Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3

AMORA

"Manang Ester natanggap po ako sa trabaho!" masayang sabi ko, pag ka bukas na pag ka bukas palang ng pinto.

"Amora anak! Nako maraming salamat sa Panginoong Diyos at may trabaho kana!" masayang sabi ni Manang Ester, sabay yakap sa akin.

"Ate Amora? Mabibilhan mo na ako ng laruan," sabi ni Kietchi, ang batang babae na wala na ding mga magulang kaya nandito sa bahay ampunan.

"Oo kietchi, mabibilhan na kita ng mga laruan na gusto, kayong lahat mabibilhan ko na kayo ng mga laruan!" masayang sabi ko sa mga bata sa loob ng bahay ampunan.

"Ang galing naman talaga! Kumain kana Amora nag handa ako pritong isda saka sinabawang manok," sabi ni ate Nelly, isa sa mga taga pangalaga dito sa bahay ampunan.

"Talaga po ate Nel? Maraming salamat tara na mga bata sumabay na kayo kumain," alok ko sa kanila,sabay upo sa mahabang lamesa.

"Kumain na po kami ate Amora," sabi nila.

"Nako gano'n ba, sige ako nalang ang kakain," sabi ko.

"Manang Ester? Ikaw po kumain kana?" tanong ko.

"Oo nak, huwag mo na kaming intindihin dahil kumain na kami," sagot niya.

"Gano'n po ba sige po," sagot ko.

Kumain na ako at pag tapos ko kumain ay umakyat na ako sa second floor nitong bahay ampunan, doon na kasi ako natutulog simula noong nag dalaga ako.
Inayos ko na ang aking higaan para matulog, pero maya maya lang ay may nag text sa cellphone ko.

Goodevening, Miss Amora Rodriguez do not forget that tomorrow is your first day in work here at Jews Company, I would like to congratulate you for being a part of our company. This is Ms.Sandra, goodluck!

Nag text pala sa akin si Ms.Sandra, ang HR ng company, kung hindi dahil sa kanya hindi pa ako makakapag trabaho bukas, kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kanya. Hindi ko na siya na replyan basta't maaga nalang ako papasok bukas.



KINABUKASAN

"Amora bilis mauna kana dahil traffic na mamaya," sabi ni manong driver sa akin.

"Opo ito na!" sabi ko, habang nag mamadaling lumabas ng gate.

"Mag iingat ka Amora, goodluck sa first day mo," sabi ni manang Ester, habang kumakaway.

"Opo manang, alis na po ako ah mag iingat kayo dito," sabi ko.


Sumakay na ako kay manong driver, maya maya pa ay nag simula na siyang mag drive, bukas ang bintana ng sasakyan kaya naman yung hangin ay ginugulo ang buhok ko. Makalipas ang isa't kalahating oras ay naka rating na kami sa buildin ng Jews Company.

"Manong maraming salamat po," sabi ko, sabay baba sa sasakyan niya.

"Walang problema Amora, i text mo ako mamaya pag uuwi kana ah," sabi niya, sabay alis papalayo.

Nandito ako sa tapat ng building, at hindi ko pa din ma imagine na dito ako mag tratrabaho.

Ito na'yon! ito na'yon! Gagalingan ko na!

Humakbang na ako papasok sa pinto ng building, bigla namang bumukas ang pinto kahit hindi ko pa na hahawakan, grabe ang weird talaga ng mga ka gamitan dito sa syudad. Nag lakad na ako papuntang elevator, pero may humarang sa akin.

"Miss? Nag tratrabaho kaba dito?" tanong ng isang maganda at makinis na babae.

"Ah yes po Ma'am," masayang sagot ko.

"Talaga?" sabi niya, habang tinitingnan ako baba taas.

"Oh Ms.Rodriguez, finally you're here! Jewers? Let's welcome Amora Rodriguez, She is now part of our company!" masayang sabi ni Ms.Sandra, habang tumabi ito sa akin.

Nakita ko ang mga mag tratrabaho dito na, parang hindi ako welcome sa kanila, kitang kita sa mga mata nila na parang hindi sila natutuwa.

"Hello po!" masayang bati ko sa kanila.

Bakit ganito itong mga tao na ito nakatingin lang sa akin?

"Okay Ms.Rodriguez, tara na sa 3rd floor doon ang office mo," sabi ni Ms.Sandra, sabay lakad papuntang elevator.

Nakita kong naka tingin padin ang mga ka officemate ko sa akin, habang maka sunod ako kay Ms.Sandra.

Bakit gano'n sila maka tingin? Hindi naman ako nangangain ng tao, ako lang naman to si Amora na galing bahay ampunan at hindi na ngangain ng tao, gumagawa lang ng designs.

"Masaya kaba?" tanong ni Ms.Sandra habang nasa loob kami ng elevator.

"Opo Ms.Sandra, sobrang salamat po kasi tinanggap ninyo ako," sabi ko.

Ngumiti lang siya at maya maya pa ay huminto na ang elevator at pag bukas nito ay makikita agad na naka sulat Welcome to 3rd floor. Lumakad na ako palabas ng elevator ng biglang...

"Ay anak ka ng kalabaw!" napasigaw ako ng malakas dahil na dulas ako.

"Are you okay Ms.Rodriguez?" tanong sa akin ni Ms.Sandra.

"Yes po pasensya na po, madulas pala," sabi ko, habang naka hawak sa pader.

Nag lakad kami ni Ms.Sandra papunta sa isang glass na office, at naka sulat ang pangalan ko sa labas ng pinto nito.

"Ito ang office mo Ms.Rodriguez," sabi niya.

"Okay po," sabi ko, habang naka tingin sa mga magagandang kagamitan sa loob ng office.

"By the way, never mo akong tinanong about sa salary mo ah," sabi ni Ms.Sandra.

"Oo nga po pala, kahit mag kano po okay lang po sa akin," magalang na pag kakasabi ko.

"500,000 pesos a month for the new employees," sabi niya.

Ano? Halos kalahating milyong piso? Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip? Sobrang laki naman ata ng sahod na iyon para sa akin.

"Ms.Sandra? Parang ang laki naman po ng sahod ko kung gano'n," sabi ko.

"Malaki? Yun ang pinaka mababang sahod dito sa company na ito," sabi niya.

"Ha? Talaga po? Eh mag kano po sinasahod ng ibang employees dito?" Gulat na tanong ko.

"One million pesos, minsan umaabot ng five million pesos," sagot niya.

"Talaga po Ms.Sandra? Grabe!" sabi ko.

"Yes, ang CEO ng company na ito ay sumasahod ng Twenty billion pesos a month minsan umaabot ng Seventy billion pesos," sabi niya.

Wow? Sobrang yaman pala ng company na ito, hindi kaya masasama naman ang ginagawa ng company na ito kaya gano'n kalaki ang sahod ng mga employees?

"Why? I know what you are thinking Ms.Rodriguez, madalas kasi sa mga baguhan ganyan din ang iniisip, kung kumakapit ba sa patalim ang company na ito," sabi niya.

Ang galing naman ni Ms.Sandra, hindi lang siya HR mukhang nag aral din ng Psychology.

"Ah eh hindi naman po sa gano'n Ms.Sandra," sabi ko.

"Ang company na ito ay fifty years na mula nung itinayo, madamin nag sposponsor dito, at madaming stock holders ang company na ito kaya naman gano'n nalang ka lalaki ang kita ng mga employees," sabi niya.

"Isa pa sa iba't ibang bansa ay nakakarating ang products ng Jews Company, at hindi biro ang materyales na ginagamit sa pag gawa kaya sobrang mahal kahit ang isang maliit na alahas," dag dag niya pang sabi.

"Kaya po pala, edi yang suot niyo pong alahas galing po dito yan?" tanong ko, sabay turo sa kwintas na suot niya.

"Ah ito ba? Oo ako bumili nito pinag ipunan ko ito, fifty Million ang pendant palang nito," sabi niya.

Woah? Fifty Million? Grabe edi ibig sabihin ang yayaman talaga ng nag tratrabaho dito.

"Ms.Rodriguez, napa haba ata kwentuhan natin, oras na para mag trabaho goodluck, ayan mga envelope sa likod mo ayan lahat ng tratrabahuhin mo ngayong araw," sabi niya, sabay alis.

Tumingin ako sa likuran ko, jusko po! Nakapa dami siguro mga nasa one hundred plus yung envelope na ito. Kinuha ko na ang isa at binuksan, isang papel lang ang laman kada envelope, at may naka sulat pa. Binasa ko ito, at pinapagawa ng nag sulat sa papel na gawan daw siya ng unique na design ng singsing para sa fiance niya.

"Ito na Amora! Ipakita mo ang galing mo sa pag guhit at pag desenyo," sabi ko, sabay kuha ng lapis at papel sa may drawer ko.

Nag simula na akong gumuhit sa papel, sinunod ko ang mga naka lagay at gustong desenyo ayon sa naka sulat sa papel. Habang gumuguhit ay napansin ko aligaga ang lahat sa labas, para silang mga nag mamadali at naka tayo sa may tapat ng elevator.

"Amora? Amora? Lumabas ka bilisan mo may paparating na boss," sabi nung isang babaeng empleyada din dito, pero hindi ko naman kilala, pero alam niya pangalan ko.

Maya maya pa ay lumabas na din ako, at tumayo din tulad ng ginagawa ng lahat sa may tapat ng elevator ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator.

"Magandang umaga Sir Daniel!" bati ng mga empleyado, at naka yuko pa sila.

Maya maya pa ay napatingin ako sa lumabas sa elevator, isang matipunong lalaki ang lumabas galing sa elevator, matangkad at makisig ang pangangatawan,at mukhang seryoso ang mukha at may dala dala pa itong aso, oo aso hawak hawak niya ang aso siguro alaga niya ito.


Siya na ba ang CEO ng company na ito?  Siya na ba yung sumasahod ng billion? Siguro nga, sabi kasi nung babaeng empleyada din kanina "boss" daw baka siya na nga yung tinutukoy nila.



















                                                       To be continue......

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro