Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7

AMORA


Nagising nalang ako umaga na, naka tingin ako sa may labas ng bintana ninanamnam ang sarap ng simoy ng hangin sa umaga. Naalala ko nga pala wala na'kong trabaho, kaya wala naman akong gagawin. Humilata ulit ako at nag muni muni ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"Hello?" isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa kabilang banda. Boses ni Ms.Sandra.

"Hello po Ms.Sandra," sabi ko.

"Amora saan ka? Kanina pa nag aantay sa tapat ninyo si Sir Daniel?" sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya,dahil alam kong wala na'kong trabaho anong ginagawa ni Sir Daniel sa tapat namin?

"Po bakit po?" nag tatakang tanong ko.

"Basta bilisan mo mag bihis kana inaantay ka niya," nag mamadaling sabi ni Ms.Sandra.

"Pero bakit? Hello? Hello po? Ms.Sandra?" pinatay ang telepono. Agad naman akong tumingin sa may bintana para silipin kung nandoon nga ba talaga si Sir Daniel sa baba. Pag silip ko rito ay nandoon nga ang kotse niya nag aantay sa may tapat namin.

Bakit nandito 'to? Papakulong naba ako? Jusko po! Maawa kayo sa 'kin hindi pa ako nakakapag trabaho ulit? Paano nalang ako tutulong kayla manang Ester?

Nag madali na'ko tulad ng sinabi ni Ms.Sandra agad agad akong naligo at nag bihis, bumaba na'ko kahit wala pa akong kain, nakita ako ni manang Ester na nag mamadali palabas ng pintuan.

"Amora diba wala kanang trabaho?" nag tatakang tanong niya, habang hawak hawak ang pang gupit ng mga halaman.

Tumango naman ako at kinuha ang guting sa para sa halaman. "Paheram po muna," sabi ko.

"Ay teka teka sa'n mo gagamitin?" sabi ni manang Ester,habang sumusunod sa 'kin palabas ng pintuan.

Pag ka labas na pag ka labas ko ng pinto, agad bumungad sa 'kin ang isang pormadong lalaki, at tila naka tayo ito sa may tapat ng gate namin, at ang ganda pa ng pag kaka ngiti.

"Amora let's go---" naputol ang sasabihin niya, dahil tinutukan ko siya ng guting, sakto bagong hasa pa naman ang mga guting para sa halaman.

"Amora wait!" nagulat na sabi sakin ni Sir Daniel.

"Amora anak bakit mo tinututok 'yan?" kinakabahang sabi ni manang Ester, sabay hawi sa kamay ko na naka tutok kay Sir Daniel.

"Huwag po manang, alam ko nag kamali ako pero hindi niyo dapat gawin 'to sa 'kin!" pag mamatigas kong sabi,sabay tutok ulit ng gunting kay Sir Daniel.

"Amora wait? Let me explain okay chill ibaba mo muna 'yang gunting please," sabi niya, habang dahan dahan lumalapit sa 'kin.

"Hindi alam kong ipapakulong niyo ako!" sabi ko.

"Ipapakulong hindi pwde parang anak ko na si Amora, hindi niyo pwdeng gawin 'to sa kaniya!" nagulat na sabi ni manang Ester,sabay hawak sa may balikat ko.

"Wait hindi po, let me explain hindi po 'yon ang pinunta ko dito okay? Wala pong makukulong," sabi niya.

"Eh bakit ka nandito?" tanong ko,sabay hawi ng buhok.

Ngumiti siya at namulsa. "Kasi sasabihin ko lang sana na pwde kana ulit mag work," sabi niya, sabay ngiti.

"Work? Paano? Eh tanggal---" naputol yung sasabihin ko ng may bigla siyang inabot na papel. Kinuha ko ito agad at binasa.

"So? Tara na?" tanong ni Sir Daniel, habang naka kagat labi.

"Ayon sa sulat ikaw po ang nag papasok sa 'kin sa company?" pag tatakang tanong ko, sabay tingin sa kaniya pabalik kay manang Ester.

Tumango siya. "Yes kaya nga tara na," sabi niya.

"Pero po? Bakit po eh hindi na po dapat tinanggal na'ko ni President K," sabi ko.

"Hahaha yung kapatid ko talaga, pasensya kana nga pala sa inasal niya medyo mainitin kasi ulo no'n," natatawang sabi ni Sir Daniel.

"Ibig sabihin may trabaho padin si Amora?" singit na tanong ni manang Ester.

"Yes po, nga po pala I'm Daniel Jade Crawford, at ito po ang contact number ko if ever na mag ka problema kay Amora pwde niyo po akong kontakin," sabi niya, sabay abot ng isang card kay manang Ester.

"Maraming salamat po Sir, pasensya nadin po sa inasal namin ni Amora kanina nag padala lang sa bugso ng damdamin, manang Ester nalang itawag mo sa 'kin," sabi ni manang.

"So Amora? Let's go kasi mukhang marami kapang kaylangan tapusin na trabaho sa Company," sabi ni Sir sabay tingin sa orasan niya.

Tumango ako. "Manang mauna na po ako salamat," sabi ko,habang kumakaway papalayo kay manang.

"Sige mag iingat ka ah, salamat po ulit Sir," pasigaw na sabi ni manang Ester.

Sumakay na kami ni Sir Daniel sa kotse niya, ang bango ng kotse niya parang sagana sa pabango. Habang naka sakay, na aakwardan ako dahil sa ginawa ko kanina saka hindi din ako mapalagay dahil hindi ko padin alam mag lagay ng seatbelt.

Natawa siya. "Kunin mo 'yang nasa gilid mo," sabi ni Sir, habang naka tingin sa may bandang gilid ko.

Wala naman akong ibang nakita na nasa gilid ko kundi, tissue na naka lagay sa may gilid na lalagyan. Kaya kinuha ko ito.

Natawa ulit siya. "Hahaha hindi 'yan, yung nasa gilid mong parang malapad at mahaba," sabi niya.

Tumingin ulit ako sa paligid ko, pero wala naman akong makitang malapad na mahaba maliban sa bintana ng kose niya. Bigla siyang lumapit sa 'kin at may hinablot sa gilid ko.

"Niloloko mo ata ako Amora eh, itong seltbelt ibig ko sabihin," naka ngiting sabi niya.

"Ah gano'n po ba kala ko kasi kung ano po yung ipinapakuha mo sa 'kin eh," sabi ko.

Nag kibit balikat siya habang medyo natatawa. "Anyway tara na," sabi niya, sabay paandar ng kotse niya.

Habang nasa gitna kami ng byahe, napapahawak ako ng mahigpit sa may palda ko, dahil nahihiya padin ako sa sinabi at ginawa ko kanina kay Sir Daniel. Huminga ako ng malalim. "Sir pasensya kana po sa nangyari kanina," buong lakas ng loob kong sabi kahit na nahihiya talaga ako sa ginawa ko.

Natawa siya. "Its okay you know what? You amazed me," sabi niya, habang nag dridrive.

Huh? Na amaze ko daw siya? Anong nakaka amaze sa ginawa ko eh nakaka hiya nga, abnormal ata 'tong si Sir Daniel.

Ngumiti nalang din ako at tumingin sa may bintana, habang naka tingin sa bintana ng kotse matatanaw na agad ang traffic sa may pupuntahan namin. Napa tingin ako sa orasan ko, napansin kong late na ng isang oras kaya siguro traffic na, nasa gitna na kami ng traffic at naisipan kong tanungin si Sir Daniel.

"Sir?" sabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Gusto ko lang pong itanong bakit ninyo ako pinabalik ng company?" nag tatakang tanong ko.

Nakita ko siyang nag isip at ngumiti sabay tingin sa 'kin. "Well, dahil magaling ka saka nararamdaman ko na kaylangan ka sa company kaya dapat kang itreasure," sagot niya.

"Ako po? Haha sure po kayo sa sinasabi ninyo? Eh puro kapalpakan nga po pinag gagawa ko," sabi ko.

"Hindi kaya," sabi niya,sabay hagis sa 'kin ng candy mula sa may lalagayan sa harap ng kotse niya. "Talented ka nakita ko mga drawings mo saka kung paano mo ginagawa 'yung mga designs. Unique!" sabi niya, sabay kain ng isang candy.

"Bolero ka naman masyado Sir," sabi ko.

"Hahaha I really like your attitude," sabi niya, "Mas lalo tuloy kitang gustong makilala," dag dag niyang sabi.

Nagulat ako sa mga sinasabi ni Sir, parang sobrang bait niya naman ata maliban sa nanlilibre hindi pa suplado.

Nag patuloy ang pag dridrive, haggang sa makadating na kami sa company, agad naman kaming bumaba ng kotse at dahil hindi nga ako sanay sa kotse hindi ko alam paano tanggalin ang seatbelt na nakakabit sa 'kin, si Sir Daniel ang nag tanggal at siya din ang mag bukas ng pinto ng kotse para sa 'kin. Infairness! Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko! Hahaha!

Nasa tapat palang kami ng company, pero nakita ko agad ang mga empleyado at empleyada ay mga naka bungad na agad at bumabati kay Sir Daniel. Nakita ko din si Domini sa kabilang banda, tumingin ito sa 'kin at kinalabit niya si Vilenda sinesenyasan niya itong nandito ako.

"Let's go," sabi ni Sir Daniel, sabay lakad papasok ng building.

"Goodmorning Sir Daniel," bati ng mga employees. Bumati din si Sir Daniel sa kanila, at sabay bukas ng elevator dahil hindi din ako sanay sa elevator at hindi ko pa 'to alam paandarin, dali dali kong sumabay kay Sir Daniel papasok sa loob ng elevator.

"Mukhang hindi mo din alam gumamit ng elevator," sabi niya.

Nagulat ako dahil napansin niya ito agad. "Ah opo sorry po," sabi ko.

"Sorry para sa'n?" nag takang tanong niya,sabay pindot.

"Dahil po hindi ko alam yang mga ganiyang bagay," sagot ko, habang medyo naka yuko at ayokong makita ko pag mumukha ko dahil nahihiya ako.

"Hindi ka dapat mag sorry sa mga bagay na hindi mo alam," sabi niya.

Napatingin ako agad sa kaniya. "Po?" sabi ko.

"Kasi matutunan mo din, saka kapag nag kamali ka pwde mong ayusin ulit gano'n lang haha," sabi niya.

Hindi ko akalain na ganito ka lalim si Sir Daniel, bukod sa mabait siya malalim rin siyang klaseng tao.

"Naiintindihan mo ba Amora? Huwag kang mag sosorry kapag hindi mo alam ang isang bagay dahil matutunan mo rin 'to," sabi niya.

Ting! Tunong ng elevator sabay bukas nito, nandito na pala kami sa taas sa office ko. Agad kong nakita si Alice at Ms.Sandra pag ka bukas na pag ka bukas palang ng elevator.

"Welcome again Amora," sabi ni Ms.Sandra.

"Thankyou po," sabi ko, sabay hakbang papalayo sa may elevator.

"Nandoon po siya Sir sa office niya," banggit ni Alice.

"Okay Amora let's go," sabi ni Sir Daniel, sabay lakad sa kabilang dereksyon na taliwas sa opisina ko kung saan ako gumagawa ng mga trabaho.

"Bakit po dito?" pag tatakang tanong ko.

"Shut up, just walk," masungit na sabi nung Alice.

Tumahimik ako at nag patuloy sa pag lalakad kasama sila Ms.Sandra at Sir Daniel, maya maya pa ay nasa tapat kami ng isang office, at naunang pumasok si Alice, maya maya pa ay binuksan na niya ako pinto at sumenyas sa kamay niya na pasok na.

Pag pasok na pag pasok sa pinto, bumungad ang isang lalaking hindi mapintura ang pag mumukha dahil naka simangot ito, habang iniikot ikot ang ballpen sa mga daliri niya.

"President K, dito na po sila," sabi ni Alice.

"I know," sagot nito. Naka titig ito ng masama samin ni Sir Daniel, at naka taas pa ang kilay niya.

Feeling niya kina gwapo niya 'yon? Che! Mukha siyang monster!

"Kian," tanging salita na binanggit ni Sir Daniel.

"Don't call me Kian, call me President K," sabi niya.

"Opo na President K," medyo malokong sabi ni Sir Daniel.

"So?" supladong sabi niya.

"Masyadong seryoso hahaha, well napag usapan naman na natin diba? Si Amora ay nasa department ko na mag tratrabaho simula ngayong araw," sabi ni Sir Daniel, habang ginagalaw ang mga halaman sa office ni President K.

"But?" sabi ni President K.

"But what?" tanong ni Sir Daniel, sabay lapit ng konti sa lamesa ni President K.

Tinaas nito ang kaniyang kilay kay Sir Daniel.

Pinag dikit ni Sir Daniel ang dalawa niyang kamay. "Oh oo nga pala pero may dapat pang gawin si Amora bilang kabayaran sa natapunan mong tuxedo," sabi ni Sir Daniel, sabay ngiti.

"Yup! At papirmahan mo na 'tong kontrata sa kaniya," sabi niya,sabay kuha ng papel at pinadulas niya ito sa may lamesa niya.

"Amora come here," sabi ni Sir Daniel.

Lumapit naman ako habang naka tingin sa papel, hindi ko pa ito nababasa pero may nararamdaman  na'kong hindi maganda. Inabot sa 'kin ni Sir Daniel ang papel, at binasa ko ang naka sulat dito.

Nanlaki ang mata ko sa mga nababasa ko!

One month personal assistant! At mag sisikaso pa ako sa bahay ni Kian Karrie Crawford! Magiging katulong ako sa bahay nila.Takteng 'yan! Ganito ba talaga 'tong lalaki 'to? Parang hindi maka tarungan ang gusto niyang ipagawa sa 'kin, natapunan ko lang naman ng kape ang damit niya! Kakaasar!

Napaubo ako. "Paano po kung hindi ko tinatanggap?" tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin ng nakakatakot ng tingin sabay hagis ng ballpen sa may vase. Nabasag ang vase, dahil binato niya ito ng ballpen.

"Nakita mo naman nangyari sa vase, kung gusto mong umayaw gano'n---" naputol 'yung sasabihin niya dahil nag salita ako.

"Hindi po, joke lang po 'yon opo, sige pipirma na'ko," umiiling iling na sabi ko,sabay pirma sa papel.

Jusko po! Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko? Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Grabe naman para naman akong sinumpa.

Pag tapos kong pumirma binigay ko agad ito.

"Simula bukas, mag uumpisa ka ng maging alalay ko," sabi niya,sabay tayo palabas ng pinto ng opisana niya.














                                                To be continue....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro