah 'yun ba simple lang kasi pogi siya at magaling sa negosyo at smpre sikat siya sa larangan ng negosyo," sagot niya.

"Ah gano'n sabagay pero parang hindi maganda ugali niya 'no?" sabi ko.

Lumunok siya at tumingin sa 'kin. "Tumpak ka do'n, ang totoo nga niyan may empledaya dito dati suot ng suot ng sobrang sexy na damit, alam mo ginawa?"

"Ano?" tanong ko.

"Pinag hubad niya! At hindi lang 'yun sa harap ng lahat ng mga employees," sabi niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Domini at parang bumaliktad ang sikmura ko sa sinabi niya. "Talaga?" gulat na tanong ko.

"Oo maintindi magalit 'yang si President K, tingin ko nga papatay nayan ng tao pag galit eh," sabi niya.

"Huwag ka naman mag salita ng ganiyan, makukulong na siya no'n," sabi ko.

Uminom siya ng juice. "Basta ikaw pag may hindi magandang ginawa sa'yo sumbong ka agad---"

"Sumbong ko agad sa 'yo," sabi ko.

"Ay nako! Hindi ba't sa 'kin baka patayin ako no'n, sumbong mo sa pulis," malokong sabi niya.

"Hays mas lalo tuloy akong kinakabahan mamaya kasi doon na'ko titira sa bahay niya eh," bugtong hininga kong sabi ko.

Muntik mabulunan si Domini. "Ha?" pag tatakang sabi niya.

"Diba PA niya ako? Dahil sa nangyari kahapon napag desisyunan niya na do'n ako tumira ng one month saka mag aasikaso din naman ako do'n," sabi ko.

"Seryoso ka? Hindi ka man lang humindi?" tanong ni Domini.

Umiling ako. "Alam ko namang mali ko, okay na 'yon titiisin ko nalang isang buwan lang naman eh," sabi ko.

"Torture aabutin mo do'n, basta mag iingat ka," sabi niya.

"Oo smpre kumain na tayo matatapos na ang oras ng breaktime," sabi ko.

Kumain na kami ni Domini, hanggang sa matapos ang oras ng break time, bumalik kami sa kanya kanyang office at nag umpisang mag trabaho, at dahil ang oras ay mabilis hindi ko na namalayan na mag aalas syete na pala ng gabi at oras na para umuwi. Naalala ko ang sabi ni President K, may kotse na nakaabang sa 'kin pag labas ng building at ito ang mag hahatid papunta sa bahay niya. Bumaba na'ko ng elevator, lumabas ng building at saktong nakita ko agad ang isang mabaha at kulay itim ng sasakyan, tingin ko ay ito na 'yung sinasabi niya. Lumapit ako dito sa may bintana nito. Bigla naman bumaba ang bintana ng sasakyan, isang matandang lalaki ang tumambad.

"Ah? Ito po ba 'yung sasakyan ko papuntang bahay nila Presiden---" naputol 'yung sasabihin ko ng sumenyas siyang huwag maingay.

"Oo pumasok kana," sabi niya.

Dali dali naman ako pumasok sa loob ng sasakyan at sinara ang pinto. Nilagay ko din ang mga dala kong gamit sa mag gilid.

"Akin na sa may backseat natin 'to lagay," sabi niya.

Kinuha niya ito at linagay sa likod ng upuan.

"Seatbelt," sabi niya.

Dahil alam ko na kung saan at ano ang seatbelt naging madali nalang ito para sa 'kin. Nag umpisa na siyang mag drive, ang smooth ng pag kaka drive siguro dahil magaling 'yung driver o maganda ang kotse.



















                

                                           To be continue....


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro