
8
AMORA
"Ito pa," lapag ni Domini.
"Ha? Ayan lahat papagawin?" tanong ko.
"Oo dinagdagan ni President K, nga pala pag tapos mo daw diyan pumunta ka sa office niya," sabi niya.
Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang lahat ng gagawin na naka lapag sa 'king lamesa.
Ibang klase talaga 'yung Presidente na 'yon, mala halimaw. Anong tingin niya sa 'kin robot? Para pagawin ng ganito kadami?
"Chill sa una lang 'yan," salita ng isang lalaki, mula sa may pintuan ng office ko. Napatingin naman agad ako dito.
"Sir Daniel," banggit ko.
Ngumiti siya. "Smile ka lang matatapos mo din 'yan," sabi niya.
"Opo salamat po," magalan na sabi ko.
Umalis na siya sa harapan ko, nag umpisa na 'kong kumuha ng una kong tratrabahuhin. Napansin kong pahirap ng pahirap ang gagawin, mas madaming demands ang cliyente. Napa kamot ulo ako.
Pumunta na'ko sa office ni President K, nakita ko naman siyang naka tingin sa malaking bintana ng opisina niya.
"Ano po 'yon?" tanong ko.
Humarap siya sa 'kin. "Are you ready?"
Napa kunot noo ako. "Po saan po?" tanong ko.
"Bibili ka ng mga kulang sa bahay ko tapos do'n ka titira for one month," sabi niya.
Nanlaki mata ko. "Pres? Okay ka lang babae ako hello?" sabi ko.
"Then kung ayaw mo pay half million," sabi niya.
Nak ng! Napaka gago talaga nitong si President Kian na 'to sarap sapakin kung hindi lang 'to Presidente ng company.
Ngumiti ako ng pilit. "Yes po President K, ano po ba 'yung mga papabilhin mo?" tanong ko.
"Here's the list dito mo sa office ko dahil lahat dahil kukunin ng mga trabahador ko 'yun, kung gusto mo tulungan mo na or hindi naman kaya ikaw na ang mag asikaso para dalhin sa bahay ko," sabi niya.
Tiningnan ko 'yung listahan ng mga bibilhin may aircon sampu, ref lima, washing machine lima mga grocery at kung ano ano pa. Napalunok ako ng laway.
"Papa give away niyo po ba 'to?" tanong ko.
"Are you stupid?" taas kilay niyang sabi.
Natameme ako, napatingin ng deretsyo sa kaniya.
"What are your looking? Alis na at bilhin mo na 'yan," supladong sabi niya.
"Opo," sabi ko.
Lumabas na'ko ng office ni Pres,K. Habang hawak hawak ko ang listahan ng mga bibilhin. Sobrang dami naman nito!
Papunta na'ko ng office ko ng makalimutan ko na kung ano pala ang ipang babayad sa mga bibilhin ko, kaya pumunta ulit ako sa office ni President K.
"Pres, ano pong ipang babayad ko wala kayong binigay na pera?" sabi ko.
Humarap siya. "Why you don't have credit card?" tanong niya.
Umiling ako.
Napa hampas siya ng kamay niya sa ulo niya sabay kuha sa wallet niyang kumikinang. Gold ata wallet nito.
"Credit card 'yan," sabay abot.
Kinuha ko agad ito. "Dito po mag babayad?" nag tatakang tanong ko,habang hawak hawak ang credit card.
"Sucks, yes ofcourse!" sabi niya.
"Ah sige po alis na'ko," sabi ko.
Nag lakad na'ko papuntang office ko, kinuha ko ang sling bag ko at dinala pababa ng ng building. Kinakabahan ako dahil hindi pa ako sanay sa syudad at hindi ako pamilyar sa mga pupuntahan ko. Saktong may dumaan na taxi, pinarahan ko 'to at sumakay ako dito.
"Saan po kayo Miss?" tanong ng driver.
"Ah sa may," sabay kuha ng listahan. "Bilihan ng tv, washing machine, aircon, electricfan, planstya---"
"Ah sa may Super Mall," sabi ni driver.
Tumungo nalang ako. Nag umpisa ng mag drive si driver, nadadaanan namin ang mga malalaking building na may iba't ibang desenyo. Mga ilang minuto ang lumipas at nakita ko na ang Super Mall, malaki ito at malawak.
"Salamat po mag kano po bayad?" sabi ko.
"300 nalang Miss," sagot niya.
Nanlaki mata ko. "Po? Ang mahal naman po ata," sabi ko,sabay dukot sa bag ko.
"Wala pong mura sa syudad Miss, wala pong tig bebente dito," sabi niya.
Oo nga naman saan ka makakakita ng taxi na bente lang ang pamasahe.
"Ito po oh," sabi ko sabay abot sa bayad.
"Salamat," sabi niya,sabay alis.
Pumasok na 'kong Super Mall, bumungad agad sa 'kin ang napaka lakas ng hangin na nag mumula sa aircon. Magagalang din ang mga gruad at mapapansing puro mga estudyanteng nag sisigala ang nandito, mukhang hindi pumasok ng iskwelahan. Habang nag lalakad mapapansing may mga stall ng damit at kung ano anong mga bagay pa. May nakita akong isang sales lady at pinuntahan ko ito para tanungan.
"Miss excuse me?" sabi ko.
"Yes po?" sabi niya.
"Tatanong lang po sana ako kung saan bilihan ng mga aircon?"
"Ah sa may second floor po," sabi niya.
"Sige salamat," sabi ko.
May nakita akong elevator dahil hindi nga ako marunong gumamit nito, napag pasyahan ko na sa hagdang gumagalaw pataas nalang ako sasakay. Humakba na 'ko rito, at ang gaan sa pakiramdam hindi tulad sa elevator para nakakahilo. Habang pataas nakikita ko ang mga nag lalarong bata, kasama ang mga magulang nila, nag tatawanan at bumibili ng mga pag kain na gusto nila. Napa bugtong hininga ako, naalala ko nanaman ang mga magulang ko siguro kung kilala ko sila gano'n din kami kasaya tulad ng sa iba.
Maya maya pa ay nakarating na 'kong second floor, bumungad agad sa 'kin, ang mga aircon, washing machine at iba pang appliances naka sulat din ang mga presyo nila, agad agad akong lumapit dito. Tiningnan isa isa, at pag ka tingin ko sa presyo ay...
35,000 thousand pesos?!
Grabe naman tapos ilang aircon pa pinapabili ni President K, at hindi lang aircon ang pinapabili niya. Lumapit ako sa isang salesman.
"Bibili po kayo?" tanong niya.
"Ah opo ano po bang pinaka magandang aircon dito?" tanong ko.
Natawa siya. "Miss lahat po ng aircon maganda kasi hindi na po kami nag bebenta ng luma."
"Ah," sabi ko.
Tumingin tingin pa'ko sa ibang aircon baka may mas mura pa, may nakita akong 15k, mukha namang maganda at mas mura kaysa sa una kong nakita. Lumapit agad ako sa salesman.
"Sampung aircon po no'n," sabi ko,sabay turo sa nakita kong 15k na halaga ng aircon.
Medyo mabigla ang salesman. "Sure po Miss papacounter na po ba natin?"
"Ah yes po," sabi ko.
"George? Sampung aircon yung code 675 pakitingnan din mga stocks natin!" sigaw niya sa kasama niyang salesman.
"Miss upo po muna kayo antayin lang natin," magalang niyang sabi, habang inalok na umupo sa 'kin.
Umupo naman ako, tumingin ulit ako sa listahan madaming appliances ang pinapabili ni President K, may mga groceries pa. Habang nag aantay, naka tingin ako sa mga pumapasok, mga mag jojowa. Pumasok tuloy sa isipan ko kung ilang taon na sila mukhang hindi pa katandaan pero mukhang asensado na sa buhay. Maya maya pa dumating na yung salesman.
"Ito na po ang babayaran ninyo Miss," sabi niya.
Tumayo ako at kinuha ang credit card. "Ito po," sabi ko.
"Total ay 150,000 thousand," banggit niya. "Nga po pala saan namin ilalagay may truck po ba kayo or kami na mag proprovide?" tanong niya.
"Ah kayo na po, sa Jews Company po," sagot ko.
Nanlaki ang mata niya. "OMG! Nag tratrabaho ka do'n?" masigasig niyang tanong sa 'kin, at medyo napag halataan kong medyo bakla ang boses niya.
"Ah opo," sagot ko.
"Omg! Kakaloka! Edi palagi mong nakikita 'yung poging President nila?" tanong niya.
Bakla nga pero hindi halata sa unang tingin.
"Ah bago palang ako eh pero nakita ko na," sagot ko.
Huwag mong sabihin type mo 'yun? Kung alam mo lang ugali masusuka ka.
"Hala anong name mo pwde ba akong pumunta do'n minsan?" tanong niya.
"Ah Amora, at hindi ko sure eh," ilang na sabi ko.
"Hala ka Girl! Sobrang swerte mo day!" sabi niya.
"Mr. Flores nasa work ka," sambit ng babaeng nasa cashier nila.
"Ay sorry po Ma'am," nag pakalalaki ang boses niya.
"Ipapadeliver nalang mamaya ang mga aircon na order mo, salamat," seryosong sabi ng baklang salesman.
Tumango nalang ako at ngumiti. Lumabas nadin ako ng shop nila,at pumunta naman sa may mga tv at washing machine. Pag pasok ko palang sa sunod na shop na pinuntahan ko, parang ang tataray ng saleslady, tinitingnan ako taas baba.
"Bibili lang po sana ako washing machine saka tv," sabi ko sa harap nila.
Tiningnan lang nila ako at nag bigay ng daan sa 'kin. Pumasok naman ako sa shop nila pumunta agad ako sa may tv at nakita kong magaganda ang mga tv na binebenta dito. Tiningnan ko agad ang presyo. 27k at 40 inches.
"Naka pili kana ?" tanong ng isang saleslady sa 'kin.
"Ah ito po, sampung tv po saka limang washing machine," sabi ko.
"Sige antayin mo diyan," sabi ng saleslady.
Sungit naman no'n, baka ka buwanan niya kaya siya nag susungit. Umupo ako sa may upuan at nag antay ng inorder ko, ay mali hindi ko order order ni President K.
"Credit card?" tanong niya.
"Opo," sabi ko. Inabot ko ang credit card sa kaniya.
"Saan papalada? May lalagyan kaba nito?" poker face na tanong ng saleslady na nasa cashier.
"Jews Company po," sagot ko.
Bakas sa mukha ang pag ka gulat ng saleslady at ng isa niya pang kasamang saleslady.
"Talaga?" tanong nila.
Tumango ako. Tiningnan nila ako baba taas.
"Nag jojoke ka hindi halata sa mukha mo," sabi ng isa.
"Ha? Kaylangan po ba nasa mukha pag nag tratrabaho sa Jews?" tanong ko.
"Nag tratrabaho ka do'n?" gulat na tanong nila.
"Opo," sagot ko.
Naka tingingan silang dalawa.
"Edi kilala mo si Kian? Este yung President Kian nila?" tanong nila.
"Opo," sagot ko, habang naka tingin ng akward sa kanila.
Napatili silang dalawa. "Swerte mo naman, dahil diyan may discount na ang mga pinamili mo hahaha," natutuwang sabi ng isang sales lady.
"Ah gano'n po ba salamat," sabi ko.
Ang weird naman ng mga 'to, bakit ano bang me'ron sa Jews? Parang naka akyat ng langit kapag naririnig nila ang pangalan ng company namin parang ewan lang. Na weweirdohan ako, para kasing may kung ano tapos tanong din ng karamihan si President K, ano ba me'ron sa kaniya? Parang wala namang especial sa kaniya? Pero parang gustong gusto siya ng lahat. Yucks!
To be continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro